Caelian
Tahimik na pinagmamasdan ko ang puno sa labas ng binatana ng kuwarto ko. Aaminin ko na gumugulo sa isip ko ang kuwento sa akin ni Damien kagabi tungkol kay Miss Heize na ex-girlfriend pala niya.Noong pumunta kami sa booksigning event ay napapansin ko na ang kakaibang tinginan nila subalit hindi ko na lang iyon binigyan ng kahulugan. Tapos kagabi, malalaman ko na lang na siya ang babaeng nang-iwan kay Damien, medyo nagulat ako ngunit sa loob ko ay inaasahan ko na iyon.
Gusto raw makipagbalikan ni Miss Heize kay Damien, at nagtaka ako dahil alam ko na may boyfriend siya tapos hihingiin niya 'yon? At doon ko napagtanto na iisa lang talaga ang ex-girlfriend niya at si Miss Heize, dahil pareho sila padalos dalos magdesisyon. Hindi pinag iisipan. Kung ano ang iniisip niyang tama ay iyon ang gagawin niya. Napabuntong hininga ako ng malalim.
Ngunit may banda sa dibdib ko na natatakot. Ito ang takot na mawalan at maiwan. Yong pakiramdam na may mahalaga sayong kukunin ng iba at aangkinin na sa kanya. Natatakot ako at hindi ko alam kung bakit ko ito nararamdaman.
"Kyrine..."tawag ko sa kaibigan ko na abala sa paglalaro ng mobile game. Halos madurog na ang cellphone dahil sa diin ng pagkakapindot niya.
"Hmmmm?"simpleng sagot niya at nakapokus pa rin sa laro. Humarap ako sa kanya at tiningnan siya"Hays! Ano ba yan! Defeat na naman!"nakasimangot na sabi niya at binagsak ang cellphone, malakas ang loob niya na ibagsak dahil alam niyang malambot ang kama at hindi iyon mawawasak. Pagkatapos ay doon pa lang niya ang tiningnan at nagbago ang reaksyon niya dahil yata sa seryoso kong itsura.
"O-Oh anong meron? Bakit?"nagtataka at may pag aalala na tanong niya.
"Kilala mo si Miss Heize 'diba?"tanong ko sa kanya at lumiwanag ang mukha niya.
"Oo naman! Favorite author natin iyon,'diba? Nakakalungkot nga lang dahil hindi tayo nakapunta sa book signing event niya"malungkot at nanghihinayang na sabi niya.
Hindi niya pala alam na nakapunta ako doon. Biglaan lang din kasi at nakalimutan kong ikuwento subalit hindi naman iyon ang punto ko.
"Ex-girlfriend siya ni Damien"diretsong sabi ko at nanlaki ang mata niya sa gulat.
"What?! For real?!"namamagha na tanong niya. Halatang hindi makapaniwala.
"At gusto niyang makipagbalikan"dugtong ko at mas lalong lumuwa ang mata niya.
"Edi ayos! Support ako! Ahh!--"naputol ang kasiyahan niya nong tumalikod ako sa kanya"Anong kaartehan iyan?"untag niya.
Psh. Akala ko... hays.
"Hulaan ko kaya ka nagkakaganyan dahil hindi ka mapalagay, no?"may pang-aasar sa tono niya. Napairap ako sa hangin.
"Natatakot na ba ang isang Caelian Pangilinan ngayon?"seryoso ngunit may panunukso sa tinig niya, sa madaling ay inaasar niya ako.
"Alam mo gusto ko nga na nandiyan ang ex niya, e..."usal niya at mabilis na napatingin ako sa kanya habang nakakunot ang noo.Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya"Para ma-realize mo na hindi sayo umiikot ang mundo. At ang isang katulad ni Damien na nagmamahal sayo, ay puwedeng mawala sayo kapag patuloy mo siyang hindi pinapahalagahan"nakangising sambit niya.
"Hello people! Hi Ma! Where's Caelian?"narinig ang pamilyar na boses ng isang babae sa labas, nasa sala.
"Omy! Si Ate Caelyn!"sigaw ni Kyrine at patakbong lumabas ng pintuan.
Huminga ng malalim at lumabas na para sumunod.
Naabutan kong nagyakap si Kyrine at si Ate Caelyn - siya ang nakakatandang kapatid ko -saka nagbeso.
"I miss you Ate Cae! Ang tagal niyo naman po kasing umuwi dito sa Pampanga! Sinosolo kaya yata nitong asawa mo e!"nakangusong sambit ni Kyrine at pabirong sinamaan ng tingin si kuya Gerwyn - siya naman ang asawa ni Ate.
Ibinaba ni kuya Gerwyn ang bag na kung saan ang gamit ni Baby Abdiel at lumapit sa asawa saka pinulupot ang isang kamay sa bewang nito. Psh. Edi sila na sweet.
"Ako yata ang na-miss mo Kyrine, e! Hahaha!"pang aasar ni Kuya Gerwyn.
Napatingin si Ate Caelyn sa akin at gumuhit ang natural na ngiti sa labi ko. Honestly, I miss her. Papansin lang kasi Kyrine kaya hinayaan ko muna siya.
Matangkad si Ate Caelyn at mas pumuti siya ngayon. Napaka blooming niya. Kung wala lang siyang anak, iisipan kong dalaga pa rin siya. Maganda si ate, actually mas maganda siya sa akin. Edi siya na diba?
Napabitaw si Kuya Gerwyn kay ate Caelyn dahil lumapit ito sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Oh ayan na pala ang kabit mo kuya Gerwyn, e! Na-miss ka niyan kuya!"inilipat naman sa akin ni Kyrine ang pang aasar. Humalakhak silang dalawa.
"I miss you sis! How are you?"naluluha sa tuwa na tanong ni ate sa akin. Humiwalay siya ngunit magkahawak pa rin ang kamay namin.
"I'm fine. Si Baby Abdiel?"tanong ko at saktong lumabas sa kusina sa mama na buhat si Baby Abdiel.
Lumapit ako kay mama at tuwang tuwa na kinuha sa kanya si Baby Abdiel. Pumalakpak ang kamay niya nang mabuhat ko siya.
"Hi Baby Abdiel! Did you miss your mommy Caelian, huh? Because mommy's miss you!"nakangiting sambit ko at hinalikan siya sa pingi. Nanggigigil na naman ako sa batang 'to. Sarap niya pisil pisilin.
"Nakapaghanda na ako ng tanghalian, kumain na tayo. Sigurado na gutom kayo sa biyahe niyo"pagsingit ni mama at sumunod kami sa kanya. Pumunta kaming dining area at itinuloy ang halakhakan at kuwentuhan doon.
Damien
"Damien! Open the door! May itatanong ako sayo!"panggugulo ng pinsan kong si Abram at malakas na kumakatok sa pintuan ko.
"I-search mo sa google, pre! Wala akong ganang mag-isip ngayon!"sigaw ko pabalik sa kanya ngunit hindi siya nagpaawat.
"Buksan mo na kasi!"sigaw pa niya. Kaya wala akong nagawa kundi tumayo at pagbuksan siya. Nakahawak pa rin ako sa pintuan at binigyan siya ng sapat na siwang.
"Ano ba iyon?"walang pasensyang tanong ko. Gusto ko lang mahiga ngayong araw at magpahinga.
"Anong date ngayon?"napanganga ako sa tanong niya. Ginugulo gulo niya ako tapos ito lang ang itatanong niya sa akin? Anong silbi ng cellphone niya at calendar namin diba?
Para hindi na humaba ang usapan ay lumagpas ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang calendar namin na nakasabit sa dingding.
August 18.
Natuptop ako sa kinatatayuan ko.
"Its your special day! Happy birthday, pre!"dahan dahan akong napalingon kay Abram at may hawak na siya ngayong pabilog na maliit na cake at may nakasulat na "Happy Birthday, Damien! From Poging Abram".
Napangiti ako sa kanya. Walang kupas talaga ang pinsan ko na 'to, hindi niya nakakalimutan ang birthday ko.
"Thank you, pre"usal ko at mabilis na yumakap saka tinapik sa likod.
"Wish ka muna!"sambit niya at sinindihan ang kandila sa gitna ng cake.
Ngumisi ako at napailing. Para naman akong bata nito. Ngunit dahil siya naman ang may handa ay sumunod na lang ako.
Pumikit ako at taimtim na humiling.
I'm wishing for everyone happiness.
Saka ko hinihipan ang kandila.
"Dahan dahan naman sa pag-ihip pre! Nakalimutan ko huminga ng tatlong segundo! Hahahaha!"pang aasar niya at hinila ko naman siya saka iniikot ang isang braso ko sa leeg niya para pabirong sakalin siya.
"Anong sabi mo?! Nag-tooth brush ako woy!"natatawang sabi ko at tumawa rin siya.
"Biro lang! Hahaha! Kain na tayo! Naghanda ng kaunting salo salo natin"
Hi everyone! Sabay sabay tayong batiin ng Happy Birthday si Damien! Hehehe!
Yes, magkaiba ng time frame ang kuwento ko sa totoong buhay dahil iyon po ang gusto ko hahaha! Fiction naman...soooo yeah!
Ano kaya ang next na mangyayari? Hmmm...
See you on next chapter!
-shayyymacho