Download App
40.29% My Wacky Girlfriend / Chapter 27: Chapter 21 - Serious

Chapter 27: Chapter 21 - Serious

 A/N

Tignan niyo si Zuma sa media HAHAHA! Tawang tawa ko diyan. Thanks to @jenniiibellss! :)) At dahil natawa ako, kasama si Zuma sa chapter na 'to. Lol. Try niyo rin po i-play yung youtube link sa media, Who'd Have Known by Lily Allen ♥ Fave! Hehe! :) 40K reads! Just. Wow. Salamat!!!

- Mhariz :3

--

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ko inaasahan ang nagawa ko. Pagsara ko ng pinto ay sumandal ako agad dito, nilagay ang kanang kamay ko sa pinto at unti unting umupo habang nakatingin sa malayo. Parang akong nakadrugs. Hindi pa rin talaga ako makarecover sa kilig na pinaramdam sa akin ni Sky kanina. Grabe lang. Wagas! Hindi pa rin ako makapaniwalang magde-date kami!

"Uchichichi. Nagwawalling ang dalaginding! Kilig much?!" pagsira ni Shibama sa moment ko. Walling pala tawag dun?

"T-Tinitignan ko lang k-kung malinis yung pinto."

"HAHAHA! Sinong niloloko mo, girl? Dali na! Kwento na!"

Hay! Nasabi ko na bang wala talaga akong maitatago dito sa taong ito?

"May date kasi kami mamaya ni Sky." mabilis kong sinabi pero mukhang naintindihan naman niya agad kasi mabilis na kumislap ang mga mata niya.

"OMG!!!! Where?!"

"Hindi ko alam. Wala siyang sinabi."

"Akong bahala sayo. Bibihisan kita. Yung tipong hindi na makakaligtas yang perlas mo! Yiheee!" kumembot pa siya!

"TUMIGIL KA!" bigla kong pagsaway sa kanya. Baka kung anong ipasuot sa akin nito! Baka hindi niya ako pasuotin ng mga salawal!

"Ito naman. Joke lang. Tara! Ayusan na kita."

Sumunod naman ako agad kay Shibama at nagpunta sa make-up area ng kwarto ko. At least, joke lang pala yung kanina. Whew. Kala ko seseryosohin niya eh.

Itinali ni Shibama ang kalahati buhok ko. Naka half pony ako ngayon. Nakakulot din ang ilalim na bahagi nito. Parang buhok ni Ariana Grande. Nilagyan din niya ako ng fake eyelashes na mas lalong nagpaganda ng mga mata ko. Ang ganda. Ang galing talaga ni Shibama. Ramdam kong ang ganda ganda ko.

Nakasuot ako ngayon ng fitted floral dress na tila pinapakita ang kurba ng katawan ko. Nilagyan din niya ako ng ilang magagarang kwintas, hikaw at bracelets. Syempre, nakawedge pa din ako.

"Shibs..."

"Hmm?"

"Baka isipin ni Sky na masyado akong naghanda..."

"Wag ka ngang paranoid, girl! Lagi ka namang maganda! Ngayon mo lang pinansin ang itsura mo kasi ngayon mo lang gustong maging maganda dahil alam mong may date kayo ni Sky!" inikutan niya ako ng mga mata. "Pero believe me, lagi kang maganda. Lalo na sa mga mata ni Sky." at bigla niya akong kiniliti kaya't bigla akong napahalakhak.

"Pero girl, iready mo na ha!" pagdagdag niya.

"Iready ang alin?"

"Ang katawan mo! Physically and emotionally! Siguradong dadalhin ka ni Sky sa sky! And you'll feel the best feeling in the world!" tili niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Basta. Kwentuhan mo nalang ako after. Yiheee!" at tinuloy niya ang pangingiliti sa akin.

Dadalhin ako ni Sky sa sky? Sa langit? Paano naman niya magagawa yun? At ano ba yung best feeling in the world? Nakakaexcite naman, kung ano man yun.

Alas nuebe ng gabi nang dumating si Sky para sunduin ako. Nakuha agad niya ang atensyon ko sa napakagwapo niyang aura. Simpleng black shirt at pants lang pero ang lakas lakas talaga ng dating niya. Kaya pala marami talagang nagkakandarapa sa kanyang mga kababaihan. At hindi lang kababaihan, kung hindi pati na rin sangkabaklaan. Lalo na itong si Shibama, na kagat labing nakatingin sa ano ni Sky. Sa ano. Sa err. Kadiri! Pwedeng magsuka?

"You look extra gorgeous today, Ynna." panimula niya na kinainit ng mga pisngi ko. Sabi ko naman kay Shibama eh, nasobrahan talaga ako sa paghahanda! Nakakahiya!

"Ah... Talaga... Salamat... Kay Shibs..." putol putol kong pagkasabi. Anong nangyari sa dila ko?

"Shall we?"

Tumango nalang ako. Hinawakan ni Sky ang kamay ko at akmang aalis na kami ng condo nang biglang narinig namin ang pagbagsak ni Shibama sa sahig. Nang tinignan namin siya ay nangingisay siya at nanginginig na para bang may kung anong sakit. May sakit ba si Shibama? Hindi pwede! Kahit ganyan yan ay mahal na mahal ko ang baklang yan!

"Shibs! Anong nangyayari sayo?! Huy!" nagpapanic akong tinanong siya.

"You okay? You want to go to the hospital?" tanong naman ni Sky. Pero blanko lang ang kanyang reaksyon.

"HAHAHAHAHAHAHA!" tumayo si Shibama na para bang baliw. "Ganito lang talaga akong kiligin! Chupi na nga kayo! Baka agawin ko pa sayo yang armas ni Sky!"

Nakahinga naman ako dun ng maluwag. Ang akala ko ay may sakit si Shibama eh. Humihiga at nangingisay ba naman sa sahig kapag kinikilig? Grabe naman. Parang mas malala pa siya sa akin eh! Sila nalang kaya magdate! At anong armas? May baril bang dala dala si Sky? Balak ba niya akong patayin sa date na 'to? Waaa!

"Papa Sky..." panimula ni Shibs. "Wag masyadong wild kay Ynna ha? Baby girl pa yan." at kinindatan niya ito.

Wild? Armas? Baril? Anong binabalak niya?!

"Sure." sagot sa kanya ni Sky.

"HOY!" kinwelyuhan ko si Sky. "Papatayin mo ba ako? Anong armas? Anong wild? May baril ka noh?"

"The hell?" sagot niya.

"Girl!" singit ni Shibama. "Put papa Sky down! Papatayin ka niya, yes!"

"ANONG SABI MO?!?!" sabay naming wika ni Sky.

"Papatayin ka niya sa saraaaap!" malanding sagot ni Shibama habang nakapikit pa ang mga mata niya at hinahawakan ng paunti-unti ang mga maseselang bahagi ng katawan niya. Yucks!!!

Habang nag-iimagine pa ng kalandian si Shibama ay kinuha na ulit ni Sky ang kamay ko at lumabas na kami ng condo at dumiretso sa kotse niya. Iniwan namin si Shibama na nagdedaydream! Wahahaha! Pero bago pa man kami makaalis ay may narecieve akong text message galing kay Shibama.

Shibama Castro:

How dare you make iwan me! Hmp! But hey! Enjoy the night, lovely girl! Love you!

Napangiti nalang ako habang si Sky naman ay nagdrive na sa kung saan man kami papatungo.

***

Huminto kami sa lugar na tinatawag na Harbor Square kung saan buhay na buhay ang paligid kahit na gabi na. May mga coffee shop, bar, at iba't ibang restaurant dito. Malakas din ang tunog ng musika. May mga ilang batang naglalaro din sa park nito ng mga makukulay na bagay na ibinabato nila sa kalangitan. Kahit ngayon palang ako nakarating dito ay tila mahal ko na ang lugar na ito.

Ipinark ni Sky ang kotse niya, pinagbuksan ako ng pinto, hinawakan ang mga kamay ko at dumiretso kami sa isang restaurant na nangangalang Sizzling Pepper Steak. Pagpasok palang ay nalanghap ko na ang mabangong amoy ng baka. Nagutom tuloy ako bigla! Naeexcite na akong kumain!

Pinaupo kami ng isang magandang waitress sa pwesto namin. Ewan ko ba pero biglang nainis nalang ako bigla doon sa waitress kasi grabe siya kung makangiti kay Sky. Si Sky lang ang tinignan niya. Napaghahalataang inaakit niya ito. Kala yata niya ay papatulan siya ni Sky. Feelingera siya.

"Ynna, what yours?"

"Yung best seller. Pati na rin mango shake." tipid kong sagot sabay irap sa waitress. Ha!

Dumating ang order namin sa kakaibang plato. Ito yata yung tinatawag nilang 'sizzling plate'. Kitang kita ko ang usok galing sa sineserve nilang pagkain sa akin. Nakita ko yung inorder kong baka na medyo hilaw pa. Namumuro na talaga sa akin 'tong waitress na 'to ah. Balak ba niya akong pakainin ng hilaw para masolo na niya si Sky? Bakit yung binigay niyang carbonara kay Sky ay luto naman?! Kala niya mapapatay niya ako gamit ang hilaw na pagkain?! Eh kahit siya mismo ay kaya kong kainin ng buhay eh!

Agad agad kong tinusok ng tinidor ang baka ko kahit na mukha pa itong hilaw. Wala na akong pakialam kung hilaw man ito o luto, ang alam ko lang ay nagugutom na talaga ako.

"Wait! That's not yet cooked." pagtigil sa akin ni Sky. "Wait for around three minutes more."

"Gutom na ako." pinanlakihan ko siya ng mata.

"Ynna..." may pagbabanta sa boses niya kaya naman ay napilitan akong hintayin muna na medyo maluto ang baka ko gamit ng sizzling plate.

"Suntukin ko yang waitress na yan eh." bulong ko sa sarili ko.

"What did you say?"

"Wala."

"Are you jealous of the waitress?" humalakhak siya.

"Hindi noh! Bakit naman ako magseselos dun!" medyo naging malakas ang boses ko.

"You don't have to feel jealous to anybody. You're the only girl I see right now." seryoso niyang sinabi na tila naging dahilan ng pamumula ko.

Nag-iwas ako ng tingin at tumahimik sandali bago ko nakuha ang lakas ng loob para magsalita muli.

"Hoy... Tungkol dun sa ginawa mo kanina..." hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Bakit parang nahihiya ako? Parang nararamdaman ko pa rin kasi ang mga labi niya eh. Waaa! Nababaliw na talaga ako.

"The kiss?" mapang-asar na smirk ang ibinigay niya sa akin. Hindi ba siya naiilang? Ako lang ba talaga?

"O-O-Oo." sinubukan kong makipagtitigan sa kanya. Kapag nag-iwas nanaman ako ng tingin ay baka makahalata na siya.

"What about it? You liked it?" nakasmirk pa din siya.

"Sky, hindi mo ako pwedeng halikan nalang ng ganun basta basta."

"And why?"

"Wala yun sa kontrata natin. Wala yun sa rules. At higit sa lahat, wala naman sila Farrah."

"I don't follow rules, Ynna." wika niya.

"Sky, hindi lahat ng bagay ay tungkol sayo at sa rules."

"What do you mean?"

"H-Hindi mo kasi ako kilala." umiling ako.

"That's why we're on a date. I want to know more about you."

"Hindi magandang ideya iyan, Sky. Kung ano man yang iniisip mo, itigil mo na yan."

"Why?" mapanuri ang kanyang mga mata.

"Dahil masama akong tao. Mas masama pa ako sa inaakala mong ako." seryoso kong sinabi sa kanya.

"You know what? You are just underestimating yourself. You are kindest I've ever known. You are close to perfection. And I don't care what you say about yourself. I regret not knowing you before. And now that I have a chance, I can even spend forever just to know you."

Hindi na ako nagsalita pagkatapos nun. Nagkakamali ka Sky. Hindi ako mabait. Mapangsamantala ako. Oportunista. Masyado na yatang naging maganda ang imahe ko sa paningin ni Sky. Mas lalo ko lang siyang masasaktan sa huli. At hindi ko kakayaning makitang masaktan siya.

Mabilis kong kinain ang baka ko nang nakita kong medyo naluto na ito. Wala pa yatang limang minuto ay ubos na ito. Gutom na gutom na kasi ako eh. Lahat din ng atensyon ko ay ipinukol ko nalang sa pagkain para naman ay hindi na muna kami mag-usap ni Sky ng kung ano ano. Masyado pa akong gulat sa mga sinabi niya sa akin kanina.

"Sky, CR lang ako." sabi ko sa kanya pagkatapos kong maubos ang mango shake ko. Nilaklak ko para mabilis.

"Sure." ngumiti lang siya.

Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay. Kasabay nun ang pagpasok ng malanding waitress kanina. Bakit siya nandito? Di ba CR to para sa mga customers? Pati ba mga waitresses ay dito din nagCCR? Cheap ha!

Hindi ko nalang siya pinansin at itinuloy ko ang paghuhugas ko nang bigla siyang nagsalita.

"Hello. Pasensya na ah. Mukhang naiinis ka yata sa akin kanina. Masyado yata akong napatingin sa boyfriend mo."

"Hindi ko siya boyfriend." matipid kong sagot. Tss. Ayoko siyang kausap.

"Ganun ba? Edi pwede pala kaming---"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Kung nakakamatay lang ang mga mata ko ay kanina pa siya duguan sa sahig. Huwag lang siyang lumapit kay Sky! Makakatikim talaga siya sa akin!

"Joke lang. Ito naman. Natutuwa lang ako sa kanya. Naaalala ko kasi sa kanya yung asawa kong namayapa na."

"H-Ha? May asawa na ka?" tanong ko. Ayokong maging tsismosa pero nagulat talaga ako. Masyado pa siyang bata para magkaroon ng asawa. Mukha kasing kaedaran ko lang siya.

"Oo. Maaga kaming kinasal kasi alam naming pareho na maaga ring matatapos ang buhay niya." lumungkot ang mga mata niya.

"S-Sorry..."

"Alam mo. Mahal na mahal ka nung lalaking kasama mo. At nakikita kong mahal mo rin siya. Pero nakikita ko rin sayo na may kung anong pumipigil sayo para mahalin siya."

Tinignan ko lang siya kaya naman ay nagpatuloy nalang siya. Sapul na sapul sa akin yung mga sinabi niya eh. Wala akong masabi.

"Alam mo, kung ano man yang pumipigil sayo. Hayaan mo na muna yan ngayon. Bigyan mo ng chance ang sarili mong magmahal at mahalin din pabalik. Walang may alam kung gaano kaikli nalang ang kandila nating lahat para mabuhay sa mundo. Maaaring malakas tayo ngayon, mahina na tayo bukas."

"Ang buhay ng tao ay isa lang. At ang tunay na pag-ibig ay minsan lang kung dumating. Maraming naghahangad pero hindi lahat ay pinagbibigyan. Huwag mo sanang sayangin ang pagkakataong binigay sayo."

"Kung may masasaktan sa huli, masaktan siya. At least di ba naging masaya kayo kahit sandali? Parang kami ng asawa ko, alam kong iiwanan niya ako pero kinuha ko pa din yung chance na maging kami kahit sandali lang. Kasi mababaon ko ang mga memoryang iyon habang buhay. At iyon ang mga memoryang patuloy na nagpapalakas sa akin na harapin ang bawat hamon ng buhay."

"Huwag kang matakot masaktan, manakit, umiyak, tumawa o umibig. Ramdamin mo lahat ng emosyon. Feel it. Because it's what makes us human. Life is short. Give all the love you can give while you still can. Don't ever try to hold back. Because sometimes, love conquers all." huling sabi niya bago siya umalis ng CR at bumalik sa pagseserve.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Masyado ko yatang ramdam ang mga bawat katagang binitawan niya. Nasa labas at naghihintay sa akin ang lalaking pinakamamahal ko. At eto ako, nagdadalawang isip kung susuklian ko ba ang pagmamahal niya o hindi. Masyado ba akong nagbubulagbulagan? Hindi ko na rin talaga alam. Pero mahal nga talaga kaya niya ako?

"What took you so long?" tanong ni Sky pagkabalik ko sa upuan.

"Ah. Wala. Natae kasi ako. Grabe nga eh, color green. Pasabog pa yung paglabas. Hehehe. Happy new year!"

"Did you cry?"

"Ha? Hindi. Ay. Oo. Kasi 'di ba kapag tumatae minsan naiiyak tayo kapag hindi natin mailabas? Wahaha! Naiyak ako kasi alam mo na, medyo madami." bulong ko sa kanya.

"Gross." nakita kong nandiri ng mukha niya. Bahala siya. Wala akong paki. Tss.

"Anyway..." panimula muli niya. "Next week na ang pageant."

ANO?!

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Anak ng! Oo nga pala! Halos nalimutan ko na na may sinalihan pala kaming pageant! Ni hindi man lang kami nagprapractice ni Sky. Anong talent nalang ang ipapakita namin? Bokya ang kalalabasan namin nito! Mapapahiya ang buong ECB kung sakali!

"Lagot!!! Kailangan nating magpractice!!!" malakas ang tinig ko. Wala na rin namang tao sa paligid. Pasara na kasi.

"We'll practice what?"

"K-Kahit ano! Tara! Mapapahiya ang ECB kapag walang kwenta ang magiging performance natin!"

"We'll practice now?"

"Oo! Sa labas! Sa park! Tara!" nagpapanic pa din ako.

"Uh, okay." sumunod nalang si Sky sa paghihila ko sa kanya.

Magprapractice sana kami. Ayun naman talaga yung balak kong gawin. Pero may nagbigay kasi sa akin ng flyers na nagsasabi na kabubukas lang ng bagong horror booth sa Star City. Kaya naman ngayon ay nasa kotse na kami ni Sky papunta sa Star City! Malapit lang kasi ang Star City sa Harbor Square. Noong una ay ayaw pa niya akong samahan pero buti nalang ay nakuha siya ng puppy dog eyes ko. Alam naman kasi niyang matagal ko nang gusto pumunta sa horror booth eh. Ngayon pa ba niya ako pipigilan?

"Hey." sabi niya habang nagdradrive. "I won't join you inside that horror booth."

"Ha?!?! Bakit?!?! Wala akong kasama!!!"

"You want it. Then you go alone." seryoso pa din siya sa pagdradrive.

"Takot ka ba sa multo?" tanong ko.

"Of course not! I-I just don't like those silly things! They're for kids!" sabi niya sabay iwas ng tingin sa akin.

"Takot ka eh!!!" inasar ko pa.

"HELL NO!"

"Edi patunayan mo! Samahan mo ako sa loob!"

"Tss! Shit! Fine!"

"Yey!!!"

"But I have a condition."

"Ano?"

"If I say yes then you should say yes too."

"Huh? Saan ako magyeyes?"

"Sa tanong ko mamaya." sabi niya. Seryoso.

"Huh? Paano ako magyeyes kung hindi ko pa alam ang tanong? May saltik ka ba?"

"Kung ayaw mo edi wag." sabi niya sabay kinaliwa ang kotse palayo sa direksyon sana ng Star City.

"Waaaa! Oo na! Samahan mo lang ako! At kung ano man yang tanong mo. Oo na! Ngayon palang nagyeyes na ako! Ano! Okay na? Ibalik mo na sa Star City, please! Gusto ko talagang matry yung horror booth!" pagmamakaawa ko.

"Sure." nakangiti niyang sinabi. Problema nun?

***

Alas nuwebe nang sunduin ako ni Sky sa dorm. Alas dyes nang nakarating kami sa Harbor Square. Alas onse nang natapos kami kumain. At ngayon, alas dose na ng madaling araw at kaharap namin ngayon ang pinakabagong horror booth ng Star City, ang 'Nightmare Sanctuarium'.

"You're not gonna let us in there, not today, not at this time of the day." natatakot na sinabi ni Sky. Duwag pala 'to eh!

"Naduduwag ka ba, Sky?" nakangiti kong tanong.

"No! It's just... Dangerous!"

"Booth lang yan! Joke joke lang yan!"

"Kahit na!" sigaw niya. Kita ko talagang natatakot siya.

"Kung ayaw mo edi wag! Ako nalang mag-isa! At huwag mo akong mapapa-yes sa tanong mo! Diyan ka na nga!" sabi ko at akmang aalis na para pumasok mag-isa sa Nightmare Sanctuarium.

Pero bago ako tuluyang nakapasok ay hinila niya ang braso ko at sumabay siya sa pagpasok ko sa madilim na entrance.

Mga nakakatakot palang na tunog ang bumulaga sa amin pagpasok namin pero bigla nalang akong niyakap ni Sky. Tinignan ko siya para itaboy pero nakita ko ang mga mata niyang nakapikit sa sobrang takot.

Posible kayang naduduwag talaga si Sky? Kung normal na pagkakataon ito ay sana'y tinawanan ko na siya. Pero parang may mas malalim na pinanggagalingan ang mga takot sa mga mata at kilos ni Sky ngayon. Napakahigpit ng mga yakap niya sa akin na tila ba parang ako nalang ang pinanghahawakan niya para mabuhay.

Hindi ko lubusang maisip kung bakit pa siya sumama sa akin dito sa loob kung takot na takot talaga siya. Pwede naman niyang hayaan nalang ako mag-isa eh. Masyado ba kayang importante ang itatanong niya sa akin mamaya? Masyado bang big deal sa kanya ang pagsang-ayon ko sa kanya? Sumama lang kaya siya sa akin para hindi ko siya asaring duwag? O sumama lang siya sa akin para mayakap ako o kaya naman matsansingan ako?

Ang daming tanong sa utak ko pero hindi ko pa rin mapagtanto kung ano talaga ang tunay na dahilan ni Sky. Masyadong malabo at mahirap basahin ang taong ito. Pero hindi ko rin maiwasang ngumiti dahil sa pagkakayakap niya. Malandi na kung malandi pero kinikilig talaga ako. Buti nalang at may horror booth kaya naman ay naka free hug pa ako kay Sky. Ang saya naman ng kinahantungan ng date na ito!

May isang parte sa pag-iisip ko na nagsasabi na itigil ko ang mga kahibangan ko kay Sky pero ang isang parte naman ng utak ko ay sinisigaw na sana huwag nalang matapos ang gabing ito.

"FUCK! FUCK! FUCK!"

Nagsimulang magmura si Sky nang may biglang nahulog na pugot na ulo mula sa bubong ng horror booth. Ni hindi man lang ako nagulat kasi nakita ko pa ang kamay na naghulog dito eh. Pero mukhang malaki ang naging epekto nito kay Sky.

"FUCK IT!!!!!"

Nagmura nanaman si Sky nang may biglang bumukas na mga pekeng kabaong na tila parang hinihila kami na mapahiga sa loob nun. Hinahawi ni Sky ang mga kamay na humihila habang yakap yakap pa rin niya ako sa kabilang braso niya.

"STOP TOUCHING MY GIRL!!!!"

Sigaw ni Sky na ikinatigil ng lalaking naka Zuma costume na balak sanang hawakan ako. Nagsorry ako sa lalaki at tumango naman siya at nagsimulang manakot ng iba. Dapat ay maiinis ako kay Sky pero pambihirang kilig lang ang nadama ko lalo na yung narinig ko yung 'my girl'. Nakakabaliw na talaga ito. Hindi ba dapat natatakot ako kapag pumasok sa horror booth? Eh bakit simula pagpasok hanggang paglabas ay kilig lang ang naramdaman ko?

Nang nakalabas kami sa horror booth ay hinihingal na hinawakan ni Sky ang kanyang mga tuhod. Medyo naguilty tuloy ako. Hindi ko naman alam na ganun pala siya katakot sa mga multo-multuhan. Mukhang mawawalan pa yata siya ng boses dahil sa dinami dami ng sigaw at mura na inabot sa kanya ng mga nananakot.

"Sky... Sorry. Hindi ko naman alam na---"

"Don't say sorry. I wanted to go inside with you. It's my choice." ngumiti siya pero kita ko parin ang takot sa mga mata niya.

"B-Bakit ka takot sa mga multo?" hindi ko napigilan ang chismosa kong bunganga. Para bang may sarili itong buhay. Tss!

"Long story."

"Handa akong makinig!" masaya kong sinabi.

Tinignan lang niya ako ng masama. Mukhang ayaw talaga niyang ikwento sa akin. Edi wag.

Nang nakarecover na siya sa takot ay ngumisi nanaman siya. Bipolar talaga. Kanina masama ang tingin sa akin tapos ngayon nakangising parang aso. Hala ka. Baliw.

Hinila niya ang bewang ko at inilapit niya ang mukha niya sa akin.

"Don't you dare change the topic." sabi niya.

"Anong topic?" wala namang topic 'di ba?

"My question. My question where in you have to say yes or yes."

"Ah. Oo. Ano ba kasi yun?" tanong ko. Medyo naiintriga na rin kasi ako kung ano ba talaga yun kasi bakit ko napapasok si Sky sa Nightmare Sanctuarium dahil doon. Ang weird.

"It was supposed to be a question but since you just said yes, I'll just make it a statement."

"Ano ba kasi nga yun?"

"I faced my fear of ghosts for you so you have to make up for that. Big time."

"Pa suspense ka pa! Ano nga kasi? Anong oras na oh!"

"I'm serious." sabi niya na may seryosong mukha.

"Kita ko nga." pagbibiro ko pero hindi natinag ang kanyang seryosong ekspresyon.

"I'm serious about you."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Ano daw?

Seryoso siya sa... akin?

Tinignan ko lang siya gamit ang aking gulat na itsura kaya naman ay nagpatuloy pa siya.

"I'm serious about us." pagpapatuloy niya.

"Sky..." hindi ako makaisip ng sasabihin. Ano bang dapat kong sabihin sa ganitong sitwasyon? Wala akong ideya! Unang beses palang may nagsabi sa akin ng ganito!

"And I'm serious about breaking the fucking contract."

Ang k-kontrata?

Ang kontrata pala ang gusto niyang i-break at hindi ang mukha ko, perlas ko o kung ano pa man.

Anong gagawin ko? Matutuwa ba ako? Malulungkot? Tatalon sa saya? Tatakbo? Sasabihin ang totoo? Kikiligin? Iiyak? Mahihimatay? Magwawalling ulit? Matutulala? Nganganga? Ano ba?!

HINDI KO ALAM!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C27
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login