Flashback:
"Uy, kapag may nakalimutan ako, huwag mo munang ipaalala. Basta pipilitin kong tandaan."
"Ahh okay parang assignment lang ganun?"
"Oo hahahah. Basta kahit na ano pa 'yan."
"Ahh okay parang time saka place ng practice ganun?"
"Oo nga. Kahit na ano."
"Okay, sabi mo eh."
***
Vanessa's POV
Sabi na ba at hindi ako matitiis ni BJ. I apologize about everything happened. Manonood kami ng horror movie ngayon na favorite ni Matt.
"Wahhhhh!"
T-tama ba ako ng narinig?
"Wahhhhh! OMG! Magtago ka!"
T-tama ba ulit ako ng narinig? Si Matt ba talaga 'yon!? A-ang tinis ng boses niya!
"Vaness? Tulala ka diyan?" Nagtatakang tanong sa akin ni BJ.
"S-si Matt...Hoy Matt! Hindi naman gaanong nakakatakot 'yang palabas ha! Umamin ka nga! " Sigaw ko kay Matt.
"Uhmm..ahh..ehh..ihh..'lam mo na hehe."
"Arghhhh, bakit 'di ko nahalata!" -Ako.
"Bakit? Tsk. Alam kong maraming nagkakagusto sa akin noh. Sorry Vaness, better luck next time." Pagyayabang ni Matt.
Duhh. Akala niya may gusto ako sa kaniya. Crush lang naman konti.
"'Wag ka masyadong assuming bakla! Oo pogi ka pero 'di kita gusto! Duhh, mas maganda ako sa 'yo." Pagtataray ko.
Napansin kong nawawala ang mga squash seeds na inipon ko matapos tanggalin bawat isa ang mga balat nito.
"Sino kumuha ng squash seeds ko!"
"Oh, malayo ako sa 'yo!" - Pagdedepensa ni BJ.
"Bakit sa 'kin ka nakatingin?! Oy, Wala kang ebidensiya te!" Pagdedepensa rin ni Matt.
"Oy Matt, ikaw lang ang malapit sa 'kin!"
"Ilabas mo muna 'yung Stick-O ko!" - Matt.
Hanggang sa matapos na kami sa pag-aaway ni Matt, napansin ko si BJ na nakahawak sa ulo.
"Oy BJ, anong iniisip mo diyan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya
"Kung sakali bang may dadalawin kayong puntod, bouquet ba ibibigay niyo? 'Yung binibigay ng mga nanliligaw?"
Bigla talagang may nabubuo sa utak ng babae na 'to.
"Ako, hindi." Sagot ni Matt.
"Uhmmm...depende sa pagbibigyan saka sa magbibigay." Sagot ko naman.
Mukhang hindi siya makapaniwala sa ginawa ni sir. Sabagay, nakakapagtaka nga naman.
***
Bliss Joy's POV
Paniguradong bangag na bangag na kaming tatlong papasok nito. Abutin ba naman kami ng pasado 10:00 ng gabi. Gayunman, mukhang maswerte ako ngayong araw. Nagbasa ako kanina ng diyaryo at tumungo ako sa horoscope. Nakalagay na matatagpuan muli ng mga may zodiac sign na Sagittarius ang kanilang...ano nga ba ulit 'yon? Basta naaalala ko mukhang maswerte kami ngayong araw eh.
"Bayad po." Pakikisuyo ko. Ang tulog kong diwa ay biglang nagising ng makilala kung sino ang nag-abot ng bayad ko.
"G-goodmorning po sir."
"Goodmorning." Bati niya sa akin habang walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha. Mga tatlong talampakan lang ang layo namin sa isa't isa. Bakit parang hindi ako mapakali? Nakakainis naman!
Ang awkward. Nakamasid lang siya sa labas. Hindi pa naman ako madaling maka-close sa mga nagiging teacher ko. Bakit naman kasi kaming dalawa lang ang pasahero ngayon.
Maya-maya ay may sumakay na couple at pumwesto sa tapat namin. Obvious naman dahil naka-couple shirt sila. Nagsusubuan pa sila ng pagkain; picture dito, picture doon. Ang awkward talaga ng mga kaganapan dito!
Malapit na kaming bumaba. Sabay naman kaming bababa sa kanto 'di ba kase sa school din naman patutunguhan namin? Ako ang malapit sa babaan kaya ako unang bababa 'di ba? Tama 'di ba? Nakakainis! Ang daming gumugulong tanong sa isip ko.
"Sa kanto lang po kuya." Pag-para ni Sir Richards kay manong driver.
Okay. Mauuna na akong bababa. Pahinto pa lang ang jeep pero tumayo na ako pero bigla itong pumara at muntik na akong masubsob pero mabuti na lang at...
"Mag-ingat ka." Seryosong sabi ni sir sa aking likuran malapit sa kanan kong tenga. Napakalamig ng boses niya. Ramdam ko ang kanan niyang braso na nakayakap sa bewang ko habang ang kaliwang braso niya ay nakahawak sa bakal na hawakan ng jeep.
"T-thank you po sir."
Agad akong bumababa ng jeep at kusa na rin siyang bumitaw sa pagkakayakap niya sa akin. Ramdam ko na nasa likod ko lang siya. Dire-diretso lang ako hanggang sa pagtawid ng biglang may mabilis na motor na papunta sa direksyon ko. Napakabilis ng pangyayari at mabuti na lamang, nahatak agad ako ni Sir Richards at...sh*t! Bakit nakayakap ako sa kaniya?!
Hawak hawak niya ang kamay ko hanggang sa makatawid na kami ng kalsada.
"I told you to be careful right? Please. Just...just be safe okay." Nakatitig siya sa mga mata ko habang nakahawak sa magkabila kong braso noong sinasabi niya ang mga katagang iyon. Puno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. Iniwan niya akong nakatulala sa kawalan at hindi ko pa rin lubusang maisip ang mga naganap.
Bumalik ako sa aking katinuan at naalalang...kailangan kong gumising sa realidad! Kailangan ko nang dumiretso ng school. Habang naglalakad, natatanaw ko pa rin siya. Pagkapasok ng gate ay dumiretso siya sa isang motor na naka-park malapit sa gate. Mukhang may inaayos siya doon. May motor naman pala siya, bakit kaya kailangan niya pang sumakay ng jeep?
Nakatingin lang ako sa direksyon niya habang naglalakad at nagkatinginan kami. Gusto ko nang maging invisible sa mga oras na 'to. Sobrang nakakahiya na! Dagdag pa sa kahihiyan ay nang may mabangga akong babae. Mukhang mayaman siya batay sa pormahan at tindig niya.
"Ay! S-sorry po."
"Malabo ba 'yang mata mo para hindi mo ako makita?!"
"Pasensiya na po talaga." Paghingi ko ng tawad. Nagso-sorry na nga ako eh. Attitude ka sis.
"Ms. Laurent, dumiretso ka na sa class mo."
Seryosong pagkakasabi ng isang boses lalaki na nasa likod ko. D-don't tell me. Si Sir Richards ulit 'yon?! Tumingin ako sa likod ko at tama nga!
"S-sige po sir. Pasensiya na po." Dali-dali na akong naglakad. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Pati rin utak at baga ko, tumitibok na. Ano na namang kahihiyan ang ginawa ko?! Mukhang nakikipagsukatan pa ng tingin si Sir Richards sa babaeng nabangga ko kanina. Akala ko pa naman maswerte ako ngayong araw. Sabagay, ilang beses na niya akong niligtas.
I never thought that the demon I called before was my angel and savior.