Download App
75% UNDER THE RAIN / Chapter 9: Chapter 7 : Is this the real Vanessa?

Chapter 9: Chapter 7 : Is this the real Vanessa?

Flashback

"T-tama na! Tumigil ka na!"

"Awatin niyo siya!"

"Tama na please!"

"Umalis na tayo!"

"Sa'n ka pupunta?"

"Hoy! Ano ba! Sumagot ka!"

"Huwag ka munang umalis!"

"Huwag ka munang bumiyahe! Delikado. Umuulan ngayon!"

"Makinig ka naman please!"

***

Bliss Joy's POV

"Uy be, sure ka ba?" Ilang beses na paulit-ulit sa akin tinatanong ni Matt.

"Oo nga! Ang kulit mo! Magaling yata ako kapag mag-isa!"

"Okay, fine. Makakapartner ko si Vaness the evil."

Matthew's POV

"Masyado ba talagang mabait 'tong si BJ?" Tanong ko sa aking sarili.

"Oo naman."

What the fluck! Tama ba ako ng narinig? Coming from her.

"Excuse me, ikaw ba 'yung sumagot?"

"May iba ka pa bang kasama?" Malungkot na pagkakasabi sa akin ni Vaness.

"Wow. Kilala mo siya?"

"Malamang. Sasagutan ko ba 'yang tanong mo kung hindi ko siya kilala?" Malungkot tas biglang nag-iba ang tono niya. Wow ha.

Aba! Ang sungit nito ah. Dapat nga cute siyang sumagot kasi obvious naman na may gusto siya sa akin, tsk.

"Paano mo siya nakilala?"

"Ang dami mong tanong! Tapusin na lang natin 'tong activity."

Naguguluhan ako ha. 'Yung tetee? Mabait naman pala pero pinagbintangan niya si BJ. May sayad yata 'tong babae na 'to eh. Is she out of her mind? Si Vaness ba 'tong kasama ko o sinasapian lang siya?

Vanessa's POV

Ang kulit naman nito. Ang daming tanong. Eh sa kilala ko naman talaga si BJ eh.

Bwisit na babae na 'yon. Dapat gumanti man lang siya sa akin. Dapat niligtas man lang niya ang sarili niya. Dapat hindi niya hinayaan na mag-isa lang siyang gagawa sa activity. Nakakabwisit! Hindi man lang niya naisip ang sarili niya tapos nagpaulan pa noong nakaraan. Gaga talaga.

"Nasaan na ba 'yung gunting? Kainis naman." Narinig kong naiinis na siya kakahanap sa gunting niya.

"Oy babae! Eto, gamitin mo. Hindi naman kumikilos 'yung isa diyan sa activity namin." - Ako

"Are you referring to me Vaness?" - Matt

"Isn't it obvious?" - Pagtataray ko kay Matt.

"Ahh okay. Muchas gracias Vaness! ¡Es usted tan amable!" - BJ

Tama ba ako ng narinig?...

Si BJ, nag salita na ulit ng ibang lengguwahe?...

"Wow! Ulitin mo nga sinabi mo BJ. Ang cool!" - Matt

"Huh? 'yung ano?" - BJ

"'Yong parang Spanish." - Matt

"Uhmmm...ano nga ba ulit sinabi ko?" - BJ

"H-hindi mo ba natatandaan BJ?" Curious kong tanong sa kaniya.

Ang tanging naisagot na lamang niya ay "Hindi eh."

Pero may pag-sa pa naman 'di ba?

***

Fast forward...

Bliss Joy's POV

Natapos na ang 1st sem at heto ako ngayon...nakakalimutan pa ring magdala ng payong. Kung kailan talaga kailangan naku. Tamang tambay na lang ulit ako dito sa waiting area.

"Sumabay ka na. Mahuhuli ka pa niyan sa klase ko."

T-totoo ba 'to o panaginip lang? Si Sir Tristan? Nag-aalok na makipayong ako sa kaniya?

"S-sir, patitilain ko na lang ho ang ulan."

"Sige na. Hindi na kita hahayaang mabasa."

"A-ayos lang po talaga sir."

Ilang beses na akong umiling at humindi sa kaniya pero pilit niyang hinatak ang kamay ko kaya't pareho na kaming nakasilong sa dala-dala niyang payong.

"S-sir Tristan, ayos lang naman po talaga ako eh."

"Sa 'yo ayos, pero sa akin hindi."

Habang naglalakad kami ay nakahawak pa siya sa aking balikat na para bang ayaw niyang madaplisan ako ng kaunting ulan. Mabuti na lamang at wala pang estudyante dito sa loob ng school dahil sobrang aga kong pumasok para sana magkabisado ng line ko sa role play. Mahirap na kung may makakita sa amin ni sir at kung ano pa ang isipin.

"Dito na lang po sir. Salamat."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C9
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login