Nagsimula na ang special class at training ko sa Lunaire. Tuwing weekdays, kailangan kong aralin ang tungkol sa moon magic, white magic at iba't-ibang uri ng magic sa klase ni Prof. Beatrix kahit one-on-one kami. Kailangan ko rin sauluhin ang mga iba't-ibang incantations na nasa Book of Lunaireian Spells, mapa offensive or defensive spells, kung paano gumamit ng teleportation magic, mind reading, tamang pagbabasa ng mga runes at kung anu-ano pa. Dahil rito, parang nabibiyak ang ulo ko. Nakakahilo ang mga nababasa kong "terminologies". May times na sobrang strict ni Prof. Beatrix though she looks calm. Kaunting mali ko lang sa pag-cast ng magic spell, pina-uulit niya ako. May oras naman na pinipilit kong idilat ang mga mata ko kapag nagkaklase na siya. Sino ba naman ang hindi aantukin sa quality ng boses na mayroon siya. Malamig, malambing at mahina ang kaniyang boses when it comes to teaching.
Tuwing weekends naman, Physical Education class naman ang pinapasukan ko, ang subject ni Prof. Rudolf. He taught me how to perform the basics first- exercises. Malamang, back to the top ako. From stretching, sit-ups, curl-ups etcetera. But, I need to comply since I accepted their offer and this city was my hometown originally. Surprisingly, sa klase ni Prof. Rudolf, kasama ko si Loki. Paborito raw kasi niyang professor si Rudolf at lagi silang nag-uusap, not only magic but also about martial arts. Hindi sumasama si Loki sa special class ko kay Prof. Beatrix dahil boring daw at alam na niya lahat ang mga pinag-aralan ko. Niyayabangan pa niya nga ako na kayang-kaya niya akong turuan ng mga spells na kayang ipanlaban sa mga hell hounds. Natatawa ako sa mga sinasabi at ikinikilos niya. Parang kasi siyang bata. Pero, lumulukso sa tuwa ang puso ko kapag magkasama kami at ganito ang kaniyang attitude kapag kami lang dalawa.
"Mira, tara gala muna tayo habang hindi pa tumutunog ang bell para kumain. I want to show you something, and for sure, you'll like it", Loki gave me a grin while we are walking along the hallway of Lunaire. Nagdadalawang isip ako kung papayag ako, sapagkat gabi na at kami lang dalawa ang magkasama. Baka kapag may nakakita sa amin, isipin nila na nagde-date kami kahit para sa akin pabor iyon, pero sa paningin ng nakararami, iba ang magiging tingin nila sa akin kahit ako pa ang tagapagmana ng Lunaire at anak ni Lady Minerva, pero ayoko rin nilang malaman iyon, kahit si Loki pa.
Nag-init na naman ang mukha ko ng hawakan ni Loki ang pisngi ko at pinisil ito. "Ano ba kasi iniisip mo? Tara na hindi ko na kailangang hintayin ang sagot mo."
Nabigla ako at bahagyang hinaltak ni Loki ang kanang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero walang magawa itong katawang lupa ko sa bawat ginagawa niya sa akin, pero gusto ko rin naman ito. Bahagya akong napangiti, kung kaya't hinawakan ko rin ang kaniyang kamay as my response to him.
Tumigil muna kami ng paglalakad at umupo sa mga benches sabay lumingon si Loki sa akin. Napansin niya na may suot akong "glove" sa aking kanang kamay, at hinawakan niya ang kanang kamay ko na may black "glove". My heart throbs fast as he held my right hand. Ano ba Mira... Be calm okay, be calm, sabi ng isip ko.
"Bakit ka nga pala may suot na ganito? Sino ang nagbigay sayo?"
"Ahm."
"Ano?"
Mira kailangan mong mag-isip at sumagot ng tama. Hindi niya rin alam ang tungkol sa secret mo, at hindi niya puwedeng malaman na galing ito kay Prof. Clementine baka magduda na siya sa pagkatao mo, sabi ng isip ko.
"Ahm. Bigay sa akin ni Prof. Beatrix. Welcome gift niya sa akin dahil newcomer ako sa Lunaire." sabi ko kay Loki. Isang katotohanan din naman na ibinigay ito ni Prof. Beatrix, though galing talaga ito sa kaniyang lola.
"Ah, I see. You look cool wearing this" ani Loki at pinisil niya ng marahan ang kanang kamay ko. "Akala ko kasi kung sino ang nagbigay. Baka may pumoporma ng iba sayo." dagdag niya habang nakanguso.
"What?" I answered surprisingly. Tama ba pagkakadinig ko? Nagseselos kaya siya?
"Nothing... Just... Nevermind. Tara na nga!"
Napansin ko na namumula ang mga tainga at pisngi niya. Ano ba problema niya ngayon? But, I like his childish acts. Unconciously, I smiled at him. He responded a sheepish grin at me.
Once again, hinawakan niya ang kanang kamay ko at marahan akong hinila patayo. Akmang palakad na kami nang biglang napatigil si Loki. May humarang sa daraanan namin. Nang sumulyap ako mula sa likod ni Loki para makita kung sino iyon, si Rincewind pala, ang pinsan niya. Matalim ang tingin ni Loki kay Rincewind. May problema ba silang dalawa?
Nakatuon ang pansin ni Rincewind sa magkahawak-kamay namin ni Loki. "Saan kayo pupunta? Puwede ba akong sumama?" ani Rincewind na ibinalik ang tingin sa pinsan.
"Somewhere... at huwag ka ng sumama, sa amin dalawa lang iyon ni Mira." sagot ni Loki kay Rincewind.
"Bakit wala na ba akong kalayaan na gawin ang gusto ko, Loki? Gusto ko rin makausap si Mira at makilala siyang mabuti."
Nakita kong matindi pa sa init ng kumukulong tubig ang pagtitinginan ng magpinsan. "Para saan? Ano ba ang motibo mo ha? Ako ang guardian ni Mira ngayon. Kaya ikaw, bumalik ka na sa hall" ani Loki.
Out of the intense situation between them, humagalpak ng tawa si Rincewind. "Binibiro lang kita bro, ang bilis mong magalit. Sige na pumunta na kayo sa pupuntahan niyo. Ako ng bahalang magpaliwanag kay lola kapag hindi kayo nakarating sa dining hall for dinner."
"Tss... Sira-ulo ka talaga Wind." Loki said as he face-palmed. "Basta ikaw ng bahala ha." dagdag nito.
Nag-okay sign si Rincewind sa kaniya. Lumingon ako kay Rincewind habang hila-hila ako ni Loki. He gave me a sweet smile. Ngunit may iba pang ibig sabihin ang kaniyang ngiti na iyon. Hindi ko alam kung ano at bakit, pero bilang pagtugon ay tumango na lamang ako at ngumiti sa kaniya at sumunod na ako kay Loki.