Download App
28.26% Bulong ng Puso / Chapter 13: Chapter Twelve

Chapter 13: Chapter Twelve

Nakabubulag na liwanag ang tumambad sa mukha ni Louise pagmulat niya ng mata. Ang yaya Adela niya ay naroroon at hinawi nang pabukas ang kurtina sa kanyang silid. Isang ungol ang kanyang ginawa bilang protesta, tinakpan ng unan ang kanyang ulo. Gusto pa niyang matulog, bukod sa madaling araw na siya nakauwi kagabi galing sa prom ay hindi pa siya nakatulog agad sa kaiisip sa mga naganap.

She still couldn't believe how fast everything went. Limang buwan pa lamang silang magkasintahan, but in that short amount of time, ay niyaya siyang magpakasal nito once she turns 18. Yes, it will be more than a year from now pero masarap isipin na sigurado ito sa nararamdaman nito para sa kanya, walang pag aalinlangan at gusto siyang iharap sa altar. Madaming mga tao ang paniguradong sasabihing masyado siyang nagpapadalos dalos, na bata pa siya at ang pag aasawa ay hindi biro. Totoo naman ang lahat ng ito, but her feelings for him outweighs all of the disadvantages. Gusto niya itong makasama sa araw-araw, both of them will battle life's ups and downs together.

Her cheeks went hot when she remembered that she almost gave herself to him last night.

Wala sa loob niyang dinama ang mga labi at napangiti. Kapag kasal na sila ni Gael ay magagawa na nito ang lahat ng nais nito. She felt a tinge of excitement. It's not about the act of making love but it's about being one with the person you love.

"Hija, hinihintay ka ng papa mo para mag almusal" wika ng kanyang yaya.

Sukat pagkarinig sa ama ay napabalikwas siya sa higaan. Gulat na napatingin sa kanya ang mayordoma.

"Anong oras na po, yaya?"

"Aba eh alas diyes na" ipinag patuloy nito ang pagliligpit sa kanyang kwarto.

"Hindi pa umalis si Papa papuntang hacienda?" it's unusual for her dad to stay at home nang ganito katanghali, karaniwan ay nakaalis na ito papuntang hacienda nang alas siete y media. Kinabahan siya. Talaga sigurong hinintay siya nito at baka may nabalitaan na ito about last night?

Matapos makapag hilamos at makapag ayos ay bumaba na siya at dumiretso sa study, alam niyang naroroon ang ama madalas kapag nasa mansion ito.

"Dad?" she gently pushed the door open. Nakita niyang nakatanaw ito sa labas ng malaking bintana ng study room, overlooking their veranda. Tila hindi siya nito narinig.

"Dad" pag uulit niyang tawag dito. Lumingon ito, at hindi sigurado ni Louise ngunit sa tingin niya ay parang tumanda ito ng ilang taon overnight.

She felt guilty. He must be worried about her. Hindi naman niya ito masisi, she knows she's still young, pero wala silang ginagawang masama ni Gael at alam niyang seryoso ang relasyon nila, higit sa lahat ay mahal nila ang isa't isa.

"Hija...nag almusal ka na ba?" tanong nito na naupo sa malaking office chair nitong nakaharap sa narrang desk.

"Kagigising ko lang po" sagot niya "hinantay niyo daw ako for breakfast? tara na pong kumain" anyaya niya.

She and her dad have never been close. Laging parating may pader na nakapagitan sa kanilang mag ama.

"Actually, Louise, gusto muna sana kitang makausap"

Sumikdo ang dibdib ni Louise. She knew it! walang makakaligtas na impormasyon kay Don Enrique Saavedra!

Pinilit niyang kalmahin ang sarili at naupo sa isa sa mga visitors chair na nakaharap dito.

"About what dad?"

"I think you know?" mapanuri siyang tinignan nito "about that man..."

"I'm sorry dad, I meant to tell you..."

"Ayoko nang makipagkita ka pa sa taong iyon" Enrique said in a firm voice.

"B-but that's unfair!" napatayo siya sa kinauupuan "ni hindi niyo pa nga siya kilala!"

"Oh yes I know him!" hinampas nito ng malakas ang mesa, gritting his teeth.

Pinilit ni Louise na hindi magpasindak sa nakikitang reaksyon ng ama. She expected na magalit ito ngunit hindi niya inaasahan na babawalan siya nito nang hindi man lang siya pinagpapaliwanag o hindi man lamang kinikilala si Gael.

"You will stop seeing that man and you will end whatever relationship you have with him!"

"I'm afraid I can't do that..." she said full of conviction. She will never give him up, even if it's the whole world against them.

"Ano'ng sabi mo?" galit na tanong nito. Kitang kita ni Louise ang pagkuyom ng kamao ng ama.

"I'm sorry dad...hindi ko kaya...hindi..." hindi niya magawang tapusin ang sinasabi dahil sa hindi mapigil na pagkawala ng luha niya.

"...I love him" she said in a low tone "please dad..." pagmamakaawa niya rito.

"Hah! love?! hindi mo kilala ang taong iyon, Nina Louise!" nilapitan siya nito at hinawakan sa magkabilang braso "sasaktan ka lang niya, anak!"

"No dad, you're wrong... he loves me"

"Ikaw o ang kayamanan mo?" bulyaw nito.

"Hindi ganoon si Gael papa!"

"Hindi mo siya kilala hija, pero ako, kilala ko siya! Kilala ko ang lahi nila! Mga lahing hampaslupa!"

Gustong masuklam ni Louise sa narinig na pangmamata mula sa ama. Her dad may be a lot of things pero hindi niya ito kailanman nakita bilang isang matapobre.

Puno ng pait niyang sinalubong ang mata ng ama "mahal ko siya papa! there's nothing you or anyone can do na makakapag pabago ng nararamdaman ko!" sunod sunod ang bagsak ng kanyang mga luha. Tinalikuran niya ito at akmang lalabas ng silid.

"Kapag hindi ka tumigil... I will disown you...Nina Louise." banta nito.

She glanced back at him. Her eyes were full of hurt. He will disown her?

"So be it dad...so be it!"

"Louise!" narinig pa niya ang sigaw nito matapos niyang ilapat pasara ang pinto.

Patakbo siyang bumalik sa kanyang kwarto at nagkulong. Hindi siya pwedeng diktahan ng ama. She might be young but she knows what she feels is real.

Mahal niya ang binata, at hindi ang ama, o kahit ano pa ang makakapag sabi sa kanyang tigilan itong mahalin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login