Download App
40% Mr. & Ms. Royalty / Chapter 12: The Fake Brother

Chapter 12: The Fake Brother

Natanawan ni Yumie si Rigor sa veranda ng bahay na tinutuluyan nila. Nakatuon ito sa kalangitan habang may bote ng beer sa tabi. Lumapit siya rito.

"Umiinom ka?" aniya. Bibihira niyang makitang uminom ng alak si Rigor. Siguro'y may mabigat itong dinaramdam sa mga oras na iyon kaya't naisipang magpa-init sa pamamagitan ng alak.

Rigor smiled weekly. "Isa lang."

Umupo si Yumie sa kalapit na bangkito na naroon. It is seldom na nag-uusap sila ng ganito ni Rigor. For 12 years na naging kuya-kuyahan niya ito, hindi sila naging super close katulad ng isang tunay na magkapatid. Rigor have treated her gaya ng pagtrato nito noon pa man sa kaniya, bilang amo at ito'y tagabantay. Halos pitong taon ang tanda nito sa kaniya. She tried to be as friendly as possible ngunit ito ang sadyang umiiwas. Yet, paminsan-minsan nakakapag-usap naman sila ng masinsinan. Madalas lang nitong tinatanong kung may problema or pangangailangan siya.

Ito man ang tumayong bread winner sa kanila, gayunpaman hindi sila makakapagsimula kung hindi din sa kunting yamang meron si Yumie. Ang yate na ginamit nila noon sa pagtakas, nagawa nilang pondo para sa pagsisimula. Kahit papano'y nakatulong ito para magkaron sila ng sapat na pondo sa pangangailangan nila.

"Tell me, what's bothering you?" ani Yumie nang muling lumagok si Rigor sa alak na iniinom.

Bumuntong hininga ito, "Naisip ko lang ang magiging kapalaran natin sa hinaharap. Kung makakabuti ba satin itong balak natin o dapat bang tumigil na?"

Nagsalubong ang kilay ni Yumie. She hinted a tired Rigor. Tila napapagod na ito sa tagal ng panahong hinintay. Naramdaman ang pakiramdam nito na tila gusto nang magpahinga.

Yumie somehow felt drained as well. Aaminin niya, her life was somewhat miserable at first and it is still painful to remember her parents. The urge for revenge was so strong in the past. But for 12 years, what she longingly yearn for is just to see Hacienda Dela Torre again. Get a proper burial for her mom and dad and just move on. She hated the Callejos but she don't want to live her life in pain.

Perhaps it's time that heal all wounds. But it may leave a scar and sometimes, scars fade.

"Alam kong hindi mo basta-basta mo na lang isusuko ang mga nawala sayo. Ngunit nag-aalala ako sa kapakanan mo," Rigor said.

Rigor have always been the protective brother of her. Sa labindalawang taon, kahit pa gusto niyang makapaghigante, Rigor have made sure she lived a somewhat normal life. Somehow, naging dahilan ito para kahit papano maibsan ang paghahangad niya na makaganti. That she succumb the evil with being good.

She gave out a weak smile. Took a deep breath. "Honestly, I really don't know how to feel. Ang gusto ko lang ang maibalik ko ang sarili ko bilang Dela Torre. Gamitin ang totoong pangalan ko. Makatapak muli sa Hacienda Dela Torre. Wala na kong pakialam sa ibang bagay," pagsasaad ni Yumie sa totoong nararamdaman.

Tama bang sabihin handa siyang magpatawad kung hihingi ng tawad sa kaniya ang isang Callejos? Hindi niya masasagot iyon ngayon.

"Hindi mo ba kayang mag-move on na lang. Isipin na iba na ang buhay mo ngayon?" tanong ni Rigor.

Hindi iyon nagustuhan ni Yumie. Hindi yun ganu-ganon na lang.

"Alam mo kung ano ang sagot ko diyan. All my life, I have always dream of going back. Hindi ko man alam pano ko gagawin yun. But it's the only life I look forward to abutin man ako ng matagal na panahon."

Rigor looked down. Alam niyang wala na siyang maipipilit kay Yumie. Hindi madaling i-give up ang buhay na bigla na lang inagaw sayo. Isa pa, sobrang masakit ang mga naganap para mabilis niya iyong isuko.

"Ngayon ka pa ba susuko kung kailan nakalapit na tayo sa mga Callejos?" Yumie said.

Muling napaangat ng tingin si Rigor sa kaniya. Sa totoo lang, yun ang isang bagay na ikinatatakot ni Rigor sa kaniya. Ngayong nakalapit na ito sa Callejos, natakot siyang baka tuluyan na rin itong mawala sa kaniya. Lalo pa't tila iba ang trato ng batang Callejos kay Yumie. Sa lahat ng naging Assistant nito bukod tanging si Yumie ang sinama nito sa China. Isang bagay na hindi ginawa ni Zeek sa kahit sinong empleyado nito.

Hindi niya alam kung anong naganap sa China ng isang linggo itong nagtungo roon. Ngunit naging usap-usapan sa opisina ang pagkakaroon ng ibang mood ni Zeek sa trabaho. Kilala ito bilang domineering na amo sa assistant nito. Sakit sa ulo ng mga humahawak rito. Walang nagtatagal na kahit sino. Bossy at pasaway maging kay Mrs. Ersao. But since Yumie came, mas naging magaan ang VP's office. Kalmado sa bawat araw. Mas maraming nagagawang trabaho. Nakikilala si Yumie bilang productive employee na kayang magpasunod ng boss. Iba ang nagiging impression ng mga katrabaho nila towards Yumie and Zeek.

Magkagayon, alam ni Rigor na kung hindi niya pipigilan, Yumie might get really close to the Callejos. Makakagawa ito ng paraan at matutupad nito ang kagustuhang makabalik sa Hacienda Dela Torre na sa pagkakaalam niya'y pinamumunuan na rin ng mga Callejos. Kapag nakabalik na si Yumie, tuluyan na itong mapapalayo sa kaniya.

Rigor have always adored Yumie more than just a sister. Alam niyang langit at lupa ang pagitan nilang dalawa. Hamak na tauhan lang siya ng Hacienda Dela Torre ngunit hindi niya alam kung kailan niya inamin sa sariling gusto niya ang Unica Hija ng mga Dela Torre. Perhaps, nang tila naging maliit na pamilya na sila nito. She have grown to a very beautiful woman kaya't hindi mahirap na magustuhan ito. She was just 13 nang ilayo niya ito sa Hacienda noon. But as time goes by, she became a woman. And being with her almost 24/7 have made him feel like a man. He tried to avoid it but Yumie was so desirable kaya't hindi niya iyon mapigilan. Thus, he treats her bilang amo gaya nang itinuro sa kaniya ng yumaong ama. For 12 years, ikinubli niya ang nararamdaman.

Alam ni Nana Felicia ang totoong nararamdaman niya. Nana Felicia have also created a barrier between them. Kung protective siya kay Yumie, mas naging protective si Nana sa alaga. She treated Yumie bilang tunay na anak. Pinapagalitan siya nito kapag nahuhuli nitong, nakakatitig siya nang matagal sa dalaga. Pinapaalala nito sa kaniya na siya'y hamak na trabahador lamang. Sinisiguro nitong hindi siya nakakalapit ng higit pa sa tauhan kay Yumie.

He could've hated Nana Felicia for doing that. Ngunit alam niyang oras na aminin niya ang totoong nararamdaman kay Yumie, baka mas mabilis na mawala pa sa kaniya ang dalaga.

Nagulat siya nang hawakan ni Yumie ang kamay niya. Napatuon ang tingin niya roon.

"Hindi ko talaga alam kung paano natin ito uumpisahan," Yumie voiced out. "Sa totoo lang, hindi ko na alam kung gusto ko pa ba talagang maghiganti. But all I know and all I really want was to go back home. Kahit siguro yun na lang, Kuya. Kahit yun na lang tuparin natin," ani Yumie as she gave a sweet weak smile.

Ngumiti na lang din si Rigor.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login