Noong bata pa ako
Akala ko masarap mabuhay sa mundo
Ngunit habang lumilipas ang panahon
Maraming bagay akong natuklasan
Mabuti man o masama
Kaya isipan ko'y gulong-gulo
Ganito ba ang tunay na mundo?
Malayung malayo
Sa itinanim sa isipan ng mga batang lumalaki
Yan ang tanong sa isipang kinukubli ng mga labi.
Kung iyong mapapansin
Kung walang kayod, sikmura mo ay kakalam
Kung di magsisikap ay di makakaahon sa tinutubugan
Kung di ka magtitiyaga, para kang tuyong ipa na lang
Lilipadin kahit saan dalhin ng hangin
Kung wala kang diskarte ay di ka uunlad
Kung lagi kang mahihiya
Nakahiga, nakahilata
Ang biyaya ay di tulad ng bayabas o buko
Na basta na lamang papatak dahil sa isip ng hanging malakas
Pansinin mo ang paligid
Iyan ba ang tinatawag mo magandang kinabukasan?
Maraming taong naghihirap
Maraming taong nahihirapan
Trabaho ay di madaling mahanap
Tapos ka man o hindi
Mayaman man o mahirap
Basta't may pagsusumikap
Lahat ng bagay na iyong pinapangarap
Ay madali lang makamtan
Idagdag mo pa ang pananalig
Sa Poong Maykapal
Biyayang kalooob nya
Sa bawat isa ay walang hanggan
Magtiwala, manalig at magsisi ka lang.
Maraming mamamayang pinipiling
Mangibang bansa para
Panglaman sa sikmura nila ay matugunan
Nagoofw karamihan
Imbis na magtrabaho sa sariling bayan
Kumakagat sa mahirap na trabaho
Dahil lang sa mataas na sweldo
At mabilisang natatanggap...
Kung dito nga naman sa bansa
Nila pipiliin magtrabaho ay walang mararating
Kadalasan ang tataas ng standard ng mga Interviewer
Pero sahod di mataas
Puro minimum
Kaya di ko masisisi ang iba
Bakit napakaraming tambay at tamad
Di man lang napagbibigyan ng pagkakataon
Patunayan ang sariling
Unang kausap palang rejected na agad
Kung baga ang ginagawa nila
Ay binibigyan ng mental at activity test
Ang bawat aplikante
Doon tunay na malalaman sino ang karapatdapat
Minsan porke kamaganak o kakilala
Ay nirirekomenda sa trabaho
Di naman masama pero...
Ngunit di ko nilalahat
Pagkat bawat isa ay may kanya-kanyang standard.
Tandaan...
Nasaating kamay ang pagbabagong tunay.
IKAW, AKO, TAYO...