Alam kong kayhirap
Kay hirap...
...kang abutin
Tulad ng mga tala
Na nasa kalangitan
Alam kong hanggang pangarap
Pangarap na lamang
Yaong maging ikaw at ako
Yaong mapagisa...
...ang ating mga puso
Paano baga
Ikaw ma'y kilala ko
Magkagayong hindi mo naman ako nakikilala
Magkaibang mundo ang ating pinagmulan
Bansa mo at bansa ko
Ay magkaiba
Maging mga oras rin ay...
Sa libo-libo ng sa iyo'y humahanga
Mahirap yaong ako ay mapansin
Tulad kong sa iyo'y malayo
Nangangarap na...
Ako'y mapasaiyo
At ika'y mapasaakin
Ngunit ako'y nanalangin
Sa may kapal
Maging tayo man o hindi
Makita ka ng personal
Ay syang kagalakang lubos
Ng pusong
Ngalan mo ang sinisigaw
Ako'y isa lamang hamak
Na yong tagahanga
Na nangangarap sa pag-ibig
Na walang katiyakan
O aking idolo
Yaong aking sulat sana'y iyong mapansin
O sa iyo'y makarating
Oh aking idulo
Oh ginoong aking hinahangaan
Oh ginoo.