Download App
55.2% LIBRO / Chapter 53: Mga Roma 2

Chapter 53: Mga Roma 2

[1]Kaya nga, sino ka mang humahatol sa iba, wala kang maidadahilan. Sapagkat sa paghatol mo sa iba, hinahatulan mo rin ang iyong sarili, dahil ikaw na humahatol ay gumagawa rin ng ganoon.

[2]Nalalaman nating makatarungan ang hatol ng Diyos laban sa mga gumagawa ng mga iyon.

[3]Akala mo ba'y makakaiwas ka sa parusa ng Diyos kung hahatulan mo ang mga gumagawa ng masasamang gawaing ginagawa mo rin naman?

[4]O baka naman gusto mo pang hamakin ang Diyos dahil siya ay napakabait, mapagpigil at mapagpaumanhin!Hindi mo ba alam na napakabuti ng Diyos kaya binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at tumalikod sa kasalanan?

[5]Ngunit sa katigasan ng iyong ulo at di pagsisisi, lalo mong pinapabigat ang parusang igagawad sa iyo sa araw na iyon, kung kailan ihahayag ang poot at makatuwirang paghatol ng Diyos.

[6]Sapagkat igagawad niya sa lahat ng tao ang naaayon sa kanilang mga ginawa.

[7]Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong patuloy na gumagawa ng mabuti, naghahangad ng karangalan, kadakilaan at kawalang kamatayan.

[8]Ngunit matinding galit at poot ang sasapitin ng mga taong makasarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan.

[9]Paghihirap at kapighatian ang daranasin ng bawat gumagawa ng masama, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griego.

[10]Ngunit karangalan, kapurihan at kapayapaan naman ang tatamuhin ng bawat gumagawa ng mabuti, una ang mga Judio at gayundin ang mga Griego,

[11]sapagkat walang itinatangi ang Diyos.

[12]Ang lahat ng nagkakasala na hindi saklaw ng Kautusan ni Moises ay paparusahan, ngunit hindi batay sa Kautusang iyon. Subalit ang lahat naman ng nagkakasala na saklaw ng Kautusan ay hahatulan batay sa Kautusan.

[13]Sapagkat hindi ang mga nakikinig sa Kautusan, kundi ang sumusunod dito, ang siyang pawawalang-sala ng Diyos.

[14]Kapag ang mga Hentil na hindi saklaw ng Kautusan ay gumagawa batay sa panuntunan nito ayon sa kanilang likas na pag-iisip, ito'y nagiging kautusan na para sa kanila.

[15]Ipinapakita ng kanilang mga gawa na nakasulat sa kanilang puso ang panuntunan ng Kautusan. Pinapatunayan din ito ng kanilang budhi, sapagkat kung minsan sila'y sinusumbatan nito; at kung minsan naman, sila'y ipinagtatanggol nito sa kanilang isipan.

[16]Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, mangyayari ito sa araw na ang mga lihim ng lahat ng mga tao'y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus.

[17]Ngunit ikaw na nagsasabing ikaw ay Judio at nananalig sa Kautusan, ipinagmamalaki mong may kaugnayan ka sa Diyos.

[18]Sabi mo'y alam mo ang kanyang kalooban at ang mabubuting bagay, sapagkat itinuro ito sa iyo ng Kautusan.

[20]tagapayo ng mga hangal, at tagapagturo ng mga bata, dahil natuklasan mo sa Kautusan ang buong kaalaman at katotohanan.

[21]Nagtuturo ka sa iba, bakit di mo turuan ang iyong sarili? Nangangaral kang masama ang magnakaw, hindi ka ba nagnanakaw?

[22]Sinasabi mong huwag mangangalunya, hindi ka ba nangangalunya? Nasusuklam ka sa mga diyus-diyosan, ngunit pumapasok ka pa sa mga templo nito makapagnakaw lamang!

[23]Ipinagmamalaki mong saklaw ka ng Kautusan, ngunit nilalapastangan mo naman ang Diyos sa pamamagitan ng paglabag mo sa Kautusan!

[24]Sapagkat nasusulat, "Ang pangalan ng Diyos ay nilalait ng mga Hentil dahil sa inyo."

[25]Mahalaga lamang ang iyong pagiging tuli kung tumutupad ka sa Kautusan, subalit kung lumalabag ka sa Kautusan, para ka ring hindi tinuli.

[26]Kung ang hindi tuli ay gumagawa batay sa panuntunan ng Kautusan, hindi ba siya ituturing na tuli?

[27]Kaya, ikaw na Judiong nasa ilalim ng Kautusan, ngunit hindi naman tumutupad, ay hahatulan ng mga hindi tuling tumutupad sa Kautusang iyan.

[28]Sapagkat ang isang tao ay hindi nagiging Judio dahil sa panlabas na kaanyuan o dahil sa siya ay tinuli sa laman.

[29]Ang tunay na Judio ay ang taong nabago sa puso't kalooban ayon sa Espiritu at hindi ayon sa Kautusang nasusulat. Ang taong iyon ay pararangalan ng Diyos at hindi ng tao.

Always remember that God is there for us, ang nais lang ng Diyos ay lumapit tayo sa kanya. Ngunit remember na di laging Yes or No but may Wait. At wag po nating iseset sa mind natin na eh... patatawarin naman tayo ni God pagnagkasala tayo kaya ok lang na magkasala ako, ehem mali po iyon. At ayon sa mga verse dyan na wala po tayong karapatang magmalinis

Ayon sa Efeso 2:8-9

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili;

hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C53
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login