*SI MRS. INSEKTO*
Naabutan ko na noon na simpleng-simple palang ang paaralan naming St. Mary. Ang bakod nito ay gawa pa lang sa kahoy. May isang c.r lang ito na may kaliitan sa likod ng mga class room, at pinaghati lang ito sa babae't lalaki. Bukod din ang naging c.r ng mga teacher. (Sa pagkakatanda ko lang din) Kapag recess namin, nagiging mahaba ang pila sa c.r lalo na sa mga babaeng estudyante. Rinig din namin sa kabila ang mga salitaan ng mga babaeng estudyante sa kabilang c.r.
Ang play ground palang din nito ay hindi pa nasesemento. Madalas din kapag maulan nagiging maputik sa ibang parte nito na may nai-stuck na tubig. Nadapa na din ako 'don nu'ng grade one ako dahil sa pagtakbo. Ang aking oniporme ay namantsahan ng mga putik. Mabuti na lang at tinulungan ako ni Kimburt noon, sinamahan n'ya ako sa gripo upang tanggalin ang mga putik sa damit ko at ng matapos bumalik na kami sa aming classroom. Tanda ko rin noon na may puno pa sa nasasakupang lupa ng playground ng paaralan.
Nang magtagal, naging sementado na rin ito. Ang aming stage ay pinaayos na rin maging ang likod nito ay ginawang waiting area katabi ng main entrance ng school. Ang aming bakod noon ay napaayos na rin, naging sementado na rin ito at mayroon na ding cyclone wire sa paligid. Napaayos na din ang canteen nito sa gilid ng munting exit gate sa likod ng mga classroom. Pinamunuan naman dati ni Mrs. Espinosa ang aming canteen. Nagkaroon na din ng isa pang wash/washing area sa halos harap lang ng canteen.
Gumanda noon ang aming eskwelahan na St. Mary Elemantary School. Nagkaroon din ito ng maraming mga halaman at bulaklak sa paligid sa pangangalaga ni mang Pinong. Nadagdagan din ang mga classroom ng ilan pa. Nadagdagan pa ang ilang poste ng ilaw nito. Lalo pa itong gumanda ng mapaliguan ang buong St. Mary ng mga pintura.
Madalas sabihin sa'min noon ni Mr. Baybayon na ang aming munting paaralan ay isa sa pinakamalinis at pinakamagandang paaralan sa buong Marikina. Madalas din s'ya noong maglibot-libot sa bawat class room upang batiin ang mga estudyanteng kanyang nasasakupan. Madalas din sa'ming sabihin noon ni Ms. Santos na kapag pumapasok sa'ming class room si Mr. Baybayon ay lagi kaming tatayo at sabay-sabay namin s'yang babatiin ng "Good Morning Principal, Good Morning Ms. Santos."
Nang matapos kami bilang grade one at maging mga grade two pupils na. Napahiwalay ako noon kila Andong. Si kimburt at s'ya ay naging section one. Habang si Carla Mariano ay nanatili pa rin sa section one na kanilang naging kaklase. Maging si Aileen din yata ay naging section one. Habang kami ni Rochelle/Oche ay nanatili sa pagiging section two. Si Mary anne/Lean ay napunta sa section three na kasama naman nila Raffy at Micheal. Maging si Nino ay napasama rin sa section three. Habang sila Nestor, Teteng, Ernie/Kuting, Joel/Tatang, Mandy, Roger/Buboy, Alex/Buknoy, Raul/Bunso at ilan pa ay mga grade three na noon. Sila ate naman, Rhoda, Joey, Nuknoy, Ison at ilan pa ay mga grade four naman na noon. Sila Raymond/Tano, Ricky/Eking, Edren/Biboy, Kenneth, Lucky, Nikolo at ilan pa ay mga naging grade one naman na noon. (Ang iba dito hindi ko na matandaan!)
Naging adviser namin ang isa pang terror noon na teacher na si Mrs. Insekto sa grade two. Naging panghapon naman ang aming pasok. Naging kaklase ko doon sila Rex, Herbert, Joselito, Christopher Aquino, Ariel, Ma. Lourdes at kanyang kapatid ding babae, Marvin Samar at ilan pa. Maging si Stephen noon ay naging kaklase din namin. Ang kanyang ina noon na may salamin sa mata ay maghapon din nakabantay sa gilid ng aming silid aralan.
Noong una nanibago talaga ako! Naging masungit sa'min noon si Mrs. Insekto. Madalas n'ya rin kaming mapingot at mapalo noon dahil sa mga kaingayan namin at mga kakulitan sa loob ng klase. Nauso rin noon ang coleman. Si Rex at ilan pa ay may mga coleman na dala. Iba-iba ang nagiging laman n'yong inumin! May pagdaang chocolate drinks, juice, kalamasi juice at minsan naman tubig na malamig na may kasamang chocolate sa loob. Madalas nila akong painumin noon sa kanilang coleman. Nabibigyan din ako ng mga kaklase ko ng kanilang mga baon lalo na kung nagpapadrawing sila sa'kin. Maging si Sthepen din ay nabibigyan n'ya rin ako ng kanyang baon kapag nagpapadrawing din s'ya sa'kin.
Madalas din noon ang mga awayan sa classroom namin kapag wala si Mrs. Insekto. Hindi ko noon makakalimutan ng makipagsuntukan si Sthepen kay Ma. Lourdes. Ngal-ngal sa pag-iyak noon si Sthepen ng mabugbog ni Ma. Lourdes. Tumutulo rin ang kanyang mga laway habang s'yay umiiiyak. Talagang nakakaawa s'ya noon! 😭🤕
Si Mrs. Insekto bilang pisikal na kaanyuan ay maihahawig mo kay Cita Astal. Ang kanyang may kalakihang mga mata, at mas lalo pa 'yung lumalaki kapag s'yay nagagalit sa amin. May pagkakulot din ang kanyang buhok na hanggang balikat at meron din s'yang salamin sa mga mata. Parang laging may bit-bit din s'ya noong stick na mapalo sa'min gaya ng kay Ms. Santos. Malimit n'ya rin kami noong pandilatan ng kanyang mga mata at sigawan kapag s'yay nagagalit sa'min. Ha! Ha! Ha!
May mga pagkakataong din noon na wala s'ya sa aming klase o absent s'ya. Minsan ibang mga teacher ang humahawak sa'min. O, di kaya'y nalilipat kami sa section three at one. Madalas n'ya rin kami noon utusan na pumunta sa kanyang bahay para may kunin o ibigay sa kanyang mga anak. Hindi n'ya noon naiisip na delikado ang pagpapalabas n'ya sa mga bata sa eskwelahan para pumunta sa kanyang bahay gayong mga walong taon gulang palang ang mga edad namin noon. Ngunit kung tutuusin mas gusto namin na inuutusan n'ya kaming pumunta sa kanilang bahay, dahil nakakaiwas kami sa mga pagtuturo n'ya. Bukod pa 'don, tumatambay din kami sa mga videohan sa Daang Bakal para makinuod sa mga naglalaro 'don. Hindi ko din makakalimutan ng kami'y inutusan n'ya na muling pumunta sa kanyang bahay. Natapos na noon ang pagpunta namin sa kanilang bahay at nagawa na namin ang pinapasabi n'ya o pinapadala n'ya kaya, tumambay kami noon sa Videohan nila manang Inday sa Kaolin St. Twin River Subdivision. Napatagal ang pagtambay namin 'don! Nagulat na lang kami ng pinasundo n'ya kami sa dalawa pa naming kaklaseng lalaki sa videohan ni manang Inday. Sinabi ng mga ito na lagot kami kay mam.
May mga pagkakataon din na hinahatid ako ni papa sa pagpasok tuwing lunes kapag hindi s'ya pumapasok sa trabaho. Sa Tierra Vista kami dumadaan noon dahil minsan maputik sa Marikina Village o Pulang Lupa kapag umuulan o kapag tag-ulan. (Hindi pa rin dati sementado ang kalye doon) Nalelate ako sa paghahatid sa'kin ni papa dahil kinukwentuhan n'ya ako habang naglalakad kami. Madalas n'ya din akong ibili pa ng dagdag na mga baon ko sa madadaanan naming tindahan. Nakailang beses din noon akong naihatid ni papa sa pagpasok sa hapon bilang grade two. "Naging magandang karanasan sa'kin 'yon sa pagitan naming mag-ama!" 😥
Minsan naman, kapag malakas ang ulan. Ang mga nanay at ilang mga nanay sa'min ay mga sinusundo kami. Ilang beses din ako noong nasundo ni mama tuwing umuulan at lagi s'yang may dalang extra payong para sa akin.
May pagkakataong din malimit ako lang ang pumapasok mag-isa o wala akong nakakasabay sa pagpasok. Madalas akong malate noon dahil nalilibang ako sa paglalaro at pakikinuod ng mga pambatang palabas noon sa channel 2. Ang isa sa mga palabas noon ay ang "The Trapp Family Singers" ni Maria at ng mga pamilyang Von trapp. Kasagsagan din noon ng Dragon Ball sa RPN 9 noon. At X-men naman sa pagabi sa channel 2.
Dumating din sa puntong nakaranas ako ng kawalang gana sa pag-aaral bilang grade two. Lagi ko noon pinapanalangin na magkasakit sana si Mrs. Insekto para hindi s'ya makapagturo sa'min, dahil nagkaroon ako sa kanya noon ng takot o phobia dahil sa mga pamamalo n'ya sa'min noon at pagsigaw sa amin. Hehehe May mga pagkakataong hindi talaga ako umuuwi ng bahay para maghanda sa pagpasok. Ang magiging problema mo nga lang ay ang paghahanap sa'yo ng nanay mo na may dalang pamalo. Laging sinasabi noon sa'kin ni mama na "tanghali na, bakit hindi ka pa umuwi ng bahay at maligo't kumain na para pumasok sa eskwela." Hindi ko lang sa kanya noon masabi na natatakot ako kay Mrs. Insekto. May mga pagkakataon din talaga na hindi na ako pumapasok o umaabsent na lang ako. Minsan, nagsasakit-sakitan ako para hindi lang makapasok sa eskwela. 🤒🤕🤧😷
Hindi naman naglaon ng tumagal naging mabait din sa'min si mam. May pagdaang din naman na mabait s'ya sa'min at mahinahon kapag nagtuturo. May pagdaang din natutulog lang s'ya sa kanyang lamesa kapag masama ang kanyang pakiramdam.
Parang hindi yata noon natuloy ang aming Christmas Party. Hindi noon nakapasok si mam! Nakarating ako sa silid aralan namin ng kokonti lang ang tao. Naaliw ako noon sa paglalaro sa loob ng aming room, kaya ang aking pang-exchange gift ay nakalimutan ko kung saan ko na nailagay. Nawala 'yon at nadampot ng ibang estudyante. Nagpasama pa ako noon sa bahay ni Jonas Molina dahil may nakapagsabi sa'kin na nasa kanya daw o nakuha n'ya ang aking pang-exchange gift. Ngunit ng kami'y makapunta sa kanilang bahay at makausap s'ya ay wala raw sa kanya. Bumalik ako noon sa eskwelahan at mangiyak-ngiyak ako. Naalala ko na lang nu'ng nailapag ko ang aking pang-exchange gift sa upuan ay may kumuha nito na ibang mga grade na pumasok sa aming class room at ito'y kanilang galawin at buksan at kinuha ang laman. Hindi ko noon naisip na akin pala 'yon dahil nalibang ako masyado sa paglalaro kaya nawala sa sa isip ko na akin pala 'yon. Umuwi ako noong luhaan sa bahay.
May nabili rin kami noon libro o special Engish book sa halagang 150 pesos kay Mrs. Insekto. Naitabi ko 'yung libro na 'yon sa mahabang panahon! 'Yung ibang pahina noon ay may mga drawing ko pa gaya ng mga robot, hayop, dragon at kung anu-ano pa. May mga sulat din ako 'don o mga sinagutang mga tanong mula sa libro. Napasama na lang 'yon sa mga nagdaang malalaking pagbaha sa aming lugar ng mabasa ito. SAYANG DIN 'YON!
Nakahinga na lang ako noon ng maluwag ng matapos na ang pagiging grade two ko. Dahil hindi ko na magiging titser si Mrs. Insekto. [Hahaha] Magaganda rin ang bibigay n'ya sa'king mga grades noon. Salamat na rin po inyo Ginang Insekto! 😘
Noong nag-aaral na ako bilang elementary o bago palang ako mag-elementary, nagkaroon noon ng mgandang development sa aming lugar. Nagising na lang ako isang araw na ang dating pathway namin o mga daanan ng tao ay sementado na. Kung hindi ako nagkakamali ang naging presidente namin noon ay si kuya Tony na asawa ni ate Percy. Nagtulong-tulong noon ang bawat pamilya sa amin upang mapasemento ang daanan ng mga tao sa'min magmula sa Anastacia Village. Ang hagdaan don ginawang flat na pababa. Madalas kami noong magpadausdos sa pababang iyon gamit ang ilang bike ng mga kalaro ko noon.
Ang plaza noon ay naging maganda na din. Nilinis 'yon at binungkal para mapatag ng mga tatay at mga kalalakihan sa amin. Si Bro o si mang Leo ay naging masipag noon sa plaza sa pagpapaganda nito. Kasama ang ilan pang mga naalala kong mga tatay na sila kuya Willy, kuya Arman, kuya Ramon, kuya ni Kuya Tugoy at ilan pa. Maging ang mga binata noong sila kuya Ferdinand ay tumulong din kasama sila kuya Christopher at ilan pa nilang mga tropa. Lumawak noon ang plaza at nganig magandang paglaruan. Ngunit ang kalawakan ng plaza ng may limitasyon. Ang ilang bahagi pa ng lupa n'yon na halos katapat lang ng bahay nila ate Paz Mariano ay kanila pa nila noong garden. Bawal pumasok 'don dahil sa mga tanim 'don si ate Paz na mga sari-saring mga gulay. Off limits talaga sa loob ng bakuran na 'yon ang mga bata lalo na't napakatapang noon ni ate Paz. Hehehe! Naalala ko pa dati ng makapasok 'don si Mandy at matapakan n'ya ang mga tanim ni ate Paz ay sobrang nagalit ito. Hinanap n'ya noon si Mandy habang may bibibt na pamalo at nagsissigaw na, "Humanda sa'kin 'yang Mandy'ng yan! O, kahit si Monday or Tuesday pa 'yan!" Hindi naman n'ya noon nahanap si Mandy dahil tinatugan na s'ya nito.
Wala pa din noon basketball court sa plaza. Ang meron pa lang ay sa taas banda kila Argie o kila lola Paong. At kila Tatang o sa kanila noong naging garden din. Nagkaroon noon doon ng court. At ng kalaunan ay gumawa din ang tatay n'ya ng banyo o c.r rekta sa ilog. Madalas akong magbawas doon sa ginawang c.r na iyon. Habang tumatagal ang mga dumi ng mga tao 'don ay dumadami sa baba ng ilog, talagang dumami ang mga tae doon at nai-stuck. 🤣💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩💩
Hindi ko rin noon makakalimutan ng may makita akong dalag na lumalangoy sa mga tae. Tinawag ko noon si Raffy upang samahan akong hulihin iyon. Nang matawag ko si Raffy, nahuli naman namin ang dalag na nagsi-swimming sa mga tae. Nagawa namin 'yong ihawin sa basuraan sa baba ng plaza. Tapos nahulog pa sa lupa noong maluto na namin. Kinuha n'ya 'yon at hinugasan sa ilog! At habang mainit-init pa ang isda ay kinain namin ni Nunong. Ang sarap ng lasa 'non! Lasang tae! Pweh! Ha! Ha! 🤢🤤
Ang mga kanal din sa'min ay kanilang inaayos. Ang mga pagitan 'non ay nilagyan nila ng mga hollow blocks at senimento rin ang ilang daluyan ng tubig nito. Nagkaroon din noon ng poso kila Mandy nagpagawa noon ang kanyang ama at mga Osal ng poso sa tapat ng bahay nila Onel. Ngunit hindi ito nagtagal dahil laging nasisira. Minsan may mga bata na binabarahan 'yon ng mga bato isa na yata ako 'don. 🤡
Ang mga nagkaroon ng poso samin noon ay sila-sila kuya Tony, kuya Roger, aling Luding o sa tapat ng bahay nila aling Rosa. Kila kuya Junior o kila laleng, kila Teteng, kila aling Alice, kila Mandy, kila ate Diana. Nang kaalunan nagkaroon din ng poso kila ate Sion o kila Tawe.
Ang mga dakilang tatay noon na tagagawa ng poso ay ang tatay ni Bugoy, tatay ni ate Tata, tatay ni Teteng, maging si kuya Joe na tatay nila Tawe ay gumagawa rin noon ng mga poso at ilan pa. Parang nagkaroon din yata ng poso sila aling Perla o kila Hapon noon. At ilan pa.
Naging madali ang supply ng tubig sa'ming lugar noon ng dumami ang mga poso. Nabawasan din noon ang mahabang pila kapag igiban time na. Ang ilang mga poso ay pwdeng mainom ang tubig habang ang iba naman ay kalawangin o panglaba at panghugas lang ng mga plato. Sa Anastacia Village naman ay may naging igiban 'don ng tubig ng Nawasa na masarap inumin. May bayad kada balde o lagayan ng mga inuming tubig.
Habang ang iba ay sa tabing ilog naglalaba sa harapan ng garden o hacienda nila kuya Junior at kanyang mag-anak. May kubo rin sila noon 'don na naging tambayan din ng kanilang pamilya noon.