Download App
71.83% PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 50: "Young and Reckless!"

Chapter 50: "Young and Reckless!"

May mga nakillala din akong mga collage student noon na mga taga Tuguegarao, Isabela. Ang isa sa kanila naging bestfriend ko at naging girlfriend ko din noong magtagal. Malimit kami noong magkatext at magkatawagan din sa cellphone. Nakapagpadala din kami noon ng sulat sa isa't-isa, andon na din ang aming mga litratong kasama. Nabigyan ko din s'ya noon ng cd na pinaburn ko.

Noong napalimit ang aming tawagan sa cellphone. Lagi n'ya ako noong kinakantahan ng "You are my religion" ng bandang Fire House. Maganda ang kanyang boses at talagang naaaliw ako sa kanyang pagkanta.

Isang araw, binalitaan n'ya na lang ako na mag-o-O.J.T sila sa Maynila (On the Job Training) sa isang Hotel sa Maynila bilang mga H.R.M student. Napag-usapan din namin noon na magkita doon.

Pinuntahan ko s'ya noon para magkita kami ng personal. Sa Quiapo Church ang aming naging tagpuan noon. Noong kami ay magkita na paglabas ng kanilang trabaho, kakatwang isipin ng kami'y pauwi na sa kanila noong iuupahang apartment. Patawid kami ng kalsada ng may nagsabing "balik-balik". Bumalik ako sa pagtawid noon! Lumingon ako sa nagsalita, lintik! Dispatcher lang pala ng jeep na nagtatawag ng pasahero byaheng Balik-Balik. Na "Wow Mali" ako noon at kami'y napatawa na lang sa nangyari.

Nakarating kami sa inuupahan nilang apartment building. Sa building na 'yon, sa pinakataas sila nakapwesto o halos sa roof top na. May kataasan din ang building na 'yon. Itinuring nila akong isang bisita noon. Pinakain nila ako ng hapunan at nakipagkwentuhan sa kanila. Puro din sila mga babae noon na magkakaklase.

Niyaya ko s'ya noon na pumuntang roof top, tanaw na tanaw doon ang kalawakan ng Maynila, maging ang Manila Bay ay kitang kita din. Maganda doon kapag gabi dahil sa mga ilaw na nananahan sa buong Maynila. Parang maituturing mo na isang romantic place. Nag-aaambon noon 'nung kami ay nasa rooftop, gabi na rin noon at malapit-lapit na ring maghating gabi. Nagpaalam na ako sa kanya noon na uuwi na. Niyakap ko s'ya noon ng bahagya at nagpaalam na sa kanya. Bumalik na rin kami sa baba para magpaalam sa mga kasama n'ya.

Mag-isa ako noong naglakad sa madilim na bahagi ng kalsada malapit sa Quiapo Church. Hindi ko rin noon alintana ang mga naglipanang mga holdaper noon sa Maynila. May mga ilang kabataan din akong nakita na mga nakatambay pa rin sa kalsada.

Kinabukasan, nabigla na lang ako noong nagtext s'ya sa'kin. Nagtapat s'ya noon ng pag-ibig sa'kin at nagulat na lang ako dahil nahulog na daw s'ya sa'kin. Sinabihan ko s'ya noon na, alam mo namang may mga girlfriend na ako. At baka maging mahirap lang para sa'yo. Ipinilit n'ya noon ang kanyang nararamdaman sa'kin at talagang seryoso s'ya noon. Pumayag na din ako sa naging gusto n'ya ngunit binigyan ko s'ya noon ng kondisyon na baka masaktan lang kita, dahil baka hindi ko matumbasan ang binibigay mong pagmamahal sa'kin.

Okey lang ba sa'yo 'yon? Wika ko sa kanya.

Okey na din daw sa kanya 'yon, basta maging kami lang!

Noong muli akong bumalik sa kanya, doon sa roof top malimit kaming tumambay. Binalaan din ako noon ng kaklase n'ya na 'wag ko daw lolokohin ang babae. Humanda daw ako sa kanila kapag niloko ko daw ang kaklase nila. Sinabi n'ya noon sa'kin na ako ang first boyfriend n'ya. Masayang masaya s'ya noon ng makita n'ya akong muli. Marami kaming naging usapan tungkol sa buhay

-buhay, sa kanyang pamilya at sa kanyang mga pangarap sa buhay. Binanggit n'ya din sa'kin na may kahirapan ang buhay sa kanila. Ang kanyang mga magulang ay mga magsasaka at marami silang magkakapatid, kaya nagsusumikap daw s'ya sa kanyang pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho sa hinaharap. Gusto n'ya rin tulungan ang kanyang mga magulang o tumbasan ang mga sakripisyo nila para sa kanilang magkakapatid. Pangarap n'ya din makapag-abroad noon. Sinabi ko naman sa kanya noon na parehas lang naman tayo. Ang maganda sa'yo nakapag-aral ka ng kolehiyo, habang ako'y mas pinili ko na lang ang magtrabaho dahil sa hirap ng buhay.

Sinabi n'ya noon na mahal kita at sana magtagal tayo. Minsan sinasabihan n'ya akong parang napipilitan ka lang na mahalin ako. Sinasabi ko na lang sa kanya na magulo lang ang isip ko. Palagi ko din pinapaalala sa kanya ang aming usapan o kondisyones. Hindi naman ako naging plastic sa kanya noon. Hindi ko lang talaga maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ko na kayang magmahal ng lubusan. Parang naubos na ang pagmamahal ko noon. Naging bilanggo ako ng kahapon sa ngalan ng pag-ibig. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit ganon na lang ang naging pakikitungo ko sa kanila. Parang naging normal lang sa'kin noon ang mga nakikila kong mga babae, pakisamahan sila, maglibang kasama sila at muli mawala din sila ng hindi ko man lamang pinanghihinayangan. Naging totoo lang din ako sa sarili ko pero hindi ko pinagkait ang pagmamahal na dati'y hindi ko man lamang nakamtam sa taong minahal ko. May pagkakataong napapaiyak ko rin s'ya noon. At sa totoo lang naging guilty rin naman ako.

Ako rin noon ang nagturo sa kanya kung paano humalik. Nagtagal kami sa roof top na iyon. Napuno 'yon ng mga masasayang sandali naming dalawa. Nakatatlong balik din ako doon bago matapos ang kanilang O.J.T. Balak ko pa sanang bumalik noon sa mga huling araw nila sa Maynila ngunit hindi na rin natuloy dahil naging biglaan ang kanyang pag-alis noon. Buhat 'non hindi na kami nagkita pa.

When you were young

"The killers"

You sit there in your heartache

Waiting on some beautiful boy to

To save you from your old ways

You play forgiveness

Watch it now, here he comes

He doesn't look a thing like Jesus

But he talks like a gentleman

Like you imagined

When you were young

Can we climb this mountain

I don't know

Higher now than ever before

I know we can make it if we take it slow

Let's take it easy

Easy now, watch it now

We're burning down the highway skyline

On the back of a hurricane that started turning

When you were young

When you were young

And sometimes you close your eyes

And see the place where you used to live

When you were young

They say the devil's water, it ain't so sweet

You don't have to drink right now

But you can dip your feet

Every once in a little while

I said he doesn't look a thing like Jesus

He doesn't look a thing like Jesus

But more than you'll ever know

Wish you were here

"Pinkfloyd"

So, so you think you can tell

Heaven from hell

Blue skies from pain

Can you tell a green fields

From a cold steel rail?

A smile from a veil?

Do you think you can tell

Did they got you to trade

Your heroes for ghost?

Hot ashes for trees?

Hot air for a cool breeze?

Cold comfort for change?

Did you exchange

A walk on part in the war

For a lead role in a cage?

How I wish, how I wish you were

We're just two lost soul

Swimming in a fish bowl

Year after year

Running over the same old ground

And how we found

The same old fears

Wish you were here

Meron din dati akong babaeng nakilala na taga Binan, Laguna. Ang maganda sa kanya parehas kami ng mga hilig pagdating sa musika. Mahilig din s'ya sa mga rock and alternatve music. Nagpalitan kami dati ng mga nalalaman naming mga kanta. Sinabi ko sa kanya noon na try mong pakingan ang "I remember you" ng Skid Row, baka sakaling magustuhan mo.

Ang ganda pala ng kanta na 'yon!

At matindi din sila o malupit! (Skid Row)

[Binalita n'ya sa'kin ng napanuod n'ya ang mtv nito sa youtube.]

Sinabi n'ya rin noon sa'kin na pamilyar ka ba sa "System of a down?"

Oo naman, sagot ko!

Astig din ang tugtugan nila, diba?! Dagdag pa n'ya.

Naging magkaibigan kami noon na kapwa nakikinabang sa isa't-isa. Noong nakapasyal ako sa kanila, nagustuhan ako ng kanyang ina. Sinabi sa kanya ng kanyang ina na, "Magalang daw ako at magaling pa raw pumorma." Napangiti ako noon ng banggitin n'ya 'yon sa'kin. Madaling araw na din ako noong nakauwi sa amin magmula sa Binan.

Natututunan ko noon na, "Hindi mo naman kailangang maging seryoso para lang makakuha ng babae." Madali ko lang nagagawa ang makipaglaro sa kanila pero, hindi lahat ng babae ay kaya mong pasakayin. Nagkakataon lang din siguro na tumapat lang kami sa parehas naming mga gusto. Ngunit ganon pa man, hindi pa rin naman nawawala ang paggalang ko sa kanila o pagiging gentleman. 😘

Lumipas pa ang mga araw at nakaramdam s'ya ng muling pananabik. Sinabi n'ya noon sa'kin na, "Pwede ba tayong muling magkita sa huling pagkakataon." Nagkita muli kami noon pero hindi na din ako nakapunta pa sa kanilang bahay. Naging masaya s'ya noon sa muli naming pagkikita habang ako'y lipad ang isip.

Nothing lasts forever

"Echo and the Bunnymen"

I want it now, I want it now

Not the promises of what tomorrow brings

I need to live in dreams today

I'm tired of the song that sorrow sings

And I want more, than I give

Just try to, try to, try to forgive

I'd walk to you through rings of fire

And never let you know the way I feel

Under skin is where I hide

The love that always gets me on my knees

And I want more than I can get

Just trying to, trying to, trying to forget

Nothing ever lasts forever

Nothing ever lasts forever

Nothing ever lasts forever

Nothing ever lasts forever

All the shadows from the pain

Are coming to you

All the shadows from the pain

Are coming to you


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C50
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login