Download App
50.7% PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 35: Ayaw ko ng mag-aral! ~ Gusto ko ng kalayaan!

Chapter 35: Ayaw ko ng mag-aral! ~ Gusto ko ng kalayaan!

*GRACEFUL LADY AT BENSON BAKERY*

Nagdaan pa ang ilang araw. Pumunta kami ni mama sa P.H.S para kausapin ang aking adviser (limot ko na ang pangalan ni mam) ngunit tanda ko pa ang mukha n'ya. "Parang si Mrs. ??????? yata ang naging adviser ko noon na teacher sa Pilipino." Hiyang-hiya ako noon na magpakita kay mam pati na din sa mga kaklase ko kaya sa faculty na lang nila kami dumeretso at naghintay kay mam.

Natatandaan ko pa dati na pinuntahan ako ni Janeth at isa ko pang kaklaseng babae. Marahil inutusan sila ni mam na puntahan ako sa bahay para kumustahin ako kung bakit hindi na ako pumapasok. Hindi na ako noon nagpakita pa sa dalawa dahil sa hiya ay tinaguan ko na lang sila. Si Janeth Evangelista noon ang tanging taga sa'min na naging kaklase ko nu'ng first year high school ako.

Nagkaharap-harap kaming tatlo noon sa mesa ni mam. Hiyang-hiya din noon ako kay mam. At naganap ang masinsinan na usapan. Ikinuwento ni mama ang lahat-lahat kay mam. Hinikayat nila akong muling pumasok sa eskwelahan. Sa harap ni mam ay umiyak na si mama! (mababaw talaga ang kanyang luha) Si mama madaling umiyak at 'yon na yata ang kahinaan n'ya. Tumulo ang kanyang luha at nagmamakaawa sa'kin na bumalik na muli sa pag-aaral. Makakabalik pa daw ako wika ni mam sa kanya. Pero naging matigas ako noong mga oras na iyon. Sinabi ko sa kanila na ayaw ko na munang pumasok. Ayaw ko na talaga! (Nakayokong pag-iling ko) Sinabihan din ako noon ni mam na balik kana, ngunit umiling pa din ako... "Paano misis, hindi natin mapipilit ito, baka gawin lang ulit ang ginawa n'ya kapag pinilit pa natin pumasok muli." "Kung gusto n'yo sa susunod na taon n'yo na lang s'ya muling papasukin." (Dagdag pa ni mam)

Alam kong masama ang loob noon ni mama sa'kin dahil hindi nasunod ang gusto nilang pumasok akong muli. Umuwing luhaan si mama habang ako ay may saya at ngiti sa labi dahil nasunod ang gusto ko at ako ang nanalo. Umuwi nalang kami ni mama sa bahay at ako'y tahimik lang na naglalakad habang s'ya'y nagsasalita pa. Naging matigas talaga ang ulo ko noon at naging makasarili!

Sa mga oras na iyon ang gusto ko lang ay kalayaan, kalayaan sa lahat ng bagay. Mas pinili ko na lang din noon na hindi na muna pumasok dahil si papa noon ay wala ng trabaho. Halos wala na din noon kaming makain habang ang tatlo kong kapatid ay pumapasok din sa eskwela.

Taong 1998, doon ko natamasa ang inaasam-asam ng mga kabataan. Ang maging isang "MALAYA!" Gigising ako sa umaga ng walang iniintinding gagawa ako ng assignment at project sa school. Malaya ako noong nakakapaglaro at bumarkada. Hindi din ako naiinggit sa mga kababata ko noon na nagpatuloy sa pag-aaral. Naging malaya ako noon gawin ang mga gusto ko.

Isang araw, pumunta sa bahay namin si kuya Arthur na kakilala nila mama at papa na taga Apitong na medyo may kalayuan din samin. Inalok noon sila mama na isasama daw n'ya ako sa pagpasada ng kanyang jeep bilang kanyang konduktor kapalit noon ay bibigyan n'ya ako ng pera. Pumayag na din ako noon pero doon ako titira sa kanila. Makauwi lang ako kapag coding ang jeep at kapag ito'y ipapasada ng kanyang anak.

Byaheng Parang-Cubao-Stop n' Shop ang ruta namin. Ang minimum pa noon sa pasahe ay naglalaro sa 2.50 to 3.00 pesos. Iyon din ang panahon na ginagawa pa lang ang LRT line mula Aurora boulevard hanggang Recto sa Maynila, kaya pagsapit ng Cubao ay bumper to bumper na ang trapik dahil sa makipot na kalye noon gawa ng ginagawang tulay ng tren. Talagang sobrang trapik noon! Hindi naman ako naiinip noon dahil may sounds ang jeep namin, nililibang ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng musika.

Mula madaling araw hanggang alas nuebe ng gabi ang byahe namin. Pagsapit ng gabi,nakakatulog na ako! Nagigising na lang ako kapag gagarahe na kami. Minsan naman, maaga kaming gumagarahe. At minsan naman ay tanghali na din kami bumyahe. Sinasabihan ako ni kuya Arthur noon na patulog-tulog daw ako. Sino ba naman ang hindi aantukin sa ganong oras at haba ng pagbyahe namin lalo na sa mura ko pang edad. Ha! Ha! Ha!

Noong nasanay na ako at medyo matagal na. Naging easy na sa'kin ang pagsusukli at pagkuha at pag-abot ng mga bayad ng mga pasahero kahit sabay-sabay pa sila. Nakaipon din ako ng kaunti, nakabili ako ng t-shirt at short maging sandals na nauso dati. Nabibigyan ko na din sila mama ng pera 'non pambiling bigas at pagkain. Nabibigyan ko din ng konting pera ang mga kapatid ko. Minsan sa tuwing uuwi ako sa amin ay pinapadalhan ako ng asawa ni kuya Arthur ng ilang kilong bigas. At doon binibigay nila ang pera kong pinagtrabahuhan. At binibigay ko kay mama ang iba.

Kapag ang sumasakay ay mga taga sa amin, hindi ko na sila pinapabayaran pa. Sinisenyasan ko na lang sila ng palihim na 'wag ng magbayad, dahil hindi sila kakilala ng driver. At maging mga kakilala ko ay libre na din sa pamasahe. Tuluyan lang akong huminto noon sa pagsama sa pagbyahe ng pansamantalang masiraan ang jeep na si "Graceful Lady", pangalan ito sa taas ng windshield na hango sa bunso nilang anak na si Grace.

Bumalik ako noon sa pagtitinda ng pandesal sa Benson's Bakery na malapit lang sa St. Mary at halos katapat lang ng bahay ni lola Ordonez na aming pinaglilinisan noon. Isa sa kapit bahay ng bakery ang Calero's Store, isang espanyol na lalake na dito na nanirahan sa Pilipinas. Si Mr. Calero ay masungit sa mga kabataang pasaway at makukulit na tulad namin noon. Kilala s'ya doon sa Divina Gracia Subdivision doon din sa Marikina.

Nagsimula akong magtinda ng pandesal sa edad na sampu at grade four ako 'non. Kada madaling araw, alas kwatro hanggang alas singko ang gisingan namin. Mas maganda kung alas kwatro ang punta sa bakery, doon kasi first come, first serve. Kaya, kapag nauna kang dumating, ikaw ang unang bibigyan ng pantindang pandesal. Malas-malas mo lang kapag alas singko kana nagising at 5:30 bago ka pa makapunta sa bakery. Makakasalubong mo na 'non sa daan ang mga naunang nagising na naglalako na ng tinapay. Bibilisan mo na 'non maglakad dahil baka wala ka na ng maabutan na pantindang tinapay. At mangangambang baka pagbilhan na nila ang mga suki mo.

Minsan, awayan kami kapag napagbilhan ang suki mo at pumasok ka sa teretoryong pinagtitindahan ng kasama mo. Minsan naman, andon na ang takutan sa daan. Aabangan mo ang isang paparating na kasama, magtatago ka sa madilim na kanto at 'don bubulagain mo s'ya ng gulat.(Magugulat naman sa takot ang kasama mo) Meron din naman na hindi natatakot. Minsan naman, sisitsitan namin at palinga-linga ng lingon at mamaya-maya pa'y tatakbo na sa takot ang loko.(Magtatawanan na kayo 'non ng kakonchaba mo) Kapag napikon ka naman dahil pinagbentahan ng kasama mo ang suki mo, doon aabangan mo ito at susuntukin. May magagnap ng iyakan, away at tampuhan sa kasama. Kapag maaga ka naman makaubos ng tinda, pwede ka pang bumalik sa bakery para magtindang muli, 'yun nga lang kung may aabutan ka pang pwedeng itinda.

Halos karamihan noon puro lakad lang sa paglalako. Masuwerte ka na kung may bike ka para magamit sa pagtitinda. Hindi pa din noon uso ang styro por, sa mga karton lang ng noodles at iba pang malalaking karton namin nilalagay ang mga tinapay. Sasapinan lang namin ng katsa ang karton sa ilalim at ibabaw para matagal mawala ang init ng mga tinapay. Halos karamihan noon puro lakad lang sa paglalako, ilalako mo iyon pasan sa ulo mo ang karton at sisisgaw ng PANDESALLL..., habang naglalakad. Masuwerte ka na noon kapag may bike ka para gawing service at mabilis na makakapunta sa pupuntahan ng hindi napapagod sa paglalakad. Masuwerte ka na din kapag ang benteng ibinayad sa'yo ay nadoble o doble, may instant kita ka na 'non na bente pesos na sobra. (Ilan beses ng nangyari sa'kin 'yon) At malas mo na lang kapag nahulugan ka ng pera, tiyak abonado ka at walang kita. At malas mo na lang din kapag marami ka pang tirang tinapay, tiyak maliit lang ang kikitain mo. At lalong malas mo na lang din kapag ang inilalako mong pandesal ay mahulog sa lupa kapag napadaan ka sa madulas na bahagi ng daan at madulas ka o ma-out balance kapag tag-ulan, tiyak tapon ang mga tinapay mo. (Nangyari na din sa'kin 'yon at ang ginawa ko ay dinampot ko ang mga tinapay mula sa lupa, pinagpagan at muling itininda. hehehe!)

Nagtutulungan naman kami! Kapag ang isa mong kasama ay marami pang tirang tinapay at kapag ikaw ay maagang nakapaubos, tutulungan mo itong mag-alok at maglako ng kanyang tinda.Ituturo mo din sa kanya ang iyong madadaanan na bibili ngunit ubos na ang sa'yo. Papapuntahin mo s'ya 'don at ituturo pa ang ibang bibili ng tinapay. Mahina ka na kapag isang daan lang ang kukunin mo.(Isang daang tinapay) Ang kita mo doon ay bente pesos lang. Malakas ka na kapag ang napaubos mo ay two hundred pataas na tinapay, may kita ka na 'non na fourty plus pesos. (Marami ka na nu'ng suki!)

Piso pa lang noon ang isa ng tinapay at malaki ang sukat nito. Mga alas siete hanggang alas otso ang huling oras ng lakuan ng pandesal. Kapag inabot ka pa ng sobra sa alas otso at marami ka pang tirang paninda, tiyak mahihirapan ka ng maipaubos ang mga ito. Masaya ka kapag napaubos mo ang mga ito! Malungkot ka naman kapag marami ka pang tirang pandesal.

Bago kami umalis sa bakery, may mga kape ng nakatimpla at nakahanda sa amin. Doon din inaabutan kami ng mga tirang pandesal at reject o pinagtabasan ng mga masa na niluluto din na pinagsama-sama. Konting pahinga, kape at tinapay habang nagaantay pa sa ibang hindi pa bumabalik galing sa paglalako.

Dederetso na kami kila manang Inday pagtapos maglako ng tinapay. Andon ang mga arcade games o video games nila na aming kinalolokohan noon. Doon minsan inuubos ng ibang mga ksama ko ang kanilang kita at maging ako man. Hinuhulugan ng piso-pisong barya, game start/game over/enjoy your self/ubos ang pera! May mga umagang tulog pa si manang Inday kaya kinakalampag namin ito at tinatawagan sa kanilang bintana.

Minsan naman, deretso na kami sa bahay. May mga pagkakataon ding dederetso kami sa pagdadamuhang bahay pagkatapos magtinda. Minsan din o madalas, kami nagsusugal. Ang aming mga kita ay pinapangsugal namin, mga ilang salop ng barya sa palad o bulsa, tatsing o touching, cara y cruz, mido (laro sa aming lugar) at digit. 'Yung iba naman ay iniipon sa alkansyang kawayan. At minsan naman ay ibinibili namin ng bigas at natutuwa ang aming mga magulang. 👍


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C35
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login