Halos ilan taon na din akong tumigil sa pagsusulat. Marami ngang nagbago! Ilan taon din naman akong naging masaya at may mga buwan ng depresyon at prustasyon, minsan nga halos ayaw ko ng lumabas ng bahay at makakita ng tao. Ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ay ng dumating ang aking munting anghel na si Vianne Roux. Ito na ang pinakamagandang regalo na natanggap ko sa Diyos!
Nakadiskubre ako ng maraming bagay na dati'y hindi ko alam. Nailabas ko ang natural talent ko sa art. Sobra isang taon din akong nagpatuloy sa pagpipinta at nakagawa ako ng 30 plus na mga paintings. Ayos na din iyon! Marami pa namang oras para gumawa ulit, magpo-focus muna ako sa pagsusulat ngayon ng mga bagay na walang kabuluhan.
Nabasa ko at tinapos ang nobelang "Little house on the prarrie" ni Ms. Laura Inggals. Napanuod ko din at natapos ang mga series nito,at napanuod din ang classic movie nito. Nadiskubre ko ang movie na "Chocolat (2001)" ni Juliet Binoche, Johnny Depp, Jodi Dench, Lina Owen at Alfred Molina. Pinanuod ko ito ng higit sa dalawampung beses at lubusan nalang akong tumigil ng masira na ang pirated na bala.Kasama ang "Flowers of War" ni Christian Bale. At ang movie ni Jean Claude Van Dame na "In Hell". Movie na "Robinson Crusoe". Inabangan ko din ang documentary na "Ancient Alliens", "Planet Earth" at "Mankind" (the story of all us), The Bible. Napanoud ko din ang movie na "Hitler". Movie na Ceasar at Alexander D' Great. Naadik din ako at natawa sa mga classic na pelikula ni Chiquito, tulad ng Herkulas, Boldyak, Mang Kepweng, Aksiong Aksaya, Kape't Gatas kasama si Julie Vega, Tinimbang ka ngunit Sobra, Rocky Four, Nagalit ang patay sa haba ng lamay at marami pang palabas n'ya. Napaluha din ako at humanga sa pelikula ng King of Comedy na si Dolphy at Child Wonder na si Nin'o Mulach na "Ang Tatay kong Nanay". Mga pelikula ng hinahangaan kong derektor na si Lino Brocka. Napanuod ko din ang pelikulang "Frida". Kwento ng buhay ni Frida Kahlo, isang legendary Mexican surrealist painter. Lubos kong hinangaan at tinitigan ang mga pinta nila Pablo Picasso, Salvador Dali, Vincent Van gogh, Leonardo Da Vinci, Albretch Durer, Rembrandth Van Rejin, Diego Velazques, Juan Luna, Fernando Amorsolo at marami pang ibang magagaling na mga pintor ng kanilang kapanahunan. Natapos ko din panuorin ang buong series ng "Band of Brothers" ni Steven Spielberg, kahit na ito'y napanuod ko na dati. Pati na din ang mini series ng "The Pacific".
Humanga din ako sa bandang X-Japan at minahal ang kanilang musika. Kinilala din ang buhay at kamatayan ng kanilang lead guitarist na si hide. Napasaya at narelax ang isipan ko sa musika ni Bob Marley. At sobrang dami pang iba.
*GUSTO KONG MAG-TIME TRAVEL*
(Lilipad, lilipad takure)
Gaano ba kadalas ang minsan at dumadalas ang minsan? Minsan naging tao tayo, nagkaisip, natuto ng maraming bagay. Hanggang kailan pa ba lalaban si Manny Pacqiuao. (PACMAN) Nakailang panalo na ba s'ya sa bawat laban na kanyang sinagupa? Hanggang kailan ka pa ba n'ya papasayahin sa bawat panalo n'ya sa loob ng arena? Para marealize mo na ang tagumpay ay talagang nakukuha sa sipag at tiyaga. Minsan man o madalas nangangarap tayo ng magandang buhay. Minsan ba naisip mong mangarap ng komplikadong buhay? Minsan ko na din nadaya ang kamatayan, at minsan eto, nabubuhay pa din ako. Siguro may silbi pa ako dito sa mundo at alam kong may dahilan kung bakit pa ako binuhay ng Diyos.
May mga taong sawa na sa buhay at nandadamay pa ng iba. Subukan n'yong tumira sa buwan o 'di naman kaya doon kayo sa malayong isla ng nagiisa. Baka doon, mahalin ninyo ang inyong buhay,baka doon ninyo malaman ang kahalagahan ng buhay. Gaya ng minsan at dumadalas kong sinasabi, wala naman akong pakialam sa buhay n'yo. Gusto ko lang magsulat ng mga bagay-bagay para malibang. Pero ganun pa man bilang mga tao, mahalin natin ang ating mga buhay,dahil hindi ka mamahalin ng iba kung hindi mo kayang mahalin ang iyong sarili. Payong kaibigan lang kapatid, magmahalan tayo... Mahalin mo ang iyong kaaway.😜
Minsan nangangarap ako ng higit pa sa pangangailangan ko, kaya minsan hindi ko na napapahalagahan ang mga bagay na nakapalibot sa'kin. Mga simpleng bagay na naghahatid ng simpleng saya at lubusang kagalakan. Kung minsan pa, at kadalasan kasi 'yung mga wala, ayon pa ang hinahanap. Minsan man o madalas, hinahanap natin ang mga pleasures na wala naman tayo. Mga satisfactions na gustong gusto nating maganap ng madalas.
Mahilig ba kayong magimagine? Ako kasi mahilig d'yan! Di' ba, masarap, mapapangiti ka pa kung minsan. Napu-fulfill ang needs mo sa pamamagitan lang ng pagiilusyon. Di'ba, instant pleasure na 'yon! Sa ganong paraan nakakapag-isip tayo ng mga masasaya at mga positibong bagay na gusto nating maranasan o mangyari sa'tin. At sa ganong paraan nagiging inspirado tayo sa buhay.(Samahan mo lang daw ng gawa para mangyari ito!)
Gusto kong maging katulad ni Sai Baba, nakakalikha ng mga bagay-bagay sa hangin. Gusto kong makapaglakbay sa iba't- ibang panahon. Makapag-time travel sa panahon ng mga dinosaur, ice age, panahon ng mga sinaunang tao, panahon ni Kristo, gusto ko 'yon mapuntahan doon. Makibaka kasama si Moises. Panahon ng mga pirata, mga amasona, panahon ng luma at bagong bato.Panahon ni Rizal at makamayan s'ya. Panahon ng una at pangalawang digmaang pandaigdigan. Panahon ni Julius Ceasar, Zairus D' Great at Alexander D' Great pati na din kay Genghis Khan at Napoleon Bonaparte. Gusto ko din mapasyalan ang little house on the prairrie. Makitira kila Laura at sa kanyang pamilya. Maglayag kasama sina Huck, Tom at Jim sa ilog ng Mississsippi. Gusto ko din mapuntahan ang panahon ng mga dakilang pintor at magpinta kasama sila. Nais ko din makasama kahit isang gabi si Marilyn Monroe at makipagkwentuhan sa kanya. 😊🌚🥂
Ang sarap siguro ng pakiramdam kung makakapaglakbay tayo sa iba't-ibang panahon at makakuha ng mga souvinir sa kanilang panahon.
Madalas kong inaabangan dati ang pambatang palabas na Time Quest sa channel 13. (Lilipad, lilipad takure!) Ang mahiwagang takure na nakakapagsalita at nagbibigay ng mga lagusan o portal sa mga iba't-ibang panahon na si Tondekeman. Teka lang at may kontrabida pala 'don na si Abdula at ang kanyang dakilang alagad na si Gennie na gustong-gustong makuha si takure at kalauya'y naging master s'ya nito. Kasama na din ang mga bidang sila Henry, Mayumi, Prinsesa Shalala, Prensipe Darndarn, Alladin at ang kanyang munting dragon. Minsan nga iniimagine ko na, ako ang bida 'don at kasama si takure, ang cool, di' ba!... Nakakarelate ba kayo mga batang 90's? Naniniwala ako in the future makakaimbento din ng "Time Machine" ang mga tao sa hinaharap. 🕰
Makilala ng personal si Bob Marley.Maaliw sa musika ng live kay Edith Piaf.Makipagtawan kay Charlie Chaplin.Magpaturo ng magic kay Houdini.Makipagkwentuhan kay Mark Twain at Leo Tolstoy.Maging estudyante ni Albert Einstien at Nicolai Tesla.Makinig sa mga musika nila Louis Armstrong at Billie Holiday habang nasa cafe kami at nagyoyosi.Makapunta at mag-enjoy sa Live Aid Concert noong 1985.Makiisa at makikanta sa Moscow Music Peace Festival nong 1989.Mapuntahan din ang Durtmond Rock Music Concert noong '83,pati na din ang WoodStock '69.
Janaury 26,2014
Isang napakalamig na umaga at pgpapala ng may Kapal sa ating lahat.Anu nga bang pwede kong isulat ngayon,wala naman akong maisip,dahil siguro wala pa akong almusal ngayon.he!he!Tingnan n'yo ang mga langgam.Sila na yata ang masipag na nilalang sa mundo.Sige magimpok lang kayo ng magimpok at sa darating na tag-ulan ay may magamit kayong pagkain.Tingnan mo ang mga langgam,wika ni haring Solomon.
Anu kaya kung ang mga tao sa mundo ay maging langgam ng isang araw.Malamang sa isang araw na iyon ay walang magugutom at magrereklamo sa Diyos.Mapupuno ng mga pagkain ang bawat sulok ng daigdig.Pero,hindi naman kasi tayo mga langgam para mamulot nalang ng pagkain sa kung saan-saan.Napakakomplikado ng buhay ng tao lalo na't wala kang makain o maibili nito.Marami ang gumagawa ng masama makakain lamang.Marami ang nasisiraan ng ulo sa gutom.Siguro ang mortal na kaaway ng tao ay kagutuman.Nabubuhay tayo para kumain ng kumain sa mundo,at ang iba nga d'yan ay kahit ulam na ng kapitbahay nila ay kinakain na din.(Ako 'yon!) Yung iba nagnanakaw ng pagkain at ang iba naman ay namamalimos para may pangkain.
Sabi nga nila,ang almusal daw ang pinakaimportanteng meal sa buong araw,kaya sige,kain ka muna ng almusal ngayon bago ka magbasa.Huwag ng magrereklamo pa kung bakit tuyo na naman o noodles lang ang makakain sa mesa.Magpasalamat pa din sa Maykapal.Ang iba nga d'yan kape lang at pinaghati-hating tinapay lang ang almusal.(Naranasan ko na 'yon!)Noong mga bata pa kami madalas kaming kinakapos sa pagkain.
Nagpapasalamat nga pala ako sa matalik na kapitbahay ko noon na si Onel na nahihingian ko ng ulam dati ng patago,kapag walang kaulam-ulam sa amin.Pati na din sa mga dating kapitbahay namin noon na nagbibigay o nagse-share ng kanilang mga ulam sa'min.Sila 'yung mga nangangatok sa pinto at may dalang isang mangkok na ulam o isang plato,tanghali man o gabi.Salamat talaga at nagkaroon kami ng mga kapitbahay na katulad n'yo.Nasumpungan n'yo ang aming mga kumakalam na sikmura noong mga panahon ng aming kagutuman.
Mahirap gumalaw at magisip kapag walang laman ang tiyan.Minsan pa nga nakakainit ng ulo kapag gutom na tayo,kaya habang may pagkain d'yan.Sige,kumain ka lang pero magtira ka naman para sa iba.