Download App
33.8% PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay) / Chapter 23: Oras na ng pagalis ko... I'm going home!

Chapter 23: Oras na ng pagalis ko... I'm going home!

Araw na ng paguwi ko! Ngayon na ang flight ko at tumama ito ng friday the 13th. Nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko. Ang mga damit na naipon ko na nasa maganda pang kondisyon ay tinupi ko na at isa-isa ko ng nilagay sa maleta ko. 'Yung component na binigay sa'kin sinama ko din sa maleta. At ang dalawang speaker ay nilagay ko sa isa pang malaking traveling bag. Ang bag pack na dala ko ay mga damit din at andon din ang mga pasalubong ko. Nakaayos na ang lahat at areglado na. Bago magtanghalian, naligo na'ku at kumain na din ng pananghalian. May mga ilang mga damit akong iniwan na sa kwarto dahil hindi na magkasya pa sa maleta ko. Sinabi ko kay Jay-r na kung gusto mo sayo nalang ang mga 'yan.

Nakausap ko din si Friend bago ako umalis na sasama daw s'ya sa'kin o ihahatid n'ya ako sa airport. Sinabi n'ya din sa'kin na kung pwede ko daw dalhin ang pasalubong n'ya sa kanyang anak. Ibinili daw n'ya ito ng manika at 'yon daw ang regalo n'ya dito. Sinabi ko noon sa kanya na hindi ko naman 'yan madadala sa anak mo dahil Batangas ang bagsak ko at ang inyo naman ay sa Manila, tsaka mas maganda kako kung ikaw mismo ang magaabot n'yan sa anak mo. Namimiss n'ya na daw ang kanyang anak.

"Pasensya ka na ha!"

"Hindi, okey lang walang problema!"

[sagot n'ya sa'kin]

Bigla tuloy akong nalungkot sa kanilang magina.

Sinabi ko na lang din sa kanya na,

"Magiging maayos din ang lahat! Magdasal ka lang."

Binigay ko na din ang share ko sa bahay ni kuya Robert kay ate Roda. Sinabi pa ni kuya Robert na kung okey na ang sa'kin. Si ate Roda na ang sumagot na oo nasa akin na. Nasa bahay sila noon maliban kay Randy na pumasok ng maaga sa trabaho. Si Marimar naman din ay nasa kanyang amo pa at weekend pa ang kanyang dayoff. Bago mag-ala una, nagpaalam na'ku sa kanila. Si Friend ay pumunta na din sa bahay kasama noon ang bagong kilala n'ya na lalaki na kadarating lang din galing Cavite. Nagpaalam na'ku sa kanila, kay Jay-r na naging kaibigan ko na ay nakipagkamay ako. Sinabi ko sa kanya na magkikita pa tayo. Bumaba na kami ng plot nila Friend, tinulungan nila akong magbitbit sa mga dala kong gamit at naglakad na kami patungong bus stop papuntang airport. Masaya ako noon na may halong lungkot din sa pagalis.

Nakarating kami ng maaga ng dalawang oras sa aking flight na alas kwatro ng hapon. Sinamahan pa nila ako sa loob ng airport at ilang sandali pa, tumungo na ako noon sa baggage area. Nandon naman katabi ang pwesto ng anak ni Mam na pinagpart time-may ko. Pinoy na lalaki ang nagkilo sa mga bagahe ko at sumubra ito sa minimum na timbang. Halos nasa 60 kilos o higit pa ang ang dala ko. Sinabi nito sa lalaki na ako na ang sasagot n'yan sa sobra. "Sige Axel, ok na!" Ako ng bahala! Nagpasalamat ako noon sa kanya at nagpaalam na din. Napabuti pa ang pagsama ko kila Jay-r para tumulong sa kanilang paglipat bahay. Nakatipid din ako 'non dahil may bayad ang extra baggage at malaking tulong 'yon para sa'kin.

Nagpaalam na'ku kila Friend ng magcheck-in na ako. Biniro ko pa ang kasama n'yang lalaki na ikaw na ang bahala d'yan at aalagaan mo 'yan ang kaibigan ko. Tumawa lang ito at tumingin kay Friend, ramdam kong magkakatuluyan silang dalawa dahil kapwa kumikislap ang kanilang mga mata.Tumingin pa ako sa kanila at muling nagpaalam sa aking paglakad paloob na ng airport.

Tumungo ako sa immigration nila at pumila. Tinatakan ang passport ko ng departure at nagbayad ako sa ilang araw kong over staying. Hindi ko na matandan ang binayad ko per day pero parang nasa 150-200 pesos kada araw ang penalty. Naging maayos na ang lahat! Tumungo na'ku sa waiting area para magantay na lang sa eroplano.

Nakapagpaalam na din ako noon kila kuya Noel ng Plani Servise. Nagtext ako sa kanila na uuwi na'ku. Si Bigboy alam n'ya na din na pauwi na'ku. May usapan pa nga kami dating magkikita kita kaming tatlo kapag sila ay nakauwi na din ni Tatay ngunit hindi na din ito natuloy o naganap. Pati din kay ate Taba ay nagpaalam na din ako. At sa iba pang nakilala ko ay nakapagtext na din ako.

Isang araw bago ang pagalis ko, pumunta ako kila ate Taba para kausapin si Ate (limot ko na ang kanyang pangalan) na magpasama sa kanya sa police station, para magreport at humingi ng tulong sa kanila na baka makuha ko pa ang mga gamit ko sa dati naming bahay. Hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay 'di ako sumuko. Si ate kasi ay may alam sa salitang cantonese kaya nagpasama ako sa kanya. Pinilit ko pa s'ya noon na samahan ako at kalauna'y pumayag na din s'ya. Dati din namin s'yang kasama sa bahay.

Nang makarating kami sa police station, kinausap n'ya ang mga police doon at humingi ng tulong sa kanila na kung pwede sana ay makuha ko pa ang mga gamit ko doon dahil pauwi na'ku ng 'pinas. Sinabi ng police na nakausap n'ya na parang malabo yata ang pagpunta n'yo dito dahil hindi namin saklaw ang mga ganyang bagay. Usaping pera 'yan dahil may utang ang land lady n'yo sa nagpapaupa. Dapat sila ang nag-uusap dalawa dagdag pa sa amin. Nang matapos makipag-usap si ate ay iniwanan na n'ya ako at may lakad pa daw s'ya. Sinabi n'ya sa'kin na maghintay ka nalang muna dito. Nagpasalamat nalang ako kay ate noon.

Mayamaya pa'y tiningnan ako ng dalawang police at nagtawanan sila ng bahagya. Hindi ko alam kung bakit dahil na din siguro sa problema ko kaya sila napatawa. Pinatayo nila ako at suminyas sa'kin na sumama ako sa kanila. Ituro ko daw ang bahay at sasamahan nila ako. Sumakay ako noon sa patrol car nila at tumungo kami sa dati naming bahay. Umakyat kami sa taas at itinuro ko sa kanila ang bahay. Sinabi sa'kin nila na hindi nila mabuksan. Natural na hindi n'yo 'yan mabubuksan dahil nakapodlock 'yan. (sa isip-isip ko!) Umalis na sila noon at iniwan na ako. Hindi na din ako sumama sa kanila pabalik ng police station, at umuwi na din ako pabalik ng bahay.

Kinagabihan, dumating si Randy. Alam na n'ya na aalis na'ku kinabukasan, kaya sinabi n'ya sa'kin na, "Pare, hindi na kita maihahatid bukas at hindi na rin ako makakapagpaalam sa'yo." Sumagot ako sa kanya na walang problema 'pre! Alam ko naman na may pasok ka.

Niyaya n'ya akong magcasino noon. Sinabi n'ya na pare tayo magcasino hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon. Pinilit n'ya ako noon na magcasino, tumanggi ako noon sa kanya. Inisip ko din kasi na baka matalo pa ako at mahirap na din dahil paauwi na'ku sa 'pinas. Pilit n'ya pa din akong niyaya noon at dahil sa hiya ko sa kanya ay sumama na din ako.

Pumunta kaming casino, naglaro sa slot machine, at gaya ng dati ang ending ay natalo na naman kami. Nakapagpatalo pa ako noon ng dalawang libong piso, nanghinayang din ako sa pera. Balak ko pa sanang tumaya noon pero nakapagpigil na'ku na hindi na sumugal pa. Talo na naman din noon si Randy! Naadik na yata s'ya sa slot machine o gusto n'ya lang din akong makasama sa huling pagkakataon sa ganong paraan. Siguro inisip n'ya din na kung makukuha n'ya ang jackpot ay bibigyan n'ya ako ng malaking balato.

Umuwi na kami ng bahay ni Randy at nakapagusap pa. Sinabi ko noon sa kanya na, "Pare maraming-maraming salamat sa mga tulong mo sa'kin." Hindi kita makakalimutan! Hayaan mo, pagsakaling makabalik pa'ku dito hahanapain kita. Nagpasalamat din s'ya sa'kin noon dahil sa maganda naming pinagsamahan.

Umalis na noon ang eroplano, andon na ang pananabik na muli na akong makakauwi sa 'pinas. Lumipad na ito sa himpapawid at unti-unti ng nawawala sa paningin ko ang Macau.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C23
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login