Empleyado kung laitin ng speaker parang hindi nagpapagod, na sila daw habang empleyado ay nagsisipag sideline pa. wika nga nila wag daw maglalagay ng ilang itlog sa iisang basket para kung sakaling mabasag ang nasa isa meron pang isang natitira.tama nga naman kung kulang ang income maghanap pa ng isang pinagkakakitaan.
kaya pala ganun na lamang makakombensi ang dalawa nyang kapatid sa kanya. akalain mo may nalalaman pa silang kidnap kidnap. yung i gogroup date ka para lang ma corner ka sa isang seminar na inaayawan mo. hindi ka makatayo kasi nasa gitna ka ng maraming taong nanonood din sa speaker na mayabang.
Yes! Mayabang, Sa yabang nya gusto ko ng mag walk away. pasalamat nalang sya kasi nagigitnaan ako ng dalawang ate ko.ate ko na nagtaguyod sa akin kaya hindi ko matanggihan.
Pagkatapos ng seminar akala ko tapos na. meron pa pala meeting after meeting na tinatawag.Pinaupo kmi lahat na magkakaharap pabilog Nagpakilala ang lahat nagsimula sa iba't ibang lahi na naimbitahan nila na umattend hanggang sa akin at sa mga meyembro nila. Huling nagpakilala ang speaker kanina. yung speaker na mayabang hanggang doon mayabang pa rin.pinagmauabang nya ang mga achievement nya. pinagmayabang nya kung paano nya nakuha ang kanyang milyong milyong pera. to be short, nagmayabang sya. akala nya siguro na hook ako sa mga sinasabi nya. mas lalo lang akong nayabangan.Hindi ko naman kasi iyon tinatanong. Pagkatapos ng meeting kami nalang nila ate at ang speaker halos ang natira sa seminar room.Ipinakilala nila ako sa kanya.
Hi!I'm john. and you is? tanung nya sa akin sabay abot ng kanang kamay sa akin kasabay ng matamis na smile.
Inabot ko din ang kanang kamay ko. Hello!I'm messy!(sabay smile) matipid kung sagot sa kanya. At binaling ko ang aking atensyon sa aking mga kapatid. Ate ano uuwi na ba tayo?kaunting oras nalang ang tulog ko nito may pasok pa ako bukas. Nagmamaldita kung tanong sa aking ate.
Oo saglit nalang pauwi na naman tayo. sabay sabay na tayo sa paglabas sa building., sagot ng ate ko.
Ang kwentong ito ay produkto ng aking malikot na imahinasyon lamang at hindi hango sa tunay na buhay.kung ang pangalan at panahon ay naitugma sa inyong buhay ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. maraming salamat sa pagbabasa. nawa'y magustuhan nyu ang aking sulat.
— New chapter is coming soon — Write a review