Pinigilan ni Arnie si Neptuno sa gagawin nitong pagpa parusa kay Sirenita gamit ang trident, alam niyang ikasa sawi ni Sirenita sa sandaling tamaan ito ng liwanag an tila kidlat mula sa trident.
Arnie: Bathalang Neptuno..... huwag mong dungisan ang iyong kamay at ang trident.....
May mas nararapat at tamang kaparusahan na naba bagay sa kanya.
Tama si Sirekoy.... kawawa ang kanilang anak kung palalayasin siya sa Atlantis.At mas lalong hindi tamang dungisan mo ang iyong kamay kung parurusahan mo siya at pupuksain gamit ang trident.
Pagkatapos ng mahabang litanya ni Arnie, ikinumpas nito ang isang kamay........
Sa isang kumpas ng kamay ni Arnie ay nagbago ang anyo ng patuloy pa rin sa pagwawalang si Sirenita........
Neptuno: Janitor fish??? Ginawa no siyang janitor fish???
Arnie: Tama lamang sa kanya ang kaparusahang iyan..... hindi niya kailangang umalis Atlantis, mula ngayon siya na ang magli linis sa buong Atlantis........
Ang mga kaliskis ng lahat ng sirena, sireno, siyokoy at siyokay ay kaniyang lilinisin. Maging ang lahat ng kaliskis ng isda at hasang pati na ang mag taklobo ng mga kabibe. Ang itim na tinta na kanyang ninakaw sa pugita ay ibabalik ni Banak, at si Banak na rin ang hihingi ng tawad para sa kanyang anak.
Nangiti ang lahat sa narinig na kaparusahang ipinataw ni Arnie kay Sirenita. Maging si Sirekoy at Banak ay nakahinga ng maluwag. Hindi na malalayo si Sirenita sa anak, mababantayan pa nila ito upang Hindi na muli pang make gawa ng masama.
Hinuli ni Fishna ang ina na palangoy langoy sa paligid ng kanyang buntot at kaliskis.
Nalulungkot si Fishna sa naging pagba bag ng anyo ng ina, ngunit nalulugod din siya sapagkat Hindi na ito makaga gawa ng masama, hindi rin ito kailangang umalis ng Atlantis.
Hawak sa mga palad ang ina, lumapit si Fishna kay Neptuno at Arnie. Yumukod ito sa dalawa at nagpa salamat.
Nahihiya namang lumapit din si Sirekoy at Banak. Pinasalamatan ng mga ito si Arnie at Neptuno.