Tuwang tuwa na halos lumundag pa si Jr nang matalo ni Arnie ang mga itim na nilalang at balakyot na naging dahilan upang umatras ang mga ito pabalik sa kanilang kaharian
habang buhat ng mga kawal ng kaharian ng itim na nilalang si Prinsipe Matuling na putol ang isang binti habang ang isa sa mga kawal ay binitbit ang naputol na bahagi.
JR : yahoo!!! hahaha mga takbuhin pala kayo eh!!! ano kayo ngayon??? ang sigaw pang pambubuska ni Jr sa mga balakyot at itim na nilalang na tuluyan ng naglaho.
PETER : jr anak..... tama na yan!!! hindi tama ang pag tawanan mo sila, ang maagap na sawata ni Peter sa anak.....
JR : tama lang ang nangyari sa kanila itay, para matakot na silang ituloy ang kanilang balak... at para makauwi na rin si ate Arnie sa atin, ang pangangatwiran ni Jr sa ama.
PETER : alam kong hindi maganda ang kanilang nais gawin at plano, pero???
naisip ninyo ba, na maaaring hindi naman lahat ng mga nilalang na iyon ay masama at gusto ang kanilang ginagawa?????
Maaaring napipilitan lang ang iba sa kanila na sumunod sa utos ng kanilang hari..... ang mahabang paliwanag ni Peter.
ARNIE : Tama si itay Jr..... maaari ngang ang iba sa mga impaktong iyon ay di likas na masama? at napilitan lamang...
Hindi ko rin naman nais na may masawi sa kanila eh, ngunit bigla na lamang ang naging paglabas ng kakaibang liwanag na iyon sa aking mga kamay....
Tila ba, may nabuhay na kakaibang lakas mula sa aking puso na dumaloy sa aking mga ugat ng mga sandaling iyon dahil sa labis na galit.
ang pagku kwento ni Arnie sa kanyang naramdaman...
JR : pero ate... ang galing mo kanina, para kang si Eugene na gumagamit ng Ray gun?!? at yung boomerang light? si Prince Vegeta ba ang gumagamit ng teknik na iyon?
Yung Kame hame wave ni Gouku at mahiwagang apoy ni Recka kaya? kaya mo rin? ang sunod sunod at excited na tanong ni Jr sa kanyang ate.....
ARNIE : heh!!!! ang dami mong nalalaman? may nalalaman ka pang hame hame wave? tama na nga yan at baka mapagalitan ka pa ni itay.....
Sige ka!!! baka bawalan ka niyang dumiskarte kay Prinsesa Usana mamaya!!! ikaw rin!!! ang pananakot na sagot ni Arnie sa kapatid...
Si Borjo naman at ang mga kawal na tikbalang ay nanatiling tahimik at nakikinig lamang sa pag uusap ng mag aama, hindi pa rin sila maka move on sa nakitang kapangyarihan ni Arnie, at napaisip din sila sa binitawang salita ni Peter...
PETER : prinsipe Borjo.... tayo ng lumakad at nang hindi na tayo magahol pa sa pagpunta natin sa kaharian ng mga enkantadong Usa, ang baling at pag aaya ni Peter kay Prinsipe Borjo....
PRINSIPE BORJO : ah!!!! oo nga pala, ang tila naalimpungatan sa pag tulog na sagot ni Prinsipe Borjo.
Pagkatapos ng muling naunsiyaming panibagong engkwentro sa mga itim na nilalang at balakyot muling nagpatuloy sa paglalakbay sila Arnie patungo sa kaharian ng mga enkantadong Usa.....