Download App

Chapter 76: CHAPTER : 57 : PANIBAGONG ENGKWENTRO1;

Tuwang tuwa ang mag asawang si Haring Boras at Reyna Mareana ganon din ang ibang taga paglingkod ng palasyo sa mga gadgets na dala ni Arnie,

agad silang nag paturo kay Arnie kung paano gamitin ang kanilang bagong cellphone.

ARNIE : madali lang gamitin ito ang pag de demonstrate ni Arnie sa hari at reyna ganon din sa mga tikbalang na naglilingkod sa loob at labas ng palasyo.

Una kailangan ninyo ilagay ang sim sa sim slot ng inyong cellphone, at ipinakita ni Arnie kung paano ilagay ang sim, dahil pare pareho ang model ng cellphone naging madali ang kanyang pagtuturo sa lahat,

sumunod ay itinuro niya kung paano buksan ang cellphone sa pamamagitan ng pag pindot sa on button.

Pagkatapos noon ay tinuruan niya ang mga ito kung paano mag connect sa pocket Wi-Fi at kung paano mag download ng facebook at messenger application.....

Pagkatapos mag download ng application itinuro ni Arnie sa lahat ng naka paligid sa kanya kung paano gumawa ng facebook account gamit ang kanilang cellphone number upang mag register.

Madali namang natutunan nang lahat ang bawat step na itinuro ni Arnie,.

bagamat hindi kapareho ng kanyang kinagisnan, maging ng makabagong teknolohiya na kanyang ginagamit ang mga bagay na makikita sa mundo ng mga tikbalang....

Matalino ang mga ito na madaling maka adapt sa mga bagay na kanilang nakikita.

Pagkatapos gumawa ng Facebook account tinuruan sila ni Arnie na mag selfie upang magamit nilang profile picture....

tuwang tuwa ang lahat na nag selfie at upload ng kanilang mga pictures, nagkatuwaan pa ang lahat na nag request ng group selfie at agad ini upload sa kanilang facebook account.

tuwang tuwa sila ng makitang lumitaw sa screen ng kani kanilang facebook wall ang kanilang mga picture dahil silang lahat ay pare parehong facebook friends.

Napuno ng tunog ng facebook notification tone ang bulwagan ng palasyo.

Sa kabilang dako, agad na nag viral ang mga pictures na ini upload ng mga tikbalang na agad nakita ng mga mamamayan dahil naka public ang kanilang mga account.

ito rin ang mga pictures na nakita nila Morgana, Arriane at Lia na nag bo browse sa facebook ng sandaling iyon, umaasa na makatanggap ng balita mula kay Arnie at Jr.

Dali daling ipinakita ni Lia sa ina ang mga pictures...

LIA : inay!!! tingnan mo oh!!! si Arnie at ang mga tikbalang, nag upload ng picture sa facebook at viral na ito ngayon

Mabilis na umabot sa mahigit isandaang libo ang views at likes ng mga nasabing pictures.

BETTY; dali anak, mag chat ka sa kapatid mo at ipaalam sa kanila ,baka magkaroon sila ng problema kung kakalat pa ang mga larawang iyan....

Agad na nag chat si Lia sa kapatid at sinabi ang ipinasasabi ng ina dito.

makalipas ang ilang minuto, nag reply si Arnie sa kanyang ate Lia

ARNIE : ate.... sabihin mo kay inay, wala daw siyang dapat ipag alala kahit kumalat ang mga pictures.

ARNIE : Wala naman daw makakarating sa Mundong ito kung hindi pahihintulutan ng mga tikbalang at iba pang enkantadong nilalang.

ARNIE : Sarado ang portal na daanan papasok dito, magbubukas sila ng portal na lagusan mamaya , diyan mismo sa loob ng bahay natin upang ihatid ang listahan ng ipabibili ni itay kay Kabatao at Kabayuhan.

ARNIE : Pakisabi rin kay inay na mananatili pa dito si itay at Jr nang mga ilang araw upang ikabit ang tubo at linya ng tubig galing sa talon.

ARNIE : Ang mga materyales na ipabibili ni itay ay gagamitin sa paglilinya ng tubig, kasama ang ilang water purifier na kailangang bilhin .

ARNIE : Good news in love na si Jr 😊😊😊😊

ang sunod sunod na mensaheng binabasa ni Lia sa kanyang ina mula kay Arnie.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C76
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login