Download App

CHAPTER 56 : MAKABAGONG TEKNOLOHIYA 2;

Napakamot sa ulong bumalik si Peter sa kinaroroonan ng mga kasama.

PETER : Naku... Pasensya na kayo, sobra akong nalibang sa aking nakita sa mga dinaraanan natin, hindi ko natandaan ang lugar na pinang galingngan natin dahil halos pare pareho lang ang mga puno at halaman

PRINSIPE BORJO : Ganoon lang ho talaga dito sa aming kaharian, wala ho kayong dapat ihingi ng paumanhin

Nag patuloy na sa paglalakad pabalik ang grupo nila Arnie sa pangunguna ni Borjo.

Habang naglalakad may natanaw si Arnie na magandang dilag na nakatayo sa gitna ng mga namumulaklak na halaman at kumakanta .....

ARNIE : Borjo ....tawag nito sa pansin ni prinsipe Borjo at itinuro ang magandang dilag na libang na libang sa pag awit sa gitna ng mga halamang namumulaklak.

PRINSIPE BORJO : ah....

Si Diwatang Floresida.... siya ang diwata ng mga bulaklak, madalas niyang inaawitan ang mga halaman upang mamukadkad ang magagandang bulaklad ng mga ito, ang pagpa paliwanag ni Borjo kay Arnie.

ARNIE : ganoon ba? hindi kaya siya ma istorbo sa pagdaan natin? tanong muli ni Arnie kay Borjo.

PRINSIPE BORJO : hindi naman, saka libang na libang siya sa pag awit kung kaya at hindi niya tayo mapapansin, wika ni Borjo na nagpatuloy na sa paglalakad habang kasunod ang mag aama

Pagkarating sa palasyo, agad na isinulat ni Peter ang lahat ng kakailanganing materyales bago ibinigay ang listahan kay Borjo.

Agad naman itong ibinigay ni Borjo kay Kabatao kasama ng malaking sisidlan ng mga batong hiyas na pinitas nila sa ginintuang hardin.....

Si Arnie naman at Jr ay nagtungo na sa kani kanilang nakalaang silid upang maglinis ng katawan at mag palit ng kanilang kasuotan.

Pagkatapos maligo ni Arnie sa munting paliguan sa kanyang silid na bagong gawa lamang at ginawa sa pamamagitan ng mahika gamit ang malinaw na tubig galing sa balon, inigib ng mga tikbalang na tagapag lingkod sa palasyo.....

habang nagpapalit ng kanyang damit si Arnie ,napansin niya ang isang paper bag na inilagay niya sa isang sulok.

Naalala niyang iniabot ito sa kanya ng kanyang kapatid ng araw na dumating ang mga ito mula sa kanilang baryo, dala ang mga ipinabili niya na ibinilin niya ng mag chat siya sa kanyang ate Lia.

Nang kanyang buksan ang paper bag, nakita niya ang mga makabagong cellphone at pocket Wi-Fi pati na ang mga battery charger sim kit at power bank.

Dali daling binitbit ni Arnie ang paper bag matapos pumili ng bagong cellphone, isang extra sim kit , power bank at battery charger

Dinala niya ito sa bulwagan ng palasyo at ipinakita sa hari at reyna...

tuwang tuwa ang mga ito ng makita ang makabagong teknolohiyang aparato na kagaya ng nakikita nilang ginagamit ni Arnie at ng kapatid nitong si Jr,...

maging si Kabatao at KABAYUHAN ay mayroon na ring makabagong teknolohiyang aparato at araw araw ay nakikita niya ang mga ito na libang na libang sa pag lalaro ng isang kakaibang laro na tinatawag ng mga itong Mobile Legend.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C75
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login