Chapter 7. For Hurting
PASULYAP-SULYAP si Romano sa likuan kung nasaan ang mga restrooms. Nagtataka siya na nagtagal 'ata si Nami roon. Paano kung naasiwa pala ito kaya nagpasyang umalis na lang? Huli na kasi nang mapansin niya ang pananahimik nito kanina at nakonsensiya siya nang maisip na baka dahil hindi na nila napansin ni Glaze na hindi nga pala kilala ni Nami ang pamilya niya, pero patuloy pa rin sila sa pagkukwentuhan.
Habang nag-aabang ay naningkit ang mga mata niya nang sa hallway papasok sa restrooms ay nakita niya ang ilang mga kasamahan sa trabaho na tila alerto kapaligiran.
"Glaze, I'll just go to the restroom," paalam niya. Magtatanong lang siya kung bakit nandoon ang mga ito.
"Sige, pabalik na rin niyan siguro si Kasey."
Nagmamadaling tumungo siya roon para pasimple ngang magtanong.
"Why are you here?" tanong niya sa lalaking sinundan niya. It was Dennis Hipolito, na mas kilala sa tawag na 'Sinned'. He's one of the youngest competititve lawyers in the country. Papunta ito ng elevator nang masundan niya.
Naningkit ng mga mata nito nang lumingon sa kaniya. "What are you doing here?" ulit nto sa tanong niya na mas halong pagtataka."I thought you weren't available today?"
"I'm not," paglilinaw niya. "I'm here to eat dinner. Ikaw ba?"
"Mission. Let's just talk later, we have an emergency."
"What emergency?"
Sinundan niya ito hanggang makapasok sa loob ng elevator. Napailing naman ito nang pindutin ang close button saka sumagot. "May sibilyang hostage ang target."
"What? How did that happen?"
"Nakasabay niya sa elevator. Damn it! Sinabi ko na kasing isarado ang ibang elevator para sigurado."
Nangunot ang noo niya. Mukhang hindi inakala ng mga ito na hindi na-secure nang maayos ang palapag kung nasaan ang target. He remembered this mission now. He was supposed to join the backups but he refused because he already set up the dinner with the twins.
"Nandito ka na lang din, tumulong ka na."
"Kaya mo na iyan," he idly replied.
Balak niyang lumabas sa kasunod na palapag para mabalikan na ang dalawa sa restaurant. Pagkabukas ng pinto ay saktong may kinausap si Sinned.
"What?" he overheard him talking on the phone.
Kuryosong lumingon siya rito.
"The hackers stopped the elevator but the woman is in danger," pagbibigay-alam nito sa kaniya.
Base sa narinig niyang isinagot nito sa kabilang linya ay nagaptanto niyang nagtanong ang kausap nito kung sino ang kasama nito roon.
"Caballero is really here. If you want, you can talk to him," anang Sinned.
He handed him the phone. "Si Sandoval."
Tumango siya saka ipinwesto ng cellhone sa kaliwa niyang tainga.
"Why?"
"That vlogger is the hostage," sambit kaagad nito.
"What vlogger? Who?"
Kinabahan siya. Isa lang ang kilala niyang vlogger na alam niyang kilala ni Kieffer. "That's impossible. She only went to the restroom. Baka nga nakabalik na sa table iyon."
"But Stone said it was that woman we met in the hallway, si Monami Quiroz lang ang nakasalubong namin kanina."
Nagtataka siya kung bakit nadawit si Stone doon. Ang alam niya'y nasa Phoenix ito. Mukhang nakuha naman ni Kieffer ang saglit na pananahimik niya.
"He filled in your position," he added.
Gusto niyang itanong kung paanong nakilala ni Stone ni Nami pero hindi iyon ang importante sa ngayon. He had to make sure that he'd save her.
"Saan tumigil ang elevator?" He's asking about what floor.
"Twelft."
Nasa eighteenth sila at mabilis na lumulan siya sa elevator para makapunta sa palapag kung nasaan ang mga ito. Kasama pa rin niya si Sinned at nasa kabilang linya pa rin si Kieffer.
"The backups are already on standby, we also cleared the place," said Kieffer.
He sighed harshly as he's staring at the small screen which indicates where floor were they already.
Fifteenth.
Fourteenth.
Thirteenth.
Twelfth.
As the door was opened, he passed the phone to Sinned and rushed to the other side where the backups were all alert.
"Tell the hackers to open the door," ma-awtoridad niyang utos sa mga naabutan niya roon.
Kaagad na tumalima ang mga ito at siya nama'y pumosisyon na sa pinakaharap para makasugod na pagkabukas ng pinto. He didn't get any weapons, may tiwala siya sa mga backups na gagawin ng mga ito nang maayos ang trabaho. Ang mga ito ang magsisislbing sandata niya habang nililigtas ang babae.
He was almost not breathing while waiting for the go signal that the door could be opened already. Hindi kasi iyon awtomatikong magbubukas para na rin hindi maging aware ang hostage taker sa loob sa pagbukas niyon.
The men readied themselves as they gathered on each sides of the door so they could strongly pull them, and he would go in right away and attack the hostage-taker.
Para siyang nalagutan ng hininga nang sa kaunting siwang ay nakita na niya ang sitwasyon sa loob ng elevator. Nami was being pushed on the wall and was being strangled by that bastard who took her.
He met her tearful eyes and he saw how she was begging for her life. Nagdilim ang paningin niya at nang kahit hindi siya sigurado kung makakalusot siya sa siwang ay buong pwersa niyang isiniksik ang sarili para makapasok. That bastard was too focused on choking Nami to the point that he was enjoying seeing her beg for her life. Nakita niya ang malademonyong ngisi nito sa repleksyon nito sa salamin habang nakatitig sa kinakapos nang hininga ng babae. Huli na noong mapansin ng hostage-taker ang presensiya nila roon.
Ngunit huli na rin nang makapasok siya dahil tumirik na ang mga mata ni Nami nang mahiwalay niya ang animal na lalaking iyon mula sa pananakal dito, at nawala siya sa huwisyo nang bumagsak si Nami sa sahig. Higit na nagdilim ang paningin niya sa nakita kaya hinablot niya ang lalaki at nang mawala ito sa balanse ay napahiga ito sa sahig. He took advantage of that and punched him hard on his face, making him spit his own blood.
Sinakal niya rin ito habang ang kanang kamay niya'y patuloy sa panununtok sa iba't ibang parte ng mukha nito. Buburahin niya sa mundo ang gagong ito.
Naningkit ang mga mata niya nang sa kabila ng pnanakal niya rito ay nagawa pa nitong tumawa nang nakakaloko kahit nahihirapan na ultimo sa paghinga.
"Choke me harder," mahinang bulalas nito.
He scowled as he looked into his bloody face. He was indeed smirking as if he's still enjoying what was he doing.
"Get of off him, Caballero!" it was Sinned. Nasa loob na rin ito ng elevator sampu ng mga kasamahan nila. The two men carried Nami to bring her out and that's where he remembered what happened. Mabilis na lumayo siya sa target at tumayo upang madaluhan ang babae. Pakiramdam niya ay nakahinga siya ng maluwag nang marinig niyang nagsalita ang isa sa mga lalaking bumuhat kay sa babae na may pulso pa ito habang dinadaluhan ito.
Pagkalabas niya ng elevator ay napansin niya si Herrera na mukhang kadarating lamang. Tinanguan niya ito matapos sumulyap sa target na nasa loob pa rin ng elevator, hawak-hawak na ng mga kasamahan nila. That nod was like a signal saying that before handing the hostage-taker out to the authorities, they should torture that bastard more for hurting a civilian.
For hurting Nami.