Chapter 9. Idiot
KALAUNAN ay nalipat ang usapan tungkol sa balak na pag-cruising ng kanilang mga pamilya ng dalawang araw. Excited na si Nicolea kahit lagi naman silang nagku-cruise ng kanyang pamilya. Well, it must be because she really liked the sea, she liked to be on the ship, and she liked cruising. Kaya nga ba gusto niyang maging Kapitan ng barko, eh.
Nagpaalam si Yvonne at tahimik niya itong sinundan sa greenhouse. Subalit nang makitang nandoon si JM ay pasimple siyang lumayo. Hindi siya napansin ng mga ito. Mukhang effective ang pamamaraang ginawa niya. Para siyang ninja sa sobrang gaan ng bawat hakbang niya.
Bukod kasi sa pagmamaniobra ng barko ay gustong maging imbestigador ni Nicolea. Naimpluwensiyahan na yata siya ng mga pinapanood niyang palabas na puros crime scene ang tema. May balak na nga siyang tanggapin ang alok sa kanya na maging private investigator ng isang kaibigang nakilala niya online. Gusto nitong sundan niya ang boyfriend nito at kumalap ng impormasyon.
Habang nasa isip iyon ay bumalik siya sa loob ng villa, sa mini bar counter siya pumwesto at nagpasyang tawagan si Jave. Ilang minuto pa lang silang magkausap ay narinig niya ang bahagyang pagtaas ng boses ni Tita Ara, mukhang kinagagalitan ang anak nito. She stepped out to see what happened.
"What happene—"
"Get the first aid kit, Nicolea," sansala ng kanyang ina.
"Ang ganda ng katawan mo, girl!" At sumipol pa siya. Paano'y halos hubad na si Yvonne, tube at short shorts lang ang suot nito. Teka, bakit ba nito hinubad ang binigay niyang dress?
Pinanlakihan siya nito ng mata at padarag na hinila palayo sa sala. Mukhang iniisip na lumilitaw ang pagiging tibo niya sa harap ng kanilang mga magulang.
"Ano ka ba? Akala ko ba ayaw mong mag-out? Bakit ka sumipol na parang lalaking hayok sa babae?" Yvonne castigated her. Tumigil sila sa paglalakad nang makapanhik na.
"Can't help it," nakangising untag niya.
"And you didn't tell me that that dress isn't mine."
"That's yours."
"That's not what he said."
Nicolea grinned. "Nagkausap kayo? Agad-agad? Type mo ba?"
"Huwag mong ibahin ang usapan, girl!"
"Oo na. Binigay niya sa akin ang dress. Telling me it would look nice on me. Pero alam mong ayaw ko na sa mga dress. I stopped wearing them."
"But still, you shouldn't have given that to me."
"I just figured out the dress would fit you perfectly. Tama nga ako. And you looked so graceful and gorgeous in that dress! Kung ako ang nagsuot, baka naging maternity dress pa iyon." Hinimas niya ang tiyan na bahagyang nakaumbok dahil sa maliit na bilbil. She gained wait because she had been constantly eating the past few days.
Naiiling na lamang ito.
"So, nasaan ang dress ngayon?"
Naningkit siya habang tiningnan ito. Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kwarto. Sa kwarto kasi niya ito mag-i-stay.
"Ano na?" pangungulit niya.
Nanlaki ang mga mata niya nang isiwalat nito ang nangyari at hindi napigilang matawa.
"Kumusta naman kaya siya ngayon?" nakakalokong untag niya. "Si Junj—"
"Aba, malay ko! Hindi kami close!"
Padabog na pumasok ito sa banyo.
Siya nama'y tatawa-tawang binalikan ang tawag ni Jave. Hindi siya nagkamali nang makitang ongoing pa rin ang tawag.
"Damn, Jave, you should've seen Yvonne's expression! She's smitten to that prince!"
"Who's Prince?"
"Ah..." She told him that Yvonne sees JM as a royalty prince.
"Kaya wala ka nang pagseselosan!" bulalas niya.
She started removing her clothes because she'd take a shower after Yvonne did. Tinira niya ang suot na panty.
"Why can I imagine you grinning widely, my jealous boyfriend?"
He laughed out loud. "Can you open your camera? Let's video call."
"Saglit. Magbibihis lang ako."
Tumikhim ito. "What do you mean?"
"Naghubad na ako. Magsa-shower na rin kasi ako pagkatapos ni Yvonne. Or, wait. I'll just get a robe."
Mabilis na sinuot niya ang kulay rosas na roba at in-on ang camera. She was greeted by her boyfriend's clean-face, and was lying down on the bed. Napakurap-kurap siya.
"Ang guwapo mo."
Ngumisi ito. "Not beautiful anymore?"
"Magandang-lalaki, to be exact."
He chuckled lightly like he's saying I thought so. Gustung-gusto talaga nitong pinupuri niya ito at nasanay na rin sa pagtawag niya ng maganda rito.
"Mas maganda sa iyo?" He raised her eyebrow.
"Hindi, 'no!"
"Nami-miss na naman tuloy kita."
Napalunok siya't napakagat-labi. "Ganito pala ng feeling ng LDR." She meant long-distance relationship.
"And we'll be experiencing it more soon." He disappointingly sighed.
"It's for our own future."
Sa isang university sa Tokyo, Japan niya balak mag-aral at iyon na rin ang napag-usapan nila ng kanyang mga magulang, habang si Jave ay sa Maynila mag-aaral.
She pouted. "Let's not talk about that yet. Sa susunod na taon pa naman. Let's just talk about my mom's reaction when I stated that Yvonne's body was beautiful. Para siyang na-eskandalo!"
Tumahimik ito.
"At si Yvonne, hinila niya ako kanina kasi lumilitaw raw ang pagka-tibo ko." She chuckled a bit. "Na-eskandalo na rin siguro ang utak niya kasi sobrang hinhin ko rati tapos ganito na ako ngayon."
"You're still on that prank? It's been a year, Nicolea." Sumeryoso ang pananalita nito.
She pouted and sat on the sofa. She slouched and her robe slightly slid on her left shoulder, exposing her creamy skin. She didn't mind fixing the robe.
"And, why aren't you telling her about your prank yet?"
"'Tsaka na. Nag-e-enjoy pa ako, eh." Ngumiti siya. Sasabihin din naman niya kalaunan.
He just sighed heavily and focused on her eyes. "You're being unfair. She's still believing you. Your mom believes you're a lesbian, too."
She unconsciously scratched her nape, down to her collarbone. She was starting to feel really guilty.
"That's so immature, Nic."
Agad na tumabingi ang ngiti niya. Nasaktan siya pero may katotohanan ang sinabi nito.
"I don't want to tolerate that side of you."
Inaamin niyang nagtatampo siya pero hindi maikakailang may humaplos sa kanyang puso. Jave was for keeps. As her boy best friend and her boyfriend. Natutuwa siya sa isipang hindi nito hahayaang mapariwara siya.
"Please don't feel bad. I'm just saying th—"
"I love you, Jave..." sansala niya sa litanya nito. Ang mga mata nito ay nakatutok pa rin sa screen, pero hindi sa kanyang mukha. Pagkuwa'y tumikhim ang huli.
"You're welcome. I'm glad you got my point." Mabibigat ang paghinga nito matapos sambitin ang mga katagang iyon.
Napasinghap siya at natawa. Did he just think that she said 'thank you'?
"W-Wait, can you say that again?"
Humagalpak ulit siya ng tawa. "I said I love you, idiot!"
He groaned yet he responded to those words right away.