Download App
14.75% PHOENIX SERIES / Chapter 54: DVD

Chapter 54: DVD

Chapter 4. DVD

             

            

ILANG sandali pa ay napagtanto ni Nicolea ang ginawa at puputulin niya ang halik, pero bago pa man makalayo ay hinapit siya ni Jave at sinagot ang kanyang halik.

Napalunok siya kung paanong nasa gitna ng marahas at marahan ang paraan ng paghalik nito. She thought he'd push her a while ago but here they were, kissing sensually on the garish light of day.

You're still young, Cherish Nicolea! Just sixteen. Get a hold of yourself! Hiyaw ng kanyang isipan.

Doon siya natauhan at mabilis na pinutol ang halik. Agad din siyang nag-iwas sa namumungay nang mga mata ni Jave.

"You look sublime..." tila wala sa sariling anas nito sa kanya.

"Nic! Ano'ng ibig sabihin nito?" gulat na gulat ng tanong ng kanyang kaibigan. Nasa tapat pa rin ito ng sasakyan at nang makahuma ay lumapit ito sa pwesto nila, sa driver's seat.

Tumikhim siya at umibis sa sasakyan, inayos naman ni Jave ang upo.

"Why are you kissing that girl?!" Halos sumigaw ang kaibigan.

Napakagat-labi siya't pilit na tinaboy sa sarili ang ginawa.

Yvonne impatiently crossed her arms amd raised an eyebrow while looking at her.

"Tama ka, wala akong boyfriend—" Nakahuma na siya at naalala ang plano. "—dahil girlfriend ang mayroon ako."

Ngumisi siya nang literal na napanganga si Yvonne sa gulat.

"This is Juvy, my partner," pakilala niya kay Jave na madilim nang nakatingin sa kanya ngayon.

"W-What do you mean?" si Yvonne.

"Sinabi kong ipakikilala kita sa jowa ko, 'di ba? Here she is. Halos kadarating lang niya. May emergency kasi kaya na-late. In fact, paalis na siya't hindi na tayo masasamahang kumain ng dinner. Biglaan kasi ang schedule niya."

Gusto niyang humagalpak ng tawa sa reaksyon ni Yvonne na hindi pa rin makapaniwala. Kumunot ang noo nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Jave.

Bumuntong-hininga naman si Jave.

"Ang ganda ng partner mo," hindi makapaniwalang sambit ni Yvonne.

Doon na siya tuluyang humagalpak ng tawa. Pinaangas niya ang tinig nang sinabing, "Siyempre, ako pa ba?"

Napalunok si Yvonne, tila pinoproseso pa rin ang nangyari.

"Hintayin mo na lang ako sa van, girl. Saglit lang."

Agad itong tumalima, marahil ay gusto nang umupo dahil nakita niya ang bahagyang pangangatog ng tuhod nito sa pagkabigla.

Ilang sandali pa ay hinarap niya si Jave na madilim pa rin ang mga tingin sa kanya.

"Ang galing! Successful ang plano!" she said triumphantly.

He only laughed as if the situation was ridiculous. But his dark eyes were obviously glaring.

"Have you seen her reaction? Damn, her face was so epic! Nakuhanan mo ba ng video?"

Nagtangis ang bagang nito at pasimpleng lumingon sa dashboard camera ng sasakyan.

She pouted. "Eh, iyong nandito siya sa gilid? Nakuhanan?"

Hindi ito sumagot.

Pumalatak siya. "Sayang naman! Mas nakakatawa ang mukha niya kanina nang makalapit siya."

"Did you kiss me so she'd believe you more?"

Tumabingi ang ngiti niya.

"Go to your van. Aalis na ako."

Bumusangot siya. Aaminin ba niyang hindi rin niya namalayang humahalik na pala siya kanina?

"Nicolea." Ang boses nito'y parang tinataboy siya.

"I couldn't help it. You look so stunning that I had to kiss you," she lied.

He pursed his lips.

"Promise! Ang ganda-ganda mo. Natibo nga yata talaga ako. Type ko na ang mga babaeng katulad mo." Ano ba'ng pinagsasabi ko?

"I am not a girl."

"I know! I mean, kapag may nakita akong babaeng kasingganda mo, liligawan ko talaga."

"Ano'ng pinagsasabi mo?" Naningkit ang mga mata nito.

Just tell him you wanted to kiss him. Again. Period, Her mind castigated.

"Are you really a lesbian?"

Napakagat-labi siya. "Ang ganda mo talaga..."

She leaned on and kissed him again.

"Ang ganda mo," aniya nang bahagyang humiwalay rito. "Kung babae ka lang, liligawan talaga kita."

Ramdam na ramdam niya ang pagtangis ng bagang nito.

"Sige, aalis na kami. Baka naiinip na si Yvonne. Bye, beautiful!"

Mabilis na lumayo siya at lakad-takbong tinahak ang daan kung saan naka-park ang van. Hindi na niya hinintay pa na magsalita si Jave dahil hindi niya mapigilan ang pagwawala ng kanyang puso.

Hindi malaman ni Nicolea kung bakit pinagpatuloy niya pa rin ang pag-aaktong isa siyang lesbian. Ilang buwan na ang nakalipas mula nang magbakasyon si Yvonne kaya dapat ay tapos na rin ang pag-arte niya.

Subalit heto at patuloy pa rin siya. Nagtatanong-tanong na rin ang kanyang mama't alam niyang nagdududa na rin ito.

Lumipas ang halos isang taon, si Jave naman ay palagi pa ring nakadikit sa kanya at hindi nito alintana ang unti-unting pagbabago kunwa ng sexual reference niya.

Kasalukuyan silang nasa tirahan ng mga dela Costa at gumagawa ng project para sa isang subject na magka-partner sila nito. Grade twelve na sila at malapit na ang school break kaya puspusan sila sa pagtapos ng proyekto. Nang sa bakasyon ay wala na silang inaalala.

Inabot na siya ng dinner at inalok siya ng mama ni Jave na roon na makitulog. His mom called her mom and told her that she was going to sleep over. Tiwala naman ang mama niya kaya pumayag ito.

"Anong gusto mong ulam?" tanong ni Jave nang nagliligpit na sila ng mga gamit.

"Kung ano na ang niluto ng mama mo."

"Sigurado ka?"

"Oo naman. Hindi naman ako picky-eater."

"Sige. Maya-maya, kakain na ng hapunan. Gusto mo bang manood muna ng TV?"

In short, niyayaya siya nito sa entertainment room.

"I have SpongeBob SquarePants DVDs. You like that cartoon very much, don't you?"

Agad siyang napatango at nanood nga sila ng naturang cartoon.

"Bakit may mga DVD copies ka pa pala, eh, pwede namang i-search online at manood?" tanong niya sa kalagitnaan ng panonood. Nakaupo sila sa mahaba't malambot na sofa.

Nagkibit-balikat ito at lumingon sa kanya.

"Do you like SpongeBob?"

"You like SpongeBob."

"Oo nga. Pero bakit may DVD ka nga?" tanong pa niya.

"Para sa iyo talaga ang mga iyan. Naghihintay lang ako ng timing para ibigay sa iyo. Para collections mo."

"Why do keep on giving me things that I like, Jave?"

He grinned widely.

Hindi niya pinahalata pero parang may mga paru-parong nagliparan sa kanyang tiyan, na parang walang laman kundi ang mga paru-paro lamang.

"I also bought a new DVD player, in case you don't have it in you house anymore."

"Mayroon naman. Sira na nga lang," katwiran niya.

Ngumiti ito't tinutok na ang paningin sa TV. Ganoon na rin ang ginawa niya.

"I like you, Nic," he spoke out the the blue.

"Huh?" Bumaling ulit ito sa kanya.

"You asked me why do I keep on gifting you things that you like, right?"

Naguguluhan siyang tumango.

"It is because I like you."

"I like you, too," she answered too suddenly.

"You do?" Umaliwalas ang itsura nito.

"I mean... Uh, yeah! You're my best friend, so I like you."

Nag-iwas siya ng tingin subalit mabilis nitong nahuli ang mga iyon.

"Nanonood ako, Jave."

Hindi nito pinansin ang palusot niya. "I don't want to be your best friend, Nicolea. Make me your boyfriend instead."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C54
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login