Download App
14.2% PHOENIX SERIES / Chapter 52: Muse

Chapter 52: Muse

Chapter 2. Muse

                     

                  

BUONG linggo na naging abala si Nicolea dahil sa darating na Sports Fest. Mas naging abala naman si Jave dahil sa practice ng mga ito sa basketball. He was the captain of the basketball team. Kaya nama'y hindi na siya nakakasabay rito sa pag-uwi.

Hanggang sa Opening Day na ng Sports Fest at may parade sila, roon pa lang sila nagkasama ng matagal ni Jave.

Just as her, he's wearing his red jersey. Ang kinis ng kutis ng binatang ito. Pero dahil nga naka-jersey lang at walang suot na kahit anong t-shirt ay halata ang kapayatan nito. Hindi naman kalansay pero dahil matangkad at nabigyang-diin ang kapayatan, na mas lalong nagpaganda sa soft features nito.

"Parang ikaw na lang dapat ang mag-muse. Hindi si Merriam, ah," biro niya.

Tumiim lang ang bagang nito.

"You're one of a heck beautiful creature, Jave. Dapat sa iyo, hindi nalalamukan man lang."

"Stop teasing me, Nic."

"But that's true!"

Kung hindi pa sila pinatawag para mag-assemble sa loob ng gymnasium ay patuloy niya itong pupurihin at aasarin.

Dahil opening ay iyon din ang araw kung saan rarampa ang mga representatives ng kanya-kanyang sections and grade levels. Si Merriam ang napiling representative ng klase nila imbes na sa kanya na siyang muse.

Pinilit kasi siya ng mga kaibigan niyang bigyan ng tsansa ang iba at si Merriam nga. Pumayag siya dahil wala naman sa kanya iyon, at isa pa, may punto ang mga ito. Wala rin naman siyang hilig sa pagrampa.

At hindi siya nagsising pumayag siya dahil nang rumampa ito ay naghiyawan ang mga tao.

She happily congratulated her after the event. They watched different games the whole day. Bukas pa kasi ang laban nila sa volleyball.

Hapon na nang magpaalam siyang uuwi na. Ite-text na lang niya si Jave na mauuna na siya dahil pagod na.

Wala siyang sundo dahil gusto ng mga magulang niya na matuto siyang mag-commute o mamuhay ng normal. Kahit mayaman ay hindi siya pinalaking spoiled brat, pero parang nasa kanya pa rin ang problema dahil minsan ay minamalditahan niya ang mga kawaksi nila. Ayaw rin niyang sinasabayan siya ng mga ito sa pagkain.

"'Uy, nag-book ka na ng cab? Sabi mo, libre mo ang pamasahe?"

Bumaling siya sa pumukaw sa atensyon niya. Makikisabay kasi siya kay Perla, ang kaklase niyang commuter din.

"Mag-jeep na lang tayo." Ngumiwi si Perla dahil ang akala nito'y magta-taxi sila.

Nang sumakay ng jeep ay walang pakundangan kung magkwentuhan ang mga nakasabay nilang estudyante ni Perla na ka-batch nila't ibang section.

"Bakit iyon naman ang kinuha nilang muse?"

"Ang pangit!"

Napantig ang tainga niya. Merriam did her best and the crowd cheered for her especially their classmates.

"Dapat si Joanna na lang ang kinuha nila."

"O kaya si Marie."

"Sobrang pangit talaga ni Merriam!" anang nag-iisang lalaki.

"Pero malakas ang cheer."

Sarkastikong tumawa ang babaeng may malaking nunal sa nguso.

"They didn't cheer. They were mocking her."

"Gaya kung paano tayong naghiyawan. Because it was unbelievable that that ugly girl became their muse."

Nairita siya sa narinig at umayos ng upo. Si Perla ay nanatiling walang imik. Tumiim ang bagang niya't matalim na tinitigan ang tatlong nagkukwentuhan.

"Sobrang kapal ng makeup, nakauso pa ang eye makeup, 'kala mo naman bagay. At nakalitaw pa ang pusod niyang hindi man lang yata nilinis."

Hindi nagpaawat ang babaeng may nunal kahit pinatitigil na ito ng kasamang sinputi ng harina ang mukha dahil sa kapal ng hindi naman kakulay ng balat ang ginamit na foundation.

Nang tumigil ito sa pagsasalita ay napabaling sa kanya at umayos ng upo. Tumikhim naman ang lalaki.

Natawa siya hindi dahil nakakatawa ang sinabi ng mga ito. Tumawa na lamang siya dahil hindi siya makapaniwalang narinig niya ang mga iyon sa kapwa-estudyante.

"Pare-parehas lang naman tayong mag-aaral pero bakit kailangang maghilahan pababa?"

Hindi kumibo ang mga ito at nag-iwas ng tingin.

Perla didn't even move an inch. May sasabihin pa sana siya pero pumara ang isa sa tatlong estudyante at sabay-sabay na nagbabaan.

Noon din niya napansin ang isang pamilyar na bultong nakaupo sa tabi ni Perla.

"S-sir, kayo pala," bati ni Perla.

Hindi ito kumibo at tumitig sa kanya. She didn't get why he was staring but it was like he was proud of her. At dahil nag-ayos ng upo ay hindi niya na nakagantihan ang mga titig nito.

Kinabukasan ay naging usapan sa mga kaklaseng tinuturing niyang tropa ang naging issue kahapon. Nalaman ng mga ito dahil usap-usapan pala iyon sa kabilang section, at pinsan ni Joanna ang isa sa mga kaklase ng tatlong estudyanteng nakasakay nila ni Perla kahapon.

"Naikwento nga sa akin ni Ate Mayang," anang Joanna. Lunch break at nasa pantry sila ngayon, naghihintay ng oras para sa kasunod na game.

"Hindi na talaga ako nakapagpigil kaya sinagot ko na."

Nagtawanan naman ang mga ito.

"Totoo naman kasi," si Marie.

"Ang alin?" kunot-noong tanong niya.

"Ang dami namang magaganda sa atin, bakit siya pa ang naging representative? Talo tuloy," si Joanna.

"True, girl! If it wasn't because of my makeup skills, she wouldn't be beautiful yesterday." Maang na napatingin siya kay Laura.

"And my clothes, too!" sabad ni Marie.

"I agree," si Marie. "Ang baduy kaya niyang manamit!"

"Kung hindi natin siya inayusan, nunca makarampa pa siyang taas-noo." Napakahinhin ng boses ni Perla nang sambitin iyon.

Hindi makapaniwalang lumipat-lipat ang tingin niya sa mga ito. She remembered it clearly— they were the ones who pushed Merriam to represent their section. They even congratulated her when she agreed because they said she's already a winner the moment she bravely accepted it. They cheered for her loudly. They—

Natigilan siya nang may mapagtanto.

They did all of those things to low-key bully her. While the poor, innocent Merriam was thinking that she had gained a new set of friends.

Sumakit ang puso niya't hindi makapaniwalang tinuring niyang kaibigan ang mga ito. Ang dami niyang gustong sabihin ngunit tila siya napipi dahil hindi makapaniwala sa mga natuklasan. Bakit ba hindi niya napansin ang pangit na ugali ng mga ito rati?

Dumaan si Merriam at tinawag ng mga kasama niya. They cheered for her and told her how beautiful she was yesterday.

Pabalyang tumayo siya sa mesa at bumaling sa kanya ang mga ito, maging ang ibang mga estudyanteng kalapit sa table nila ay napalingon.

Napangiwi siya habang pinapasadahan ng tingin ang mga kaklase niyang tinuring niyang mga kaibigan. Lahat ay magaganda sa kanya-kanyang features ng mga ito, pero hindi siya makapaniwalang ang asal ng mga ito ay hindi kasingganda ng pisikal na anyo ng mga ito.

"You are all disgusting!"

She grabbed her bag and left them puzzled about her actions.

During the next game, Merriam sat beside her on the bleachers and frowned at her.

"Wala akong extra pen, naiwan ko ang pencil case ko." Lagi kasi itong humihiram ng ball-point pen sa kanya. "I mean, bakit pala?"

"Ano'ng ibig sabihin nang sinabi mong disgusting kanina?"

Hindi siya sumagot. Ayaw niyang pagsalitaan ng masama ang mga iyon lalo pa't nakatalikod sa kanya. She'd never do that. She would rather tell them face to face how disgusted she was with their actions.

"Bitter ka ba dahil hindi ikaw ang nag-muse para sa Sports Fest?"

"Ano?" Nangunot ang noo niya.

"Akala mo kung sinong maganda ka. Masama naman ang ugali mo."

"No, you're mistaken—"

"Alam ko kung ano ang narinig ko. You tell them I was disgusted because yesterday opening fest. No, you're not correct for I was picked up yet beautiful makeup and sexy clothes."

Sumakit yata ang ulo niya.

"Maganda ka lang, Nicolea, pero wala kang karapatang manlait. Ang sama-sama ng ugali mo." Sinamaan siya nito lalo ng tingin.

Napabuntong-hininga siya. It wouldn't matter if she explained to her especially when she's convinced and believed that she's the bad girl among them all.

The judging stares from her classmates were dominating on the bleachers. Kung hindi pa sumipol ang referee para iparating na tapos na ang basketball game ay hindi matitinag ang mga ito. Napalitan iyon ng masigabong palakpakan at matinding hiyawan dahil nanalo ang basketball team nila sa game.

Busangot na napalingon sa sa scoreboard dahil nasa isip pa rin siya ang paratang ni Merriam at pagkuwa'y kay Jave na mariing nakatitig lang sa kanya habang nilapitan ito ng mga kaklase niyang babae. May iba ring galing sa ibang sections at umaaktong pinupunasan ang pawis sa noo nito.

Lalo siyang napabusangot kaya tumayo na siya. Ngising-aso ang ginawad niya rito para iparating na masaya siyang nanalo sila.

Nilapitan niya ang coach nila at nagpanggap na masakit ang pakiramdam. Pinayagan naman siya nito dahil baka lumala raw at mas lalong hindi na siya makapaglaro sa mga susunod na araw.

She then walked out and decided to call it a day. 


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C52
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login