Sa sobrang pagod ko sa lahat ng nangyari ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa kwarto na ibinigay nina Van at Helga sa akin.
Binuksan ko ang mga mata ko at ang madilim na paligid na iyon ang sumalubong sa akin.
Gabi na pala.
Naalala kong bago ako nahiga kanina sa kama na ito ay binisita ko muna sina Van at Helga. At sinabi ni Van sa akin na kaya nagkaka-ganun si Helga ay dahil sa malapit ako sa esylium. Natural ng mahina ang katawan ni Helga pero mas lalo syang nanghihina sa tuwing napapalapit ako sa kanya. So that explains well of why she's suffering too much right now.
Tumayo nalang ako mula sa kama at napatingin sa madilim na paligid. Napadungaw ako sa malaking bintana na katabi ko at nakikita kong maliwanag ang buwan ngayon dahilan para magbigay ng ilaw sa madilim na kapaligiran.
Pero nagsalubong ang kilay ko ng makita ang gwapong lalaking iyon na mag-isang nakaupo sa gitna ng field ng camellia habang nakatingin sa maliwanag na fullmoon.
Si Alex.
Anong ginagawa nya doon at bakit mag-isa lang sya?
Naglakad nalang ako palabas ng kwarto at natagpuan kong natutulog sa maliit na sala ng bahay na iyon sina Bea at Rika. Katabi din nila ang natutulog na sina Jared at Cornelius na magkatabing nakaupo sa sofa.
Napangiti nalang ako at nagpatuloy na sa paglabas ng bahay. At sa labas ay natagpuan kong magkakaharap na nakaupo sina Maalouf, Andromeda, Sky, Zeke, at Bogs sa gitna ng bonfire na ginawa nila sa tabi ng bahay.
Mukhang may pinag-uusapan sila kaya hindi ko na sila inistorbo at naglakad nalang papunta sa direksyon ni Alex.
I saw him sitting all alone there and while looking up at the bright full moon. The wind is taking the beautiful petals of the camellia and he looks so breathtakingly beautiful in it. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa akin at kung bakit sa kauna-unahang beses ay nakita ko sya sa ganuong paraan.
Nakita ko sya sa paraan na naa-appreciate ko na ang itsura nya.
Maybe I hated him so much before dahilan para hindi ko sya ma-appreciate ng mabuti.
But now...I don't know what is this feeling that suddenly enveloped me while looking at him sitting all alone in there.
Alam ko na sya ang pumatay sa lalaking mahal ko pero bakit hindi ko na makapa sa dibdib ko ang sobrang galit na nararamdaman ko sa kanya noon? All I could feel right now while looking at him is that unfamiliar warmth in my heart. What's happening to me?
Tahimik akong naupo sa tabi nya at napatingin din sa maliwanag na fullmoon na nagbibigay ng ilaw sa aming dalawa nung gabing iyon.
Alam kong naramdaman nya ang presence ko pero hindi sya lumingon.
"It's beautiful" he suddenly whispered.
"Yeah..." all I could manage to say.
I can feel awkwardness.
Lalo na't hanggang ngayon ay naalala ko parin ang huling bagay na sinabi nya sa akin bago kami naghiwalay nung araw na iyon.
I love you.
Yes. That's what he said that really confused me. Bakit ba nya sinabi yun?
"Alex" I called his name.
His beautiful emerald eyes turned to me and looked at my face. Sinalubong ko naman sya ng tingin ang in the middle of that full moon, we gaze upon each other. And for a moment, while looking at his eyes, ay bigla kong nakalimutan kung ano ba ang sasabihin ko.
But then I cleared my throat and spoke.
"Naalala ko si Light..." I whispered. "Naalala ko na may kakambal ka na ang pangalan ay Light..."
Nakita ko ang unti-unting pag-guhit ng pagkakabigla sa mga mata nya nang marinig ang pangalan na iyon. And I can see some glint of pain into his beautiful emerald eyes...
"Naalala ko rin na kasali kayong dalawa sa mga survivor sa sunog na nangyari sa Vedra..." I continued. "At kinupkop kayo ng mga magulang ko...pero..."
Nagtaas ako ng tingin at sinalubong ko ang mga mata nyang iyon.
"...pero nasaan na si Light?" I continued. "Nasaan ang kapatid mo? Buhay pa ba sya?"
Pero nabigla ako nang mabilis syang tumayo at tumalikod sa akin. At hahakbang na sana sya paalis pero agad akong tumayo at nagsalita sa likuran nya.
"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" ang desperate ko ng tanong. "Nasaan na si Light? Ba't hindi kayo magkasama ngayon? Please answer me!"
I don't know.
But there is something in me which pushing me to know the truth about Light. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ay naging malaki ang papel nya sa buhay ko dati dahil sya ang laging laman ng memories ko.
Hindi sya nagsalita.
At mukhang wala talaga syang balak na sabihin sa akin ang totoo dahil humakbang na sya paalis. Pero agad ko syang hinabol at hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya dahilan para matigil sya sa paglalakad.
"Why are you always doing this to me?" ang sambit ko sa mahinang boses na iyon habang hawak ko parin ang braso nya. "Lagi ka nalang nag-iiwan ng katanungan sa isipan ko. Pumatay ka ng maraming tao and that includes Dylan para lang maprotektahan ako...you will often get mad kapag hinahawakan ako ng ibang lalaki...lagi mong iniisip ang kapakanan ko at walang ibang mahalaga sayo kundi ang kaligtasan ko...pero..."
I paused then looked at his back while he just continue to stand in front of me.
"Sa tuwing magtatanong ako sa'yo ng katotohanan ay lagi mo nalang ako itinutulak palayo! Sa tuwing magtatanong ako sayo ng mga bagay na binibigyan mo ng clues ay hindi mo naman sinasagot ang tanong na iyon! Minsan hindi na kita maintindihan! Pino-protektahan mo ako at nararamdaman ko na may pakialam ka sa akin at sinabi mo pa sa akin noon na mahal mo ako! Pero minsan naman ay ipinaparamdam mo naman sa akin na para bang wala akong halaga sayo! Bakit? Dahil nagsisinungaling ka lang nung sinabi mong mahal mo ako? At nasabi mo lang yun para iwan kita ng mag-isa sa laban na iyon? Alex! Naguguluhan na ako! Sino ka ba talaga?! Sino ka ba talaga sa buhay ko dati?! PLEASE JUST TELL ME THE TRUTH EVEN JUST---"
He didn't say a word.
He just turned to me, grab my head, pulled my waist to get me closer to his body, and in the middle of that bright fullmoon, for the first time...
Yes for the first time...I felt his soft lips pressed against my lips.
Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung ano ang ginawa nya. Tuluyan narin akong nanigas mula sa kinatatayuan ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
It's like from that moment, my whole world stop from turning.
Sa sobrang pagkakabigla na naramdaman ko ay halos hindi ako makagalaw habang hawak parin nya ang ulo ko at ang bewang ko at ramdam ko parin ang malambot na labi nya sa labi ko.
And that's when finally reality hit me.
Alex...kissed me.
Yes. My boyfriend's murderer...just kissed me.
Doon nya ako binitiwan habang nanatiling nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kanya.
His emerald eyes is so beautiful under the light of the full moon that's been hitting into it. And then I felt his soft hand that gently caresses my right cheek and in that soft voice, he spoke.
"I love you..." he whispered into my face pero tuluyan na akong natigilan sa sumunod na sinabi nya. "...but I never existed in your past..."
Ano ang...
Ano ang ibig sabihin nun?
He never existed...in my past?
I was about to open my mouth pero agad na syang nagsalita.
"And Light..." he whispered and I saw his eyes saddened. "...is long dead"
The last words he said brought an unfamiliar pain into my chest. It struck me right into my heart and it is so painful that it became unbearable. Hindi ko maintindihan kung bakit naramdaman ko bigla ang paghapdi ng sulok ng mga mata ko at ang pagsakit ng lalamunan ko nang dahil sa sinabi nya.
And before I knew it, those tears started to fall from my eyes and I don't even know why I'm crying right now.
Light is long dead.
A sentence that broke my heart and the worst part of it ay hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Hindi ko sya maalala...pero bakit sobrang sakit sa dibdib na marinig na patay na sya?
"He died on the day you were brought to the human world. He is one of the Arcadian Knights who sacrificed his life just to protect you..." he continued on.
Nanghina bigla ang mga tuhod ko kaya agad nya akong inalalayan sa pagtayo.
"You should take a rest..." he whispered into my head habang hawak nya ang ulo ko. "Kailangan mo ng magpahinga dahil lumalalim na ang gabi..."
I just nod.
The so much in my chest is stopping me from uttering even a single sound.
Naramdaman kong binuhat nya ako at dahil sa sobrang hapdi ng dibdib ko ay wala na akong lakas na magpumiglas. Saka sya naglakad pabalik ng bahay nina Van habang buhat nya ako at wala paring tigil sa pagbuhos ang mga luha sa mga pisngi ko.
Mukhang napansin kami ng ibang kasamahan namin na nasa labas ng bahay kaya agad silang lumapit sa amin.
"What happened?!" si Raven ang unang nagsalita.
Pero hindi sya sinagot ni Alex.
Nakita ko na biglang kinwelyuhan ni Maalouf ang hindi parin natitinag na si Alex at doon ko narinig ang nanggagalaiting boses nya.
"You told her?!" Maalouf asked through gritted teeth.
But Alex just turned to him and in an emotionless voice, he answered.
"She has the right to know..." he said.
And after that ay wala ng nagsalita kaya binuhat na ako ni Alex papasok ng bahay.
Naramdaman kong natahimik narin ang iba na para bang alam na nila ang dahilan ng pag-iyak ko. Maybe they are just scared that even a simple word that would come from their mouth will worsen the pain.
Light is dead.
At hindi ko alam kung bakit sobrang nasaktan ako sa narinig ko. Ito ba ang itinatagong katotohanan ni Maalouf sa akin? At ito rin ba ang dahilan ng pagtatago nila sa akin ay dahil alam nilang sobrang maaapektuhan ako ng pagkawala ng lalaking iyon?
Hindi ko na maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin at nararamdaman ko 'to. Pero pakiramdam ko ay ganun ka-importante ang naging parte nya sa buhay ko kaya hindi na tumitigil sa pagbuhos ang mga luha sa mga pisngi ko.
Maybe my mind doesn't remember him. But my heart does. And that's the worst part of it.
Naramdaman ko nalang na inihiga na ako ni Alex sa malambot na kama sa loob ng kwartong iyon. While I continue to cry and it seems like crying is not enough to make all the pain go away.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at doon ko naramdaman na nahiga rin sa tabi ko si Alex at hinila nya ako palapit sa kanya. At doon ko naramdaman ang pagyakap nya sa akin at ramdam ko ang hininga nya na tumatama sa noo ko.
"I'm sorry...Light is the last person I want you to remember...the moment you remembered him...you have to forget him too..."he whispered into my forehead. "...you have to forget him forever, Annah"
Hindi ako sumagot.
Nanatili lang akong umiiyak sa dibdib nya at hindi nagsasalita. Naramdaman kong hinahaplos na nya ang buhok ko at naramdaman ko rin ang malambot na labi nya na humalik sa noo ko.
At siguro sa sobrang pag-iyak at sa sobrang pagod narin ay doon ko naramdaman ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko.
But before I closed my eyes...I heard him whispered into my forehead.
"Dream of us..."
And then I went into sleep.
************************
Naalimpungatan akong napabukas ng mga mata nang makarinig ako ng isang malakas na pagkakabagsak ng isang bagay sa kabilang kwarto.
Napatingin ako sa paligid at nakita kong madilim parin at katulad kanina ay ang ilaw na nagmumula sa buwan ang nagbibigay ng ilaw sa buong kwarto.
Nakita kong wala narin sa tabi ko si Alex.
Pero natigil ang lahat ng iniisip ko nang...
"HELGA!!!" ang sigaw na yun ni Van ang narinig ko sa kabilang kwarto.
Agad na nanlaki ang mga mata ko at mabilis akong tumayo mula sa kama at kumaripas ng takbo papunta sa kabilang kwarto.
Pero tuluyan na akong nanigas nang dahil sa nadatnan ko...
"VAN!!!" I screamed in horror saka ako mabilis na tumakbo papunta sa kanya.
He's lying on the floor with a stab on his chest. At nakikita kong sumusuka pa sya ng dugo.
Agad ko syang inalalayan at niyakap para alalayan saka ako napatingin sa paligid, looking for a sign of Helga pero agad kong natutop ang bibig ko nang makita ang abo na iyon na nasa kama.
Hindi...
Si Helga...
Patay na si Helga...
Nabigla ako nang maramdaman kong hinawakan ng mahigpit ni Van ang laylayan ng damit ko kaya agad akong napatingin sa kanya. Nakatingin sya sa akin gamit ang luhaang mukhang iyon at nabigla ako nang iabot nya sa akin ang bilog na bagay na iyon.
Napatingin ako sa bagay na inilagay nya sa kamay ko at agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita ang umiilaw na esylium na iyon.
Mabilis akong napatingin sa kanya at nagsalita.
"Who did this?!" I screamed into his face. "WHO DID THIS TO YOU VAN?!"
Oo, alam ko. Hindi nya ibibigay ang esylium ng ganun-ganun lang at mas lalong hindi nya papatayin ang asawa nya just to get this. Dagdag pa that he's now bleeding to death and there is a stab on his chest. Someone did this to the two of them.
"Van?!" ang alog ko sa kanya dahil nakikita kong umiilaw na ang katawan nya.
And I know that this light is a bad sign.
Marami na akong nakitang namamatay na bampira and this familiar light would always come out from their body bago sila nagiging abo.
"A-annah..." he whispered my name.
Pero unti-unti ng nagiging blangko ang paligid especially now that the esylium made contact with me. And any moment now ay alam kong makakatulog na ako...
"A-annah...m-mag-iingat ka sa mga kasamahan mo..." he said. "He is..."
Pero hindi ko na narinig ang huling sinabi nya. Nakita kong may sinabi sya pero hindi ko na narinig yun nang dahil sa tuluyan ng naging blangko ang lahat.
Tuluyan narin akong nanghina nang dahil sa esylium na nasa kamay ko at ang huling nakita ko nalang ay ang unti-unti nyang pagiging abo sa kamay ko bago ako tuluyang natumba sa sahig.
And the last thing I saw before I closed my eyes is the faces of Jared and Cornelius who rushed inside the room when they saw me lying on the floor.
Meanwhile...
"You shouldn't have done this..." the silver haired girl said while looking inside the house.
Nakaupo lang sya sa sanga ng isang puno na malapit sa bahay na iyon habang nakatunghay sa pagbitbit ng walang malay na si Annah ng mga Arcadian Knights.
Habang sa ibaba naman ng puno na iyon ay nakasandig ang binatang iyon na may kulang puting buhok habang naka-cross arms at nakapikit mula sa kinatatayuan nya.
There is a satisfied smile drawn up on his handsome face while the silver haired girl couldn't do anything but to look at him with a sad expression on her face.
"This is your punishment..." the white haired guy said with eyes still closed. "...for not loving me back even just once"
The silver haired girl didn't speak a word.
But then she looked at him and with a sad tone, she spoke.
"It is sad to see you like this..." she whispered.
The white haired guy opened his eyes and those blue eyes met her before she called his name.
"...my dearest Light"
to be continued...
1st Esylium: Human World
2nd Esylium: Kingdom of Maleya
3rd Esylium: Sorrow, the City of Argons
4th Esylium- Murrk, the place of Camellia flowers
5th-7th Esylium: In the next journeys to come.