"You have to find all the seven esylium to be a Titanian again and to stop Lucian from all of his plans...and yes Annah, you are the last Titanian and you are the only hope of both humanity and vampires"
Madaling araw na pero hindi parin ako makatulog mula sa kinahihigaan ko.
Matapos kasing sabihin sa akin yun ni Raven kagabi ay inutusan na nya akong matulog para daw makapagpahinga ako.
But after hearing all of those things, I know that there is no way I could go to sleep.
Nasa loob ako ng tent na ginawa ni Bogs para sa amin kagabi at doon na nakahiga kasama sina Bea at Rika. Afterall, nakatulong din ang dalawang makapal na coat na suot ko at isang hooded cloak na ibinigay sa akin ni Andromeda kaya hindi na ako nakakaramdam ng sobrang lamig.
Kung titignan mo ay nag-aalala silang lahat sa akin kahit na napaka-emotionless nila. Except kay Jared na mukhang masayahin naman at si Cornelius na napaka-pilyo.
Pero...
Sa totoo nyan, kahit gaano sila kabait sa akin ay nahihirapan parin akong mag-cope up sa sitwasyon ko ngayon. I mean, parang noong isang araw lang ay ang pinoproblema ko palang ay ang kung ano ang kakainin ko sa araw-araw, ang part-time job ko, ang paghahabol ng mga requirements para sa nalalapit na graduation ko, ang tuition fee at ang lahat ng babayarin sa school, at kung paano ko ba sisimulan ang article na kailangan kong ipasa kay Professor Mendoza na dapat ay naipasa ko na noong isang araw.
Pero ngayon...problema ko narin kung paano ko ba tatanggapin sa sarili ko na nasa ibang mundo na ako kasama ang pitong bampirang ito na nagki-claim na isa akong Titanian, ang nag-iisang naiwan sa lahing iyon, at ang nag-iisang makakapagligtas ng sangkatauhan. Diba? Parang ang hirap i-absorb sa utak ang lahat ng iyon? Idagdag mo pa na kasama ko si Bea, which is, nag-iisang totoong tao lang sa mundong ito.
Tama.
Kailangan kong ibalik si Bea sa mundo namin.
Alam kong hindi sya nararapat sa mundong ito. Hindi ako papayag na mawala sya kagaya ng pagkawala ni Dylan sa akin. Hindi ko kakayanin kung may isa pang taong importante sa akin ang mawala ng dahil akin. Losing Dylan is a real torture to me. But losing both of them will be a hell to me. Dahil kahit na hindi ko pa totoong pinsan si Bea at kahit na minsan ay nafe-fed up na ako sa kaartehan nya ay hindi mo matatanggal ang bond na mayroon kaming dalawa. That's why I can't drag her here with me.
Pero paano? At saan ba ako magsisimula sa paghahanap ng the rest na anim na esylium?
Napahinga nalang ako ng malalim mula sa kinahihigaan ko.
Wala ng pag-asa na makakatulog pa ako.
At nang mapagod na akong mag-isip ng tungkol sa mga nangyayari sa akin ngayon ay naisipan kong bumangon nalang mula sa kinahihigaan ko.
I wore a coat at itinaas ko sa ulo ko ang hood ng cloak na suot ko saka ako lumabas ng tent.
Nakikita kong madilim parin ang paligid pero mukhang malapit ng sumikat ang araw nang dahil sa nagsisimula ng lumiwanag sa silangan.
May fogs din sa paligid kaya hindi ko masyadong makita ang kapaligiran.
There is no sign of the other vampires na kasama ko kaya nagtaka ako.
Where are they?
Pero...
May nakakuha ng atensyon ko.
Dahil di kalayuan sa akin at sa gitna ng mga punong kahoy na nanduon ay nakita ko ang nakatalikod na babaing yun. Nakasuot din sya ng cloak na may hood pero nakababa ang hood nya dahilan para makita ko ang silver hair nya na yun.
Pero teka...
Parang...
Parang pamilyar sa akin ang silver hair na yun...
At nabigla pa ako nang bigla syang lumingon sa akin.
Pero agad na nanlaki ang mga mata ko nang makilala sya. Sya yung babaing tinulungan namin ni Bea mula sa mga bully na mga bata noon sa daanan!
She just stared at me but then...a smile slowly curved up on her lips dahilan para matigilan ako.
Teka, anong...anong ginagawa nya sa mundo ng mga bampira?
Humakbang ako para lapitan sana sya pero...
"My lady" ang biglang sulpot ng boses na yun.
Agad naman akong napalingon at nakita ko si Raven.
"A-ano yun?" ang tanong ko.
He smiled at me.
"Did you sleep well?" he asked while those blue eyes continue to stare at my face.
"A-ah eh...a-ano..." ang sambit ko saka pasimpleng lumingon sa direksyon ng babae kanina.
Pero nabigla ako nang makitang wala na sya doon.
Teka...nananaginip lang ba ako kanina?
"My lady?" ang pukaw sa akin ni Raven na noon ay katabi ko parin pala.
Agad ko naman syang nilingon at ngumiti sa kanya.
"O-okay lang naman ako..." ang sambit ko.
Ngumiti lang sya sa akin at nabigla ako nang itaas nya ang kamay nya at hinaplos ang pisngi ko.
Napatulala ako sa gwapong mukha nya lalo na't nawala na ang ngiti nya at ngayon ay may nakita akong paglamlam sa mga mata nya.
"I'm just so happy to see you again..." ang sambit nya. "...I have always looked forward for this day to come that I could hold your face like this..."
Pero nabigla ako nang may biglang marahas na humablot ng kamay nya palayo sa mukha ko.
Agad naman akong napalingon sa bagong dating at nabigla ako nang makita ang nakakunot na noo at ang nagtatangis na ngipin na yun ni Alex sa tabi namin habang nakatitig ng masama kay Raven.
"The next time I'll see you touching her like that again, I swear, I'll cut your hands off..." Alex said through gritted teeth. "...Mr. President"
Saka nya marahas na ibinaba ang kamay ni Raven.
Raven just smirk while not looking away from me.
"And to think that you're so overprotective to her...sana, hindi mo pa nakakalimutan kung sino ako..." ang nakangiting sabi ni Raven saka sya lumingon sa nakasalubong na kilay ni Alex. "...Alexander"
Then he turned to me and smiled.
"I'll get your breakfast ready, my lady" ang nakangiting sabi nya saka sya tumalikod at umalis.
Samantalang naiwan naman kaming pareho ni Alex doon.
At sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung paano ako mag-a-act sa harapan ng lalaking ito.
Oo, matapos kong marinig ang lahat ng nagawa nya para protektahan lang ako ay somehow, may nararamdaman akong pagkailang sa dibdib ko. Lalo na't kahit na ginawa nya lang naman yun lahat para sa akin, pati narin ang pagpatay sa boyfriend ko ay hindi ko maipagkakailang may bahagi parin sa akin ang nasasaktan at hindi parin naiintindihan kung bakit kailangan nya pang gawin yun.
Nilingon ko sya pero napalunok pa ako nang makitang masama lang ang titig nya sa akin.
At bago pa man ako makapagsalita ay nagsalita sya.
"Stay out of trouble" ang sabi nya saka sya tumalikod at umalis.
Hindi ko maiwasang mapanganga sa sobrang inis mula sa kinatatayuan ko.
Bakit ba pakiramdam ko ay ang init-init ng dugo nya sa akin?
Pakiramdam ko ay puro sakit lang sa ulo ang tingin nya sa akin para pagsabihan ako ng ganun.
"Hayyy...ang aga-aga, nag-aaway na naman ang dalawang fire argon..." ang biglang sulpot ni Cornelius mula sa tent na katabi ng tent namin.
Napalingon ako sa kanya at nakita kong humihikab pa sya at nakita kong wala syang suot na pang-itaas.
"Ano pa bang bago dito?" ang biglang sulpot naman ni Jared sa likuran nya at mukhang bagong gising din. "Natural na ata sa mga fire argons ang magkaroon ng mainit na ulo"
Saka sya lumingon kay Cornelius.
"Pero hindi ko alam kung natural din ba sa isang Earth Argon ang laging maghubad" ang dugtong pa ni Jared.
Nilingon naman sya ni Cornelius at maarteng inilagay nito ang kamay nito sa noo at nagsalita.
"Natural na sa isang lalaking biniyayaan ng isang magandang katawan ang ipakita lagi ang kaakit-akit at nakakahumaling na pangangatawan na yun sa lahat" ang maarteng sabi nya.
Pero nilingon lang sya ni Jared.
"Maghahanda nalang ako ng agahan. Wala kang kwentang kausap" ang parang walang pakialam na sabi nalang ni Jared saka parang excited na naglulukso-lukso doon. "YEHEY!!! Excited na akong maghanda ng human foods!"
"Tutulong ako..." ang biglang sulpot ni Zeke mula sa kakahuyan.
Nilingon naman sya ni Jared.
"Wag na Zeke...magbilang ka nalang ng tutubi doon sa tabi-tabi. Sobra pa sa atomic bomb ang luto mo eh. Nakakapatay" ang sabi ni Jared.
"But I want to cook something for the mistress" ang walang emosyong pilit parin ni Zeke.
Hinawakan naman sya sa magkabilang balikat ni Jared at sa seryosong tinig ay nagsalita ito.
"Zeke...parang awa mo na..." ang parang naluluhang sabi pa ni Jared. "...ang mistress nalang ang natitirang pag-asa ng lahat kaya pwede ba? Pwede bang wag mo syang pakainin ng nakakalason na luto mo?"
Natigilan ako ng dahil sa sinabing iyon ni Jared.
Ako nalang ang...natitirang pag-asa ng lahat?
Napayuko ako at napaisip mula sa kinatatayuan ko.
Ako nalang ang nag-iisang natitirang Titanian kaya ako nalang ang makakapigil sa mga binabalak ni Lucian. Ako nalang ang nag-iisang makakasara ng barrier between the human world and the vampire's world.
Pero...tama.
Kailangan kong ibalik si Bea.
Kailangan ko na syang ibalik sa mundo ng mga tao para mailayo sya sa lahat ng ito.
Ako ang may dahilan kaya nandito sya.
At ako rin ang dahilan kaya pwede syang mapahamak.
Agad akong nagtaas ng mukha at naglakad palapit sa magkaharap parin na sina Zeke at Jared.
"Jared" ang tawag ko sa kanya.
Sabay naman silang napalingon sa akin at sabay pa silang yumuko.
"My lady" ang sabay nilang bating dalawa sa akin.
"Jared, Zeke..." ang tawag ko sa kanilang dalawa. "Alam nyo ba kung paano makakabalik sa mundo ng mga tao? Kailangan kong ibalik si Bea sa mundo na yun"
Pero hindi ko alam kung bakit pareho silang natigilan mula sa kinatatayuan nila. Saka sila sabay na napayuko at nagkatinginan.
Samantalang napatitig naman ako sa kanilang dalawa.
"A-ano? M-may alam ba kayo kung paano makakabalik?" ang desperada ko ng tanong.
Pero pareho lang silang natahimik at mukhang hindi alam ang isasagot.
"There is no way" ang biglang sambit ni Cornelius na nakatayo parin pala sa may bungad ng tent nila.
Sabay naman kaming napalingon sa kanya.
And then his gold eyes looked at me.
"There is no way you can go back to the human world" he said. "Once you're in, there is no way out. Unless...a Titanian will open the barrier and let us through"
to be continued...