Download App
100% Gino, My Genie (KathNiel Tagalog Fanfic) / Chapter 13: Chapter 11 (Kwentuhan Na Lang Tayo, Mikay)

Chapter 13: Chapter 11 (Kwentuhan Na Lang Tayo, Mikay)

Mikay's POV

"M-mikay, andito ka na pala.."

Mabilis akong lumingon at hinipo yung ulo ni Gino nung marinig ko yung boses n'ya na nagsalita.

"Hindi ka na mainit. Buti naman.." isang malalim na sigh ang pinakawalan ko.

"Anong oras ka nakarating? Kanina ka pa ba?" muli n'yang tanong. Kaya ako, saglit na sinulyapan yung phone na bigay n'ya.

"Mga 2 hrs. na rin. Kasi lagpas alas-kwatro nung makauwi ako. E malapit nang mag 7 pm oh.." sagot ko. Inalalayan ko naman agad s'ya dahil bigla s'yang bumangon para umupo. "Oh, dahan-dahan lang."

"Kumain ka na ba? Anong gustong mong kainin? Magwish ka, dali."

Napatawa ako dahil sa sunod-sunod n'yang sinabi na yon.

"Ano ba, ikaw nga 'tong may sakit oh. Ako dapat ang magtatatanong nang magtatanong sayo. May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba?"

Umiling s'ya. "Wag ako ang alalahanin mo, Mikay. Hahaha. Sapat na yung nakapagpahinga ako dahil doon lang, mababawi ko na lakas ko. Saka hindi lagnat or sakit ang term samin ng ganito. Tawag nito samin, pagod lang." informative na sabi n'ya kaya mangha akong napatango-tango.

"Pero nag-alala pa rin ako sayo, no? Kasi hindi ko alam na pati sa inyo, may lagnat-lagnat din. Akala ko kukumbolsyunin ka na kanina kasi sobrang init mo. Akala ko rin mangingisay ka nalang bigla dahil sa lagnat mo. Tapos bubula bibig mo at hihinto na ang tibok ng puso mo." nakapout na sabi ko. Bigla n'ya namang ginulo yung buhok ko.

"Ang oa mo. Sinabi ngang hindi lagnat 'to e. Wala kaming sakit-sakit." tumatawang sabi n'ya tapos nag-inat s'ya. "Dali, wala nang satsat pa. Magwish ka na ng hapunan mo."

Ako naman, bigla nalang napahawak sa sikmura ko kasi pagkasabi n'ya non, bigla ko nalang din naramdaman na gutom na nga ako. Hindi ko kasi napansin kanina. Dahil alalang-alala ako sa kanya.

Nang hindi inaalis ang pout ko, sumagot ako.

"Kailangan ko ng pagkain, and to be specific, shawarma shack. Dalawa."

Ngumiti si Gino while saying, "Your wish is my command, master."

Biglang may lumitaw na isang plastic bag sa kamay n'ya. Inabot n'ya sakin yun at pagkatingin ko, may laman nga yun na dalawang balot ng shawarma. Yun nga lang, hindi naman mainit. Mukhang nung isang araw pa niluto kasi ang lamig na.

"Mas mainit pa yung leeg mo dito e." nakapout na sabi ko sa kanya.

Pero hindi na ako nag-inarte at kinain ko nalang yun. Gutom na gutom na talaga ako e. Baka pati si Gino makagat ko. Buti nalang din may tira pa akong bottled water kaya hindi ko na kinailangang magwish pa sa kanya.

At s'ya naman, ayun nakangiti lang doon na chinecheck yung mga pinamili namin kanina. Ngiting-ngiti s'ya na animo isang padre de pamilya na satisfied kasi nabili n'ya yung mga kailangan ng mag-anak n'ya.

Hahahahahaha. Natatawa tuloy ako. Baka mabulunan pa ako hahaha.

"Bumaba ako saglit kay ate kanina. Sabi ko, baka bukas ka na lumipat kasi may sakit ka, at dito ka muna sa kwarto ko. Pero nakuha ko na yung susi." sabi ko matapos kong lunukin yung huling subo ng shawarma. Inubos ko na rin yung tubig ko.

"Wuuu. If I know, mamimiss mo lang ako kaya ayaw mo pa akong palipatin." mapang-asar na sabi n'ya. Gusto ko sanang batukan kaso naalala kong may lagnat nga pala s'ya.

"Hindi nga lagnat 'to. Kulit." pokerface na sabi n'ya.

"Oh! Binabasa mo na naman nasa isip ko! Tsk." inirapan ko s'ya.

Saglit akong nagpunta sa study table ko. Chineck ko yung mga gamit ko para sa school bukas at nakahinga ako nang maluwag dahil lahat ng mga assignments na due ngayong week, natapos ko na nung mga nakaraang araw. Kaya ang aalalahanin ko nalang para bukas ay yung paggising ng maaga.

Dahil may klase kami kay Ms. Katapang-tapangan bukas.

Bumalik ako sa kama at tumabi kay Gino.

"Pero hoy, kung gusto mo naman nang lumipat, edi go. Andito yung susi. Baka isipin mo pang mamimiss kita e. Hindi na no. Asa ka." mataray na sabi ko.

Hindi naman n'ya pinatulan yung sinabi ko dahil tumigil lang s'ya sa pagchecheck ng mga gamit n'ya. Umayos s'ya ng upo sa tabi ko tapos nakangiting tumingin sa akin.

"Kwentuhan na lang tayo, Mikay."

Napataas ako ng kilay. "About who? What? Tungkol ba sa nangyaring pagkikipagharap namin sa thesis adviser namin kanina? Nako, Gino. Newsflash. We are in need now for new adviser. He dumped us nang dahil lang sa hindi n'ya kami napilit na gawin yung gusto n'ya." inis na sabi ko. Si Gino naman, natawa na lang.

"Edi mas okay. Hindi na kayo masasakal. Humanap kayo ng iba n'yong adviser. Case closed." tumikhim s'ya tapos seryoso na namang tumingin sa akin. "Ang gusto ko kasing ikwento mo sakin, Mikay, tungkol sa sarili mo. Sa backaground mo. Kasi kahit nababasa ko isip mo, may ilang bagay pa rin na hindi ko alam tungkol sayo, 'no. Kaya yun ang ikwento mo."

Napaisip ako sa sinabi na yun ni Gino. Kasi totoo naman, although nababasa n'ya yung ilang bagay na tumatakbo sa isip ko, may mga bagay pa rin tungkol sa akin na hindi n'ya alam. Kasi hindi naman s'ya Diyos na alam ang lahat at makapangyarihan sa lahat ng aspects.

Si Gino, genie lang s'ya na may powers at may kakayahang mag grant ng wishes..

S'ya si Gino The Genie. Not Gino Almighty.

"Okay.." nagpout ako bago magsimulang magkwento. "Hindi ko na sasabihin ang full name ko dahil una palang alam mo na, 'diba? Pero ayun, kaka-19 ko lang last March. Laking probinsya talaga ako, pero nung nagcollege na ako, nag-insist si papa na dito na raw ako mag-aral sa Manila. Nung una ayaw ko talagang pumayag kasi ayaw kong mapalayo sa kanya. Tapos sobrang gastos pang mabuhay dito sa Manila. Hindi rin naman kasi kami mayaman e.."

Sumulyap ako kay Gino. Nakita kong nakikinig lang s'ya nang seryoso sa akin. Kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkukwento ko.

With a smile on my face.

Kasi first time ko 'to. Na ikukwento yung buong talambuhay ko sa isang tao.

"Si papa? Simpleng employee lang s'ya sa munisipyo namin doon sa probinsya. Yung sahod n'ya? Ayos naman. Kaso dahil nga andito ako sa Manila, majority ng sahod n'ya sakin napupunta. Sa allowance at pambayad ko ng rent. Sa ibang fee at gastusin sa school. Kaya ako, hanggat maaari tinitipid ko yung sarili ko. Para yung mga bayarin na kaya ko naman, hindi ko na hihingiin sa kanya. Kasi may sarili rin namang binabayaran si papa doon sa bahay namin sa probinsya e. Upa, kuryente, pagkain, at personal n'yang mga kailangan. Although nag-iisa lang kasi akong anak, saka full scholar ako sa school, hindi pa rin ligtas sa malaking bayarin si papa. Kaya nga hindi na rin ako makapaghintay na grumaduate at magtrabaho, Gino. Para si papa, matutulungan ko na sa wakas.."

Nagflash sa isip ko yung malumanay na ngiti ni papa. Bigla ko tuloy s'yang namiss. Sana lang, makauwi ako samin sa Christmas break kahit busy ako. Para kahit papaano, hindi kami parehas na malungkot na magcecelebrate ng pasko at bagong taon.

"Eh, how about your mom? Asan s'ya?" dinig kong tanong ni Gino.

Napayuko na lang tuloy ako at matipid na ngumiti. "Si mama ba? Hindi ko na s'ya nakita, Gino."

"Hindi nakita? Like, iniwan kayo nung baby ka pa?"

Marahas akong napatingin sa kanya.

"Hindi no! What I meant by that is, hindi ko na s'ya nakita dahil ilang days lang ata matapos n'ya akong ipanganak, namatay s'ya."

"N-namatay?"

"Oo, namatay si mama." ngumiti ulit ako nang matipid. "Hindi ko matandaan yung mukha n'ya na personal kong natitigan. Kasi baby pa ako nun, kaya hindi ko talaga matatandaan. Sa pictures ko lang s'ya nakita. Yung iilang pictures na naitabi ni papa. Mahina kasi si mama e, I mean yung physical body n'ya. Sakitin ganon, madaling mapagod. Hindi n'ya ata kinaya yung panganganak n'ya sakin. Nabinat s'ya. At ilang araw lang simula nung pinanganak n'ya ako, nawala na s'ya.."

"Hmm.. I don't know the word 'nabinat' but buti na lang, nailabas ka pa n'ya bago s'ya mamatay. Nasa hustong buwan ka nung maipanganak ka n'ya. Hindi ka premature. Wala kang diperensya. Ang talino mo pa, kahit na payat ka. Hindi ka bingot, at wala kang luslos. Wala ka ring sakit." agad na sabi n'ya.

Natawa na lang ako dahil sa sinabi na yun Gino. Alam kong pinapasaya lang ako nito para hindi ako malungkot dahil sa mga kwento ko. Well, effective naman. Kasi kahit hindi n'ya alam yun word na binat, alam naman n'ya yung bingot at luslos. Hahaha.

"Oo, thankful ako na ganon. Saka alam ko rin na masaya si mama dahil buhay ako ngayon. Kung nasaan man s'ya.." nakangiting sabi ko. Si Gino naman nakatingin lang sakin. "Oh, ano? Wag mo kong tignan d'yan na para bang may diperensya ako. Hahahaha."

"Sigurado yun. Hindi lang s'ya masaya. Proud din s'ya sayo." ngumiti na lang din s'ya. "Sige. Magkwento ka pa, Mikay. Nang kahit na ano tungkol sayo. Mga fears mo, dreams mo nung bata ka pa, anything basta tungkol sayo na hindi ko pa alam. Kahit random."

Napaisip ako. Pero nagdabog nalang ako dahil wala akong maisip as of the moment na kahit na ano. Para bang biglang hindi ko na kilala ang sarili ko.

Nablangko ako.

"Ikaw naman ang magkwento, Gino. Ang unfair mo 'pag hindi ka nagkwento about sayo. At sa mundo n'yo."

Natawa na naman s'ya. "Ano ba gusto mong malaman? Sige, magtanong ka. Hahahaha."

Inirapan ko s'ya dahil sa pagtawa n'ya na yun. Pero agad naman akong nag-isip ng pwedeng itanong sa kanya.

"Bakit wala ka sa bote or lampara? Bakit dito ka lumitaw sa aparador ko?"

"Yun ba? Kasi kahit saan namang bagay na may space, pwede kaming pumasok. Kahit nga sa loob ng tenga mo, pwede ako d'yan e."

Bigla akong napatakip sa tenga ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Subukan mo!! Ipapasilip kita sa ENT doctor para mabunyag yang lihim mo!!"

Tumawa s'ya at ginulo ang buhok ko.

"Joke lang, ito naman! Ang rason kung bakit d'yan ako sa wardrobe mo lumitaw, nadala na kasi ako sa pagpasok sa mga bote. Because one time, I have mistakenly teleported inside a bottle na lalagyan ng sukang Paombong. Minsan naman, sa glass bottle na lalagyan ng bagoong na galing Ilocos. Pati sa garapon na may mga langaw na pagmamay-ari ng isang estudyante na may science experiment, at lampara na may lamang gas! Just imagine that."

Napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi na yun ni Gino. Ang lala nung mga sinabi n'ya. Sukang paombong? Ilocos bagoong? Garapon na may langaw? Lampara na may gaas? What could be worse?? Hahahahaha!! Kawawang Gino, hindi ko maimagine!

"Worse ba kamo? Ito, Mikay. Nakapagteleport lang naman ako sa isang maliit na plastic bottle na lalagyan ng feces sample. At oo, may lamang dumi ng tao kasi esaktong-eksakto. Yung bagong master ko nagpapa medical para sa mga requirements n'ya para sa trabaho. That moment, parang gusto ko na lang talagang magquit sa pagiging genie. Pakiramdam ko, papanawan na ako ng lakas at katinuan. What the hell, tae? Naka face to face ko."

Halos malaglag ang panga ko sa sahig dahil sa pagkagulat sa narinig ko.

"Tell me you're just kidding. May tae talaga? Tae ng tao???? Shemay, Gino!!! Hindi ko maimagine. Yung itsura, yung amoy. Hahahahahahahaha!!! Shet!!!" humagalpak na naman ako ng tawa dun at nahampas-hampas ko na lang din yung balikat ni Gino sa sobrang kaligayahan.

Wala na nga atang mas lalala pa doon. Yung mission mo lang na makatulong tapos mapupunta ka pa sa ganong posisyon? Biglang pagteleport mo, dumi ng tao ang sasalubong sayo? Hahahahahahaha! Punyeta, ang sakit sa tiyan!!!! Pati sa ulo at saka sa ilong! Hahahahaha!!

"Sige, tawa ka pa." pokerface na sabi ni Gino.

Pinunasan ko yung mga luha ng kaligayahan sa gilid ng mga mata ko. "Shet, Gino. Hindi ko intensyon na pagtawanan ka sa ganong sitwasyon na sinapit mo. Pero nakakatawa lang talaga. Sorry. Hahahah."

"Magtanong ka nalang ng ibang bagay." pokerface pa ring sabi n'ya.

Pinilit ko nalang na 'wag na ngang matawa. Kaso mas natawa pa rin ako nang mapatingin ako sa kanya. Naiimagine ko kasi yung possible na itsura n'ya nung moment na yon. Naiyak siguro s'ya tapos biglang nawalan ng malay kasi hindi n'ya kinaya yung amoy. Hahahhahaha.

Pinunasan ko ulit yung mata ko saka ako huminga nang malalim. "Okay, next quetion na nga. May mga babae bang genie??"

Nakapokerface pa rin si Gino kaya ako, natawa na naman ulit.

"Pag 'di ka pa tumigil, papalutangin kita sa ere at iteteleport kita sa thesis adviser n'yo." sabi n'ya.

Hindi ko pa dapat seseryosohin yung sinabi n'ya na yon pero bigla ko nalang ding naramdaman na unti-unti akong umaangat mula sa pagkakaupo ko sa kama.

"H-hoy, Gino! Ibaba mo ako! H-hindi na. Hindi na kita pagtatawanan." nanginginig na sabi ko. Kasi ang ewan lang sa feeling. Na nakalutang ka. Mas ewan pa dun sa feeling na nagteleport ka.

Naramdaman kong nakaupo na ako ulit sa kama kaya nakahinga ako nang maluwag. Takot ko dun ah? Hindi lang basta sa paglutang. But doon lalo sa iteteleport n'ya ako sa ex-thesis adviser namin. Baka 'pag lumitaw ako bigla sa harapan nun, atakihin yun sa puso at ako pa ang mapagbintangan.

Makukulong pa ako at hindi makakagraduate.

"May mga babaeng genie, Mikay. Pero hindi hamak na mas marami kaming mga lalaking genie kaysa sa kanila. Pero same lang naman yung powers na taglay namin, saka abilities." biglang sabi ni Gino.

Napa wow na lang ako. Hindi ko akalain na may babaeng genie pala. Kasi sa mga films, almost lahat ng genie, lalaki e. Nakakatuwa naman, parang ang sarap maka meet ng babaeng genie. Hehehe.

Ngumiti ako at nagsalita. "Okay, fine.. Pero ito, tanong ko lang. Ilang araw ko na rin 'tong naiisip kasi e. Bakit hindi pwedeng magwish ng mga bagay na wants lang? Bakit puro needs lang?"

Tumikhim si Gino at seryoso na namang nagkwento.

"Kasi Mikay, doon papasok yung concept na magiging limited na lang yung wishes mo. Sa tatlo. Kapag nag wish ang isang tao ng mga bagay na hindi naman n'ya kailangan talaga. Yung out of kasakiman at abuso lang. Kasi to be honest, 'wag kang mabibigla ha? Ang mga genie talaga kayang maggrant ng unli wishes as long as yung winiwish ng tao, mga bagay na kailangan n'ya talaga. Naibibigay namin lahat-lahat ng wishes. Hanggat hindi pa natatapos yung mission namin sa kanila." sabi n'ya. Tumigil s'ya saglit at umiling. "Kaso, sa case ko? Hindi pa ako nakakameet ng tao na kung saan natapos ko ang mission ko sa kanila. Kasi halos lahat, mga sakim e. Yung puro luho lang ang wish. Kaya nalimit. May ilan akong nameet na naramdaman kong parang hindi katulad ng iba. Kaso later on, nagbago sila e. Puro luho na rin yung hinihiling nila sakin, kaya ayun. Nalimit na yung wishes nila sa 3. Kaya paiba-iba na rin ako ng mga master. Kasi 'pag yung isang master namin, nalimitahan na sa 3 yung wish nila, automatic failed na yung mission namin sa kanila. Aalis na kami sa buhay nila after that at mapupunta na naman kami sa ibang tao para maging master sila."

"Teka, teka." nagkamot ako ng ulo ko. "Nakakalunod ang info ha. Kung sign na ng failure ng mission n'yo yung kapag nalimit na sa 3 wishes yung pwedeng hilingin ng master n'yo, ano naman yung sign na mission accomplished kayo?"

"Kapag hindi nalimit yung wishes ng master namin saka kapag naibigay nila yung tulong na hinihingi namin in return. Kasi diba, nabanggit ko rin sayo na hindi lang basta kami ang tumutulong sa inyong mga tao? Pati rin kami, may inaasahang tulong mula sa inyo." paliwanag ni Gino. Pero mas lalo lang akong napakamot sa ulo ko.

"Oo, I remember that. But to be specific, ikaw, ano ba yung tulong na inaasahan mo na maibibigay ko sayo?"

Yumuko si Gino at matipid na ngumiti. "Mikay, habang nag-iiba iba pa rin ang master namin, hindi pa rin natatapos yung cycle ng mission namin kasi hindi pa fulfilled. Failed pa rin. Kasi Mikay kapag ganon, ang ibig sabihin lang nun ay sa maling tao kami napupunta. Kaya mapupunta na naman kami ulit sa ibang tao. Back to square one ulit. Masasabi lang namin na maganda yung progress ng mission namin kapag napunta kami sa isang tao na may control sa sarili. Marunong mag-aapreciate at magpahalaga ng mga bagay-bagay. Marunong mag-ingat. Masinop, responsable, at ang pinaka importante, matipid at hindi maluho. Hindi mapang-abuso at sakim sa kayamanan. Hindi makasarili. And our mission will only be deemed fulfilled kapag yung weakness namin, mawawala at mapapalitan ng strength, sa tulong ng master namin."

"Weakness? Na mapapalitan ng strength? Hindi ko magets, Gino. Pero wala naman akong nakikitang kahinaan mo e. Lahat nga ng kailangan ko, naibibigay mo." pangangatwiran ko. Nakita ko namang saglit na napatawa si Gino.

"Sana nga, ganon Mikay. Pero napapansin mo yun. Yung kahinaan ko. Masakit mang isipin at aminin sa harapan mo, pero.." bumuntong-hininga s'ya. "Palpak ako. Kita mo naman, 'diba? Kapag may hiniling kang bagay, hindi exact or katulad man lang yung naibibigay ko sayo. Minsan, nakakaabala pa sayo. Hindi nakakatulong."

Bumagsak bigla yung balikat n'ya. Kitang-kita ko rin at ramdam na ramdam ko rin sa aura n'ya na talagang frustrated at disappointed s'ya sa sarili n'ya.

Bigla tuloy akong nakonsensya nung maalala ko rin yung mga times na tinatawag ko s'yang palpak. Although hindi naman talaga ako seryoso doon.

"H-hoy, Gino. 'Wag mo ngang sabihin yan. Oo, sinasabi ko minsan yung word na yun sayo, pero believe me, hindi ka ganon. Expression lang yun. Kasi yung mga bagay na binibigay mo sakin, although hindi exactly katulad ng hinihiling at inaasahan ko, ang laking tulong pa rin. Hindi nakakaabala, Gino. Naalala mo yung binigay mong pera sakin na pambayad ng mga kailangan sa thesis namin? Although barya yun at nahirapan akong magbitbit dahil mabigat, ang laking ginhawa naman ang dulot nun sa akin. Kasi ang laking gaan din ang dulot nun sa allowance ko. Hindi lang ako ang natulungan mo, pati papa ko. Tapos naalala mo yung pedicab na sinakyan ko papunta sa meeting namin nila Allen last last Saturday? Ang laking tulong nun, Gino. Ikaw pa nga nagpedal nun para lang makaalis tayo e. Kahit sobrang init at malayo, tiniis mo. Tapos yung kanina, yung tinulungan mo akong magteleport papunta sa thesis adviser namin. Paano mo nasabing abala yun at walang tulong sakin? E dahil nga doon, naipakita ko sa mga kagrupo ko at sa thesis adviser namin na hindi ako duwag at hindi ako tumatalikod sa responsibilidad ko? Kaya 'wag kang ano d'yan." inakbayan ko s'ya at bahagyang inisqueeze sa balikat. "Tutulungan kita, okay? Ako, si Maria Mikaela Maghirang Dela Rosa. Ang master mo. Tutulungan kang gawing lakas yung kahinaan mo. Kaya mo yan, Gino. Naniniwala ako. Kaya mo."

"Sana nga, Mikay. Sana nga.." nakayuko pa ring bulong n'ya. Kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang akbay ko sa kanya.

"Wag kang mag-alala, akong bahala sayo." umalis ako sa tabi n'ya at humiga na ako nang tuluyan sa kama. Saglit ko ring sinulyapan yung bagong cellphone ko na bigay n'ya. "At dahil mag-a-alas otso na, last na tanong na lang sayo.. Anong mga hiling ang hindi kayang ibigay ng isang genie??"

Bigla s'yang napatingala dahil doon at nakangiting tumingin sa akin. "Good question. Lahat naman ng bagay kaya naming ibigay, be responsible lang dapat, diba? Pero literally speaking, hindi namin kayang bumuhay ng patay, or pumatay ng tao kasi bawal yun. Things like that. Pati hindi namin kayang gawin yung numero unong hinihiling samin ng mga master na nadaanan namin dati. To make somebody fall in love with them. Hindi namin kaya yung parang mala-gayumang trick na yun, kaya ikaw, Mikay, 'wag ka nang mag-asam na kaya kong gawin na ma-in love si Alden sayo. Kasi NO. Malaking NO. That is beyond my powers. Kung kami nga hindi capable na magmahal, bakit pa namin imamagic na mainlove sa inyo yung mga gusto n'yong tao? Duh. Abuso na kayo." masungit na sabi n'ya.

Tatadyakan ko sana s'ya sa tagiliran n'ya, buti napigilan ko. Kawawa naman e. Saka baka mamaya layasan ako. Kaya cinorrect ko nalang s'ya.

"Duh ka rin. For the nth time, it's Allen, not Alden." humarap ako sa pader at nagtalukbong ng kumot. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko. "Enough chit chats for today. 7am ang time ko bukas. Good night, matutulog na ako."

Wala na nga akong narinig na ingay mula sa kanya after how many minutes. Pero lintek ang malurit na Genie, kung kelan sana mahihimbing na ako, saka ko s'ya narinig na magsalita ulit.

"Hindi mo lang ba itatanong, kung anong kapalit samin nung mga hinihiling n'yo?"

Marahas tuloy akong napalingon sa kanya.

"Oo nga, 'no? Iniisip ko rin yan. Sige, ipaliwanag mo."

Agad-agad nga naman s'yang sumagot. At hindi ko inaasahan yung isinagot n'ya.

"Pagod. Yung lakas namin, Mikay. Yun ang kapalit. Kapag maliliit na bagay lang ang hinihiling sa amin, nakakaya pa namin. Halos walang pagod or lakas na nababawas sa amin. Pero yung katulad ng pagteteleport na ginawa ko para sayo kanina,mabigat yun. Sobra. Kaya kita mo? Napagod rin ako nang sobra."

"Oo, nilagnat ka pa talaga. Sorry naman, Gino." naghihikab na sabi ko. "Kailangan ko lang talaga kasi, na harapin si sir na masungit at balasubas e. Pero hayaan mo, mas lilimitahan ko pa yung mga hinihiling ko sayo, para hindi naman masyadong mastrain yung katawan mo. Para hindi ka na rin lagnatin ulit."

"Hindi nga sabi lagnat yun e." gigil na sabi n'ya pero ako humarap na lang ulit sa pader at pumikit.

"Pero ito, Mikay. Last na. Hindi ka ba curious kung bakit desparadong-desperado ako na matapos yung mission ko?" dinig ko pahabol n'yang sabi.

Nang hindi dumidilat at lumilingon sa kanya, sumagot ako.

"Curios, Gino. Pero antok.. na antok.. na talaga ako. Good.. ni—-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil pati yung bibig ko, pumikit na rin.

'Sorry, antok na talaga ako. Good night, Gino' sabi ko sa isip ko.

"Good night, Mikay. Sleep well."  

Naramdaman ko na lang ang pagbalot ng kumot sa katawan ko bago ako tuluyang mahulog sa bitag ng pagtulog.

~~~~~~~~~~


Load failed, please RETRY

New chapter is coming soon Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login