Download App
30.76% Gino, My Genie (KathNiel Tagalog Fanfic) / Chapter 4: Chapter 2 (Gino The What!?)

Chapter 4: Chapter 2 (Gino The What!?)

Mikay's POV

"So, you're telling me, haunted 'yung sticky hook na nabili mo? Tapos gusto mo, na ipatawas natin 'yon?" tanong sa akin ni Susanna na pumikit-pikit pa. Ginising ko lang kasi s'ya e. Call center agent kasi s'ya at alam n'yo na, karamihan sa call center company, graveyard shift ang nirerequire.

Kaya ayun, laging puyat 'to si Susanna. Lagi ring stressed out pano, team leader na s'ya at maraming nagpapasakit ng ulo n'ya.

"Hmmm, oo. Oo." tumango-tango ako.

"And you're telling me din na kagabi mo pa napansin 'yung kababalaghan sa sticky hook na 'yon, pero ngayon mo lang naisipang matakot?"

Tumango-tango ulit ako. Ang gulat ko naman nang bigyan n'ya ako nang isang malakas na sapok sa ulo.

"Gaga ka pala talagang tunay, Mikay e! Alis ka na nga dito! Gutom lang yan, ha? Magkakain ka kasi! Kita mo, mukha ka nang kalansay!" panenermon n'ya sakin. Groggy ang boses at half-opened ang mga mata.

Hindi ako nagpatinag sa pantataboy n'ya.

"Susanna naman e. Totoo sinasabi ko. Bago ako pumasok kahapon, tinapon ko na 'yung mga sticky hook na 'yon. Pagkauwi ko kagabi, nakita ko na lang na nakadikit na ulit 'yon sa loob ng aparador ko tapos nakasabit na doon 'yung mga salawal ko. Hinayaan ko na lang na ganon kasi ayaw kong matakot kagabi dahil mas nakakatakot 'pag madilim. Pero ngayon naman na natapos na akong maligo, nakita ko na lang yung mga salawal ko na hinubad ko kahapon, nasa laundry basket na! E 'diba nga, sinabit ko 'yun sa sticky hook na 'yon kagabi? Grabe! Haunted nga talaga ang lintek." frustrated na sabi ko pero ito namang Susanna na 'to, nakuha pang mangulangot sa harapan ko na para bang wala s'yang pakialam sa mga napakawalang kwentang pinagsasasabi ko.

"Gutom lang yan, Mikay. Gusto mo ba kumain? Bili ka don sa baba."

Marahas ko s'yang inirapan. "Ang supportive mong kaibigan, no?"

"E napaka imposible naman kasi ng sinasabi mo. Pero teka, kung sakaling totoo nga 'yan, baka naman 'yung aparador mo ang haunted? Or baka yung buong unit mo? Kasi imposible namang 'yung sticky hook ang haunted, Mikay naman. 'Wag kang aning. Hindi naman antique 'yun diba?" sabi n'ya sabay pitik ng kulangot na binibilog n'ya. Tumalsik sa balikat ko 'yon kaya pinagpag ko na lang.

"Sa 4 years na pagtira ko sa dorm na 'yan, never pa akong naka experience nang ganitong klaseng kababalaghan. Ngayon lang. Nang bilhin ko 'yang sticky hook na 'yan."

Narinig ko naman na napabuntong-hininga si Susanna.

"Seriously, Mikay. Kung talagang nabobother ka, edi itapon mo nalang ang mga sticky hook na 'yan. Ha? Mahal magpatawas. Sa sariling pagkain mo nga lang, sobrang barat mo na, paano pa kaya sa mga ganyang ritwal?" tumawa si Susanna at tinignan ko na lang s'ya nang masama.

"Salamat, friend ah? Salamat." sabi ko sabay layas sa unit n'ya.

Lintek talaga 'yung isa na 'yon! Simula nang lumipat ako dito sa unit na 'to, naging kaibigan ko na s'ya. Pero kahit kailan hindi naman kami nakapagusap nang matino. Dahil kapag seryoso ako, winawalanghiya n'ya ako. Tapos kapag s'ya naman ang seryoso, ako naman ang nangwawalanghiya sa kanya. Gantihan kami.

Haaay. Bahala na nga. Susundin ko na lang sinabi n'ya. Medyo matino naman payo n'ya e. Although sayang talaga 'yung 19 pesos na pinambili ko doon.

Bumalik ako sa unit ko at napamura nalang ako nang malutong pa sa chicharon nang subukan kong tanggalin 'yung sticky hook na nakadikit sa likod ng pinto ng aparador ko.

"Tang-inis! Seryoso? Kahapon ayaw mong dumikit tapos ngayon, hindi ka na matanggal d'yan?" isa-isa kong hinaltak nang sobrang lakas 'yung mga sticky hook na 'yon. Pero mas lalo pa akong napamura nang mapagtanto kong mas mauuna pang masiraan ako ng bait bago ko matanggal ang mga lintek na 'to.

Padabog kong sinarado ang pintuan ng aparador ko. Padabog ko ring sinuot ang backpack ko, at padabog ko ring sinarado ang pintuan ng unit ko. Pero sinigurado ko munang nailock ko talaga 'yon. Padabog akong nagmartsa pababa, at padabog din akong tumakbo papuntang school. Although parang imposibleng tumakbo nang padabog.

Peste. Kung sinoman talagang kupal o humal ang nangtitrip sakin ngayon, humanda s'ya sakin. Wala akong pake kung espirito man s'ya, engkanto, o lamanlupa. Magpakita s'ya sakin mamaya pagkauwi ko at pakikitaan ko s'ya ng isang mainam na sapak para matauhan s'ya at tigil-tigilan na n'ya ang pantitrip n'ya sa akin.

Inis akong pumasok sa eskwelahan. Pero mas lalo pa akong nainis dahil ang sumalubong na lang sakin ay isang mahabang listahan ng mga bayarin. Na due na agad bukas.

Lumapit sa akin 'yung leader ng grupo namin for thesis at itinapal sa harapan ng mukha ko 'yung listahan n'ya.

"Ito, Mikay, para sa bond paper, para sa ink, para sa folder, para sa binder clips, para sa surveying, para sa contribution sa consultation fee sa thesis advi—"

"Oo na, oo na. May listahan na nga oh! Bakit ineexplain mo pa!?" singhal ko sa kanya.

"O-oh, okay sorry!" sabi n'ya sabay alis.

Si Allen Richwell 'yon, leader ng thesis group namin. Actually, crush ko nga 'yan e, kasi gwapo s'ya, pretty boy type, matalino, sexy, mabango, sexy ulit, mabango ulit, at talagang dalang-dala n'ya ang apelyido ny'a. Rich na nga, well pa. Talagang mayaman.

Pero hind uubra ang charms n'ya sakin today dahil mas lamang ang inis na nararamdaman ko. Tapos dadagdagan n'ya pa ng nakakaaligagang mga bayarin? Aba, 'di porket kras ko s'ya, e papayag na akong aaligagain n'ya ako! Baka mahalikan ko s'ya!

Inisa-isa kong tignan lahat ng nakalista at hindi ko na natapos dahil nahilo na ako sa sobrang lula sa dami ng numero na nakasulat. Basta pinabilis ko na lang ang pagtingin at doon na lang ako sa dulo nagfocus.

987.65 pesos

Lintek naman talaga 'to si Allen, oh! May 65 cents pang butal? Di na naawa sakin!

Chineck ko 'yung money manager sa cellphone ko at bigla na lang bumagsak ang balikat ko.

Magsho-short ako.

Hindi 'yung malaswang micro mini shorts na sinusuot ha? Pero yung budget ko para sa buwan na 'to, magkukulang na. Haaay. Ito 'yung isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko nagagawang kumain nang maayos e. Mas inuuna ko 'yung mga needs sa studies ko kesa sa personal needs ko. Ang gagawin ko tuloy nito, mag-aadjust na naman ako ng budget para sa pagkain ko. Kaya kung dati, nakakakain pa ako ng lugaw na malamig, at togeng makunat para sa brunch ko, ngayon siguro, lugaw na malamig na lang. Wala nang togeng makunat.

Napabuntong-hininga na lang ako pero 'di ko na lang masyadong inisip pa 'yon dahil ayaw kong maapektuhan 'yung pag-aaral ko. Mabuti na lang din at hindi rin ako masyadong nastress kaya nairaos ko 'yung dalawa ko pang subjects para sa araw na 'to. 'Yun nga lang, medyo malungkot pa rin ako lalo na nung pauwi na ako. Kasi doon, doon na naman nag-sink in sakin na may babayaran ako bukas, at hindi matatapos ang mga bayaran na 'to hanggang June sa graduation ko.

Wala e, mas marami talagang gastos dahil graduating na ako. Gastos sa thesis, tapos next sem gastos para sa ojt. Haaay.

Sinusian ko 'yung pinto ng unit ko. Luckily, talagang nailock ko naman 'to kanina pagkaalis ko. Pero 'yun nga lang, nang mapatingin ulit ako sa aparador ko, unti-unti na namang nabuhay ang pagkainis sa katawang lupa ko.

Mabilis kong binuksan ko 'yung pinto ng aparador ko at tumambad sakin na intact pa rin 'yung sticky hook.

Napangisi tuloy ako. "Wala pala 'tong nantitrip na kung sinomang kupal na 'to e. Takot siguro sakin." napatawa ako.

"Ako, takot sa'yo? 'Di siguro."

Bigla akong natigilan sa pagtawang ginagawa ko at nabato na lang ako sa kinatatayuan ko. Mabilis akong lumingon sa likuran ko, at doon, sa pinto ng kwarto ko, ay may nakatayong matangkad at maangas na lalaking parang kakagaling lang sa trabaho n'ya sa matataas na building sa Ayala, Makati.

Napaatras ako ng ilang hakbang dahil sa sobrang pagkabigla.

"S-sino ka, ha? Paano ka nakapasok sa kwarto ko!?"

"Paano ako nakapasok? Tinawag mo kaya ako. Kaninang tanghali."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw? Tinawag ko kaninang tanghali? Assuming ka, teh? Wala nga akong load nung isang araw pa e. Sino ka ba kasi? Bakit andito ka sa kwarto ko?"

Nakita kong napailing s'ya at ngumisi. Lakas ng loob ha. Pulang langgam ata.

"Sige, Mikay. Deretsahan na. Ngayon ko lang sasabihin 'to, kaya makinig ka." tumayo s'ya nang maayos at pinagdaop ang mga palad n'ya. Seryoso rin s'yang tumingin sa akin. Kakanta ba 'to ng Ave Maria?

Pero, teka? Ba't alam n'ya ang pangalan ko?

"Isa akong genie at nandito ako para-----"

Hindi ko mabilis na napigilan ang sarili ko at bigla na lang akong napatawa nang sobrang lakas dahil sa mga sinabi n'ya.

"HAHAHAHAHAHA! 'Wag mo nang ituloy sasabihin mo, ha? Ikaw? Genie? Tama ba rinig ko? Genie ka? HAHAHAHAHAHAHA!! May genie bang ganyan ang suot, ha? Corporate attire? Long sleeves, necktie? Teka. Hindi ka galing sa trabaho mo sa matataas na building sa Ayala, no? Galing ka sa party at nakadroga ka. Naka party drugs ka! At sa sobrang pagkabangenge mo, inakala mong dito ka nakatira!" pinasadahan ko s'ya ng tingin mulo ulo hanggang paa at napahagalpak na naman ako ng tawa. "Saka, hello? Buwang ka bang tunay? May genie bang may paa? Ha? Ha? HAHAHAHAHAHAHA!"

Nakadroga nga ang isang 'to. Ako pa itatry n'yang baliwin ah? Ipadampot ko na kaya 'to kay Cardo? Yung kapitbahay naming pulis na kras na kras ni Susanna?

"Tignan natin kung makakatawa ka pa.."

May narinig akong binulong 'yung lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Nanlaki na naman ang mga mata ko nang makita kong iba na 'yung suot n'ya. Pati 'yung style ng buhok n'ya. Naging parang, naging parang itsurang genie talaga katulad ng mga nasa pelikula.

Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat ko ay mas nanlaki pa nang todo ang mga mata ko nang parang bigla s'yang naging malabo sa paningin ko. At ang sumunod na nangyari ang talagang nakapagpagimbal sa akin. 'Yun din ang naging dahilan para biglang manlambot ang katawan ko at takasan ako ng lahat ng natitirang lakas sa sistema ko.

Naramdaman ko na lang ang biglaang pagbagsak ko sa sahig. At ang kahuli-hulihang tanawin na nakita ng mga mata ko bago pa ako tuluyang mawalan ng ulirat ay ang paglutang sa ere nung lalaking para nanging usok na lang.

Na nakangisi rin sa akin.

"Yes, Mikay. It's true. I'm Gino..

..The Genie.."

*to be continued..

~~~~~~~~~~


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login