Pagkatapos ng dalawang araw na ulan. Sa wakas. Nagpakita na rin si haring araw.
"See you later. Exact time and place.." isnag mensahe nya noong alas singko ng madaling araw.
Ang sabi nya. Pupunta raw kami sa isang sanctuary ngayon. Di ko pa iyon napuntahan dahil di naman ako mahilig magtravel. Saka lamang ako namamasyal kapag kasama ko sina mama at papa o di kaya ay si Carl. Si Buena naman na nag-iisa kong kaibigan. Nag-abroad na matapos ipasa ang board exam nya bilang medical technologist. Kaya bihira akong lumabas. Piling araw. At panahon lang.
"Yeah. See you.." reply ko nang magising ako. Nag-unat ako ng katawan bago bumaba para samahan si mama na maghanda ng almusal ni papa. Isa kasi itong Manager sa restaurant dito sa Cagayan.
"Ma, may pupuntahan po ako mamaya.." paalam ko habang wala pa si Carl. Nakakaasar kasi pag nakikinig yun. Ang dami nyang tanong hanggang sa di na ako payagang lumabas.
"Hmm..saan naman?. Umuwi na ba si Buena?.." ang kaibigan ko agad ang naisip nyang kasama ko.
Umiling ako matapos ayusin ang palayok sa may kalan. Hinarap ko sya kahit na kinakabahan ako.
"Hindi po ma. Date po.." binulong ko yung huli kong sinabi.
Natigilan sya. Umawang ang labi at nakataas ang isa nyang kilay. "Date?. Talaga?. Sino naman?.." di na naman sya naniniwala.
Marami akong naidate pero ni isa sa kanila. Hindi nila nakilala o sabihin ko nalang na di ko pinayagang makilala nila. Wala eh. Ang gusto ko kasi. Saka ko lamang ipapakilala ang isang lalaki sa kanila kapag siguradong sigurado na ako. Yung tipong walang bahid ng peke. Ganun. Sa side ko o side man ng lalaki. Marami kasi ang ganun. Tipong totoo lang kapag una. Sa huli, di naman pala sya ganun. Diba?.
"Pwede ko bang malaman kung sino?.."
"Ma?.." angal ko. Pinandilatan nya ako ng mata.
"Anong inaangal mo?. Matagal na akong naghihintay ng manliligaw mo, wala ka pang pinapakita sakin.. kaya ngayon, gusto ko syang makita muna bago kayo lumabas.."
Wala na akong magawa kundi sabihin iyon kay Elijah. Agad nya naman sinang-ayunan ang hiling ni mama. Sa subdivision kung saan kami nakatira. Binigay ko sa kanya ang address. Sinabi ko rin sa guard na bisita ko sya. Mabuti nalang agad syang pianpasok.
"Hi..." bati ko nang makitang bumaba sya sa kanyang sasakyan at ngitian ako.
Damn! Ang gwapo nya lalo ngayon. Suot ang plain black na short na di lalagpas sa tuhod. Polo shirt na kulay puti na may itim sa bawat huling linya ng damit at sapatos na puti. May shades sa buhok nya na itinaas nya yata kanina.
"Good morning.." kindat nya sakin. Napalunok ako sa amoy ng kanyang pabango. Gosh!. Pwede ba kitang yakapin?. Tanong ng isip kong tinutulak akong gawin ang gusto. Damn!. Bago pa ako makagawa ng ikasisiya ni mama. Pinaunlakan ko sya sa loob.
"Si ate, ma?.." this is great!. Gising na ai Carl!!. Naku!. Sana lang matuloy pa kami.
Di na kailangan pang sagutin ni mama yun dahil eksaktong pagkapasok namin ay humarap sya sa gawi namin.
Naestatwa sya ng makita ako. At ang taong nasa tabi ko. Bahagyang nanlaki ang kanyang mata noong tumingin sakin palipat kay Elijah.
"Good morning po tita.." mabilis syang nagmano kay mama at binati si Carl. "Hi.." anya na di agad sinagot ng buang kong kapatid.
"Hijo, nice meeting you.. Anong pangal--?.."
"Ma, si Elijah po.." I cut her off. Tinuro ko sya at ganun kay Carl. "Carl, here's Elijah.." nakatingin lang sya kay Elijah na parang isang libro na makapal. Binabasa kung anong laman nito.
"Tita Mitch, hijo.." kinamayan nya ito. Saka nya tinapik sa balikat si Carl na kanina pa tahimik. "Ah, I'm glad to meet you bro.." kinamayan na rin sya ni Carl after a long stare. Damn!!
"So, are you courting my ate?.." diretsong tanong ni Carl nang maupo kaming lahat kasama ni papa na di makapaniwalang may ibang tao sa bahay. Tumuwid pa lalo ang kanyang upo. Tumingin sya sakin bago sumagot.
"Kung papayagan nyo po ako. I will... court her.."
Bumara ang kanin saking lalamunan kung kaya't Neapainom ako ng tubig kahit nakatitig pa rin sya sakin.
"Pa?. Anong desisyon?.." tanong nya kay papa na tahimik din mula kanina.
"It's really nice na sumadya ka rito to let us know na liligawan mo ang anak ko. It's a big points for me.." Ani papa. Nakayuko ako dahil sa hiya. bakit kailangan nya pang sabihin yun?. Nakupo!!.
"Nginitian lang nya si papa. "So pa?.." kulit pa ni Carl. Huminga ng malalim si papa at mama sa pagmamadali ni Carl.
"Okay.." isang mabilis na sagot ni papa na agad nagpaangat ng aking ulo papunta sa kanila. "Basta, it's a girlfriend boyfriend muna hijo."
Sinuway sya ni mama.
"Hahaha.. of course tito, tita. Carl. Thank you.." naningkit ang mata nya nung tumingin sakin.
"Babe, let's have date later today.." bulong nya na sakin habang kami ay kumakain. Nginitian ko lang sya at tinanguan.