Download App
97.39% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 112: Chapter 110

Chapter 112: Chapter 110

Crissa Harris' POV

Tinahak nung lalaki yung daan na s'ya ring nilakaran namin ni Renzo kanina. Yung daan papunta sa lugar kung saan huli naming nakasamang buhay si Renzy. Yung lugar kung saan din ako unang nakapatay ng tao.

Hinayaan ko s'yang maglakad nang nauuna sa akin. Sumusunod lang ako sa kanya habang nagpapalinga-linga sa paligid ko. Eksaktong-eksakto talaga yung daan na tinatahak namin.

Sabi na e..

Huminto yung lalaki dun sa mismong spot kung saan namin iniwan si Renzy. Wala na ang katawan n'ya doon. Pero andon pa rin yung kapirasong parte ng kumot na gamit n'ya. Napapaligiran din kami ng maraming patay na undead. Na alam kong sila Jade din ang may gawa kanina bago pa ako sumugod pabalik dito.

"Asan si Jade?" bulong ko.

"Nandito lang s'ya kanina—"

Hindi ko na s'ya pinatapos magsalita at mabilis ko na s'yang binaril sa likod ng ulo n'ya. Nilapitan ko s'ya at 'yung kahuli-hulihang bala ng baril ko ay ginamit ko para siguraduhing hindi na s'ya mabubuhay pa.

"Di mo 'ko maloloko." seryosong sabi ko at tumayo ako nang tuwid. "Lumabas ka na sa pinagtataguan mo ngayon, Jade."

Iginala ko ang paningin ko sa paligid. At voila. Maya-maya lang din ay lumabas na yung babaeng may pagkahaba-habang sungay, pero pagkaduwag-duwag naman. May dala pa talaga s'yang baril at deretsong nakatutok sa akin.

"Matalino ka talaga, Crissa. Paano mo nalamang pain ko lang sa'yo 'yang lalaki na 'yan?"

Napangisi ako.

"Talino? Jade, kahit sinong tao mapapansin 'yun. Kukuha ka na rin lang ng kasabwat, 'yung tatanga-tanga pa?" lumapit ako dun sa tauhan n'yang pinatay ko at bahagya kong itinaas 'yung suot noong leather jacket. "Sobrang unlikely naman na baliktad pa ang pagkakasuot n'ya nito. Perhaps, he's in a hurry?" napailing ako tapos hinuba ko nang tuluyan 'yung leather jacket.

Itinaas ko 'yun para makita ni Jade.

"Saka ano 'to? May butas yung harapang part ng jacket, tapos may bakas pa ng sariwang dugo. That means, natamaan ng bala ng baril 'yung may suot nito. Pero tignan mo 'tong taong ginamit mo oh, wala namang tama ng baril sa harapang parte ng torso n'ya." umiling ako. "Pinatay n'yo na nga 'yung may-ari, ninakaw n'yo pa 'yung damit n'ya. How evil."

Mabilis akong tumayo at naglakad papalapit kay Jade. Bawat hakbang na inaapak ko palapit sa kanya ay padagdag din nang padagdag yung pagkasuklam na nararamdaman ko para sa kanya.

"Napakaraming mahal ko sa buhay ang pinatay mo. At ngayong ikaw nalang at ako ang nandidito? Maghaharap tayo." patuloy akong naglakad papunta sa kanya.

Nang isang dipa nalang ang layo ko mula sa kanya, muli n'yang itinutok sa akin yung hawak n'yang baril. Nanginginig din ang kamay n'ya.

Napangisi ako.

"W-wag kang lalapit!!" sigaw n'ya pero mas lumapit pa ako.

"Eh bakit ka nanginginig?" nang-aasar na sabi ko.

"B-barilin talaga kita!!" sigaw n'ya muli kaya napatigil na ako.

Napatigil ako hindi dahil sa takot. Kundi nakakatuwang makita na ganito s'ya ngayon. S'ya 'yung may hawak na armas, tapos s'ya pa yung nanginginig? S'ya pa 'yung takot?

Mas lumawak pa ang ngisi ko. "EDI BARILIN MO!!" sigaw ko.

Nakita kong nagulat s'ya sa ginawa kong pagsigaw na 'yon dahil napakurap s'ya. Nakita ko rin na kinalabit n'ya 'yung gatilyo. Pero abot langit ang tawang pinakawalan ko nang hindi 'yun pumutok. Pinaulit-ulit n'ya pa ang pagkalabit doon pero hindi talaga pumuputok.

"What the fuck, Jade? May utak ka ba? Babarilin mo ako nang hindi mo kinakasa 'yung baril?" napayuko ako at umiling-iling. Pero tumingala din ako, and this time, seryosong tingin na ang binigay ko sa kanya. "Yan ang hirap sa mga taong nagpapanggap lang na matapang. Kahit anong pilit mong itago, it still shows."

Humakbang ako ng ilan para bumwelo. At nang makita ko na yung tamang distansya, buong lakas akong umikot at nagpakawala ng lumilipad na sipa sa kanya. Tinaaman ang kamay n'ya. Talsik sa malayo yung baril na hawak n'ya. At s'ya mismo? Andun na napahiga sa lupa.

Hindi ko rin alam kung saan ko hinugot yung ganoong klase ng lakas na pinakawalan ko. Pero napangisi na naman ako nang makita kong namilipit s'ya sa sakit ng kamay n'ya.

Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras at ginamit ko na ang pagkakataon para sunggaban s'ya at daganan habang nakahiga pa sa lupa. Gigil na gigil ako sa taong 'to kung kaya yung gigil na kanina ko pa tinitiis ay finally kumawala na.

Gamit ang kanang kamay ko na nananatiling walang anomang tama, buong lakas ko s'yang sinakal sa leeg n'ya. Gustong-gusto ko nang makitang lumuwa ang mga mata n'ya sa pangsasakal na ginagawa ko sa kanya.

"Ano ha? Ano!? Matapang ka lang kapag alam mong may magtatanggol para sa'yo. Pero ano ka ngayon?Ngayong sarili mo nalang ang meron ka? Saktan mo ko, sige. Saktan mo ko gamit ang sarili mong lakas!!" gigil na gigil na sabi ko.

Nakita kong napaluha na s'ya dahil sa pananakal na ginagawa ko kaya mas pinagbuti ko pa. Pero nung marinig kong may ibinulong s'yang pilit, bahagya kong inalis ang pagkakakapit ng kamay ko sa leeg n'ya.

"Anong mong sabi mo, ha?" yung mukha n'ya naman ang piniga ko nang madiin para pwersahin na s'yang magsalita.

"A-akala mo lang 'yon.. D-dahil kaya kitang saktan nang hindi kita h-hinahawakan.."

Hindi na ako nakapagreact dahil sunod-sunod na putok na naman ang narinig ko. Nanggagaling 'yun sa may 'di kalayuan. At kung hindi ako nagkakamali, doon 'yun sa direksyon ng lugar na pinanggalingan namin.

Sa lungga nila.

Kung saan iniwan ko naman ang grupo ko.

Marahas akong tumingin kay Jade at mas piniga ko pa ang mukha n'ya.

"Anong ginawa mo?!"

"Di mo malalaman kung 'di mo pupuntahan. Hahahaha!"

Isang malakas na sampal ang binigay ko sa mukha n'ya at tumayo ako. Pero kasabay ng pagtayo ko ay s'ya ring paghaltak ko sa kwelyo n'ya. Ginawa ko 'yun para pwersahan din s'yang mapatayo at makalakadkad.

"Ipagdasal mong wala nang nadamay miski na isa man sa mga kasama ko dahil kung hindi, dudurugin kita."

'Yun ang huling katagang binitawan ko dahil nagmamadali ko nang tinahak yung daan pabalik sa lungga nila. Mabilis akong naglalakad at hindi ko pa rin tinatanggal ang pagkakahawak sa kwelyo n'ya kung kaya talagang nakakalakadkad na s'ya. Nararamdaman kong hindi n'ya masabayan 'yung bilis ng lakad ko kaya makailang ulit na s'yang kamuntikan nang mapasubsob at madapa. Pero wala akong pakialam sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang hawak sa kanya.

Hindi tumitigil 'yung pagpapalitan ng putok na naririnig ng mga tainga ko. At may kung ano-ano na namang negatibong bagay na pumasok sa isipan ko dahil doon. Nanginginig ang laman ko sa kaisipang maaaring pagdating ko doon, mayroon na namang mahal sa buhay ko ang nasaktan o nawala. May idinamay na naman ang duwag na 'to sa mga kademonyohan n'ya at ng tatay n'ya.

Pero sana hindi.

Sana mali ako ng naiisip.

Dahil hindi ko na rin lubos maisip kung anong magagawa ko kapag nangyari pa ulit iyon.

Hindi ko na alam kung ano pang mararamdaman ko.

Dahil sa mga oras na ito ngayon? Sobra sobra na. Sobra na lahat ng naghahalong emosyon sa sistema ko. Baka hindi ko na talaga kayanin..

Baka hindi ko na kayanin at tuluyan na akong mawala sa katinuan ko.

Kasabay ng pagdating namin sa lungga nila ay ang pagtigil ng pagpapalitan ng putok. Gayon nalang din ang pagkadismaya na biglang umusbong sa loob ko nang masaksihan ko ang lagay ng ibang mga kasama ko na wala pang kalahating oras mula nang iwan ko.

Napapikit ako nang madiin.

Nahuli na naman ako.

Nahuli ako dahil may nakuha na namang buhay mula sa amin.

Napabitaw ako kay Jade. At sa muling padilat ko ay kusa nang naglakad ang mga paa ko para bahagyang lapitan 'yung unang sumalubong na tanawin sa mata ko.

Tanawin ng isang kasintahan na iniiyakan ang kanyang mahal na mukhang wala nang buhay.

Pamilyar ang eksena na 'to. Nasaksihan ko na 'to kaninang umaga. Ito yung eksenang unang tumambad sa amin ni Renzo pagkauwi namin sa kampo. Si Harriette na kalong-kalong ang wala nang buhay na si Lennon. Umiiyak. Nagdudusa.

Pero itong eksena na kasalukuyang nakikita ng mata ko? Panibagong malungkot na tanawin na ito.

Si Danna na yakap-yakap ang kasintahang si Gio. May tama ng bala sa noo. Wala nang buhay. Paulit-ulit n'yang tinatawag ang pangalan ng kasintahan habang walang tigil sa pagbuhos ang luha sa mga mata.

Iginala ko ang paningin ko at sumambulat sa paningin ko ang mga nadagdag na namatay. Yung iba tauhan ni Jade na rumesbak sa amin. Pero karamihan, tao ni Axel na ibinuwis ang buhay nila para maipagtanggol kami.

Kabilang na si Chuck. Na pinapalibutan nila Nate, Axel, at nung isa pa nilang natitirang kasamahan. Si Christian at Marion naman ay parehas nakakapit sa mga parte ng katawan nila na may daplis din ng bala. Seryoso silang nakatingin sa akin ngayon na animo binabasa nila ang nasa isip ko.

Hindi ko na sila pinansin at marahan akong humarap doon sa babaeng pinag-ugatan ng lahat ng sakit na nararamdaman namin simula palang kaninang umaga. Yung babaeng walang kakayanang makipaglaban pero nagawa kaming sobra-sobrang saktan.

"Nandamay ka na naman ng ibang tao." unti-unti akong lumapit sa kanya pero parang ngayon ay hindi na s'ya natitinag. Nanatili nalang s'ya doon na nakatayo at nakangiti ng nakakaloko sa akin.

Huminto ako nang isang dipa nalang ulit ang layo ko mula sa kanya. Naramdaman kong may ilan akong kasamahan na bahagyang lumapit sa akin pero sinenyasan ko sila na umatras.

"Laban naming dalawa 'to. 'Wag kayong makialam." malamig na sabi ko. Puno ng pagbabanta.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Jade at walang emosyon ko s'yang tinitigan ng deretso sa mata n'ya.

"Wala ka bang nararamdaman kahit na kakaunting konsensya at hiya sa katawang lupa mo, ha? Ilang inosenteng buhay ang kinuha mo mula samin. At ilang buhay rin ng tao ang ginamit mo para magawa 'yang mga demonyo mong plano. Kahit na ba ikaw mismo, hindi mo kayang lumaban ng para sa sarili mo. Hindi ka marunong lumaban ng patas. Puro ka lang panggagamit at pangmamanipula. Isa kang malaking duwag, Jade! WALA KANG KWENTA! WALA KANG BILANG!" sinugod ko s'ya at muling kinwelyuhan. "ANO!? MASAYA KA NA, HA!? MASAYA KA NANG HALOS MAUBOS MO NA ANG MGA KASAMA KO? PATI NA MGA TAONG SOBRANG MAHALAGA SA BUHAY KO!?" inalog ko s'ya at sinakal sa leeg. "SUMAGOT KA!!"

"Hindi, Crissa. Hindi pa ako kontento at masaya." tinulak n'ya ako nang marahas. Inaamin ko na hindi ko inaasahan 'yun kung kaya hindi ko nakontrol ang balanse ko.

Tuluyan akong napaupo sa sahig. Nakita kong may binunot s'ya sa may bewang n'ya. Isang pistol na itinutok n'ya sa akin.

"DAHIL MAGIGING MASAYA LANG AKO KAPAG NAPATAY NA KITA, PATI LAHAT NG TAONG MAHALAGA SA'YO" pagkasabing-pagkasabi n'ya non ay mabilis n'yang kinalabit ang gatilyo.

Isang malakas na putok ng baril ang nakapagpagulat sa aming lahat. Lalo na sa akin. Dahil naramdaman ko nalang din ang biglaang pamamanhid at panghihina ng kanang hita ko. Na s'yang tinamaan ng balang ipinutok n'ya.

"Akala mo, hindi kasado no? HAHAHA! NGAYON CRISSA, TAPOS KA NA TALAGA!!!" mabilis n'yang ikinasa ulit yung baril at isa na namang malakas na putok ang umalingawngaw sa hangin.

Napapikit ako nang madiin. Wala akong naramdaman na kahit na ano pang sakit bukod sa nadagdag na tama ng baril sa hita ko. Inaasahan ko na talagang magkukulay itim na ang paligid ko dahil ang huling nakita ko ay ang nakatutok na baril sa direksyon ng kanang dibdib ko. Pero nakakapagtaka na ngayon, wala akong nararamdaman na kahit anong klase ng sakit sa parteng iyon.

Muli kong idinilat ang mga mata ko at doon ko lubos na napagtanto kung bakit.

Kung bakit walang tumamang bala sa dibdib ko.

Dahil may nagligtas na naman sa akin.

Iniligtas ako ng lalaking mahal ko.

Napayakap ako nang mahigpit sa katawan ng lalaking nakayakap din nang mahigpit sa akin. Sunod-sunod nang kumawala sa mga mata ko ang malalaking butil ng luha lalo pa nang makapa ng kamay ko 'yung mainit na butas sa likuran n'ya. Sa parte ng likod n'ya katapat lang ng kinaroroonan ng puso n'ya.

Kasabay ng pag-agos ng mainit at malapot na likido mula roon ay kasabay din nang walang humpay ka pag-agos ng mga luha ko.

Buong lakas kong iginiya ang katawan n'ya para masapo ng kandungan ko. Hindi maikukumpara ang sakit na galing sa lahat ng sugat ko dito sa sakit na nararamdaman ko ngayon habang pinapasadahan ng marahang tingin ang maamong mukha ng pinakamamahal ko.

"H-huy Ty.. Dilat.. Dumilat ka.. T-tignan mo ako.." umiiyak na turan ko.

Unti-unti n'yang ibinukas ang mga mata n'yang namamaga at binigyan ako nang malawak na ngiti. Yung klase ng ngiti n na parang bata na masayang-masaya. Gusto ko sanang mapangiti din dahil doon pero hindi ko magawa lalo pa nung umagos mula sa mga labi niyang iyon ang pulang-pulang dugo.

Muli akong napapikit.

At ang sumunod nalang na nakita ko ay ang parang isang palabas ng mga alaala na biglang nagplay sa isip ko.

Alaala ko sa pinakamamahal ko simula umpisa..


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C112
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login