Download App
87.82% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 101: Chapter 99

Chapter 101: Chapter 99

Crizza Harris' POV

Tinamaan ako ng matinding kirot sa ulo ko nang dumilat ako. Madilim na ang paligid pero hindi yun naging dahilan para hindi ko makitang nakakulong ako ngayon sa isang kahoy na hawla na parang ginagamit sa pangangaso. Nakatali rin ang kamay at paa ko. Sa tabi ko ay nakita kong natutulog si Renzo sa katulad ko rin na sitwasyon. Nakatali ang kamay at paa.

Mukhang nasa pusod kami ngayon ng kagubatan dahil maraming puno ang nakapaligid samin at dinig na dinig ko rin ang huni ng kwago at ilang ingay ng mga insekto at kuliglig. Medyo malamok din kaya nakakadagdag sa irita na nararamdaman ko.

Biglang umalingawngaw ang tawanan ng mga kalalakihan. Napatingin ako sa may 'di kalayuan, at sa tulong ng liwanag ng buwan, nakita ko sila. Nakaupo sa paligid ng isang bonfire. Nag-iinuman. At hindi pa rin naaalis ang mga sukbit nilang matataas na kalibre ng baril.

Sa pagkakaupo ko, pinilit kong umusod papalapit kay bestfriend Renzo para banggain ang balikat n'ya.

"H-huy, bestfriend." bulong ko para gisingin s'ya. Nakailang attempt pa ako bago siya tuluyang nagising. Bahagya pa s'yang nag-aadjust sa paningin at sumisipat sa paligid. At nang ibulong ko sa kanyang, "A-asan si Renzy?", dun na s'ya tuluyang bumalik sa ulirat n'ya.

"H-ha? Hindi ko alam.." alalang sabi n'ya habang may pilit hinahanap sa paligid. "Yung mga armas natin, kinuha rin nila."

"Sshhh, oo. Kinuha nila.." pagsaway ko sa paglakas ng boses n'ya. "We'll get out of here. Mag-iisip tayo ng plano."

Pinilit kong kalagin yung pagkakatali sa kamay ko pero dahil hindi sumagot si Renzo sa mga sinabi ko, taimtim ko s'yang pinukulan ng tingin.

"Do you think, makakaalis pa tayo dito, nang buhay? Kinuha na nila yung armas natin. Andito tayo sa teritoryo nila, napapaligiran nila tayo. Anong laban natin?"

Isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko.

"Para namang hindi ka oriented na ganito ang papasukin natin." mas hininaan ko pa ang boses ko. "Bestfriend, expected na natin 'to kanina palang. Simula nung magdecide tayo na susugod tayo dito para iligtas si Renzy. Saka anong laban natin? Sa kanila?" binigyan ko s'ya ng isang matipid na ngiti. "Will to live. Yan ang laban natin. Ilalaban natin ang buhay nating tatlo. No matter what."

Hindi pa rin ulit sumagot si bestfriend Renzo pero bakas naman sa kanya na bahagyang kumalma ang nararamdaman n'yang takot.

"Trust me, bestfriend. Lalabas tayo dito nang buhay tayong tatlo. I'm sure din na hinahanap na tayo ng kakambal ko. May backup na tayo."

Sandaling katahimikan pa ang namayani samin bago ko muling narinig ang boses ni bestfriend.

"Bilib talaga ako sa tapang at tatag mo, Crissa. Lalo na sa mga ganito kahirap na sitwasyon.." bulong niya pabalik sa akin na mas nagbigay pa sa akin ng tapang at tatag ng loob.

"Sa laban ng buhay, hindi pwede ang duwag.."

Nang mapansin kong may ilang tao na tumayo mula sa pagkakaupo sa paligid ng bonfire, mabilis akong bumalik sa dati kong pwesto. "Magpanggap kang tulog, bestfriend. Baka lumapit sila satin.."

Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya pa ay narinig ko na ang ilang yabag na papalapit samin. Umalingasaw din ang matapang na amoy ng alak at sigarilyo. Napakasangsang.

"Gumana yung radyo ko at nakatanggap ako ng tawag mula kay papa. Hate to say this pero I need to go. For a while.." boses ni ate Jade.

Muling kumirot ang ulo at dibdib ko nang marinig ko yung boses n'yang yun. S'ya yung huling mukha na nakita ko bago ako mawalan ng malay kanina.

Pinukpok n'ya ako ng baril sa ulo kaya ako nawalan ng malay. Ibig sabihin lang ba nun, may kinalaman s'ya sa pagdukot kay Renzy? Sila ba ng papa n'ya at itong grupo na 'to ang matagal nang nagmamatyag samin? Yung mga nagbibigay ng threats? Yung nagpakalat ng zombies sa labas ng subdivision namin kaya kami naoverrun? Sila rin ba ang nag-utos para pagtangkaan ang buhay dati ni Elvis?

E bakit si Axel? Maayos naman ang huling pagkikita namin dahil iniligtas pa nga n'ya kami ni Tyron? May kinalaman din ba s'ya dito? Magkasabwat ba sila nitong ate n'ya? Lahat ba ng kabaitan na pinakita n'ya samin ni Tyron dati, pakitang-tao lang?

Bakit? Bakit nila ginagawa samin 'to?

"I'm trusting with you this, Joey. So don't you ever try let them escape. Or else, you'll gonna be deadmeat too; with a twist. Dahil pahihirapan muna kita bago patayin.." puno ng pagbabanta ang boses n'ya at hindi ko halos lubos maisip na makikita ko yung ganitong side n'ya.

Bakit ganito? Paano nangyari na ganito?

Lumaki kaming magkakapatid na palaging nakakahalubilo ang pamilya ng Suarez dahil business partners sila ng pamilya namin. Nakakasama namin sila mga events, sa mga dinners. At si ate Jade, mabait s'ya sa amin. Lahat sila sa angkan ng Suarez, may mabuting samahan sa angkan namin. Kasama rin yung angkan nila Alex at Alessa. Ang mga Valdez. Kaya anong motibo nila para gawin nila samin 'to? Hind ko maintindihan..

"Masusunod, boss. Pero ano bang gusto mong gawin ko dun sa isang babae at isang lalaki? Tapusin ko na ba?" bakas sa boses ng humal na Joey na 'to na langong-lango na s'ya sa alak. Nagngitngit tuloy ang panga ko lalo na nang marinig ko yung salitang 'tapusin' mula sa kanya.

Tapusin? Sila Renzo at Renzy? At ako, anong balak n'yang gawin sakin?

"Magsaya ka na ngayon, Joey. Dahil 'pag nagkaroon ako ng pagkakataon na gumalaw dito, siguradong ikaw ang unang matatapos." bulong ko sa sarili ko.

"Nah. Let them be. 'Wag kang gagawa nang kahit na ano kapag walang utos ko. But for now, get sober you dipshit. 'Pag pumalpak ka, todas ka. Aalis na ako, magdadala ako ng ilang backup ko." narinig ko ngang naglakad na palayo si Jade.

Backup daw? Tsk. Can't go alone. How coward of you, Jade. Nararamdaman mo rin sigurong posibleng makatagpo mo yung mga kasama namin.

Hay nako, wag naman sana. Kasi 'pag nagkataong nangyari yun at nalaman nilang hawak mo kami, tunaw ka sa kakambal ko.

Hindi muna ako dumilat dahil dama kong nandun pa rin yung Joey at kung sino pang kasama n'ya. Hindi pa rin kasi nawawala yung amoy ng masangsang na alak at usok ng sigarilyo.

"Hay nako talaga, Joey. Sulitin mo na oras mo dahil siguradong papalpak ka mamaya. Yun nga lang, hindi si Jade ang totodas sa'yo; ako.." bulong ko ulit sa sarili ko.

Medyo matagal ang inintay ko para umalis yung mga nagbabantay samin. Pero nabigo ako dahil amoy na amoy ko pa rin sa 'di kalayuan samin yung sangsang ng alak at sigarilyo. Hindi ko na rin tuloy napigilan at nakaramdam na rin ako ng antok at unti-unting nahulog sa patibong ng pagkakatulog.

Nagising nalang ako nang maramdaman kong may lamok or kung anong insekto ang kumakagat sa pisngi ko. Pero hindi ko na masyadong napagtuunan yun ng pansin dahil mas nangibabaw na ang pagkabigla ko nang maramdaman kong merong nagtatanggal ng nakatali sa kamay ko na nasa may likod ko. Nakadagdag pa ng pagkataranta ko ay ang 'di pa rin naaalis na amoy ng alak at sigarilyo.

"S-sino ka? Anong ginagawa mo?" nagpupumiglas na bulong ko.

"Sshh, 'wag kang maingay, baka magising sila. At 'wag ka ring malikot dahil baka kamay mo ang masugatan ko.."

Sumunod nalang ako sa boses na yun ng lalaki at nang makalagan na n'ya ako nang tuluyan, mabilis ko s'yang hinarap. Pilit kong inaninag ang mukha n'ya. Napagtanto kong isa s'ya dun sa mga lalaking kasama nila Jade bago kami mawalan ng malay. Isa s'ya sa mga humawak kay Renzo.

"Oo, isa ako sa kanila. Pero iba ako sa kanila. Dalian n'yo at tumakas na kayo." bulong n'ya habang kinakalagan si Renzo na ngayon ay nagising na rin. Bakas din sa itsura n'ya nagtataka s'ya at natataranta.

Nang matapos na naming kalagan ang sarili naming mga paa, nakipagtulungan kami doon sa lalaki para makaalis kami doon sa kahoy na hawlang pinagkulungan samin. Doon ko napansin na medyo nag-aasul na ang langit, hudyat na mag-uumaga na. At doon ko lang din napansin na sa tabi ng lalaking iyon ay nakahiga ang walang malay na si Renzy. Walang saplot at may nakabalot nalang na kumot sa katawan.

Mabilis na kumilos ang paa ko para lapitan s'ya.

"R-renzy.." hinarap ko yung lalaki. "Anong nangyari? A-anong ginawa n'yo sa kanya?.."

Umiwas ng tingin yung lalaki. "S-sorry. Wala akong nagawa habang binababoy nila s'ya. Ang tanging nagawa ko nalang, intayin silang matapos sa ginagawa nila. Dahil na rin siguro sa sobrang pagkalasing at sobrang pagod, nakatulog na sila. Kasama si Joey.."

Marahas na napatayo si Renzo at kinwelyuhan yung lalaki. "A-anong binaboy!? Ginahasa ang kapatid ko!?" galit na galit na sigaw ni Renzo habang inaalog yung lalaki.

Nag-umpisa nang tumulo ang luha ko dahil na rin sa nakita kong reaksyon ni Renzo. Namamayani sa kanya ang matinding galit pero hindi nakaligtas sa mata ko ang ilang pares ng malalaking butil ng luha na tumulo mula sa mata n'ya.

Kaya kung anong tindi ng galit at lungkot na magkahalong nararamdaman ko sa loob ko, alam kong mas mahigit pa doon ang nararamdaman ngayon ni Renzo. Walang awang ginahasa ng ilang lalaki si Renzy na wala man lang kalaban-laban sa kanila. Ginahasa yung babaeng pinaka importante sa buhay n'ya. Yung babaeng iningatan nila ng mga magulang n'ya simula pagkabata nila. Ang kayamanan nila.

"Mga putang-ina." madiin na sabi ko at mabilis na tumayo. Marahas kong inagaw yung pistol na nasa bewang ng lalaki kaya napabitaw din si Renzo sa kanya.

Nanlalabo ang paningin ko dahil sa tumutulong luha pero hindi ako nagpadaig doon at deretso rin akong naglakad papunta doon sa kubo sa may 'di kalayuan na sa tingin ko ay tinutulugan ng mga putang-inang 'yon.

"Pasasabugin ko mga bungo n'yo. Mga hayop." gigil na sabi ko. Pero napatigil nalang ako nang biglang may sumunggab sa akin at niyakap ako mula sa likod.

Damang-dama ko na umiiyak ang lalaking 'yon pero kung hindi lang s'ya nagsalita, aakalain ko nang si Renzo 'yon.

"Wag. W-wag kang papasok d'yan. Patawarin n'yo ako kung wala akong nagawa nung oras na binababoy s'ya. Kung pinigilan ko sila, mapapatay nila ako. Hindi ko kayo pare-parehas na maililigtas.." ilang hikbi ang narinig ko sa kanya bago s'ya muling nagsalita. "Alam ko ang sakit na nararamdaman n'yo ngayon. May mga anak din akong babae. At makakapatay talaga ako 'pag may gumawa sa kanila nang ganon. Pero, pakiusap naman. 'Wag mong gawin. Hindi ito ang tamang oras para singilin sila. Hindi ko maaatim na pati sa'yo may mangyaring masama. Dahil kapag pumasok ka doon, himala nalang na buhay ka ring makakalabas. Kaya nagmamakaawa ako sa inyo, umalis na kayo."

Punong-puno ng sinaeridad ang boses ng lalaki kaya tuluyan na rin akong nagpatangay nang haltakin n'ya ako sa pwesto namin kanina. Si Renzo ngayon ay yakap-yakap na ang kapatid n'yang wala pa ring malay. Tulala at lumuluha habang inuugoy ang yakap n'ya.

Napatulo na naman ang luha ko at hinarap ang lalaking katabi ko, "Bakit mo ko kami tinutulungan? 'Diba, isa ka sa kanila?.."

Matipid na ngumiti ang lalaki at yumuko. "Oo, isa ako sa kanila. Pero hindi yun nangangahulugan na ako rin ay katulad nila.." tumigil s'ya saglit pero agad ding nagpatuloy. "Si Joey, tao ni boss Axel 'yan pero ngayong nandito s'ya sa kuta ni Jade, alam kong nagtraydor s'ya sa kabila. Pero ako? Tao talaga ako ni boss Axel. Pero andito ako sa kampo na 'to para mag-espiya."

"S-si Axel? Hindi s'ya masama?.."

Bahagyang napatawa yung lalaki. "Kung alam mo lang kung gaano s'ya kabait.." bigla s'yang nagseryoso ulit at binigay sa akin yung kutsilyo na pinangkakalag n'ya kanina sa akin. "Tama na sa kwentuhan, umalis na kayo.."

"Salamat.." yun nalang ang sinabi ko at mabilis ko nang inakay patayo si Renzo. Yung lalaki naman ay tumulong na buhatin si Renzy at ipinasan sa kuya n'ya.

"Mag-uumaga na. Mas madali na kayong makakalabas. Dalian n'yo. Baka bumalik na sila Jade dito. Umalis na kayo.."

"Kayo? Hindi ba dapat, 'tayo'? Magkakasama tayong aalis dito." pagtanggi ko. Na mabilis din naman n'yang kinontra.

"Kung sasama pa ako sa inyo, mapupurnada pa pagtakas n'yo kapag nagising na sila.." yumuko yung lalaki at may kinuha sa bulsa n'ya. Inabot n'ya sakin ang isang maliit na box, at nang binuksan ko 'yun, tumambad sa akin ang dalawang maliit na singsing na pambabae. "Pakibigay sa mga anak ko.."

Nagtataka akong tumingin sa kanya, "Nasan ang mga anak mo?"

"Ang mga anak ko? Alam kong safe na silang dalawa sa kinaroroonan nila..

..doon sa kampo n'yo.."

Ang pagtataka ko ay napalitan ng pagkagulat. Mukhang napansin n'ya yun kaya nagsalita ulit s'ya. "Alagaan mo si Lily at Rose. Makakaasa ba ako?"

Sunod-sunod nalang na pagtango ang nagawa ko bilang pag-sangayon. Itong lalaking kaharap ko na nagligtas samin ngayon ay ang ama nila Lily at Rose. Biyaya bang maituturing ito? Na kapalit ng pagkupkop namin sa mga bata ay iniligtas kami ngayon ng ama nila?

Matipid akong ngumiti.

Biyaya nga.

"Kaya umalis na kayo ngayon. Nakikiusap ako. Iligtas n'yo ang mga sarili n'yo para na rin mailigtas n'yo ang iba n'yo pang mga kasama. Naniniwala ako sa inyo. Kaya n'yo 'to." tatalikod na sana s'ya pero muli ulit akong binigyan ng matipid na ngiti. "Pakisabi sa mga anak ko, mahal na mahal sila ng daddy Brod nila."

Tumango ako bilang pagsangayon at inakay ko na paalis si bestfriend Renzo.

Sana makaligtas ang tatay nila Lily at Rose.. Sana magkita-kita pa sila..

Maliwanag na ang paligid pero medyo hindi pa rin ako palagay dahil hindi ko alam kung saan ang daan palabas. Magbabakasakali lang kami ngayon sa lahat ng dadaanan namin na sana makalabas kami dito sa pusod ng kagubatan.

Maraming threat na nagbabadya samin ngayon dahil bukod sa mga undead na pwedeng umatake nalang samin mula sa kung saan, mukhang ang lugar pa na 'to ay pinamamahayan ng mga mababangis na hayop. Idagdag pa na baka anumang oras ngayon, pwedeng bumalik na ang grupo nila Jade. Magiging sobrang delikado kapag naabutan pa nila kami dito. Walang laban yung nag-iisang combat knife at pistol namin sa matataas na kalibre ng baril nila.

"Bestfriend, hanggat maaari hindi tayo magpapaputok ng baril dito. Baka makaakit pa tayo ng undead, or worst, marinig ng mga tao ni Jade.."

Walang emosyon lang na tumango si Renzo. Naiintindihan ko s'ya sa gantong akto n'ya dahil sa nangyari sa kapatid n'ya. Napakasakit malaman na binaboy ang pinakamamahal n'yang kapatid at wala man lang s'yang nagawa. Nakakadurog ng puso 'yun.

Pansamantala, ako nalang yung nanguna sa kanila. Dahil pasan ni Renzo ang kapatid n'ya, kapag may undead na nagtatangkang lumapit, inuunahan ko na agad na saksakin para hindi makalapit sa amin. Triple rin ang ingat ko dahil hindi lang ako nag-iingat para sa sarili ko. Iniingatan ko rin ang dalawa na 'to.

Hindi lang ako tumitingin ng deretso sa tinatahak naming daan pero palagi rin akong lumilinga sa paligid dahil mahirap na kapag naikutan pa kami ng undead. Sa harap kami nakafocus pero sa likod pala sila aatake.

Nagpapasalamat naman ako sa Diyos dahil yung daan namin ay mukhang yung tamang daan. Bahagya nang numinipis ang mga puno, mas lumiliwanag pa ang paligid. Mukhang malapit na kaming makalabas dito.

"Kaunti nalang, makakalabas na tayo. Renzy? Kumapit ka lang d'yan ha?.." nagpipigil ako na maiyak pa ako habang saglit na pinagmasdan ang wala pa ring malay na si Renzy. May mga pasa s'ya sa braso n'ya at may bakas pa ng natuyong dugo sa mukha n'ya na galing sa ulo n'ya. At nang mapadako ang tingin ko sa parte ng kumot na nakatakip sa bandang pwet n'ya, hindi ko na napigilan. Nanubig na ulit ang mata ko dahil sa sariwang dugo sa parte na yun.

Binaboy nila at inabuso ang kainosentehan ni Renzy. Porket alam nilang walang laban yung tao, at hindi namin s'ya makakayang ipagtanggol sa mga oras na 'yun, sinamantala nila. Ang hirap maatim na isipin na yung babae na labing anim na taong inalagaan at iningatan ng mga magulang n'ya, ng kuya n'ya, sa isang iglap lang ay ninakawan ng puri at dangal. Yung purong kainosentehan n'ya, binahiran ng dungis. Niyurakan. Pineste. Ng mga demonyong hindi ko alam kung may kaluluwa pa ba.

Mga putang-ina.

Gayon na lang ang gulat ko nung may isang putok ng baril na umalingawngaw. Ang sumunod nalang na nakita ko ay ang pagtumba ni Renzo at Renzy sa lupa.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C101
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login