Crissa Harris' POV
Day 50 of Zombie Apocalypse
"Good morning, ate Crissa!"
"Good morning, Rosette!" masigla ring bati ko sa kanya. Tumakbo siya papunta doon sa apat pang ibang batang babae na naglalaro ng lutu-lutuan gamit ang mga tuyong dahon at mga bato malapit doon sa may playground.
Si Lily at si Rose yung dalawa, magkapatid sila at matanda lang ng dalawa si Lily kay Rose na 8 years old lang. Kaedad ni Rose si Rosette. At sobrang nakakatuwa lang kasi, magkaedad na nga sila, magkahawig pa ang pangalan nila.
Yung dalawa pang batang kalaro nila ay si Aurora at Eudora. Both 5 years old, and yes, kambal din sila.
Ang saya lang makita itong mga bata na to na naglalaro at masaya. Yung para bang normal lang yung paligid tapos normal din nilang nagagawa ang mga gusto nila? Nasusulit pa rin nila yung kamusmusan nila? Matiwasay pa rin yung buhay na nararanasan nila? Na para bang walang kaguluhan na nangyayari at walang mga naglalakad na halimaw sa paligid nila?
Hay.. Sana, palaging ganito..
Isa pang tanaw ang ginawa ko sa kanila bago ako naglakad papunta sa may backyard nitong daycare center. Pero as soon as pagharap ko ay ang biglaan namang pagdating ng isang babae na parang nalunok yung globe sa tapat ng Mall of Asia.
Joke. Ang OA naman nun.
"Jusko, Ate Romina! Wag kang bigla biglang sumusulpot nang ganyan at baka mapaanak ka nang di oras! Mamaya e, bigla ka nalang masiko or maitulak diyan nang di sadya e!" alalang panenermon ko sa nanay ni Rosette.
Oops! Baka isipin niyo wala akong galang ha? Kabiruan ko yan si ate Romina at close na kami niyan. At talagang nasaksihan ko na ang pagiging pasaway niyan tungkol sa pagiging baribal kumilos. Parang hindi buntis. Minsan, kami na ang kinakabahan para sa kanya e. Tsk.
"Hehehe! Peace! Nasaan ang anak ko?" pasayaw sayaw pa niyang tanong sakin. 24 years old na yan. Pero parang dalaga pa ring umasta. Kung makakislot e, parang hindi pa kabuwanan!
Hay. Nasstress ako dito kay ate Romina. Nakakaloka! Hahaha.
"Ayun, kasama yung iba pang mga babae. Naglalaro." sabi ko. Nagulat naman ako nang biglang mag spark ang mata niya.
"Talaga? Sasali ako sa kanila!" mabilis niyang sabi at saka tumakbo palapit sa mga batang babae.
Napasapo nalang ako ng noo ko. Oo isip bata yan si ate Romina. 16 lang siya nang maging anak niya si Rosette, at galing siya sa isang mayamang pamilya. And oo, pamangkin niya si Russell, anak yun ng eldest sister niya. And isa pang oo, yung ipinagbubuntis ni ate Romina ngayon, yun yung tinutukoy ni Russell na baby cousin niya. Kakatuwa ano? Akala ko dati, baby na talaga e, as in nakakarga na. Yun pala, di pa lumalabas. Hahahaha.
Maglalakad na sana ako papunta sa may likod nang sabay namang paglabas ng apat na batang lalaki mula sa pintuan. Nangunguna si Russell, kasunod yung 3 pang iba. Si Franco yung kasunod niya, 10 years old. Tapos yung dalawa pa, si Harley na 8, at si Clint na 6. Magkakapatid silang tatlo.
Hindi ko maiwasang kiligin nang makita kong yung apat na batang lalaki na yun ay kumpleto sa dalang armas. May mga combat knife sa bewang, at kapwa may mga hawak na 45 caliber na pistol sa mga kamay nila.
Sobrang astigggg!!! Ang fierce ng itsura nila! Huhuhu. Gusto ko rin silang turuan sa pagbabasag ulo!!
Kasunod nung mga bata ay sila Elvis, Renzo, At Alessandra. Siguro mga nasa 7am palang ngayon at nandito sila sa kanilang everyday routine na ittrain yung mga batang lalaki na gumamit ng armas.
Well, sinong pasimuno ng kaabnormalan na to? Na hahayaang gumamit ng nakakamatay na armas ang mga batang ito?
Hmm. Clue: Crissa ang name. Blonde ang buhok at medyo may tumutubo nang kulay black sa tuktok. Bakit ba. E mahigit 1 month na simula nung kinulay ko to no. Tsk.
Mabalik tayo, approved na rin naman yan ng kakambal ko at ng lahat ng miyembro dito kaya naging legal na sa kampo namin ang paghawak ng mga bata sa nakakamatay na armas. And yes. Marunong nang makipaglaban yang mga yan.
Syempre, mahirap na talaga. Baka mamaya, magkagipitan pa na wag naman sana. Mabuti nang alam nitong mga bata kung paano ipagtatanggol ang sarili nila.
"Bestfriend, alagaan niyo yang mga bata na yan ah? Hihihi. Yan ang future natin sa pakikipaglaban." bulong ka kay bestfriend Renzo nang hablutin ko siya.
"A-ah sige. Bye!"
Yun lang ang sinabi niya tapos sumunod na kay Alessa at Elvis na kala-kaladkad na yung apat na batang lalaki sa labas ng gate.
Hmm. Weirdo ni bff ha? Tagal na naming hindi nakakapag bonding niyan. Paano, mas malapit na siya kay Owen at Elvis ngayon. Tsk. Palibhasa kasi, nagkakasundo sila sa kahalayan e. Kaya ako, hindi na niya pinapansin! Huhuhu. Dinidisregard na niya ang bbf niya!!
Si Sedrick, Owen, at Tyron naman ang sumunod na lumabas ng pinto kaya natigil ako sa pagdadrama ko.
"Running for stocks." bulong sakin nung pakialamerong sama ng loob na bf ko na ngayon.
"Running amputa. Di ka naman tumatakbo." pambabara ko sa kanya.
"Korni mo." bulong niya ulit sakin nang walang halong emosyon. Sabay tumalikod na siya at sumunod kay Sed at Owen na nakasakay na doon sa van na maroon sa labas.
That is our own kind of sweetness. Kala niyo porket kami na, lalanggamin na kami dahil sweet kami? Hell no. Minsan oo ganon. Pero mas lamang pa rin yung pag aasaran namin at pagbabarahan. Mas madalas pa nga kaming mag angasan kesa magsabi ng I love you e.
Well, hindi lang naman sa salitang yun nababase ang pagmamahal. Words are nothing kung hindi yun nagcocompliment sa actions.
Tuluyan na nga akong pumunta sa backyard bago pa ako maging love guru na naman sa kaka words of wisdom sa love. Yuck. Thats not my thing. Hahaha.
Naabutan ko sa backyard yung matandang mag asawa na dinidiligan yung mga alaga nilang root crops. Si tatay Jack at si nanay Nellie yun. Ganda ng names nila no? Hindi ko tuloy maiwasang maalala si Jackson at si Yaya Nerry. Haaay.
Si tatay Jack at si nanay Nellie ay sanay sa gawaing pambukid at pagtatanim, yung tinatawag bang may green thumb. Kaya sanay silang magpatubo talaga ng mga halaman at gulay. Kahit nga pusong nalanta na dahil sa kawalan ng pag ibig, kaya nilang patubuin e. Hahahaha. Joke lang. Kung matatandaan niyo, si Lily at Rose kanina, apo nila yun.
Kumaway ako sa dalawang matanda at kumaway din sila pabalik sa akin. Matapos nun ay bumalik na sila sa pagdidilig na ginagawa nila. Nasa may di kalayuan naman nila ay nandoon si Harriette at Lennon. Tinutulak-tulak ni Lennon si Harriette at si Harriette naman ay nangungudngod na sa lupa. Dumudugo ang ilong. May blackeye sa magkabilang mata.
Joke.
Nakasakay si Harriette sa wheelchair niya at sinasamahan siya ni Lennon na magpahangin. Hindi pa rin kasi fully naghiheal ang hita ni Harriette. Kaya eto, sobrang sarap makita na literal na hindi siya kinakapaguran ni Lennon. All out yung mahal niya sa pag aalaga sa kanya. Doon palang, makikita na talaga kung gaano minamahal ni Lennon itong kaibigan ko.
Haaay. Ang sarap sa pakiramdam. Pag ako kaya nalumpo, aalagaan din ba ako ni Tyron ng ganyan? Hahahaha. Malamang hindi. Baka nga pati upper body ko e, lumpuhin na rin non.
Automatic na napapihit ang paa ko papalakad sa may pintuan ng dirty kitchen nang may maamoy akong sobrang mahalimuyak na samyo.
GINIGISANG CORNED TUNA!!!!
Madali akong nagtungo doon at saktong pagbukas ko ng pintuan ay ang agad na pagsasalita ng naka pokerface na si Fionna.
"I told you po. Malakas ang pang amoy niyan ni Crissa sa pagkain. Lalo na sa paborito niyang corned tuna."
Pagkasabi niya nun ay napatawa agad yung dalawang matandang babae na katabi niya. Si nanay Sonya at nanay Marie. Magkapatid sila at parehas na matandang dalaga.
"Grabe ka sakin, Fionna ah! Ichinichismis mo na naman ako kela nanay!" nakapout na sabi ko sabay dukot ng corned tuna nasa kawali. Buti kalalagay lang nila kaya di pa mainit.
"See? Kahit malapnos ang dila niyan, okay lang sa kanya basta makakain lang siya ng paborito niya." pokerface na sabi ni Fionna kaya nag make face nalang ako sa kanya sabay alis.
Iniwan ko nalang sila doon na nagtatawanan pa. Well, wala naman sakin yung pangtitrip ni Fionna sa katakawan ko sa corned tuna. Kasi bukod sa totoo naman yun. At isa pa, mabuti nang masaya yung dalawang matanda. Na kahit papaano, bukod sa maraming bata na nandito na isang source ng kaligayahan nila, makadagdag pa kaming mga teens na oo, medyo marahas, pero normal pa rin namang kabataan na may galang at marunong rumespeto sa kanilang matatanda.
Nagderetso na nga ako doon sa kwarto ng mga lalaki at naabutan ko ang magaling kong kakambal na nakatayo sa harap ng isang mahabang mesa; na may nakahilerang maraming mga armas. Katabi niya doon ay si tatay Roger na isang retiradong sundalo at pulis. Sa kanilang limang matatanda, siya ang pinakamatanda kaya medyo hirap na rin siyang magkikilos minsan.
Pero malaki ang tulong ni tatay Roger pagdating sa paghawak ng armas dahil marami siyang itinuturong techniques sa amin. Lalo na yung mga hand to hand combat at self-defense. Minsan, sumasama rin siyang itrain yung apat na batang lalaki. Pero mukhang ngayon, may heart to heart talk sila ng kakambal ko. Hihihi.
But by the way, yung tatlong batang lalaki kanina, si Franco, Harley, at Clint, apo sila ni tatay Roger. O diba? May pinagmanahan sila ng pagiging fierce at angking galing sa paghawak ng armas.
Kapwa napatingin sa akin si Christian at tatay Roger. Ngayon lang nila napansin na kanina pa ako dito. Dito sa may likod ng pinto at nagkukubli. Pinagpaplanuhan kung paano ko sila maitutumba ng sabay at papatayin.
JOKE.
Hindi ako mamamatay tao. I mean, HINDI PA. Saka bakit ko naman papatayin ang sarili kong kakambal at ang mabait na matandang ito?
Nandito lang ako sa likod at tahimik na pinagmamasdan ang mga nakakatakam na armas sa mesa. Hindi ko to gustong kainin ha? Pero gusto kong maranasang gamitin lahat ng to. Naaalala ko na naman tuloy yung mga naiwan naming armas sa mansion.
Pero teka, all throughout our journey, ang dami na naming namisplace at naiwan na mga armas ha. Yung club ko at ni Sed, yung kay Christian din na axe. Spear ni Harrie, gauntlet ni bestfriend at katana ni Tyron. Teka, ano nga ba yung kay Alex at Elvis? Wait balikan ko sa chapter 4.
*Nagbalik tanaw si Crissa sa chapter 4.
Ayun, kay Elvis, axe. Tapos kay Alex, machete. Lahat yan pare-parehas na wala na. Pwera nalang yung kay Renzy at Alessa na combat knife. Nasa kanila pa rin yun, at yun pa rin ang normal na ginagamit nilang combat knife.
Hay.. Nakakatuwa naman. Na hindi nila binigo yung sinabi ni yaya Nerry dati na hindi masasayang sa kanila yung mga combat knife na yun.
"What now, twin sister?" pokerface na tanong ng magaling kong kakambal. "Baka matunaw na tong mga baril kakatitig mo. Kulang nalang lumangoy ka na diyan sa sariling laway mo e."
Hindi ko nalang siya pinansin. Basta ako, excited na lumapit doon sa distinct na baril na agad pumukaw sa atensyon ko. Malaking baril at mukha ring mabigat. Mukha ring pag pinaputok ito sa isang horde ng zombie, mauubos at magkaka pira-piraso silang lahat.
"Can I have this one, Christian? I bet, this suits me. A perfect match, perhaps." nagningning ang mata ko habang nakatitig doon.
"That's a GROM rocket launcher, hija." nakangiting sabi ni tatay Roger.
"And that is not suited for you. Baka sa sobrang reckless mo, baka kami pa ang mapasabugan mo niyan."
Biglang naningkit ang mata ko at tinapunan ng mapanuring mata ang umepal na yun. Pero bago pa ako makapag react, nagsalita na naman siya.
"One more thing, twin sissy. Saan mo naman ipapatong iyan? Injured ang kaliwang balikat mo. At kahit pa ikatwiran mong may kanang balikat ka pa naman, at dun mo ipapatong yun, still I won't allow you. Una dahil baka nga kami pa ang mapasabugan mo niyan. Pangalawa dahil sobrang bigat niyan. At pangatlo, kasi ayaw ko at hindi ako papayag na hawakan mo yan." nag smirk siya at ipanagtulakan ako palabas. "Now, get out of here. Rn."
"Tatay Roger! D-do something about this! Aray!!" pagpupumiglas ko pero pati si tatay Roger ay tatawa-tawa nalang na napailing doon.