Download App
77.39% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 89: Chapter 87

Chapter 89: Chapter 87

Crissa Harris' POV

"Baka naman gusto mong ayusin ang kapit mo kasi baka bigla ka na lang hanginin diyan at tumilapon sa kalsada?"

Unti-unting naningkit ang mata ko at matalim na tumitig sa balikat ng lalaking nagmamaneho nitong big bike ni Zinnia. Kahit nakatalikod siya sa akin, buong puso ko pa ring pinilit na ipadama sa kaniya ang bagsik ng titig ko.

"What the fuck. Sa tingin mo, paa ang pangkapit ko kaya hindi mahigpit? Tsk." singhal ko pabalik sa kaniya.

Mas hinigpitan ko na lang ang kapit ko sa likurang bahagi nung big bike. Although may sugat ako, malakas pa naman ang grip nung isa kong kamay. Ito lang talagang pakielamerong sama ng loob na to ang walang tiwala sakin. Tsk. Minamaliit ata ako.

Hmm, what if, habang nagdadrive siya dito, barilin ko siya? Sa batok? Para deads agad? Hihi. Ang sama ko talaga. Pero bakit ba? Kanina pa ko iniinis ng isang to e. Tsk.

"Natahimik ka? Are you plotting evil plans against me?"

Asdfghjkl-- What the actual fuck. Nababasa ba nito ang isip ko? Nararamdaman niya ang maitim na aura ko? Kapansin-pansin na ba ang pagka demonyita ko sa chapter na ito?

Hindi ko na nakuhang sumagot sa kaniya dahil napako na lang ang atensyon ko sa tabing kalsadang mapuno na hinintuan namin bigla. May mangilan-ngilang undead pero malayo pa naman sa amin.

Pero teka, anong gagawin namin dito? Saka bakit, dito pa kami huminto? Walang mga kabahay-bahay dito ah? Puro lang puno at damo. Walang business establishments, wala dito yung pakay namin.

Hindi kaya..

H-hindi kaya, may balak si Tyron na g-gahasain ako?

Inilagay ko ang mga braso ko sa harapan ng dibdib ko para depensahan ito. Eksakto namang nilingon ako ni Tyron na hindi ko mabasa ang itsura. Walang emosyon.

H-hindi bat, ganito yung mga nakakatakot na kriminal? Hindi agad mababasa yung emosyon sa mukha nila dahil ganun sila ka-evil? Sobrang unpredictable nila? Namaster na nila na ikubli ang kanilang totoong nararamdaman?

Shit! Huhu. Pang ilan na kaya ako sa magagahasa ni Tyron? Hindi kaya siya yung serial rapist na gumagala gala dati?

Napalunok ako ng laway ko at napayuko.

Sino nang magliligtas sa akin ngayon? Darating  kaya si Mateo Do kung tatawagin ko siya? Huhu.

"Bakit ganiyan ang itsura mo?"

Nagulat ako sa biglaan niyang pagsasalita na iyon. Pero hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob para tumingala pa at salubungin ang mga tingin niya na.

"Gagahasain mo ako. Ako. Ako na walang kalaban-laban ngayon.." ilang pares ng luha ang tumulo sa mga mata ko. Senyales ito ng pagsuko dahil hindi ko na magagawa pang manlaban sa kung ano mang balak niyang gawin sakin. May sugat ako, bahagyang nanghihina pa. Hindi ko magagawang depensahan ang sarili ko.

Kung hindi lamang sa mahinang pagpipigil ng tawa ng lalaking sama ng loob na ito sa harapan ko, hindi pa sana talaga ako titingala.

"Pft. Crissa, are you nuts? Kung manggagahasa ako, ikaw ang pinakahuli sa listahan ko."

Unti-unting nagsibalikan pataas sa mata ko yung mga luha na kanina kanina lang ay parang sa telenovela yung drama ng pagtulo. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko kaya sabay na rin akong napanganga.

"Bibig mo. Mamaya mapasukan ng langaw yan e." ngingisi-ngisi niyang sabi sabay balik ng paningin sa daan.

At ako naman, nanatili na lang pa ring nakanganga sa likuran niya.

Putapeteng kabayo. Saan. Nakakuha. Ng. Lakas. Ng. Loob. Ang. Mahabaging. Sama. Ng. Loob. Na. Ito. Para. Sabihin. Sakin. Na. Huli. Ako. Sa. Listahan. Ng. Balak. Niyang. Gahasain.

PUTANG INAAAAA!!! ANG KAPAL NG MUKHAAA!!

Kung ako naman ang pipili ng gagahasa sakin, hinding-hindi ko siya isasama sa listahan ko! Mamatay man ako! Mas nanainisin ko pang magahasa ng undead kaysa sa kaniya! Not over my drop dead gorgeous sexy body!!!!

Unti-unting napatikom ang bibig ko at naningkit ang mata ko na tumingin sa balikat niya. Hindi pa rin nagbabago talaga ang kahanginan ng lalaking ito. Ganon pa rin siya katulad nang una ko siyang makausap at makilala. Tsk.

"Quit staring at me." bakas pa rin sa mukha niya ang nakakalokong ngisi pagharap niya.

"Ang kapal talaga ng mukha mo no?" di makapaniwalang sabi ko. Pero mas hindi ako lubos makapaniwala sa ginawa niyang sunod.

Sinaksak niya ako.

JOKE.

Kinuha niya yung kanang braso ko at mariin na inilagay payakap sa bewang niya.

Hindi ko maipaliwanag yung pakiramdam na biglang bumalot sa sistema ko nang gawin niya iyon. Para bang may kung anong pakiramdam na biglang bumalik, o hindi naman talaga umalis at nandun lang naisantabi tapos bigla nalang ulit nagparamdam. Sobrang nostalgic ng feeling. Parang isang kanta na napapakinggan ko sa pagkabata ko at muli kong narinig ngayon.

Hindi ko lubos na maintindihan. Hindi ako magaling sa mga ganitong bagay. Wala akong kaalam-alam. Pero, ano ba to?

At bakit sa kaniya ko lang nararamdaman to?

Ibinaling ko na lang sa mga nadadaanan namin ang paningin ko habang nagmamaneho siya. Ayaw kong lamunin ako ng buo ng mga naiisip at nararamdaman ko. Dapat, hindi ako magpaapekto dito.

Ayaw ko na ulit magpaapekto dito.

Ilang mga establishments pa ang nilagpasan namin, at ilang mga street pa ang dinaanan namin dahil wala kaming makitang drugstore o kahit na ba maliit lang na pharmaceutical store. Yung iba kasing nakita namin, wala nung mga hinahanap naming gamot.

Tirik na tirik ang araw. Alam kong lagpas alas dose na ngayon ng tanghali, at siguro nasa bandang alas tres na rin. Pero sobrang tirik pa rin ng araw at sobrang nakakahilo yung init. Kanina pa ako nauuhaw pero hindi ako nagsasalita dahil hindi na rin nagsalita tong lalaki na to. Hindi sa nahihiya ako pero, baka mapagbuhatan ko lang ng kamay to pag nagpaulan na naman ng mga kayabangan at kahanginan niya. Tsk.

Ibinalik ko ang tingin ko sa daan at nagliwanag ang buong pagkatao ko nang sa malayo palang ay natanawan ko na ang karatula na, 'Uranus Drug Store.'

"Holy pakingshet! May Uranus Drug Store oh!" excited na sabi ko. Finally hindi na ako magtitiis ng uhaw. Pero sana naman nandun na lahat ng kailangan namin. Para makauwi na kami at makapag nebulizer na si Russell.

Saka isa pa, ayaw kong makasama ng matagal tong lalaking samang loob na to. Tsk. Baka mapatay ko to dahil sa taglay niyang kayabangan.

Ipinark niya yung motorbike sa may tapat ng drug store at laking pasasalamat ko dahil walang mga undead sa paligid non. Merong mga gumagala sa may hindi kalayuan at meron din kaming nakakasalubong kanina. Pero di hamak na mas konti sila dito.

Magandang timing to.

Sinamantala namin ang pagkakataon at mabilis kaming pumasok sa Uranus Drug Store. Maingat kaming nagmasid kung may undead ba sa loob. Hinalughog pa namin yung ilang kwarto para makasiguro at medyo napanatag ako nang mapagtanto kong mukhang kami palang ang unang makakapagrun ng stocks dito. Malinis ang mga shelf at rack. Malinis ang kabuuan. Walang mga bakas ng undead sa paligid.

Pero hmm. Nakakapagtaka.

"Wag kang magpaka siguro. Put your guards up. Hindi porque malinis tong lugar na to, ligtas na tayo. Alam kong nakukuha mo ang sinasabi ko." bulong niya sa tapat ng tainga ko. Nagulat naman ko nang bigla niyang agawin sa akin yung assault rifle na nakasukbit sa kabilang balikat ko.

"Oy oy, teka. Bakit kinukuha mo to? Sakin to ipinagkatiwala ng kakambal ko." nakangusong sabi ko.

"Are you nuts? Kaya mo bang makabaril ng maayos gamit tong mabigat na baril na to kung sugatan yung isang balikat mo?" hinugot niya yung pistol na nasa bewang niya at inabot sakin. "Saka isa pa, hindi ipinagkatiwala sayo ni Christian yan no. Ipinuslit mo sa kaniya"

Ngingisi-ngisi ulit siyang tumalikod sakin at kung hindi ko lang talaga nakontrol ang sarili ko, maipupukol ko na talaga sa kaniya yung malaking mouthwash na bigla ko nalang nadampot sa may tabi ko.

Binigyan ko nalang siya ng makamatay sa talim na tingin. Sakto namang nagsalita siya ulit habang nagtitingin dun sa may pharmacy area.

"Instead of giving me deadly stares, why don't you just grab a drink? Alam kong kanina ka pa nauuhaw."

"Paano mo nalaman na nauuhaw ako ha?" takhang tanong ko.

"Kanina pa kasi kita napapansin na palunok-lunok sa laway mo."

"E bakit hindi ka man lang huminto dun sa water station na nadaanan natin kanina?" inis na sabi ko.

"Hindi ka naman nagsalita e. Don't blame me. Malay ko ba kung trip mo talagang magtiis ng uhaw hanggang mamatay ka. Babasagin ko ba trip mo ha?" mapang-inis na sabi niya at kusa nang gumalaw ang kamay ko para buong giting na ibato sa kaniya yung mouthwash na kanina ko pa hawak.

Mas lalo lang akong nainis nang magawa niyang iwasan yun.

Isa munang makamatay na titig ang ipinukol ko sa kaniya bago ako pumunta sa mga ref. Mas mabuti nang layuan ko muna ang humal na to dahil mas lalo lang nagiinit ang ulo ko. Sobrang sama talaga ng ugali. Tsk.

Dumampot ako ng isang 400ml na tubig at dere-deretso kong ininom. Ganon katindi yung uhaw ko na kanina ko pa tinitiis. At hindi pa ako nakuntento dahil pagtapos nun, dumampot pa ako ng isang maliit na bote ng mogu mogu lychee at saka ko ininom. Mas masarap sana to kung malamig pero dahil sa paborito ko to, kahit panis na ganito pagtitiyagaan ko pa rin.

Sunod akong pumunta sa may shelf ng chichirya pero syempre, nagbaon na ako nung pinakamalaking bote ng mogu mogu lychee para panulak ko. Hindi ko na lang pinansin yung lalaking sama ng loob basta ako, magpapakasasa nalang dito sa pagkain dahil gutom na gutom na rin ako. Dumampot agad ako ng malaking pringles na sour cream. Nung maubos ko yun, kumuha naman ako ng malaking pack ng cheetos. Sarap na sarap ako sa pagkain na ginagawa ko, at talagang naupo na ako sa sahig na parang nagpipicnic mag isa. Hinubad ko yung leather jacket na suot ko at inilatag ko sa harapan ko. At doon, doon ko inilagay yung ibang chichiriya na sunod kong kakain. Crispy patata, bread pan na cheese, chiz curls, pati cheese ring. Mahilig talaga ako sa mga cheese flavored na chips and snacks. Kaya kahit ilan pa kainin kong ganito, palagi pa ring may puwang sa sikmura ko.

Matakaw ba ako? I swear hindi. Hindi naman talaga e. Tsk. Normal lang yung ganito no. Alam kong matatakaw din kayo.

Isang malakas na burp ang pinakawalan ko kasabay ng pag lapag ko sa sahig ng bote ng mogu mogu na napataob ko. Katabi naman nun yung mga balat ng chichirya na inupakan ko.

Napatingin ako sa shelf at akmang kukuhanin ko yung isang malaking pack ng Mang Juan. Pero nagulat nalang ako dahil may lumipad na sa harapan ko na wall clock. Na galing sa may pharmacy area. Na ibinato pala nung magaling na lalaki.

Basag yung orasan at huminto na sa pagtakbo.

4:13pm


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C89
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login