Danna Adriano's POV
"Barilin mo yang babae na yan. Pero dun sa parte na hindi sya matutuluyan." turo sakin ni Nate doon sa babaeng may kasama pang isang lalaki na nakasandig sa may puno na hindi kalayuan dito sa pinagtataguan namin.
Namumukhaan ko yung lalaki. Sya yung isa sa limang dumukot sa akin at nagdala dito.
"Okay na sa hita."
"Eh, baka di ko matantsa tapos sa iba tamaan? O kaya, hindi sya matamaan?" pabulong na sabi ko pero parang napalakas pa rin dahil parang natigilan yung minamatyagan namin. Nagpalinga-linga din sila sa paligid.
Nakita ko namang napailing si Nate sa tabi ko.
"Tsk. Hindi ka dapat padalos-dalos kapag nag-eespiya. Magagaya ka dun sa napatay ni boss kapag nahuli ka nang minamatyagan mo e.." bulong nya saka mabilisang itinutok at ipunutok dun sa hita ng babae yung baril na hawak nya.
Asintadong-asintado dahil natumba agad yung babae sa lupa. At yung lalaki naman, biglang nataranta. Para bang di nya alam kung ano ang uunahin nyang gawin. Kung tutulungan yung babae o hahanapin kung saan galing yung putok.
"Ibaba nyo yang baril nyo. Wag nyo na ring susubukan pang gumalaw kahit na kaunti dahil napapalibutan namin kayo. Sigurado namang, ayaw nyong matadtad kayo, diba?.." sabi ni Nate kaya gulat akong napatingin sa kanya. Hindi dahil sa bigla nalang syang sumigaw bagkus dahil sa sinabi nyang napapalibutan namin yung dalawa. E dadalawa lang din kaya kaming nandito. May toyo rin ata to e.
"Wag kang tumingin ng ganyan. May mga back up tayong nagtatago at nakapalibot dito. May mga sniper yun kaya bantay nila bawat kilos nitong dalawa na to." nakangising sabi ni Nate. Para namang naestatwa nga yung lalaki doon at di na gumawa ng kilos. Kahit na yung babae na namimilipit sa sakit ng hita nyang nabaril, pinilit na rin na di gumalaw.
"Okay. It's showtime. Kahit may back up tayo, maging alerto ka pa rin. Hawakan mong mabuti yang baril mo." sabi nya uli. Hindi na ako nakapagreact dahil bigla na nya akong hinaltak palabas sa pinagtataguan namin.
Sumama bigla yung tingin nung lalaki samin nung makita nya si Nate. Para bang gusto nya uling pulutin yung baril nya sa lapag.
"Gago, wag mo nang subukan. Bago mo pa magawang kuhanin yang baril mo, sabog na agad yang bungo mo." itinaas ni Nate yung kaliwang kamay nya at parang may isinenyas.
Hindi ko naman inaasahan yung sumunod na nangyari na mula nalang sa kung saan, may narinig kaming putok ng baril. Tumama mismo yung bala mga ilang hakbang lang mula dun sa lalaki.
"Kitams? Sabi ko naman sayo e. Napapalibutan kayo." umiiling na sabi ni Nate habang lumalapit dun sa lalaki. Dahan-dahan nya namang dinampot yung baril nun pati na rin yung sa babae. Tapos, bigla nyang initsa papunta saakin.
Halos mapamura ako sa gulat pero buti nasalo ko.
"Nice catch, Danna." ibinalik nya na yung tingin dun sa lalaki matapos ko syang irapan.
"Wala nang oras. Pag hindi agad nagamot tong babae na to, mauubusan to ng dugo. Ayaw mo namang mangyari yun diba? Ayaw mong mawalan ng girlfriend? Kaya, sundin mo agad tong sasabihin ko. Pag nabigo kang magawa to sa loob ng trenta minutos..
..single ka na uli. Hindi kayo nagbreak pero dahil sa tutuluyan ko na nga to, wala ka nang girlfriend."
Mas lalong sumama ang tingin nung lalaki dahil sa mapang-inis na sinabi na yon ni Nate. Nalipat naman ang tingin ko dun sa babae dahil tuluyan na syang nawalan nang malay at napahiga na sa sahig. Pupuntahan ko na dapat sya pero pinigilan naman agad ako ni Nate.
"Wag kang mabilis na maniniwala. Baka scripted ang drama nyan." ibinalik na nya yung tingin nya dun sa lalaki. "Dali. Tumatakbo ang oras. Nasan yung iba pang tauhan ni Jade?"
Hindi sumagot yung lalaki kaya nagpaputok sya sa tabi non.
"Sagot." mahinahong sabi ni Nate. Mukhang di pa rin sasagot yung lalaki pero napilitan na rin sya nang yung babae naman ang tinutukan ni Nate ng baril.
"H-hindi ko alam. Pero baka magkakahiwalay din sila.."
"Good. Ilan nga kayong lahat na alipores ni Jade?"
"Kinse."
"Kinse? Sakto lang pala. Meron kang dalawang minuto para hanapin ang bawat isa sa kanila." sumulyap si Nate sa relo nya. "Oops. May isang minuto na palang lumipas. Dali, baka kulangin ka na. Ipunin mo silang lahat dun sa loob ng quarters nyo. At gawin mo ang lahat para mapapunta silang lahat doon nang hindi nagdududa. Kasi pag hindi, pasensyahan tayo pero ni isa man sa inyo, wala nang ititira si boss. Okay? Sige. Mag-umpisa ka na."
Parang puppet naman na sumunod yung lalaki at naglakad paalis. Walang lingon-lingon.
"Oo nga pala, may mga mata pa ring nakasunod sayo ha? Isang maling galaw mo lang, wala ka pa ring kawala." pahabol na sigaw ni Nate. Bigla namang lumitaw mula sa kung saan yung dalawa sa iba pang tauhan ni Axel tapos maingat na sinundan yung lalaki. May bitbit din silang mahabang baril na may scope kaya hindi na sila nag-abala pang lapitan ang distansya nila doon.
Ibinalik ko yung tingin ko sa babae at nung madako ang mata ko sa hita nya, mabilis uli akong umiwas. Hindi ko kayang tignan. Parang nanghihina ako. Hindi lang dahil sa dugo na lumalabas sa tama nya. Although ngayon, kailangan ko na ring tanggapin na ganito talaga ang mangyayari sa mga kaaway namin, yung isang parte sa loob ko ay nakakaramdam pa rin ng awa. Hindi pa rin kasi fully natatanggap ng sistema ko na later on, gagawin ko na rin ang ganito.
Nanlumo nalang ako habang pinagmamasdan si Nate na itali yung kamay ng babae. Pero nakaramdam naman ako ng konting pagkurot sa puso ko nang maingat nya pa rin yung binuhat at isinandig sa puno.
"May awa ka pa rin pala." bulong ko na ikinangisi nya.
"Oo naman. Wala naman na tong laban e. Saka alam mo na, hindi rin naman maiaalis yung katotohanan na di ako mabubuhay kung wala ang nanay ko. Kaya may respeto pa rin ako sa babae kahit papano." nakangiting sabi nya kaya napangiti na rin ako ng matipid.
"Pero papatayin mo pa talaga sya sakaling di magawa nung lalaki yung pinapagawa mo?" mahinang tanong ko.
"Oo. Hindi ko ugaling hindi tuparin ang mga sinasabi ko. Lalo pa at kapag utos yun ni boss. Kaya, sort of.."
"Anong sort of?" takhang tanong ko at ngumisi sya.
"Hindi ako mismo ang papatay sa kanya. Kahit kelan, hindi pa ako nakapatay ng babae bukod dun sa mga zombie."
"So ibig mong sabihin.." pinutol ko yung sasabihin ko dahil ayokong sa akin pa mismo manggaling yung hinihinala ko.
Lumapit naman sa akin si Nate at saka mahinang tinapik ang ulo ko.
"Alam mo na ang sagot kaya wag ka nang magtanong. Basta mamaya, dapat sigurado kang matatamaan mo na talaga."
Napabuntung-hininga nalang ako. Sana magawa nung lalaki yung utos ni Axel. Hindi pa ako handang pumatay sa ngayon.
***** Afterwards..
Habang hinihintay na makabalik yung lalaking inutusan nito ni Nate, tumambay muna kami saglit dito sa itaas ng puno na sya ring pinagsasandalan nung babaeng binaril nya kanina na sa ngayon ay wala pa ring malay. Hindi ako makapali. At alam kong alam din yun ni Nate. The whole time kasi na pagsulyap-sulyap ko sa relo nya, nakikita ko rin syang patawa-tawa sa tabi ko. Nakakainis. Pati ba naman ang pagpatay ng tao, tinatawa-tawanan lang nito?
"Dalawang minuto na lang Danna. Mukhang mabibinyagan mo na yang baril mo ha?.." mapang-inis na sabi Nate sa tabi. Gustuhin ko man syang itulak para malaglag sya, pinigilan ko nalang dahil yung babae ang babagsakan nya sa ibaba. Baka tuluyan nang mamatay yun.
Hindi ko nalang sya pinansin at pinagmasdan ko nalang nang tahimik yung babae sa ibaba. May dalawang minuto pa. Hindi ako nawawalan ng pag-asa.
Sana lang talaga, umabot pa yung lalaki. Ayokong pumatay. Hindi ko talaga kaya..
"Malakas kang magdasal ah.." ngumisi si Nate sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya. "Ayun oh.."
Sinundan nang mata ko yung itinuturo ng daliri nya. At doon, nakita ko yung isa sa dalawang tauhan ni Axel na sumunod kanina sa lalaki. Naglalakad sya pabalik sa direksyon namin. Kaya naman maya-maya lang, inaya na ako ni Nate na bumaba.
"Saved by the bell, Nate. Nagawa ni gago utos mo. Naipon nya yung mga tauhan ni Jade sa quarters nila. Nandun na rin yung iba. Pati si boss."
Napangisi nanaman si Nate at mahinang sinapak yung tauhan nila. Tapos, sakin naman nalipat yung tingin nya.
"Sa ngayon, malinis pa rin ang kamay mo. Pero humanda ka pa rin. Nag-uumpisa palang tayo." inakbayan nya ako at sumenyas dun sa tauhan nila. "Joey, ikaw na bahala dyan sa babae na yan. Pag nakatakas pa yan nang lagay na yan, parehas ko kayong papatayin. Hahahaha! Alis na kami, bye!"
At kinaladkad na ako ni Nate papunta sa kung saan. Hanep din magbiro tong isa na to. Pati buhay, isinasali. Although alam ko namang hindi lang biro yun. May posibilidad na totohanin nya talaga yun kung saka-sakaling mangyari nga na makatakas pa yung babae.
Gustuhin ko man ding matuwa na hindi natuloy yung pagpatay ko dun sa babae na yun, di rin ako dapat magpakasiguro dahil sinabi na rin nya na nag-uumpisa palang kami. Wala akong alam sa mangyayari at mga posible pang mangyari mamaya. Baka tuluyan na rin talaga akong makapatay..
"Pasok na, dali." itinulak ako ni Nate dun sa loob ng isang bahay na hinintuan namin. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid dahil pakiramdam ko, may mga nagmamatyag sa amin.
"Wag kang mag-alala. Mga backup natin yan. Sinisiguro lang nila na magiging maayos yung partisipasyon nila dito sa plano ni boss." bulong uli ni Nate bago ako tuluyang itinulak papasok.
Pero unti-unti nalang nanlambot ang mga tuhod ko sa sumunod na nakita ko. Buti nalang, nagawa akong saluhin ni Nate bago pa ako tuluyang mapaupo sa sahig. Bigla na lang din akong parang hindi makahinga. At halos hindi maproseso ng isip ko yung mga nakikita ko.
Si Axel at lima pang tauhan nya, napapalibutan ng mga wala nang buhay na mga tao. Mga tao ni Jade.. Hindi lalagpas ng sampu. Lahat sila nakahandusay sa sahig. At puro pulang likido nalang ang nangingibabaw sa paligid.
"This is their choice. They get what they want." mahinahong sabi ni Axel habang tinitignan nang walang emosyon yung mga sariwang bangkay sa harapan nya.
A-ano bang nangyari? L-lahat ba ng mga ito, tumanggi na sumapi sa grupo namin kaya napilitan na talaga sila Axel na gawin to? Pero b-bakit parang napakabilis naman ata? At napakadali? Ni wala kaming narinig na putok ng baril..
Napilitan akong tignan yung mga bangkay. At isang bagay lang ako nakita kong pare-parehas sa kanila, na hindi ko rin madaling napansin kanina. Lahat sila, may mahaba at malalim na taga na halos ikaputol na ng leeg nila. Kapansin-pansin din yung mga itak at palakol na hawak nung lima pang tauhan ni Axel. Kaya pala walang putok ng baril. Dahil hindi rin naman pala baril ang ginamit nila.
"Sayang, you missed the action. Pero sumunod na kayong dalawa sakin. Sila na bahala sa mga katawan na yan." sabi ni Axel bago lumabas.
Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko muna yung mga katawan sa sahig. Gusto kong maiyak pero parang sadyang wala na talagang balak tumulo yung mga luha ko. Parang wala na rin akong maramdaman. Ganito na ba yung senyales na unti-unti na ring titigas at lalamig ang puso ko pagdating sa mga bagay na ganito?
"For the second time, saved by the bell ka nanaman, Danna. Dapat, isa ka rin sa papatay dyan e. Pero magpasalamat ka nalang din na hindi mo nakita yung actual na ginawa nila. Lalong-lalo na ni boss." bulong sa akin ni Nate. Gusto kong itanong kung anong ibig sabihin nya doon pero nanatili nalang na tikom ang bibig ko.
At hanggang sa mahaltak na nya ako palabas sa kwarto na yon, nakatulala nalang ako.
"Pero as what I've said, humanda ka pa rin. Sampu palang ang napapatay nila boss. Kinse lahat ng tauhan ni Jade kaya ibig sabihin.. May tatlo pang ibang natitirang buhay bukod dun sa babaeng binaril ko kanina. At pati na rin yung boyfriend nya. Malamang nakatakas yung gago kaya hindi sya natodas. Tsk. Asa naman syang mabubuhay pa sya nang matagal.. Once na makita ko kahit na dulo ng daliri nya, patay---"
*BANG!
Napatigil si Nate sa pagsasalita. At nanlaki bigla ang mata nya habang unti-unti ring inililipat ang tingin dun sa kamay ko na nakatutok pa rin dun sa pinaputukan ko sa may gilid na hindi namin napansin agad kanina.
Yung kanina-kanina lang na binabanggit ni Nate na asa pang mabubuhay nang matagal, ngayon nakahandusay na sa sahig at naliligo sa sarili nyang dugo. May gripo sa noo. Wala nang buhay.
At ako ang may gawa.