Crissa Harris' POV
Maya-maya pa, narinig ko nang bumukas yung pinto sa harapan namin. Mahigpit ang hawak ko dun sa nakatakip sa mukha ko dahil pag nagkataon na maalis to, yari ako.
"Hehehe.. Dito nalang muna si Crissa. Inantok bigla e. Kaya natulog na muna." sabi ni Fionna at mas hinigpitan pa ang yakap sakin.
"E bakit nakatakip ang mukha?.." boses ni Tyron.
"Kasi maliwanag. Nasisilaw sya.." sige Fionna, ipagpatuloy mo pa.
"Baka naman hindi makahinga yan, baby?.." boses naman ni Owen.
"May ilong sya baby! Makakahinga sya. Tsk. Wag nga muna kayong maingay ha? Natutulog yung tao e. Bakit ba hindi nyo nalang sabihin kung anong nangyari dun sa loob?.." ang galing mo Fionna. Hanga na ako sa mga palusot mo..
"Wala sila sa loob. Pero may nakita kaming note. Nandun sila sa bahay nila Renzo. Malapit lang yun dito." - Tyron
"Edi dun na tayo pupunta ngayon?" - Fionna
"Ganun na nga, baby." - Owen
"Edi go na! Bakit ayaw nyo pang magdrive?.." - Fionna
"Gisingin mo muna si Crissa. Ipaalam muna natin na pupunta na tayo dun ngayon.." - Tyron
"Nako, wag na Tyron. Hayaan mo munang matulog. Mamaya e, baka ako pa sampalin nito pag nagising sya. Tsk. Dali na magdrive na kayo! Natatae na ako! Punyeta kasi e! Puro arte. Baby, dali!" - Fionna
"May banyo sa mini grocery. Bumaba ka muna." - Tyron
"Eh, ayoko! Gusto ko may flush at bidet! Tsk! Dali na kasi!" - Fionna
"Magdrive ka na nga, Owen. Ako nalang magtuturo ng daan." - Tyron
Maya-maya pa, naramdaman ko na ngang umandar yung sasakyan. Ang hirap magpanggap na tulog pero buti nalang, may takip ako sa mukha kaya madali na. Pero salamat nalang din at nandito si Fionna. Dahil kung hindi, hindi ko rin alam ang gagawin ko.
Pumikit ako ng madiin. Pero wala ring saysay. Nakalusot pa rin ang mga pesteng luha.
Ano bang petsa na ngayon? February 6? Tatandaan ko talaga tong araw na ito. Dahil ito yung araw na napatunayan kong napakatapang ko talagang babae. Nagawa ko kasing aminin yung bagay na pinakakinatatakutan ko.
May gusto ako sa taong may iba ring gusto..
Oo.. Gusto ko nga si Tyron..
*****
Nakatulog ako. Nakatulog akong umiiyak. Wala na yung takip sa mukha ko pagkagising ko kaya agad ko ring nakita kung kaninong balikat ba ang nasasandalan ko. Pero halos isumpa ko naman ang pesteng mata ko. Dahil as soon as marecognize nya na si Tyron pala ang katabi ko, nag-atribida na sya agad. Bigla nalang nagpakawala ng luha. Nakakainis. Namamaga at mahapding-mahapdi na nga sya e, nagmamagaling pa.
Kahit nanlalabo ang mata ko, pilit ko pa ring kilala kung nasaang lugar na kami. Abot langit naman ang pasasalamat ko dahil pagkatingin ko sa labas ng bintana, papasok na kami sa village nila Renzo.
Salamat. Salamat talaga..
"O-owen, ihinto mo yung sasakyan.." utos ko.
"B-bakit miss beauti--"
"Baby, ihinto mo nalang." - pagsang-ayon ni Fionna. At nagpapasalamat talaga ako sa ginawa nya.
"B-bakit ka bababa Crissa?.." hinawakan ni Tyron ang braso ko. Pero hindi ako nagpapigil.
Pagkahintong-pagkahinto nung sasakyan, bumaba agad ako at tumakbo. Naramdaman ko na sumunod sakin si Tyron pero hindi ako tumigil. Hindi ko sya nilingon. Basta nagpatuloy lang ako sa pagtakbo. Kahit na sobrang hirap para sakin na hindi makita yung dinadaanan ko dahil sa mga pesteng luha ko.
"Crissa! Huminto ka! Saan ka ba pupunta, ha?.." narinig kong sigaw nya. Pero di ko sya pinansin.
Ang dami kong naaaninaag na undead sa paligid ko. Kaya hindi ko na hinayaan na makalapit pa sila sakin. Pinaputukan ko na agad sila gamit yung baril na ibinigay sa akin nila Fionna. Ang sarap panoorin yung pagtama ng bala sa katawan nila. Lalo pa pag humahandusay na sila sa sahig. Pinunasan ko yung luha ko para mas makita ko pa sila. Buti nalang din at nakabisado ko na agad yung mga pasikot-sikot papunta sa bahay nila Renzo. Kaya hindi na rin ako nahirapan na lumiko.
"Crissa!" may humablot sa braso ko. Pagkalingon ko, hindi maipaliwanag na itsura agad ni Tyron ang nakita ko.
"Bakit ka umiiyak? Ano bang nangyayari sayo?"
Anong nangyayari sakin ha? Ewan ko. Hindi ko rin alam. Naging ganito lang naman ako simula nung makilala kita. Yan ang mga salita na kahit kelan hindi ko sasabihin sayo.
"K-kase nami-miss ko na talaga sila, Ty. Kaya hayaan mo na akong tumakbo. Hindi na ako makapag-antay na makita sila.." pagsisinungaling ko.
Hindi ko na sya inantay na makasagot at tumakbo na uli ako. Ilang lote mula sa bahay nila Renzo, may naaninag na agad akong nakatayo sa gate nila. Kaya mas ginanahan akong tumakbo. Lalo pa nung unti-unti na syang luminaw sa paningin ko.
"R-renzo! Bestfriend!" tawag ko. Napatingin sya sa gawi ko. Pero ang sumunod nalang na nakita kong ginawa nya ay tumakbo na rin sya para salubungin ako.
"C-crissa!? Shit! Si Crissa nga!" sigaw nya.
Alam kong nakasunod pa riin sakin si Tyron pero hindi ko sya pinansin. Ayokong humarap sa kanya. Ayokong makita nya yung mata ko na umiiyak. Ayokong mabasa nya na sya ang dahilan. Kaya hanggat maaari, itatago ko to.
Pero tutal naman, marami akong dahilan para umiyak ngayon, hindi ko na pipigilan. Nakauwi na kami. Magkita-kita na uli kami ng mga kagrupo ko. May bago kaming miyembro. Kaya iisipin at palalabasin ko nalang na tears of joy to. Hindi nga naman halata kung ano ang pinagkaiba ng luha ng kaligayahan sa luha ng nasasaktan diba? Isang ngiti ko lang, kaya kong itago to..
Ngumiti ako ng malapad as soon as makalapit sakin si Renzo. Niyakap ko rin sya ng mahigpit.
"B-bestfriend namiss ko kayo." bulong ko sa kanya.
"Namiss din namin kayo Crissa. Buti nakabalik na kayo. Teka. Sino yung mga kasama na yun ni Tyron?.."
At nang hindi lumilingon sa likod namin, sumagot ako. "Mga bago nating miyembro. Pero mamaya nalang natin pag-usapan yan bestfriend.. Nasa na sila Christian? Yung iba? Gusto ko na silang makita.."
"Halata ngang gusto mo na." pinunasan nya ang luha ko. "Tara na sa loob. Andun silang lahat. Paniguradong matutuwa sila pag nakita na nila kayo.." inakay ako ni Renzo pero huminto sya at lumingon sa likod. Napilitan na rin tuloy akong lumingon.
Si Fionna, Owen at.. Tyron, pare-parehas nang naglalakad mula sa malayo. Wala na yung kakarag-karag na sasakyan at bitbit nalang nila yung mga gamit namin. Nakuha naman ng atensyon ko yung bitbit ni Tyron sa kanang kamay nya.
Yung gitara..
Umiwas na ako ng tingin. At hinaltak ko na si Renzo.
"Tara na, bestfriend.. Pasok na tayo."
"Sige. Oy, Tyron! Dalian nyong maglakad! Matutuwa talaga silang lahat pag nakita na nila kayo." tumatawang sigaw ni Renzo at nagpakaladkad na sya sakin.
Sorry Fionna at Owen. Gustuhin ko mang sabay-sabay tayong magpakita sa grupo natin para masurpresa sila, hindi rin pwede. Hindi ko kaya.. Kailangang mailihis ko muna tong nararamdaman ko. Dahil sa ngayon, yun palang ang alam ko at kaya kong gawin.
Kinaladkad ko na si Tyron papasok. Pero natigilan agad ako nang makita ko na yung sumalubong samin. Ang galing naman talaga ng pagkakataon. Kanina lang pinag-uusapan pa namin ni Fionna kung anong magiging reaksyon ko kapag nakita ko na uli tong tao na to. And look, nasa harapan ko na sya ngayon.
Pinagmasdan kong mabuti si Sedrick. At pinikit ko ring makiramdam.
Wala.. Wala talaga akong maramdaman na kakaiba. Natutuwa ako na makita sya ngayon. Pero hindi ko sya gustong lapitan, yakapin o halikan man lang. Basta masaya lang ako na makita sya. Yun lang. Nothing more, nothing less.
Wala na nga talaga ..Hindi na ikaw Sedrick.
"C-crissa.. Welcome back.." sabi nya na parang hindi makapaniwala.
"Thanks Sed.. Natutuwa akong makita ka uli." tinapik ko sya ng mahina tapos bumitaw na ako kay Renzo.
Binilisan ko ang hakbang ko at nagmamadali akong umakyat sa 2nd floor. Nanlalabo ang mata ko pero pinilit ko pa rin na aninagin ang dinadaanan ko. Nakita ko si Harriette, Alessandra at Renzy na nakaupo sa loob ng isang kwarto. Gusto ko mang tumigil at pasukin sila sa loob para yakapin na rin sila, mas pinili ko nalang na lagpasan sila. Kahit na ba, alam kong nakita na rin nila ako.
"Wait. Pakisampal nga ako, Renzy. Para kasing nakita ko si Crissa na dumaan just right now." - Alessandra
"A-ako.. Pakisampal din ako.. Nakita ko rin si Crissa.." - Renzy
"Oh God. Si Crissa nga yun. Dali, habulin na natin." - Harriette
Tumakbo na ako nang tuluyan. Ayokong maabutan nila ako. Pumasok ako sa pinto na nasa pinakadulo nung hallway at as soon as maisarado ko yun, bumagsak na rin ako at napaupo sa sahig. Nagsiragasa na rin ang mga luha pababa sa psingi ko.
Ayoko nang isipin yung kay Sedrick dahil tapos naman na yun at hindi yun ang big deal dito. Pero nakakainis lang talaga e. Bakit yung kay Tyron, hindi ko man lang namalayan? Bakit wala man lang warning? Napakaraming extraordinary at magical feelings na sa kanya ko lang naramdaman. Pero sadyang tanga at manhid ba talaga ako para hindi ko maramdaman at malaman na, yun na pala yun? Na yun na pala yung senyales na nagugustuhan ko pala sya? Nakakapaghinayang. Edi sana, maaga palang nakaiwas na ako. Napigilan ko nang may maramdaman para sa kanya.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagtago sa loob ng kwarto na yon. Alam na nilang nakauwi na kami dahil marami akong nadidinig na boses sa labas. Hinahanap nila ako. Pero mas pinilit ko pa ring magtago doon at wag na lumabas. Parang katulad nalang din ng pagtatago ko sa nararamdaman ko ngayon..
Ayokong lumabas yung totoo..
Ano ba tong nangyayari sakin? Hindi ako dapat nandito. Hindi ito yung naimagine kong scenario kapag finally nakauwi na kami. Dapat masaya kami. Dapat nag-uusap at nagkkwentuhan kami ng mga namiss naming pangyayari ng bawat isa. Dapat nagse-celebrate kami..
Pero ayoko.. Natatakot akong lumabas. Natatakot akong makita si Tyron. Natatakot akong matitigan ang mukha nya. Hindi dahil sa ayaw ko talaga. Gustong-gusto kong pagmasdan ang mata nya. Lalo na yung ngiti nya. Pero alam kong bawal.
Hindi tama.
Wala akong karapatan.
"Teka, ano ba naman tong bahay na to. Ang daming pasikot-sikot. Nasan ka na ba kasi, Crissa?.."
Natigilan ako. Dali-dali akong sumilip sa pinto. Tama nga ako, si Fionna nga yon. Mabilis ko syang hinaltak papasok at nilock ko agad yung pinto. Kita ko yung takot sa mukha nya dahil sa ginawa ko. Pero nung makita nyang ako yun, kumalma naman agad sya.
"C-crissa. Ikaw lang pala yan. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Hinahanap ka na nila doon. Ikaw nalang ang hindi kumakain." sabi nya. Hinaltak ko naman sya paupo dun sa kama at di ko pinansin ang sinabi nya.
"Confirmed Fionna. Wala na talaga akong gusto kay Sedrick. Napatunayan ko yun kanina nung makita ko na sya. Pero alam mo kung ano yung nakakaiyak? Kasi isa rin yung matibay na patunay na, si Tyron nga talaga ang gusto ko.." sabi ko na pinipilit na walang ibang makarinig kundi kami lang.
"Oh, ayan naman pala e. Ano ba kasing ikinakatakot mo?.."
Napayuko ako. Ngayon ko lang aaminin ito at sa kanya lang.
"Natatakot ako na lumalim yung nararamdaman ko Fionna. Alam kong masasaktan lang din ako dahil wala naman akong karapatan. Mayroon syang gusto. At hindi ako yun."
"M-may gusto syang iba? Hindi ko tatanungin kung sino yun Crissa pero, paano mo naman nalaman? Saka, sigurado ka ba dyan?.."
Hindi ako sumagot pero tumango nalang ako. Sigurado naman ako dito dahil yun lang naman ang tanging lumabas sa conclusion ko. May gusto nga sya at hindi ako yun. Ayoko nalang talagang isipin pang mabuti dahil, dahil nasasaktan lang ako.
Pero mabuti nalang, may naisip na ako na plano. Plano para wag maituloy ang kinatatakutan ko.
"Iiwas na ako Fionna. Iiwasan ko sya. Para makaiwas na rin ako sa posibilidad na mas lumalim pa sa pagkakahulog sa kanya. Masasaktan lang ako. Hindi nya ako masasalo." mariin at seryosong sabi ko. Pero hindi ko pa rin napigilan ang mga pesteng luha ko.
"I-iiwas ka kay Tyron?.." halata sa boses nya ang pag-aalala at panghihinayang.
"Oo Fionna. Yun lang ang naiisip kong paraan. Ayokong humantong sa punto na yung pagkakagusto ko sa kanya ay mauwi na talaga sa pagmamahal. Baka pag nalaglag ako sa malalim na hukay na yon, mahirapan na akong bumangon at magpatuloy.."
"So yun lang pala ang kinatatakutan mo? Heartbreak?"
Tumango ako bago ko isinandal yung ulo ko sa balikat nya.
"Haaayy. Parte ng buhay ang heartbreak, Crissa. Pero sige, kung buo na desisyon mo, at yan talaga ang makakapagpasaya sayo, then do it. Susuportahan kita.."
"T-talaga? Salamat Fionna. Salamat kasi andyan ka. Hindi ko akalain na sayo ko pa masasabi tong bagay na to." pinunasan ko ang luha ko at pinilit kong ngumiti sa kanya.
"Basta Fionna, ikaw ang saksi ha? Hinding-hindi ko hahayaan na masaktan ako. Bukas na bukas din, mag-uumpisa na ako. Iiwas na ako..
Iiwasan ko na si Tyron.."