Crissa Harris' POV
Day 23 of zombie apocalypse..
I missed this. Namiss ko tong pakiramdam na panatag ka kasi, magkakasama kayong lahat. Although pare-parehas kayong unsure sa mga kaligtasan nyo, panatag ka pa rin kasi magkakasama naman kayo at iba ang nagagawa ng pagtutulungan at mabuting samahan.
Maaga palang at hindi pa sumisikat yung araw, lumabas na agad ako doon sa kwarto na pinagtulugan namin ni Fionna. Tulog pa sya nung lumabas ako kaya hindi na rin ako nag-abalang gisingin pa sya. Pero bago yun, naligo muna ako at nagpalit ng maayos na damit. Yung regular na suot ko. Combat boots, jeans, sando, at yung leather jacket ni Zinnia. Ewan ko kung paano to napunta sa kwarto na to, pero wala na akong pakialam. Namiss ko rin pati ang pagsuot sa mga ito.
Pagkatapos kong makapag-ayos, lumabas na nga ako sa kwarto na yon. Buti at natatandaan ko pa yung pasikot-sikot nitong bahay nila Renzo kaya hindi na ako naligaw pa sa kung saan-saan. Sinadya ko talagang lagpasan nalang yung tinutulugan nung mga lalaki at dumeretso nalang ako sa may rooftop.
Maaliwalas ang umaga. Masarap panoorin yung pagsikat ng araw.
Pagkatapak na pagkatapak ng paa ko sa huling baitang paakyat, bumungad na agad sa akin ang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Hindi ganon katagal ang apat na araw na hindi namin pagkikita ng isang ito. Pero napangiti nalang ako ng malapad habang pinapasadahan ng tingin yung manly nyang figure at yung messy blonde nyang buhok habang nakatalikod.
Sya ang pinakanamiss ko sa lahat.
Nagmamadali na agad akong lumapit sa kanya at kinulong sya agad sa mahigpit na yakap ko. At gaya nga ng ineexpect ko, hindi na sya nagulat dahil doon. Dahil alam nyang ako yun, at ako ang may gawa nun.
Mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Hindi muna ako umalis sa ganong pwesto dahil namiss ko talaga ng husto ang presensya ng lalaking to.
"Oo na, kambal. Alam kong namiss mo talaga ako. Pero magdamag nalang ba tayong magyayakapan dito?" bulong nya. Dahan-dahan naman akong bumitaw sa kanya at binatukan sya ng malakas.
"Kahit kelan ka talaga! Panira ng moment oh. Bagay na bagay nga na pang-dramahan yung atmosphere dahil sa papasikat na araw e!"
Pinaghahampas ko pa yung likod nya kaya napilitan na rin syang humarap sa akin. Malaking ngisi sa labi nya ang tumambad sa akin.
"I guess you don't missed me that much, twin sis. Hindi ito yung ineexpect kong itsura mo kapag finally nagkita na tayo." ngumisi sya.
"And what do you expect? Magdadrama ako ng bongga with matching hagulgol pa ng iyak?"
"Hmm.. Sort of.."
Inirapan ko sya.
"Tumigil ka nga kambal. Ang aga mo namang litisin ako. Crying is for babies no. Hindi lahat ng bagay nadadaan sa pag-iyak."
Yeah. That's right Crissa. So you should always keep your smile. Or your straight face..
Tinignan ako ng makahulugan ng kakambal ko. Nakakunot ang noo at naniningkit ang mata. Kaya bago pa sya makapagsalita, inunahan ko na sya.
"Kahit naman kasi anong iyak ang gawin ko nung time na nagkahiwalay tayo, hindi ka pa rin naman bigla nalang susulpot sa harapan ko diba? Hindi lahat ng bagay na gusto mong mangyari ay eventually makukuha mo rin kapag umiyak ka. Di na tayo bata, kambal. Na kapag gusto mo ng laruan, umiyak ka lang kay mommy o kaya kay yaya Nerry, ibibili ka na agad. Hindi lahat ng bagay nakukuha sa pag-iyak. Saka tignan mo nga. Buhay na buhay ka pa. So why should I cry?" makabuluhang litanya ko. Pero eto namang kambal ko e, hindi pa rin inalis ang makahulugang ekspresyon sa gwapo nyang pagmumukha.
Binatukan ko nga uli.
"Wag mo kong birahan ng ganyang tingin mo kambal dahil baka ilaglag kita dito." hinaltak ko sya paharap sa grills at agad na tumama sa mukha namin yung sinag ng sumisikat na araw.
Ang ganda ganda.
"Okay sabi mo e." nilingon nya ako. "Hmm.. Ano bang nangyari sa inyo ni Tyron sa nakalipas na apat na araw na yon? Ikwento mo nga. Tignan mo oh, para kang butiki."
Mabilis kong binawi sa kanya yung braso ko na hawak nya at pinagmamasdan.
"Oa mo kambal. May nakain naman kami kahit papaano. Tsk. Ang mahalaga, buhay pa rin ako hanggang ngayon kaya wag mo na akong birahan ng mga tanong mo. Saka tignan mo yun." itinuro ko yung sumisikat na araw.
"The dawning of the sun, symbolizes new beginning. Kaya wag ka nang magtanong about sa mga nangyari satin pare-parehas sa nakalipas na apat na araw. Magfocus nalang tayo sa ngayon, at sa bukas."
"Daming alam." Christian snorted kaya sinapok ko uli sya.
"But, there's one thing I'm so excited to tell you." bingyan ko sya ng makahulugang tingin na sya namang ikinangisi nya.
At ayun, ikwinento ko na yung tungkol sa mga nakita naming note nila Zinnia pati na rin kung ano yung status nya ngayon. Nakakapagtaka nga lang dahil kasama namin sila Renzo nang matuklasan namin ang mga bagay na yun pero mukhang wala silang nabanggit ni isa man kay Christian. Eto kasing kakambal ko, although pangisi-ngisi lang sa tabi ko habang nagkukwento ako, halata pa rin naman sa kanya na amazed din sya sa mga nariring nya. At nararamdaman ko rin
sa loob ko na unti-unti na syang naeexcite at nabubuhayan ng loob.
Magandang senyales to.
"I'm very much excited with that big twist in our story you are talking about. Hmmm.." ngingisi-ngising bulong nya.
"And we should also consider her warning. Or should I say, her standards. And that only means.."
"No more playing for our group. We should take her warning seriously. Para sa huli, walang magiging problema." pagpapatuloy nya sa sinabi ko. Hinigpitan ko naman ang hawak ko dun sa baril ko na binigay sakin ni Fionna.
"Kaya as soon as possible, kailangan na nating umpisahan. Umpisahan ang mas lalo pang pagpapalakas sa grupo natin. Wala na tayong oras para sa mga kung anu-anong laro at paglilipas oras natin. Kailangan, pag nagkita na yung grupo natin at grupo ni Zinnia, mami-meet nating lahat yung standards nya. You know her. Ayaw nya sa mahihinang tao."
"Yes. At idagdag pa yung fact na, hindi lang sila Zinnia ang kailangan nating paghandaan. You know what I'm saying." ngumisi uli ang magaling kong kakambal kaya napangisi na rin ako. Tinapik tapik ko rin sya sa balikat.
"Do you think, we should start now?"
Isang makabuluhang katahimikan ang nangibabaw sa amin matapos kong itanong yun. Kaya saglit ko munang inalis ang atensyon ko dun sa araw na ngayon ay sumikat na. Nilingon ko sya. Nilingon ko sya only to find out na pulang-pula na yung mukha nya sa sobrang pagpipigil ng tawa.
"May twin sister is so damn hot. Uso ring magpahinga no? Hahahaha." inakbayan nya ako. "So basically, we'll start tomorrow. But for today, try to relax a little bit. You should take a break. Don't stress yourself too much."
Napatango nalang ako ng mabagal habang unti-unting isinasaksak sa isip ko yung mga sinabi nya.
Yeah, it's true.. And after all that I've been through, these past few days, I really should take a break. Mahirap nang madrain ng tuluyan. Mas mahirap makarecover. At mas matagal.
Kinapitan ko ang braso ni Christian at niyakap sya.
"Deal. Bukas nalang. Pahinga muna ngayon."
"Yes. And about dun sa bago nating members, natutuwa ako na nakita mo sila. I knew them. Minsan ko na silang na-meet dahil kay Zinnia. Kaya, no worries. We can trust them."
Napangiti ako.
I know right. Nung una medyo nagdududa pa ako. Pero nung makasama ko na sila at nalaman ko ngang kaibigan sila ni Zinnia, I dropped all my doubts. They are trustworthy.
"At habang nagdi-dinner kami kahapon, dinner na dinitch mo, I already introduced them to the group."
"Ah good.." bulong ko.
"But not good for you. Hindi mo pa nasasabi sakin kung bakit pagkarating nyo kahapon, bigla kang nawala at ngayon ka lang nagpakita. Nag-iyakan nanaman kaya yung tatlong babae akala, wala ka na naman."
Siniko ko sya.
"Don't dwell on the things that happened yesterday. Focus on what's going on today. And what will be tomorrow."
Tinignan nanaman nya ako ng makahulugan. Kaya irap nalang ang ibinato ko sa kanya.
"Okay fine! I don't care if you believe me or not! Pero nag LBM ako kahapon kaya sa banyo muna ako nagstay! Tsk. Dyan ka na nga!" sabay lumayas na ako sa tabi nya.
"Teka. I was just kidding. Hahaha." hinablot nya uli ako at niyakap. "I missed you a lot, kambal."
"Tss. Clingy jerk twin brother! Oo na! I missed you too! Pero pwede ba bumitaw ka na?" kumawala ako sa kanya. "I'll cook breakfast. At habang naghahanda ako ng kakainin natin, ihanda mo na rin yung speech mo sa kanila. About dun sa uumpisahan na nating training bukas." pahabol ko.
And if I say training, hindi na ito yung training na katulad nung dati na puro laro lang. Because once the sun dawns tomorrow..
.. patayan na rin ang paghahanda namin.
"I know that look on your face, kambal. It gives me creep. Pero bukas pa yan. Relax lang muna ngayon, ha?"
I nod before making my way down.
Relax muna ngayon , Crissa! Wag masyadong hot! Baka masunog ka. Or makasunog ka.
*****
"Huli ka. San ka pupunta ha?"
Napahawak ako bigla sa dibdib ko habang mabagal na nililingon yung kung sinong maligno na bigla nalang nagsalita sa may likuran ko at bigla nalang ding itinulak ang balikat ko.
"Peste ka, bestfriend! Ikaw lang pala yan. Wag kang maingay!" pabulong kong sigaw.
"Sabi na e. Tatakas ka nanaman." naniningkit ang mata nya habang iniestima ang mukha ko.
"Alam naman ni Christian na magpe-prepara ako ng kakainin natin e."
"Sus. Pero yung katotohanan na sa labas ka pa hahanap ng kakainin natin, hindi nya alam." inakbayan ako ni bestfriend Renzo at mahinang sinakal-sakal. "Namiss ko yang kakaulitan mo, Crissa."
"Oo na, oo na. Alam ko na yan bestfriend pero, pwede bang bumitaw ka na? Nang makalarga na ako." pilit akong kumawala sa kanya.
"Sige. Basta ba kasama rin ako e? Sasamahan kita." nakangiting saad nya.
Sasamahan kita..
May biglang akong naalala sa pamilyar na dalawang salita na iyon. Pero pinilit ko ring iwaksi agad sa isip ko dahil hindi ito ang oras para alalahanin yung mga bagay na hindi naman dapat pagtuunan ng pansin.
"Sige na nga. Tsk. Tutal naman, bestfriend kita." sinuntok ko sya sa braso. "May dala ka bang baril?"
"Wala."
"E combat knife?"
"Wala rin."
Sinuntok ko sya ng mas malakas pa. Kapansin-pansin na medyo ininda nya iyon.
"Tignan mo nga. Lalabas ka pero wala kang ni ano mang armas? Tss. Maiinis mo ako nyan, bestfriend e. Dali. Kumuha ka doon." itinulak ko sya sa may direksyon ng pinto.
"Tas pagbalik ko dito, wala ka na? Iniwan mo na ako?"
"Drama mo bestfriend. Wala tayo sa koreanovela no. Dali na, baka magbago pa isip ko at talagang iwanan na kita. Tsk." inirapan ko sya.
"Sige. Saglit lang."
Ngumisi nalang sya sakin bago tuluyang pumasok sa loob. Ako naman e, pasimpleng umupo at nagkubli doon sa tabi ng van namin na nakaparada dito sa garahe. Napatingin naman ako dun sa pick-up namin dahil ipinarada na rin pala nila ito dito sa loob. Tas yung sasakyan nila bestfriend Renzo, andun sa may labas. Hmm. Di ko napansin to kahapon ah?
May narinig akong mga yabag na naglalakad malapit sa akin kaya mas pinagbuti ko pa ang pagkukubli ko.
Si Alex, Elvis, at Sedrick.
"Himala, hindi ata sila nagpaparamdam nitong mga nakalipas na araw?" sabi ni Alex na may hawak na mug ng kape. Naaamoy ko kasi yung aroma e. Kopiko blanca ata. Hahahaha.
Ganun din si Sedrick na nasa tabi nya, humihigop.
"Tahimik sila. Pero anong malay natin, baka mamaya may ginagawa na pala silang plano laban sa atin?" sabi ni Sedrick sabay baling kay Elvis na nakahawak sa baba nya.
"Malaki ang posibilidad na ganon nga. Pero hindi ba mas nakakaexcite pa yon? Ibig sabihin lang nyan, mapapalaban talaga tayo." nakasuot na sya ng leather jacket kaya hindi ko matantya kung may benda pa ba sya sa kaliwang braso nya. Pero kapansin-pansin naman na magaan na syang kumilos ngayon.
Napangisi ako sa isip-isip ko. Alam na nga talaga nung mga lalaki yung nangyayari sa paligid namin ngayon. Pati na rin yung threat sa mga buhay namin. At nakakatuwa lang makita na imbes na natatakot at kinakabahan sila, kabaligtaran nun yung makikita sa mga mukha at aura nila.
Ginagahan tuloy ako lalo.