Crissa Harris' POV
Hmm. Yung mga babae kaya, may alam na? Di bale na nga. Tutal naman mag-uusap-usap na kami mamaya, ipapaubaya ko na kay Christian ang lahat. Para isang bugahan nalang din. Wala pa rin kasing alam dito si Owen at Fionna dahil nga, bago lang sila.
"Alam na ba ni Crissa ang tungkol dito?" - Alex
"Seryoso pare, tinatanong mo yan? Si Crissa pa ba? Tsk. Kung naririnig lang nya yang sinasabi mo ngayon, baka binaril ka na non." tumatawang sabi ni Elvis habang si Sedrick naman ay napailing nalang din. Bahagya pa akong kinabahan dahil parang tumitingin-tingin sila sa gawi ko.
"Sa mga kambal, kung alam nung isa, imposibleng hindi alam nung isa pa." sabi ni Sedrick.
Oo nga, oo nga. Imposibleng wala akong alam dahil ako pa nga ata ang unang nakadiskubre at nakasense na may sumusunod na panganib samin. Tss. Saka hindi ba alam nito ni Alex yung tungkol doon sa papel na nakita ko sa may van namin nung me sakit ako? Yung death threat? At wala man lang nagsabi sa kanya? Nako! Barilin ko silang lahat e!
"Oh, nandyan pala kayong tatlo?"
Napalingon silang lahat dun sa likod nila. At kahit di ko makita, alam kong si bestfriend yung bagong dating na yon.
"Hindi pare. Kaluluwa nalang namin to. Mumu na kaya kami. Awoooo.." pangloloko ni Alex.
"Bigyan mo ko ng mapa para mahanap ko kung nasaan ang joke dun sa sinabi mo, Alex. Tss." sagot ni bestfriend.
Boom.
Nagpigil ako ng tawa. Savage dun si Alex ah? Hahaha. Namiss ko tong mga ganitong banatan nitong mga lalaki na to.
"Bakit dala-dala mo yang assault rifle mo, Renzo? Lalabas ka ba ha?" tanong ni Elvis.
"Secret. No clue. Basta kayong tatlo, pumasok na kayo doon. Hinahanap kayo ni Christian. May ipapagawa ata sa inyo. Alam nyo na, yung tungkol doon sa ano."
Natigilan naman yung tatlo at parang biglang sumeryoso ang mga mukha. Kung hindi ako nagkakamali, yung tinutukoy ni Renzo ay yung tungkol sa mga pinaghahandaan namin. Alam na rin pala nya ang tungkol doon.
Naglakad na yung tatlo at tuluyang nawala sa paningin ko. At as soon as maramdaman ko at masiguro kong nakapasok na nga silang tatlo, dali-dali ko na ring hinaltak si Renzo paalis.
"Dali bestfriend. Baka may makakita pa sa atin e." bulong ko sa kanya habang pumupuslit ng maingat sa gate.
Nginisian lang nya ako at patuloy na nagpahaltak sakin. Siguro mga tatlong kalye na rin ang nilikuan namin bago ko napagpasyahang bitawan na sya at tigilan na ang pagkaladkad sa kanya. Nang makabawi naman ako sa hingal ko ay hinarap ko sya. Pero hindi na rin kami nag-abala pang maglakad g mabilis at binagalan nalang namin.
"Bestfriend, hindi nyo ba nasabi nila Harriette at Lennon kay Christian yung tungkol dun sa mga note ni Zinnia na nakita natin sa campus nila?.." tanong ko. Bigla ko nalang din kasing naalala yung tungkol dun.
"Nasabi. Pagkarating na pagkarating kaya namin dito, yun na agad ang pinag-usapan namin. Sa totoo nga lang e, parang yun pa ata yung mas pinagtuunan ng pansin ni Christian kesa dun sa pagkawala nyo ni Tyron. Tss. Mukhang hindi ka na mahal ng kakambal mo Crissa.." nakapout na sabi ni betfriend Renzo.
Ewan ko pero imbes na malungkot at umiyak dahil sa pang-iinis nya, napa pokerface nalang ako. Tss. Ang husay naman talaga ng kakambal ko na magpanggap na walang nalalaman.
Paniwalang-paniwala talaga akong clueless sya kanina ah? Ang galing umarte.
Tss. Basta ipaalala nyo nalang sakin na may papasalubungan ako ng mainam na sapak mamaya.
"Crissa, bakit nga pala naisipan mong lumabas pa para magrun ng pagkain? E meron naman dun sa bahay?" pag-iiba ng usapan ni bestfriend. Kunut-noo naman akong lumingon sa kanya.
"Meron ka dyan. Wala kaya."
"Meron nga. Marami dun sa stockroom namin. Nag-uumpisa na kayang magluto sila Renzy at Alessandra dun pagkalabas ko kanina."
Binatukan ko ng malakas ito si bestfriend Renzo.
"E alam mo namang meron, bakit di mo agad sinabi sakin? Ikaw talaga bestfriend! Tsk. Todo takas pa tayo kunwari. De sana pala, tinulungan nalang natin sila doon kesa lumabas pa tayo!" inis na sabi ko. At nung mapalingon ako sa may likod nya, may dalawang undead na papalapit.
Dali-dali ko namang binunot yung combat knife ko para sugurin sila. Pero mukhang napansin at nasense naman agad yun ni bestfriend Renzo kaya inunahan na nya ako. Mabilis nyang pinaghahampas yung dalawa na yun hanggang sa mamatay sila.
"Pag ako ang kasama mo, hangga't kaya ko, ipagtatanggol kita. At kung sakali mang hindi ko na kaya, pililitin ko pa rin." nakangiting sabi nya.
Hindi ko na rin tuloy napigilan at napangiti na rin ako.
"Sus. Drama nitong bestfriend ko. Oo na, oo na. Alam kong love na love mo talaga ako. Huhuhu.. Pero ang oa mo. Undead lang yan oh. Kayang-kaya ko naman yan." hinaltak ko yung kaliwang braso nya at mahigpit na niyakap habang naglalakad na uli kami.
"Kahit na. Iba na yung nag-iingat. Basta pag ako ang kasama mo, automatic na yun. Akong bahala sayo.."
"Tss. Daming alam. Umuwi na nga tayo." teary-eyed na sabi ko at isinandig ko sa balikat nya yung ulo ko. At ganun rin ang ginawa nya. Isinandig nya rin ung ulo nya sa ulo ko.
Pwede naman sigurong mabuhay nang hindi nagkakaroon ng romantic relationship diba? Kasi yung ganitong klase ng kaibigan, sapat na sapat na. Complete package na. Parang hindi mo na kailagan pa nung tinatawag na boyfriend o girlfriend para lang maramdaman na may nagmamahal sayo.
Kasi magkaroon ka lang ng bestfriend na tulad nito ni bestfriend Renzo, sapat na sapat na talaga. Sobra pa nga e. Kaya kuntento na ako dito. Hindi na ako maghahanap ng iba. Hindi na ako maghahanap nung hindi nag-eexist at wala naman talaga..
Pagkabalik namin sa bahay nila, gathered na nga ang buong squad sa may hapag kainan. Pero hindi pa naman sila nag-uumpisang magkainan dahil mukhang inaantay pa sila.
Hmm. May bisita kaya kami?
Wait.
Hindi kaya darating si Charlie Puth at Shawn Mendes? Kaya may dalawa pang plato na nakalabas? Oh my! Pakitignan ang mukha ko! Baka may muta, kulangot or kulugo.
Nakakahiya!
"San kayo galing na dalawa?" pokerface na tanong ng magaling kong kakambal.
"Dyan lang sa labas. Naghanap ng pogi! Hahahahaha!" pagbibiro ko.
Tinignan lang ako ng masama ni Christian. Pero as soon as makapagsalita ako, nagsilingunan agad yung tatlong babae na nakatalikod sa may entrance ng dining room. Bigla na rin silang tumayo at nagkandarapa na lumapit sakin. Mamamatay-matay naman ako nang yakapin nila ako ng mahigpit.
"Crissa, namiss ka talaga namin.." iyak nung tatlo. At mas hinigpitan pa ang yakap sakin.
Napangiti nalang ako at ginantihan ang yakap nila.
"Ako rin. Sobra.." bulong ko. Pagkatingin ko naman dun kay Alex at Elvis, naka pokerface lang sila.
"Dadrama putcha. Parang tatlong taong di nagkita." - Alex
"Ganyan talaga pag bakla. Mga baklitang babae." - Elvis
Kumalas ako sa pagkakayakap dun sa tatlong babae at nilapitan ko agad yung dalawa pang lalaki na nagsalita.
"Inggit na naman kayo? Miss na miss nyo talaga ako, no?" sinakal ko sila parehas gamit ang magkabilang braso ko. "Namiss ko rin kayo.." mas hinigpitan ko pa.
"Ahkk.. Ahkkk. B-bitaw Crissa.."
"M-malakas talagang m-manakal.. a-ang mga b-baklitaaa.."
Hirap na hirap na sabi nung dalawa. Pero sobra ko talaga silang namiss kaya hindi pa rin ako bumitaw. Naglubay lang ako nang kaladkarin na ako ng magaling kong kakambal paupo sa bakanteng upuan sa tabi nya. Yung iba naman naming kasama, nakatingin lang dun na parang hindi alam kung maaawa ba o matatawa dun sa dalawang lalaki na maduduwal at naghahabol pa rin ng hininga.
"Hindi sila kasama sa dapat nating patayin." bulong ni Christian sabay ngisi.
Ngisi nalang din ang naibalik ko sa kanya at hinarap ko na yung iba pa naming kasama.
"We're definitely back. Namiss ko kayong lahat pero, kumain muna tayo sa ngayon. Marami tayong pag-uusapan mamaya."
Ngumisi yung mga lalaki dahil alam naman na nila kung ano ba yung tinutukoy ko. But as for Owen and Fionna, at pati na rin sa tatlo pang babae, they just smiled cluelessly.
Nagsikainan na nga lang kami. But dahil nga 4 days kaming di nagkikita, tumagal din ang kainan namin dahil sinabayan ng kwentuhan. Andun yung mga lalaki, nagkwento ng mga kayabangan nila. Tas eto namang mga babae, nagdrama uli sakin. Na kung bakit daw dinitch ko yung dinner namin kagabi. Ayoko pa ngang sabihin dahil kumakain kami e. Pero dahil pinilit nila ko, sinabi ko na rin.
"Nagtae ako mga bes. Yung lusaw. Para nang tubig. Kulay pastel yellow. Kaya sa banyo ako nagpalipas ng gabi. Kesa naman magkalat ako sa buong kabahayan nyo, diba Renzy?" nakangising sabi ko.
Natigilan silang tatlo at maya-maya pa..
"Ewww! You're so gross, Crissaaaaa!!" sabay-sabay silang nagsitayuan at lumipat ng ibang table. Pagkatapos naman nilang kumain, bumalik na uli sila dahil magsspeech na ang magaling kong kakambal.
Yung mga babae lang ang nagulat nung nag-umpisa nang ikwento ni Christian yung tungkol sa good news namin. Yung mga sulat ni Zinnia, pati na rin yung kay Isaac Kobayashi at Brandon Matsumoto. At in-elaborate na rin namin kung ano ba yung sinasabi ni Zinnia na magiging big twist sa story namin.
At dahil nga ako naman daw ang nakadiskubre non, hinayaan na ni Christian na ako ang magkwento nun sa kanila.
"There will be a merging of groups. The group of our sister, and the group of ours. Pag dumating na sa point na nagkikita na uli tayo. So great, isn't it? But that won't come easy. Zinnia is Zinnia. Mataas ang standards nya. I know na kahit kaming dalawa ni Christian ay hindi pumasa sa standards nya, kayang-kaya nya rin kaming i-reject at hindi papasukin sa grupo nya. Walang kapatid-kapatid. Kaya, we must all be ready." I paused for awhile at nagpunas ako ng tissue sa bibig ko. "Serious training will start tomorrow. And if I say serious..
.. patayan na to, guys."
Katahimikan ang bumalot samin pagkatapos kong sabihin yun. Nagtinginan sila Harriette at yung mga lalaki naman, nakangisi lang na animo magandang musika ang naririnig nilang sinasabi ko. Kaya sinamantala ko na rin ang pagkakataon at nagsalita uli habang tahimik pa ang paligid.
"And one more thing. Kapag may good news, syempre may bad. Bukod sa paghahanda sa merging ng grupo natin at ni Zinnia, do you ever think of another reason kung bakit kailangan natin ng patayan na paghahanda?"
Nanatili lang silang tahimik. Tinignan ko naman si Christian at nagpahiwatig na ako na sya na ang tumapos sa speech na to.
"Because we are being chased by death also. Not by the walking flesh-eaters. But sa katulad din nating mga tao at buhay pa.."
Umupo ako ng matuwid at nakinig nalang din kay Christian.
"May naghahabol sa ating isang grupo. And yes, gusto nila tayong ubusin. Kung sino sila, hindi ko alam. Kung anong motibo nila, hindi ko rin alam. But one thing is for sure.."
Tinignan ako ni Christian at nagets ko na agad ang gusto nyang sabihin. Isa-isa kong tinignan sa mata ang bawat miyembro namin.
"Hinding-hindi natin sila uurungan. Lalaban tayo. This is the only choice we have. Kaya bukas, mag-uumpisa na tayo sa paghahanda. No time for fooling around guys. Quit playing games. We are all at stake. Gusto nilang patayan?..
We'll grant their wish.."
Tumayo ako sa huling pagkakataon at isa-isang tinignan ng deretso ang mukha nilang lahat.
"But I assure them. The win is ours."