Download App
54.78% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 63: Chapter 61

Chapter 63: Chapter 61

Crissa Harris' POV

"Yehey! Akin na to!" - ako

"Anung sayo? Akin yan." - Tyron

"Tyron naman ehhh.. Ako unang nakakita netooo.." - ako

"Mas nauna akong makakita nyan no." - Tyron

"Pero ako ang nagpakahirap na umabot nyan!" - ako

"Pero ako ang nagpakahirap na pasanin ka para maabot mo yan." - Tyron

Nagpalitan kaming dalawa ng matatalim na tingin. Wala talagang bumibitiw kahit na may nabuo ng kuryente sa pagitan namin. Napansin ko naman na unti-unting bumaba ang mata nya at napunta sa..

.. may bandang labi ko.

At pagkatapos non, bigla na syang umiwas ng tingin at tumalikod. Ako naman, napahawak sa bibig ko.

Wala namang dumi ah?..

"Fine. Edi sayo na.." dere-deretso syang lumabas nang hindi man lang lumilingon.

Ay, anong nangyari don? Nainis agad?.. O baka naman may dumi talaga yung bibig ko at nandiri sya?..

Tinignan ko naman yung hawak kong gitara na kanina pa namin pinagtatalunan kung sino ba dapat ang magmay-ari. Actually, kani-kanina lang yun wala pang 10 minutes. At ganito talaga yung tunay na nangyari..

(Flashback..)

Napagdesisyunan namin ni Tyron na magstay nalang muna dito sa furniture shop. Sigurado naman kaming hinahanap na rin kami ng kakambal ko e. Kaya ayun, pirmi muna kami at hindi aalis dito para maiwasan na magkasalisihan. Mas mahirap yun. Nag-iwan naman na kami ng hint at sign sa ibaba sa pamamagitan ng damit ko dito, diba? Kaya okay na. Gets na rin nila yun.

Ngayon, andito naman kami ni Ty sa attic nitong furniture shop. Naghahanap ng mga kung anu-anong gamit na pwedeng pakinabangan. At medyo naaaliw din naman kami sa mga nakikita namin.

"Wait, gitara yun ah?.." bulong ko. Sinilip ko si Tyron, at ayun. Nakatingin na rin pala sya sa tinitignan ko.

Doon kasi sa ibabaw ng isang malaking wardrobe, may nakapatong na acoustic guitar. Ewan ko pero parang masyado akong naakit nun sa unang tingin ko palang.

Kaya kahit ang laki at ang taas nung wardrobe, di ako nagdalawang-isip na abutin yun. Pero dahil nga sa hindi naman ako katangkaran, ayun waley. Tumingkayad at tumalon pa ako pero still, waley pa rin. Wala naman akong makita na pwedeng tungtungan. Puro mga glassware, vases at figurine mostly kasi yung nandito e. Alangan namang yun pa tungtungan ko diba? Edi pati ako nagkabasag-basag din.

"Waaahh!! Oy teka! Ako na. Ako na aabot!" niyakap ko ng mahigpit yung bewang ni Tyron para hindi sya makapagtingkayad at maabot yung gitara. Pumuporma na kasi sya na aabot e.

Natigilan sya sa ginawa ko. Nung mapansin ko naman kung bakit, mabilis akong bumitaw sa kanya.

"A-ako na kasi aabot.."

"Bakit, abot mo ba?.." humarap sya sakin.

"O-oo naman.."

"Sige nga, pano?.." nagcrossed arms sya at nginitian ako.

At ako naman itong si magaling magpalusot at mahusay mang-uto, nginitian din sya. Pumwesto ako sa likod nya at pinagtatapik ang balikat nya.

"Pasanin mo ko para maabot ko. Hehehehe.. Sakay ako dito, oh.. Pwede?" nagpeace sign ako at pinagtatapik ko pa yung balikat nya.

"Pasalamat ka at hindi kita kayang tanggihan.. Tsk."

"Ha, ano yon?.."

"Wala. Sabi ko, dalian mo na at baka magbago pa isip ko. Tsk."

Napangiti naman ako.

"Hihihi. Thanks, Ty! Ikaw ah, di mo ko matanggihan. Hihihi.."

"Ganun talaga pag mahal.."

Kumunot ang noo ko. Bumulong kasi uli sya e. May narinig akong word na mahal pero hindi ko naman sure kung mahal talaga yun.

Haaayyy.. Makapag cotton buds nga mamaya..

Sumakay ako sa balikat ni Tyron. Medyo nawawala pa nga balanse ko e. Pero inaalalayan nya naman ako. At nung finally naabot at naibaba ko na yung gitara, unti-unting kumislap ang mga mata ko. Masigla rin akong naglakad palabas ng pintuan.

"Yehey! Akin na to!" - ako

"Anung sayo? Akin yan." - Tyron

(End of Flashback..)

Yan ang nangyari. Sa tingin nyo ba, kanino dapat mapunta? Diba sakin? Huhuhuhu. Di bale na nga. Linisin ko muna to. Maalikabok na e.

Bumaba ako sa may 2nd floor. Wala doon si Tyron at hindi ko rin sya nakita nung sumilip ako sa 3rd floor.

Nasaan kaya yun? Nako, baka nilayasan na ko?..

"Haaayy.. Imposible, Crissa. Bakit ka naman iiwan non, aber? Mahal na mahal ka kaya nun.." bulong ko. Pero nang mag-sink in sakin yung sinabi ko, mabilis kong tinapik ang bibig ko.

A-anong mahal mahal!?.. Huhuhu. Baliw na ata ako..

Nilinis ko na nga lang yung gitara bago pa ko tuluyang mabaliw. At habang nililinis ko yun, napansin ko naman yung librong binabasa kanina ni Tyron na nakapatong sa isang couch. Kaya kinuha ko naman saglit. Pagkabuklat ko nung 1st page, halos malaglag ang panga ko sa nabasa ko.

Italian Cuisine Cookbook

"Teka lang. Novel to diba? E bakit naging cookbook?" kumunot lalo yung noo ko nung macheck ko yung iba pang pages. Cookbook nga.

E san naman kaya pinagkukuha ni Ty yung mga pinagsasabi nya kanina?.. Hindi kaya, sya talaga ang may sabi non at seryoso lahat ng yon?..

"Baliw ka, Crissa. Asa ka naman. Hahaha." bulong ko sa sarili ko

Kinuha ko nalang uli yung gitara. Tutal naman wala akong magawa ngayon, tutugtog nalang ako. Syempre, ano pa bang gagawin ko dito sa gitara? Ipupukpok ko sa ulo ko na nababaliw na at kung anu-anong naiisip?..

Hmmm.. Good idea, Crissa. Nang matauhan ka na..

Pesteng inner voice to ah?.. Sumasakay naman. Tsk. Tutugtog na lang talaga ako. Sayang naman tong gitara kung hindi magagamit o kaya ipangpupukpok lang sa ulo ko.

Nag-umpisa na akong i-strum yung intro ng kanta. Hindi ako magaling at bihasang tumugtog ng gitara pero ito namang kanta na to, gamay na gamay ko na. Grade school palang ako, nadidinig ko na to e. Tumatak na rin sakin kasi sobrang subtle at nostalgic ng emotion na pumapalibot dito.

Now Playing: Sundo by Imago

Kay tagal kong sinusuyod ang buong mundo

Para hanapin, para hanapin ka

Nilibot ang distrito ng iyong lumbay

Pupulutin, pupulutin ka

Sinusundo kita, sinusundo

Asahan mo, mula ngayon

Pag-ibig ko'y sa'yo

Asahan mo, mula ngayon

Pag-ibig ko'y sa'yo

Bawat chords na tinutugtog ko, bawat lyrics na binabanggit ko, damang-dama ko talaga. Parang hinugot sa pinakamalalim na parte ng loob ko. Hindi ko rin ba alam pero pakiramdam ko, para sa akin ginawa ang kanta na ito..

Sino nga ba kasi yung tao na dapat kong sunduin?.. Ang tagal ko na ring nag-iintay.. Nasaan na ba sya?..

Sa akin mo isabit ang pangarap mo

'Di kukulangin ang ibibigay

Isuko ang kaba't tuluyan kang bumitaw

Ika'y manalig, manalig ka

Sinusundo kita, sinusundo

Bigla akong natigilan sa pagtugtog at napahawak ako sa may tapat ng puso ko.

Ano ba tong nangyayari?.. Bakit biglang nagflash sa isip ko yung mukha ni Tyron na nakangiti?.. Yung ngiti nya na maamo at nakakagaan ng loob?..

At bakit bigla ring kumabog ng ganito kabilis at kalakas ang puso ko? Parang gusto nang lumabas sa katawan ko.. Hindi ko talaga maintindihan. Pakiramdam ko, mababaliw na talaga ako..

Hindi kaya, nagugustuhan ko na si Tyron?..

Marahas kong iniling ang ulo ko.

"Imposible yun Crissa. Diba, si Sedrick ang gusto mo?.." inilapag ko yung gitara sa isang kama. Umupo ako sa tabi non at saka ko sinapo ng dalawang kamay yung noo ko.

Oo, Crissa.. Si Sedrick ang gusto mo at hindi si Tyron..

Isinantabi ko muna lahat ng naiisip ko at tumayo uli ako. Pero sakto namang nakita ko yung leather jacket ni Ty na nakapatong sa headrest nung kama.

"Crissa, pabukas naman nung pinto.."

Dadamputin ko na sana yung leather jacket pero napatigil din ako. Mabilis naman akong tumakbo doon sa may pintuan para pagbuksan si Ty. At pagkatambad sa akin ng mukha nya na sobrang amo, binalot nanaman ako ng nakakabaliw na pakiramdam.

"Nagluto ako ng sopas. Lunch natin.." napatingin naman ako sa dalawang mangkok na bitbit nya.

"A-ah, nagluto ka pala.. Akala ko, nagalit ka sakin tapos iniwan mo na ako.." sabi ko na pilit umiiwas sa tingin nya.

"Iiwan lang kita kapag sinabi mo. But that doesn't mean na aalis nga talaga ako. I'll always be there. Magbabantay sayo.."

Kumabog nanaman ang dibdib ko pero pinilit ko pa rin na tignan sya nang deretso. Naaalala ko kasi yung novel book na cookbook naman pala talaga.

"I know what you're thinking." ipinatong nya yung mga sopas sa isang center table. At ako naman, nanatili pa ring nakatingin lang sa kanya.

"Hango yan sa nobela ng buhay ko kaya makakaasa kang totoo yan.." lumapit sya uli sakin at saka hinaltak ako. "Wag ka nang mag-isip. Kumain na tayo."

Habang kumakain at hanggang matapos, lutang na lutang ako. Isipin nyo mang tanga ako o bobo o mangmang o gunggong, hindi ko pa rin talaga magets yung sinabi nito ni Tyron.

Hango sa nobela ng buhay nya? At totoo talaga yun? Edi ibig sabihin, nasabi nya na yan sa iba at ginawa nya lang na example para sakin?..

Napabuntung-hininga ako. Akala ko pa man din, sakin nya talaga sinabi yun e.

Umalis ako dun sa couch at humiga ako dun sa kama. Bigla akong nanlata e. Parang gusto kong matulog. Si Tyron naman, ewan ko at san nanaman pumunta. Umalis kasi uli pagkatapos naming kumain.

Hindi ako mapalagay pag umaalis sya. Pero ngayon, parang gusto ko muna talagang magpahinga saglit. Bigla kasing bumigat ang pakiramdam ko..

*****

Siguro, mga 4 na oras din akong nakatulog. Lagpas alas-kwatro na kasi nang magising ako. Kinabahan pa nga ako nung malaman kong wala pa rin si Tyron. Pero ilang minuto lang din ang lumipas, dumating na sya. Naghanap lang daw sya ng makakain namin.

Hindi na sya umalis pagkatapos nun. Nakitambay at nakiupo nalang din sya sa couch na inuupuan ko. Tahimik lang kami at paminsan-minsan lang na nagsasalita. Tumagal pa yung katahimikan namin hanggang maghapunan na. Kaya nung matapos kaming kumain, pinagtig-isahan na namin yung kwarto sa taas at nagpahinga na uli kami.

At ngayon nga na nakahiga na ako sa kama, hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba to sa natulog ako kaninang tanghali o sadyang hindi lang ako mapakali dahil hindi na kami masyadong nagkapansinan ni Tyron.

Actually, parang ako lang naman ata yung hindi namamansin. May mga times kasi kanina na nakikita kong tumitingin sya sakin at nahahalata kong magsasalita na sya. Pero tumitigil lang sya kasi nga, tahimik lang ako at seryoso..

Ewan ko rin ba sa sarili ko at nagkakaganito ako samantalang parang wala naman ata talaga akong dapat ikaganito.. Medyo nakokonsensya tuloy ako dahil sa inasta ko..

Lumabas ako sa kwarto ko at nakita kong dinala nalang ako ng paa ko sa harapan ng kwarto ni Tyron. Ilang buntung-hininga pa ang pinakawalan ko bago ko napagpasyahang kumatok na.

"T-tyron, gising ka pa ba?.. Pwede ba akong pumasok?.."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C63
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login