Download App
51.3% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 59: Chapter 57

Chapter 59: Chapter 57

Crissa Harris' POV

"Crissa, baba muna kami ni Lennon sa 4th floor ah? Maglilibot lang kami saglit." paalam ni Harriette.

Tumango nalang ako. Makakatanggi pa ba ako? E samantalang nakaalis na silang dalawa ni Lennon bago pa ako makapagreact? Tsk. Kapag in love talaga oh.. Hahamakin ang lahat masunod lang ang gusto.

"Ako Crissa, dun sa 2nd floor at 3rd floor maglilibot. Trip kong magbasa ngayon e.." singit ni bestfriend Renzo na nag-iinat.

"Yung totoo, magbabasa ka ba talaga o hahanap ka lang ng sexy magazines?.." tanong ko na tinatatantya-tantya sya sa pamamagitan ng tingin.

Bigla naman syang ngumisi.

"Parehas lang naman yun e. Hahanap ako ng sexy magazine para basahin.." yun nalang ang sinabi nya at saka kumaripas na ng takbo papunta sa hagdan.

Napailing nalang ako at napatawa. Hanggang sa panahon ba naman na ganito, may oras pa rin si bestfriend Renzo sa mga kahalayan nya. Tsk..

Hinarap ko naman yung lalaking nakaupo sa may tabi ko sa kanan.

"Ikaw Ty. Baka may gusto kang gawin? Okay lang naman akong mag-isa dito. Hindi naman kayang lumipad ng undead dito sa rooftop e.." biro ko.

"Hindi. Dito nalang ako. Sasamahan kita.." bulong nya. Kaya tumango nalang ako at ngumiti.

Medyo nasasanay na ako sa linya nyang yan na sasamahan kita.. Pero kahit ganon, hindi ko pa rin maiwasan na makaramdam ng abnormal na tibok sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan e. Alien feeling talaga.. Hindi ko naman kayang sagutin mag-isa kung ano ba to at bakit ganito.. Haaayy..

Inilibot ko nalang yung tingin ko sa paligid. One stop shop ng university itong napuntahan namin. Sa 1st floor, mini grocery. Sa 2nd floor at 3rd floor naman, bookstore. At yung 4th floor, souvenir shop na exclusive items ng university ang tinda. Mga shirt, bags, keychains at kung anu-ano pa.

At ngayon nga, nandito kami ni Ty sa rooftop at nagsye-siesta. Kakatapos lang kasi naming kumain ng tanghalian. Sa grocery sa 1st floor kami kumuha ng pagkain at ini-reserve nalang namin yung nasa survival kit na hinanda ni Zinnia para sa amin.

Sweet yan si Zinnia kahit hindi halata. Hindi nya kami kasama ni Christian pero inaalala nya pa rin kami. Patunay dyan yung mga notes na iniwan nya pati na rin itong survival kit na hinanda nya para sa amin. Kumpyansa rin talaga syang mabubuhay kaming kambal e.. Malaki ang tiwala nya samin dahil kapatid nya kami ..

Pero teka..

May bigla akong naalala. Gusto ko na sanang itanong kay Tyron yung tungkol doon kaya lang, bigla naman akong nakaramdam ng miss call ng kalikasan. Naiihi ako..

"E-eh Ty, wait lang ah? Iihi lang ako. Hehehe.."

Mukhang nagulat sya sa biglaang pagsasalita ko. Lumingon kasi sya saglit sakin pero umiwas din agad.

"S-sige. Hindi naman kita pwedeng samahan kaya dyan ka nalang sa pinakamalapit na banyo magpunta.." sabi nya.

"Hehehe.. Oo. Sa 4th floor lang ako pupunta. Andun din naman sila Harriette e.. Sige. Bye!" tumakbo agad ako dun sa may hagdan pababa.

Natanaw ko pa sa souvenir shop yung loveteam pero I just mind my own monkey business at dumeretso na ako sa may banyo. Agad akong pumasok sa may pinakadulong cubicle at nagbawas. Nung matapos ako, mabilis din akong lumabas at binalikan ko ng tingin yung pintuan ng cubicle na pinasukan ko. May nakasulat kasi doon na dalawang letra.

Zi

Tinignan ko yung gitnang cubicle. May dalawang letra rin na nakasulat sa may pinto nun. Pero iba dun sa una.

Od

Ganon din sa pangatlo at last na cubicle na nasa bungad at katabi lang nung pinto ng banyo.

Mei

Teka. Teka.

ZiOdMei?..

Ano naman yun? Pangalan ng fraternity? O pinagsamang pangalan ng couple? Pero imposible. Tatlong name to e. Ano yun, love triangle lang? Tsk.

Lumabas ako sa ladies washroom at dun naman ako sa gentlemen washroom pumasok. Don't get me wrong huh? Hindi ako nag-intrude dito para mamboso, manilip at manghalay. Mangangalap lang ako ng impormasyon dahil naiintriga talaga ko dun sa mga nakasulat sa pinto ng cubicles sa kabilang washroom. Nagbabakasakali lang akong may makikita ako dito.

Inuna kong tignan yung nasa pinakadulong cubicle. May nakasulat din. Apat na letra.

Bran

Sa gitna naman, tatlong letra..

Isa

At sa cubicle na nasa pinakabungad at tabi ng pinto..

Eri

"BranIsaEri?.." inulit ko yung mga nabasa kong letra at mas lalo pa akong nagtaka at naguluhan.

Ano ba talaga to? Is this some kind of a code? O palaisipan? Or random silly thing na pinipilit ko lang bigyan ng iba at mas malalim pang dahilan? Kahit wala naman talaga?..

Pero hindi. Malakas talaga ang kutob ko dito..

Lumabas na ako dun para tignan sila Lennon at Harriette sa souvenir shop. Pero sa ibang bagay napako ang atensyon ko. Doon kasi sa computer na nasa counter sa loob, may isang papel na nakatapal sa screen noon. At sa papel na yon, meron ding nakasulat..

Pumasok ako sa loob at dumeretso agad ako doon para kuhanin yung papel na iyon. Napatingin sakin sila Lennon at Harriette pero sinenyasan ko naman sila na ipagpatuloy lang nila yung moment nila at wag na nila akong pansinin.

Z.O.M.B.I.E. verus ZOMBIES

Ayan yung nakasulat doon sa papel. At mas lalo lang kumunot ang noo ko dahil doon.

Zombie kontra zombie? E bakit yung isang word na zombie, may letter S sa dulo? Edi plural yun? Ibig sabihin, marami? Maraming zombie? Tapos yung isang word naman na zombie, may tuldok pagkatapos ng bawat letra? May sinisimbolo ba yung bawat letra na yun? Like Z stands for zebra, O stands for octopus, M stands for monkey, etc.?

Hmm.. At posible rin kaya na, may kaugnayan to dun sa nakita ko na mga letrang nasa washroom?

Napangisi ako bigla. Mukhang alam ko na ang sagot sa palaisipan na ito.

"Harriette, ano nga uling name ng kuya mo?" tanong ko. Humarap naman sya sakin na halatang nagtataka ang itsura.

"Isaac. Bakit?.."

Hindi ko sinagot yung tanong nya at nagtanong pa uli ako ng panibago.

"Anong course nya?"

"Criminology din. Katulad ni ate Zinnia.."

"Magkaibigan ba silang dalawa? Or magkaklase man lang?.."

"H-hindi ko sure.. Wala naman syang nababanggit at hindi ko rin naman natatanong.." sagot ni Harriette na mas naguguluhan pa. Kaya bago pa sya makapagtanong uli, lumayas na ako doon bitbit yung papel na nakita ko.

Bumaba ako sa 3rd floor which is yung bookstore nga at naabutan ko dun si bestfriend Renzo na busyng-busy na nagbabasa. Ni hindi nya man lang ako napansin na pumasok kaya maingat akong lumapit sa kanya. Sinilip ko kung ano yung binabasa nya.

"When She's In Love With Your Bestfriend.." nabasa ko nang malakas yung title ng book kaya gulat na gulat syang humarap sakin. Nabasa ko pa sa labi nya na dapat magmumura sya pero di nya na itinuloy nung mapatingin sya sakin.

"Ano yang binabasa mo, bestfriend?.." pinilit kong agawin yun pero itinaas nya naman.

"E-eto ba?.. Wala to. Dinampot ko lang kasi nagandahan ako sa cover." itinapon nya sa kung saan yung libro at saka ginulo ang buhok ko. "I-ikaw ah? Ginulat mo ko! H-hehehe.."

Hindi ko pinansin yung sinabi nya at sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko kasi nagustuhan yung sinabi nya e.

"Don't judge the book by it's cover, bestfriend! Tsk." tinalikuran ko na sya tapos dumampot agad ako ng papel at ballpen. Pagkatapos, lumayas na agad ako doon at umakyat pa-rooftop.

Kakatampo sya e! Huhuhu.. Bookworm ako kaya nasasaktan ako kapag nakakatagpo ako ng mga tao na mas pinapaburang basahin ang isang libro nang dahil lang sa maganda at eye-catching ang cover nito..

I'm not saying na lahat ng librong maganda ang cover, pangit ang laman. Pero sana man lang bigyan nila ng chance yung may mas simpleng cover dahil baka naman nag-uumapaw ang laman nun.. Huhuhu..

"Ang tagal mo namang umihi. 10 minutes." gulat akong napatingin sa tuktok ng hagdan. Nandoon si Tyron at nakasandig.

"Naorasan mo talaga ako?.."

"Oo. Sabi mo kasi sandali ka lang e. Tsk." tinalikuran nya ako kaya dali-dali ko naman syang hinabol. Umupo sya uli sa inuupuan nya kanina kaya umupo nalang din ako sa pwesto ko.

Kinuha ko yung papel at ballpen at sinimulan kong i-jot down yung nabubuong conclusion ko. Napansin ko na sinisilip ni Ty yung ginagawa ko kaya mabilis ko namang iniwas at tinakpan. Wala pang isang minuto, natapos ko nang isulat yun. At napangisi nalang ako nang makita ko yung resulta.

Perfect..

Tumingin ako kay Tyron at napangisi ako. Bago ko sabihin sa kanya yung tungkol dito, may itatanong muna ako.

"Anong pangalan ng kuya mo Tyron? Saka anong course nya?.."

Mukhang naguguluhan pa sya sa biglaang itinanong ko. Pero nung sinenyasan ko sya na magsalita na, nagsalita rin naman sya eventually.

"Brandon Matsumoto. Criminology sya and graduating na sya dapat."

Mas lalong lumaki yung ngisi ko. Hindi ko na rin napigilan pang magsalita. Kinagat ko nang madiin yung labi ko bago ako nagsimula.

"Si Isaac Kobayashi na kuya ni Harriette at yung kuya mo naman na si Brandon, isa sila sa bumubuo sa grupo ni Zinnia."

"W-what? How?.." mabagal syang tumingin sakin. Pero imbes na sagutin yung tanong nya, ipinakita ko nalang sa kanya yung isinulat ko sa papel.

Z- ZInnia

O- ??? (OD)

M- ??? (MEI)

B- BRANdon

I- ISAac

E- ??? (ERI)

Saglit nyang pinasadahan ng tingin iyon pero mas lalo lang kumunot ang noo nya.

"A-anong ibig sabihin nito?.." naguguluhan yung tono ng boses nya. Medyo naaliw akong pagmasdan yung mukha nya na ganon dahil para syang bata na naguguluhan sa homework nya. Hihihi..

Napabalik naman ako sa sarili ko nang tignan nya ako sa mata. Napilitan naman tuloy ako na magsalita na uli.

"H-hehehe. Take a closer look. The word zombie coincidentally stands for the member's names of Zinnia's group. Sila yung iba pang nakaligtas. How did I know? Nakita ko sa labas ng mga cubicle sa ladies washroom ang mga initials na yan. Yang mga naka-all caps. Zi-Od-Mei. Tapos sa washroom naman ng lalaki, Bran-Isa-Eri. So nabuo sa isip ko na baka natripan nilang isulat yung first 1-4 letters ng name nila doon mismo sa pinto ng cubicle na ginagamit nila sa araw-araw. Kung ano yung rason, di ko lang din alam. Nadagdagan pa yung kutob ko nang makita ko to doon sa souvenir shop." inabot ko kay Ty yung papel. "Z.O.M.B.I.E. versus ZOMBIES. Yung word na zombie na may tuldok after every letter, initials nilang anim yun. Zinnia, Od, Mei, Brandon, Isaac and Eri vs. Zombies. Ang galing nga talaga dahil eksakto yung initials nilang anim sa word na zombie."

"And na-confirm ko lang talaga ng tuluyan nang malaman ko yung pangalan at course ng kuya mo at pati na rin ng kuya ni Harriette. Brandon at Isaac. Siguro magkakakilala silang tatlo kaya nagkasama na talaga sila? At hula ko rin, si Mei yung baby M na tinutukoy ni Zinnia na kamuntikan nang ma-rape nung anim na undead sa clinic.. Ewan ko lang kung sino yung Od at Eri. I don't have an idea who they are.." pagtatapos ko dun sa nabuong conclusion ko.

Natahimik naman si Tyron at pinasadahan uli ng tingin yung mga papel na inabot ko. Hindi ko mabasa yung reaksyon nya dahil parang naging neutral. Kaya hindi ko alam kung tumpak ba talaga yung conclusion ko o may mali din. Pero maya-maya lang, nakita ko na syang umiling at ngumiti. Ginulo nya rin ang buhok ko at pinagtatapik ang ulo ko.

Gusto kong itanong kung bakit sya gumaganon. Pero sa iba na nabaling atensyon ko nang kuhanin nya yung isang bag na reward samin ni Zinnia. Kinuha nya rin yung dalawa pa at inilapag sa harap namin.

"Didn't you know that these bags is exclusive only for criminology students?" may kinuha sya doon sa loob ng bag at inabot sakin.

Isang dog tag. Na may naka engrave na Zinnia Harris.

"Sa loob ng bawat bag, may ganyan. Identity ng nagmamay-ari ng bawat bag." yung ibang bag naman ang binuksan nya. Nag-abot sya sakin ng dalawa pang dog tag kaya binasa ko yung nakasulat.

Isaac Kobayashi

Brandon Matsumoto

Tumingin ako ng eretso kay Tyron at hindi ko na naiwasan pang ngumiti ng sobrang lapad.

"So ibig sabihin nito.."

"Magkakasama nga yung mga kapatid natin.. Tama lahat ng speculations mo." pagtutuloy nya sa gusto kong sabihin na mas ikinalapad pa ng ngiti ko.

Sino ba namang hindi matutuwa dito sa nadiskubre namin? Ang laking advantage nun na ang mga kasama ni Zinnia, kapatid ng dalawa pa naming kagrupo. Totoo ngang wala na kaming dapat pang alalahanin. Siguradong ligtas nga talaga sya. Idagdag pa yung fact na, kuya ni Tyron yung isa sa kasama nya. Bakit? Simple lang.

Siguro, kung gaano kalaki yung assurance na ligtas ako kapag kasama ko si Tyron, ganun din yung nararamdaman ni Zinnia kapag kasama nya si Brandon. I'm not sure what personality he has, but kung pagbabasehan yung nakikita namin dito kay Tyron, sigurado akong he is much more superior.

Ewan ko. But something's telling me that he is really strong. Yung tipong sa sobrang lakas ng aura at personalidad na taglay nya, maba-bother ka..

Tumingin uli ako kay Tyron at bahagya ko syang sinapak sa balikat nya. Isinantabi ko na rin muna yung mga iniisip ko.

"Ikaw ah? Kunwari, wala ka pang alam kanina. Yun pala, may nadiskubre ka na rin." nakangusong sabi ko. Ngumisi naman sya at inayos na yung mga bag.

"I'm just testing kung magtutugma yung mga conclusion natin. And it turned out that, it does.."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C59
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login