Download App
52.17% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 60: Chapter 58

Chapter 60: Chapter 58

Crissa Harris' POV

Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan sya. May twinepathy na rin ata kaming dalawa e. Lahat ng iniisip namin, nagtutugma. Para bang konektado yung isip namin sa isa't-isa.

And I admit, ngayon masasabi ko na talagang masayang-masaya ako na kasama ko sya..

Hindi ko namalayang humarap na pala uli sya sakin kaya nahuli nya akong nakatingin sa kanya. Nagkatitigan kami ng mata sa mata. I want to look away pero parang may nagpause saglit ng moment na yun at nanatili nalang kami sa ganon. Unti-unti kong nakita yung pagbuo ng ngiti sa labi nya. And yung labi ko, nagkaron na rin ng sariling kusa at ngumiti pabalik sa kanya.

Hindi sapat ang word na magical para idescribe yung moment na yun. Naramdaman ko nanaman uli yung alien feeling sa loob ko at parang mas tumindi pa. Parang gusto nang kumawala at lumabas sa katawan ko..

Ano ba to?..

"H-hehehe.. D-dyan ka lang ah?.." pagsesegway ko. Umakma akong tatalikod na pero agad na nya akong hinaltak sa braso.

And I swear para akong biglang nakidlatan dahil doon..

"Saan ka pupunta?.."

"A-ah, tatawagin ko na sila.. M-mabuti pang hanapin na rin natin si Christian, diba? Para maibalita na rin natin tong nadiskubre natin.. Kawawa naman sila e. Naghahanap sila sa wala. Hehehe.."

"Better. Sige ako na tatawag sa kanila."

Hindi na ako nakapagreact dahil mabilis na syang tumalikod at pumunta sa hagdan.

Pinagmasdan ko nalang sya hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. Naglakad-lakad naman ako sa kabuuan nung rooftop. At dun sa may part na hindi namin nakikita pa, may nakita akong mga bagay na pamilyar na pamilyar para sakin. At para na rin sa lahat ng addict sa Grand Theft Auto.

Molotov. Isang uri ng explosive. Bote na nilagyan ng gasolina at tela sa loob na kapag inihagis mo, sasabog at gagawa ng apoy. Pero syempre, sisindihan muna.

Hmm.. Siguro, kila Zinnia rin to? Iniwan nila para in case na kailanganin namin. Malaking tulong to lalo na kapag na overrun kami (na wag naman sanang mangyari..)

Maingat kong hinakot yung limang pirasong molotov sa malapit sa bag namin. Triple yung ingat ko dahil kapag nailaglag ko man ang isa dito, sure deads na ako. Hahaha. O kung hindi man, toasted na ako.

Saktong pagbaba ko nung panghuling piraso, bumulaga agad sakin ang mukha ni Tyron na may ewan na expression. Kasunod na nya yung tatlo pa at pare-parehas na hinihingal. Saglit syang tumingin dun sa mga hinakot ko pero agad ding bumalik yung tingin nya sakin.

"May problema tayo.." seryosong sabi nya.

"P-problema?.."

Imbes na sagutin yung tanong ko at ipaliwanag kung ano ba yung tinutukoy nya, hinaltak nalang nya ako sa may grills ng rooftop at itinuro yung nasa ibaba. And upon seeing a huge horde of undead na nakapaligid na sa harapan ng building na ito, bigla nang sumabog ang matinding kaba sa dibdib ko. Nakagat ko pa lalo ng madiin yung labi ko nang marinig naming lahat na nabasag na yung glass door sa first floor.

Huminga ako ng malalim at pinilit kong pakalmahin yung sarili ko. Kahit na ba parang lalabas na yung puso ko sa kaba. Sino ba namang hindi? E delikadong-delikado na kami. Malapit na kaming maoverrun.

"Guys, madalian na to. Kailangan na nating makahanap ng paraan para makaalis dito." sabi ko.

"P-pano yan? Marami nang nakapasok na undead. At marami pang pumapasok.. S-san tayo dadaan?.." kabado na ring sabi ni Harriette habang sumisilip sa ibaba.

"Sa emergency exit.."

Napatingin kaming lahat kay Tyron. Sinusukbit na nya yung isang bag. Si Renzo at Lennon, sinukbit na rin yung dalawa pa. Ako naman, pumunta sa likurang part. Sinilip ko yung ibaba, at nakaramdam ako ng relief nang makita kong iilang undead lang yung nasa likod.

"Alright. Pwede tayo sa emergency exit." sabi ko na pumupulot ng dalawang molotov. Ibinigay ko kay Harriette yun tapos kumuha ako ng dalawa pa para sa akin.

"Let's go. Baka makaakyat pa yung mga halimaw dito."

Pinangunahan ko na silang pumunta sa emergency exit. Hindi ito yung typical exits na nasa loob mismo ng building. Ito kasi, nasa labas. Nung makababa kami hanggang 2nd floor, napatigil agad kami nang makita naming may isang grupo pa ng undead na nag-aapproach papalit sa kinaroroonan namin.

Hindi ko na inaksya ang pagkakataon at gumawa nako ng paraan. Hinagis ko yung isang molotov dun sa grupo ng undead na papalapit palang samin. Kasabay ng pagsabog at pagkasunog nila ay ang paglihis naman ng atensyon nung ilang undead na nasa ibaba ng exit.

"Go. Mauna na kayo.. Susunod kami." bulong ko dun sa tatlo.

Tumango si Lennon at naunang maglakad. Kasunod nya si Harriette at Renzo. Kami naman ni Tyron, alerto pa rin at palinga-linga sa paligid. Mahirap na, baka may nakakapuslit na palang undead nang hindi namin alam.

Nakipaglaban pa silang tatlo pagkababa nila. May ilang undead kasi na lumalapit. Magmamadali na sana akong bumaba para umalalay sa kanila. Pero halos murahin ko na yung sarili ko nang makapa kong walang nakasukbit na shotgun sa balikat ko.

"Peste. Argghh!! Nakakainis!!" sa sobrang inis ko, hinagis ko yung isa pang molotov na hawak ko sa mga undead na nasa hindi kalayuan.

"Harriette, Lennon, Renzo, mauna na kayo dun sa labas!" sigaw ko. Tumingin pa sila sakin na nagtataka pero nung sinamaan ko sila ng tingin, tumakbo na rin sila paalis.

Humarap naman ako kay Tyron at kinapitan ko sya sa braso.

"Tara, naiwan ko sa rooftop yung shotgun ko. Samahan mo ko.."

"Hindi ba mas delikado pag binalikan pa natin? Baka pagbalik natin dito, triple na yung dami ng undead na sasalubong satin.."

"Saglit lang naman e. Saka isa pa.." huminto ako saglit at saka binigyan sya ng matipid na ngiti. ".. magkasama naman tayo. Kaya naniniwala akong walang mangyayaring masama satin.."

Hindi ko na sya hinayaang makapagreact pa at hinaltak ko na sya sa rooftop. Bumaba rin naman agad kami nang makuha namin yung shotgun ko.

"Shit.." bulong ko habang pinagmamasdan yung eksenang nadatnan namin sa may exit.

Nagdilang-anghel si Tyron. Mukhang mati-triple nga yung undead na naghihintay samin. Wala na yung mga nasa paligid ng exit pero napakarami naman naming natatanaw mula rito na papalapit pa. Masyado siguro silang na curious dahil sa pagsabog at sunog na gawa nung molotov na ginamit ko.

"Wag. Wag ka nang gumamit nyan. Umalis nalang tayo ng mabilis dito.." pagpipigil ni Tyron sa akin nang dapat ay magpapaputok na ako gamit yung shotgun ko.

Hawak-hawak nya ang braso ko habang nauuna syang bumaba. Siguro dahil na rin sa alien feeling na palagi kong nararamdaman sa kanya, ako naman to si tangang nakalaktaw ng tapak sa baitang ng hagdan kung kelan nasa panghuli na. Kaya ang labas, napabitaw bigla ako kay Tyron at napasadlak ako ng upo sa sahig.

Shete lang. Bukod sa sakit na nararamdaman ko galing sa pwet kong tumalbog, naramdaman ko nalang din ang matinding sakit sa may paa ko. Partikular na sa parteng may joint. Yung bukong-bukong.

Tae. Sprain to panigurado..

Magagalit at magtatampo na dapat ako kay Tyron dahil hindi nya ako tinulungan o nilingon man lang. Nanatili lang kasi syang nakatayo at nakatalikod sa akin. Pero nung nakita kong, binunot na nya yung pistol nya at pinaputukan yung mga undead na nakakapuslit na papunta samin, bigla naman na akong natauhan. Kinuha ko na rin yung shotgun ko at nagpaputok na ako kahit na nakasadlak pa rin ako sa sahig.

Ba yan. Bilis kong magdrama samantalang yung kaligtasan pa rin pala namin ang inaalala at inuuna nya. Nakokonsensya tuloy ako. Huhuhu..

Parehas naman kaming napatigil sa pagbaril nang sa di malamang dahilan, may nakita kaming nagpapaputok mula sa kung saan. Tinatarget nya rin yung mga undead na binabaril namin. Kita namin na doon sa may maraming puno na part galing yung pagpapaputok pero hindi namin makita ng partikular kung nasaan sya.

"Umalis na kayong dalawa! Ako na bahala dito!" sigaw ng isang pamilyar na boses ng lalaki.. Pamilyar pero nasisiguro kong hindi galing sa grupo namin.

Nagkatinginan pa kami saglit ni Tyron para iabsorb yung kasalukuyang nangyayari. Pero mabilis nya naman akong inalalayan patayo nang kamuntikan na akong madaplisan ng bala na pinapaputok nung unknown na lalaki na yon.

"Gaya na nang sinabi nya, ipaubaya na natin sa kanya to.." bulong ni Tyron habang inaakay ako.

"K-kilala mo ba kung sino?.. Pamilyar sa akin e.." tanong ko pabalik. Mabilis kaming naglalakad kahit na hirap na hirap ako dahil sa sakit ng paa ko. Dinig na dinig pa rin namin yung putok ng baril na pinapakawalan sa likod namin.

Tanging shrug nalang ang naisagot ni Tyron sa akin at nagpatuloy pa kami sa paglalakad. At inaamin ko, naging mas mahirap pa yung sitwasyon naming dalawa ngayon. Ako na injured, pinipilit pa rin na magpataob ng mga undead sa paligid. At sya naman na umaakay sakin, ganun din ang ginagawa. Yun nga lang, batid ko naman na mas doble pa yung hirap nya dahil bukod sa ingat na ingat na sya sa pag-akay sakin, may dala dala rin syang mabigat na bag sa likod nya. Idagdag pa yung fact na priority nya rin na maitaob lahat ng undead na nag-o-obstruct sa way namin.

Tumigil saglit si Tyron sa paglakad kaya tumigil din ako. Nakita kong hinubad nya yung bag sa likod nya kaya mabilis agad akong nagreact.

"O-oy, anong ginagawa mo?.." tanong ko. Ibinaba nya na rin kasi yung bag sa sahig.

Hindi naman sya sumagot at lumapit nalang sakin. Bahagya rin syang yumuko sa harapan ko at itinuro yung likod nya.

"O-oh bakit? Kakamutin ko? Makati ba?.."

"Tss. Baliw. Wag ka nang magtanong. Sumakay ka na at baka maabutan tayo nung mga undead dito."

Gulat akong napatingin ng deretso sa kanya.

"H-hindi mo na kailangang buhatin pa ko Tyron. Kaya ko naman e. Saka bag yan ng kuya mo. Mahalaga yan. Hindi nating pwedeng iwanan." paliwanag ko. Pero ikinagulat ko nalang yung sumunod nyang ginawa. Pwersahan nya na akong binuhat na parang yung pagbuhat nung groom sa bride nya. Nag-umpisa na rin syang tumakbo papunta sa kung saan.

"Mas mahalaga ka.." seryosong bulong nya na ikinaabnormal nanaman ng tibok ng puso ko.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C60
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login