Download App
49.56% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 57: Chapter 55

Chapter 57: Chapter 55

Crissa Harris' POV

Lutang. Lumulutang sa kalawakan kasama ang mga planeta at bituin.

Yan ang nararamdaman ko ngayon habang tinutumbok namin yung way papunta doon sa Physical Education and Sports Science Activity Center. Bakit naman ang hindi? E samantalang itong lalaki sa kanan ko, wagas makaakbay sakin?

Actually, parang hindi na nga akbay to e. Huhuhu.. Nakayakap na sya sakin. Ni hindi ko na nga nagagawa pang lumaban sa mga undead na nakakasalubong namin dahil sya na mismo ang gumagawa e. Ipoporma ko palang yung shotgun ko, tapos na syang magpaputok gamit yung Spas-12 shotgun nya. Ganun ka bilis.

Si bestfriend Renzo sa kaliwa ko, ganun din ang ginagawa. Walang habas na pinapuputukan ng pistol yung mga nasa kaliwa namin. Hindi ko pa nakikitang ginamit nya yung assault rifle na nakasukbit sa balikat nya. Baka nire-reserve nya pa para ipangtadtad mamaya. Who knows, baka mas malaki-laking horde ng undead ang maka-engkwentro namin.

Yung LenEtte loveteam naman, ayun at nagpapaputok din. Nasa likuran kasi namin sila e. Sila yung in charge dun sa mga pumupuslit at pumopormang halimaw sa likuran.

Napansin ko naman na parang medyo dumadami pa yung undead na lumalapit samin dito sa labas ng PESSAC. Dahil na rin siguro sa kabi-kabilang pagpapaputok namin ng baril kaya nakuha na rin namin ang atensyon nila.

"E-eh, Tyron? Pwede bang lumaban na rin ako?.." bulong ko sa kanya. Pano we, ang higpit pa rin ng akbay nya sakin.

"Sige. Basta wag kang lalayo ng isang dipa mula sakin.." bumitaw sya ng akbay.

"H-ha?.. Bakit naman?.."

"Para nga mababantayan kitang mabuti.." yun nalang ang sinabi nya at tumulong na sya kay Renzo na bumaril. Ewan ko kung imagination ko lang ba yun pero parang nakita ko syang ngumiti bago tumalikod.

Hmm.. Weird naman neto. Pano nya kaya ako mababantayan nang nakatalikod sya? Ano lang yun, may mata sya sa batok?...

Nagfocus nalang ako sa mga undead na kailangan kong tapusin. Pito lang naman sila na nasa malapit sakin kaya madali ko na rin tong matatapos. Ikinasa ko yung shotgun ko tapos isa-isa ko na silang pinaputukan. Head shot silang pito kaya tumba agad sila sa sahig.

Isa-isa ko naman silang nilapitan at tinignan pagkatumba nila. Yung lima sa kanila, estudyante. Pero yung dalawa pa, mga staffs ng school na to. Naka-uniform pa kasi e..

Humakbang ako paatras at may natapakan ako na kung ano. Dali-dali akong humarap para tignan pero nagulat nalang ako nang tumambad agad sakin ang nakapokerface na mukha ni Tyron.

"Sabi ko, wag kang lalayo sakin e.."

"H-hindi naman ako lumayo ah?.." katwiran ko. Pero mas lalo pang naningkit yung mata nya.

"Tss. Lumagpas ka sa isang dipa.."

Hindi na ako nakapagreact uli dahil inakbayan nya nanaman ako at hinaltak papunta doon sa main entrance ng PESSAC. Naubos na pala namin yung mga undead sa paligid nang hindi ko napapansin. Si bestfriend Renzo at yung LenEtte naman, sumunod na rin sa amin. At nung nasa tapat na kami non, humiwalay agad ako kay Tyron.

"Wait. What was that?.." bulong ko habang pilit na binabasa yung nakasulat sa cardboard na nakasabit sa mataas na part nung pinaka gate ng PESSAC.

Pero dahil sa hindi nga ako katangkaran at 5'4 lang ang height ko, hindi ko masyadong maaninag yung mga nakasulat. Ang liit na nga nung pinaka sulat, ang taas pa masyado nung kinalalagyan.

Nagstretching ako bahagya para ihanda yung sarili ko sa gagawin ko. Aakyatin ko tong gate na to para makuha ko yung cardboard. May kutob kasi ako na note to ni Zinnia para samin e. Sinilip ko rin ng palihim si Tyron. Napangisi ako nang makita kong busyng-busy syang nakikipag-usap dun sa loveteam at kay bestfriend Renzo.

Hihihi. Makakapuslit ako nito. At kung magpapatuloy pa sya sa pakikipag-usap dun sa tatlo, may posibilidad din na makapuslit ako papasok sa loob. Nang ako lang mag-isa. Hihihi.. Masaya to. Mag-a-adventure ako mag-isa..

"Why are you smiling like that?.."

Ayy shete!! Nahuli ako ni Tyron na nakangisi sa kanya! Huhuhu.. Pano ko lulusot nito sa kanya?..

"E-eh, ang cute mo kasi e. H-hehehe!!.." pagsegway ko. Pero nung marealize ko naman kung ano ba yung nasabi ko, bigla nalang nanlaki ang mata ko at napayuko ako.

S-shete talaga.. Sinabihan ko bang cute sya?.. Totoo naman yun e. Actually nga, hindi lang sya basta cute dahil, ang gwapo gwapo nya talaga.. Pero, nakakahiya pa rin. Huhuhu.. Narinig kaya nung tatlo?..

Dahan-dahan akong tumingala. Pero si Tyron lang ang naabutan kong nakatingin. Tapos yung ngiti nya, parang kakaiba. Parang mas gumanda at mas lumalim yung pinaghuhugutan.

Bakit kaya?..

Ay shunga. Syempre, sino ba namang hindi mafa-flutter kapag sinabihang cute sya?.. Tsk. Ba-bakit-bakit ka pa Crissa. Feeling mo naman, sayo nakangiti si Tyron..

Kinalimutan ko na muna yung mga naiisip ko at dali-dali akong pumorma dun sa gate nung umiwas ng tingin si Tyron. Dahan-dahan ko ring inakyat yung mataas na gate. Expert ako dito. Dati nung highschool kami at nati-tripan naming magditch ng class, kahit yung pinakamataas na bakod ng campus namin nagagawa naming akyatin. Ako, si Christian, si Alex, si Elvis at si Harriette, magkaka-sabwat kaming lahat. Kaya pag nagkahulihan na, damay-damay din kaming lahat.

Nakakainis. Ang sarap alalahanin.. Pag nalibre nga kami, isa-suggest ko kay Christian na mag game kami na pabilisang makaakyat at makababa sa bakod. Huhuhu..

"Dalian mo.. Baka mahuli ka nila.."

"Sshhh.. Wag kang maingay. Nagmamadali na nga ako e.." sagot ko dun sa kung sinong bumubulong sa baba.

"O ayan, dali. Kuhanin mo na agad.."

"Oo na, oo na.. Wag mo na akong i-instruct.. Alam ko gagawin ko.. Dun ka na nga dahil baka makita ka rin ni Tyron dito.." medyo naiinis na na sabi ko.

Sino ba naman kasi tong nagmamainam na to?.. Di ko mabosesan e.. Parang sinasadyang ibahin yung boses.

Maingat akong sumilip sa ibaba. Pero kahit ganun, halos makabitaw pa rin ako nang makita ko kung sino yung nagmamainam na yun.

"Oh. Wag ka nang lumingon dito. Kuhanin mo nalang yang kukuhanin mo.." nakaiwas na tingin ni Tyron. Pero back to normal naman na yung boses nya.

Shete lang.. Todo puslit pa ako nun pero nahuli nya pa rin agad ako.. Huhuhuhu..

Kinuha ko na nga lang yung kukuhanin ko at inilaglag ko sa kanya pagkatapos. Nung mailapag ko na yung paa ko sa pinakaibaba, nagpeace sign agad ako kay Tyron at nagpacute.

"H-hehehe.. Sorry kung pumuslit ako.. Malakas ang kutob ko dyan sa cardboard na yan e.." itinuro ko pa yung hawak-hawak nya.

"Okay lang. Medyo sanay naman na ako sa pagmamakulit mo e.. Pero sa susunod, wag mo nang uulitin uli yon dahil alam mo namang delikado. Tsk. Saka sa susunod din, magdamit ka na ng maayos. Lakas mong makaakyat, samantalang ang iksi-iksi naman ng suot mo.." sabi nya na nakaiwas ng tingin sakin at nanahimik naman ako bigla.

Ano ba yan? Bakit pakiramdam ko, para akong isang bata na pinangaralan ng tatay ko?.. Yung tipong kahit gusto ko pang sumuway, no choice pa rin ako na sumunod?.. Malumanay ang pagkakasabi nya non, pero mararamdaman mo talaga yung authority sa boses nya.. Nakakatakot na hindi sundin..

Kaya na rin siguro hindi nya magawang tignan ako habang nasa taas ako kanina. Dahil may possibility na makitaan nya ako. At kung bakit naman nagstay pa rin sya doon sa ibaba kahit na ganon, siguro dahil na rin para alalayan ako..

Para kung sakaling mawalan ako ng balanse at mahulog, masasalo nya ako.. Hindi ako masasaktan..

Napangiti ako ng palihim. Ayokong mag-assume pero yun lang talaga ang naiisip ko na dahilan. Hindi rin naman maipagkakaila na mabait sya talaga. Sadyang hindi ko lang siguro talaga napansin nung una dahil palagi kaming nag-aasaran at nag-aangasan.

"Tyron, salamat.." bahagya ko syang niyakap.

Alam kong medyo nagulat sya sa ginawa kong yun dahil nakita ko syang saglit na sumulyap sa mata ko nang deretso. Pero ilang saglit lang, unti-unti naman syang ngumiti pabalik sa akin.

He didn't say anything.. He just smiled.. Pero sapat na yun para sa akin. Yung ganoong klase kasi ng ngiti, hindi lang basta sapat. Sobra-sobra pa..

"Oy, ano yang hawak mo?.." biglang sumulpot si bestfriend Renzo sa tabi namin at nakiusyoso. Napabitaw naman ako agad sa pagkakayakap ko kay Tyron.

Hindi nagreact si bestfriend kaya siguro, hindi nya rin napansin yung pagkakayakap ko na yun. Buti naman. Baka kung ano pang isipin nya e..

"This is a note.. And, galing nanaman sa ate mo Crissa.." bulong ni Tyron sakin. Si bestfriend Renzo, tinawag naman yung loveteam na nagmo-moment nanaman sa may tabi-tabi.

Oo nga pala. Nasabi na rin namin ni Tyron sa kanilang tatlo yung about dun sa mga note ni Zinnia at sa iba pa naming conclusions and speculations. Pare-parehas namang nagkakaisa yung mga iniisip namin kaya nagkakasunod din kami about sa mga next moves na gagawin namin.

Kinuha ko kay Tyron yung cardboard at binasa ko sa isip ko yung mga nakasulat.

There's a huge bunch of flesh-eaters inside. Get in, CC. -Z

Kunut-noo akong tumingin kay Tyron pero nakatingin na rin pala sya sakin. Animo binabasa nya ang isip ko kaya hindi ko na sya pinahirapan pa at sinabi ko nalang ng deretso kung ano ba yung naiisip ko.

"Isn't it strange? Why would she command us to get in kung alam nyang may mga undead pala doon?.." sabi ko. Si bestfriend Renzo at pati na rin yung loveteam ay nakikinig lang sa tabi namin.

"Maybe she did that with a purpose?.."

"Purpose?.." tanong ko pabalik kay Tyron. Kinuha nya naman uli yung cardboard na hawak ko at pinasadahan ng tingin.

"To confuse others. Yung iba na makakakita sa note na to bukod sa inyong kambal. She wrote this for you and Christian alone kaya gumawa rin sya ng paraan para hindi magkainteres yung iba na pumasok sa loob kung sakali ngang mabasa nila to. Sino nga naman kasing mangangahas pa na magsugal ng buhay nila at pumasok dito kung may malaking grupo ng undead na nag-iintay?.. Wala diba?.." pagpapaliwanag ni Tyron.

Hindi nya natumbok ng kumpleto kung ano yung gusto kong ipunto. Pero agad din namang may nabuong conclusion sa isip ko about dun sa purpose nga ni Zinnia na sinasabi nya.

At malakas din ang kutob ko dito..

"Hindi nga gagawin ni Zinnia ito nang wala lang o trip nya lang. She really did this "writing-a-confusing-note' with a purpose. At ang naiisip ko lang na dahilan ay.." tumigil ako saglit sa pagsasalita at nakangiti akong tumingin kay Tyron. Gusto kong ipaubaya na sa kanya yung pagsasabi non dahil mukhang parehas lang din naman kami ng naiisip. Sadyang ayaw nya lang deretsahin.

Ngumiti rin naman sya sakin at saka nagsalita.

"Posibleng sa likod ng mga undead na yun na kailangan nating tapusin, may nag-iintay na reward para satin.. At kung ano man yun, I'm pretty sure that it is a necessity.. Things that is really important and we badly need." paliwanag nya na full of confidence pa.

Napangiti naman ako ng palihim. Tuwang-tuwa ako sa isip-isip ko dahil tugmang-tugma sa nabuong conclusion ko yung sinabi nito ni Tyron. Yung note na yon ni Zinnia, maaaring maging confusing para sa iba. Pero sa totoo lang, isa talaga yung challenge na ginawa nya para samin ng kakambal ko. Sinubok nya lang kung buo ba talaga yung tapang namin na pumatol sa hamon nya. Ang laki rin naman talaga kasi ng hamon nya e. From the word itself na nakasulat sa note nya. Huge bunch of flesh-eaters.

At kung ano man din yung supposedly reward and surprise na nag-iintay para samin, naeexcite talaga ako.

Binuksan ko yung gate at nakangisi akong naglakad papunta doon sa isa pang pintuan na nasa loob non. Mas lalo pa akong napangisi nang malaman kong hindi rin iyo nakalock mula sa loob. Mayroon lang isang tabla na nakaangkla sa handle nung pinto para mapanatiling nakasarado iyon mula sa labas.

"Oh pano, tara na?.." nilingon ko sila at nginitian. Pero ako ang nasurprise nang makita kong nakangisi na rin pala sila sakin.

Hmmm.. Mukhang mas handa pa sila kesa sa akin ah?..


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C57
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login