Someone's POV
"Nate, doon ka nalang sa labas. Bantayan mo yung mga sasakyan at gamit nila. Kapag may nakita kang ibang tao na sa tingin mo kahina-hinala, patayin mo agad. Pero kung isa naman sa grupo nila, umalis ka na agad. Wag kang magpapahuli."
"Areglado, boss. Pero matanong lang po, ano pa po bang gagawin nyo sa loob? Nasigurado naman po natin na walang napatay sa kanila yung isang inutusan ng ate nyo?"
Itinapon ko sa sahig yung sigarilyong hinihithit ko at saka ko binunot yung kutsilyo sa bewang ko.
"Kung ano yung palagi kong ginagawa at pinagagawa sa inyo ni Chuck. Ang panatilihing palaging ligtas si Crissa. Hindi sapat na nasigurado natin na ligtas sila. Hindi doon natatapos yun. Marami syang kasama sa loob pero magbabantay pa rin ako."
Tumalikod ako kay Nate at saka ko inatake ng saksak yung mga undead na pumapalibot na sa aming dalawa. Tutulong pa sana sya pero sinenyasan ko agad syang ipaubaya nya na sakin ang mga iyon. At nang tumumba na silang lahat, humarap uli ako sa kanya. May isang bagay lang akong biglang naalala.
"Nasan nga pala si Chuck? Bakit hindi ko nakikita simula pa kahapon?.."
Ngumisi si Nate habang lumalapit sa akin para manghingi ng sigarilyo.
"Tutok na tutok po sa pagbabantay sa ate nyo, boss."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Nakakulong po si Jade doon mismo sa isang container van na ginamit nyang lalagyan nung mga undead na pinakawalan nila sa labas ng village nila Crissa nung isang linggo. Binutasan nalang po ni Chuck ng maliit na bintana para may malanghap naman na hangin si Jade kahit na kaunti."
Napangisi rin ako dahil sa sinabi ni Nate. Pinunasan ko kutsilyo ko gamit ang damit ng isang undead na itinumba ko at ibinalik ko na sa may bewang ko pagkatapos.
"Mainam yan. Mas higpitan nyo pa ang pagbabantay sa babae na yon dahil pag nakawala yon, paniguradong malaking problema para sa atin." hinubad ko yung leather jacket na suot ko at hinagis ko kay Nate.
"Lumabas ka na. Baka may makakita pa sayo dito. Magbabantay na uli ako."
Crissa Harris' POV
And for the last kill, sakin na nila uli pinaubaya. Nakangisi naman ako habang binubunot yung kutsilyo na nasa hita ko. Mabilis kong sinugod yung nahuhuling undead na nandito sa loob ng PESSAC at saka ko sinaksak sa noo. Humandusay sya agad sa sahig pagkatapos.
"Whooo.. Nakakapagod yun ah?.." umupo ako sa sahig at isang malalim na buntung-hininga ang pinakawalan ko.
Yung apat ko pang kasama ay nakiupo na rin sakin dito sa gitna ng court nitong PESSAC. Kahit na napapaligiran kami ng mga katawan ng undead na pinatumba namin, wala na kaming pakialam at nagsisalampakan na kami para magpahinga. Nakakaubos talaga ng lakas yung ginawa namin e. Bigla rin tuloy akong nagutom. Huhuhu..
"Panong hindi ka naman mapapagod Crissa, e halos yung kalahati ng mahigit isang daang undead nandito, ikaw ang pumatay?.." natatawa-tawang sabi ni Harriette pero hinihingal pa rin.
"Naeexcite ako sa reward ni Zinnia e. Hmmm.. Speaking of reward, ano kaya yun? Saka nasaan?.." excited na sabi ko. Para namang bigla akong lumakas uli at nagawa kong makatayo ng mabilisan.
Nagpalinga-linga ako sa kabuuan ng PESSAC at napako ang atensyon ko dun sa isang way na papunta ata sa locker ng mga varsity players. Nung tumakbo ako papunta doon, naramdaman ko na may sumunod din sa akin kaya nilingon ko para tignan kung sino.
"Sasamahan kita.."
Tango at ngiti nalang ang naisagot ko kay Tyron. Binabantayan nga talaga nya ako. Ni halos ayaw nyang maaalis ako sa paningin nya e. Palagi nya akong sinusundan.
Hmmm.. Ibinilin siguro ako ni Christian sa kanya. Kahit kelan talaga, napakacaring ng kakambal ko. Huhuhu..
Naiwan si bestfriend Renzo pati na rin yung LenEtte na nakaupo doon. At kami naman nito ni Tyron, papalapit na nang palapit sa locker room. Isang pinto lang ang nakikita namin dito pero inalerto pa rin namin yung mga sarili namin in case na may undead na biglang sumulpot.
"A-ako na ang mauunang pumasok. Hehehe.." inunahan ko na agad si Tyron bago pa nya mabuksan yung pinto.
Wala kaming nakitang kakaiba pagkabukas ko ng pinto. Handa kami kung sakaling may undead na bubulaga samin kaya lang, wala rin. Pumasok ako doon at pinagmasdan ko yung paligid. Locker room nga to kasi punong-puno ng mga locker. Malinis na malinis din at walang kalat.
"Nasan kaya yung sinasabing reward ni Zinnia?" humarap ako kay Tyron. "Uy ano yan?.." tanong ko uli at nilapitan ko sya. Nakatalikod din kasi sya sakin tapos dun sya sa may likod ng pinto nakaharap. Parang may tinitignan sya.
"You've got to see this.." humarap sya at inabot sakin ang isang papel.
Hindi lang isang simpleng papel dahil note to mula kay Zinnia. At mukhang mahaba-haba yung nakasulat kumpara dun sa mga nauna nyang note samin.
Twins, don't worry. I, together with my group, is looking for a safer place for all of us. A place that we can call OURS. A place that we can call HOME. Keep your heads up. You're brave and strong enough to lead your group. We're all gonna make it. We survived. So do you.
We're gonna see each other real soon, twins. But be ready, for there will be a big TWIST in our story.
But as for now, take your simple reward. This is not too much as you have expected. But it'll surely help you.
PS. Sigurado ako. Buhay din si Marion at Scott. Wag na kayong mag-alala sa kanila. At sa akin din. Ang mas dapat nyong alalahanin at pagtuunan ng pansin ay ang pagpapalakas sa grupo nyo; lalong-lalo na sa mga sarili nyo.
Just so you know, I won't allow slowpokes and weaklings enter our camp.
- Z but not a zombie
Kinilabutan ako ng sobrang lupit matapos kong basahin yung note. Lalo na doon sa part na nag-tagalog sya. Minsan lang nya gawin yun kaya sigurado akong seryoso talaga sya sa sinabi nya doon. At katulad na rin ng nararamdaman ko tuwing may mababasa akong note nya, para uling nagplay sa isip ko yung boses nya na actual na sinasabi yung mga nakasulat doon. Nakakatakot at nakakakilabot. But at the same time, nakakaexcite din. Mas lalong nabuhay ang katawang-lupa ko.
May ilan pang tanong na naiwan sa isip ko. Pero sa tingin ko, sa ngayon sapat muna na kasagutan yung mga nakasulat dito. Darating din naman yung panahon na masasagot din lahat to.
Tutal naman, sya na rin ang nagsabi na malapit na kaming magkita-kita uli..
Nakangiti akong tumingin kay Tyron.
"Excited na ako sa big twist sa story natin."
"Yeah. And she already gave a hint what it is.." sagot nya.
Tugma nanaman yung conclusions namin ni Tyron kaya napangiti ako sa isip-isip ko. At kung tama nga talaga yun, wow lang. Hindi ko maimagine.
Tatlong bag na naglalaman ng food supplies, emergency kit, first aid kit at ilang pistol at combat knife ang nakita namin sa may banyo dito sa locker room. At sigurado kami na ito na yung tinutukoy ni Zinnia na reward para samin. Totoo nga na hindi ito malaking reward kung titignan dahil meron din kaming ganito at mas malalakas pa yung hawak naming armas. Pero totoo rin naman na makakatulong pa rin to samin.
Tinawag namin si bestfriend Renzo at yung loveteam sa labas at pinakita namin sa kanila yung reward namin. Mukhang sumaya rin sila kahit papaano na may panibago nanaman kaming mapapakinabangan. Si Tyron, si Lennon at bestfriend Renzo ang nagdala ng mga iyon. Masyado yung mabigat para sa amin ni Harriette kaya nung hanggang paglabas namin, kami ang nauuna at umaatake sa mga undead na nakakasalubong namin.
Pinakita na rin namin ni Tyron sa kanilang tatlo yung huling note ni Zinnia. Medyo naguguluhan pa sila sa ibig sabihin nung mga nakasulat doon kaya napagdesiyunan namin ni Tyron na wag munang pag-usapan yun hanggat hindi pa namin napag-uusapan personally kasama yung kambal ko at saka si Elvis. Ayaw naming gumawa ng desisyon at aksyon nang hindi kasama yung dalawa pa.
Mahirap nang magkamali.
"Tutal naman lagpas 12nn na, maglunch na tayo. Hindi na rin naman natin kailangang puntahan yung training field ng College of Criminal Justice Education dahil wala na dun yung pakay natin. " huminto ako saglit at hinarap ko yung tatlong lalaki sa likod. Huminto rin naman agad sila at ibinaba pansamantala sa sahig yung mga bag na bitbit nila.
"Oo nga no? Nagwawala na yung halimaw sa tiyan ko e. Gutom na gutom na ako." sabi ni bestfriend Renzo na sapo-sapo yung tiyan nya.
"Ang taong patay-gutom, palaging gutom." pagpaparinig ni Harriette.
"Lennon, pigilan mo ko. Papatulan ko yang lovelove mo."
Nagkamot lang ng batok si Lennon tapos umiwas na ng tingin. Napailing nalang ako dahil mas naging matalim lalo yung tinginan ni Harriette at bestfriend Renzo sa isa't-isa.
"Ty, patingin nga ng mapa. Hanap tayo ng pwede nating kainan." nakangiting sabi ko.
Pero bigla namang kumunot ang noo nya. Kinapa-kapa nya yung bulsa ng pants nya pati na rin nung leather jacket nya pero sa huli, bumagsak din yung balikat nya at umiling sya.
"N-nawala mo?.." tanong ko.
"Oo. Nasa bulsa ko lang yun kanina e.."
"Sige. Di bale na. Hindi naman na natin kailangan yun e. Saka dun nalang tayo kumain.." itinuro ko yung natatanaw kong pinakamalapit na building. Apat na palapag sya at may rooftop pero makitid lang.
"Tara na dali.. Nang makabalik na tayo sa labas. Doon na lang natin antayin sila Christian. Para na rin mabantayan natin yung mga sasakyan natin." sabi ko uli.
Nag-agree silang lahat kaya naglakad na kami papunta doon sa building na itinuro ko. Kami ni Harriette ang nauuna at swerte lang namin dahil wala kaming undead na namamataan sa paligid.
"Pero mas maganda kung may susunod kanila Christian at tutulong sa kanila diba?.." bulong ni Tyron. Nung una medyo hindi ko pa magets pero nung nakuha ko na finally, tumango-tango nalang ako at ngumisi doon na parang retarded na sloth.
"Hehehe. Good idea. Maiwan kayong apat sa labas tapos ako ang susunod sa grupo nila kambal.." bulong ko pabalik.
"Sa tingin mo ba hahayaan kitang gawin yon? Sasamahan kita sa ayaw at sa gusto mo.." nakangising sagot nya at mas nauna nang naglakad samin.
Ewan ko pero imbes na mainis sa pakikialam nya sa desisyon ko, parang mas natuwa pa ako.
Idagdag pa yung fact na sa tuwing kasama ko nga sya, panatag na panatag yung loob ko na walang mangyayaring masama sa akin. Pakiramdam ko, ligtas ako palagi..