Download App
44.34% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 51: Chapter 49

Chapter 51: Chapter 49

Someone's POV

Day 18 of zombie apocalypse..

"Boss, may isang bata kayong nawawala ah? Kahapon pa po yun. Umalis nang walang paalam, hanggang ngayon di pa bumabalik."

Itinigil ko saglit ang pag-aayos sa baril na hawak ko.

"Sinong bata?.."

"Yun pong bagong utusan ng ate nyo."

"Ah. Sige, papuntahin mo si Jade dito."

Umalis si Nate sa harapan ko. At maya-maya pa, nakita ko na si Jade na papalapit sakin.

"Anong problema mo? Bakit hindi ikaw ang lumapit sakin kung may kailangan ka?" pambungad nya sakin.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang makikialam sa mga ginagawa ko, Jade? Pinalagpas ko na yung ginawa mo nung isang linggo. At ngayon, may ginawa ka nanaman? Hindi na nakauwi yung isang utusan mo kahapon. Balak mo ba talagang mag-ubos ng tauhan natin ha?"

"Bakit!? Iyon naman talaga ang ipinag-uutos ni daddy ha? Ang patayin silang lahat. Walang ititira. Ikaw lang naman tong ayaw sumunod. Binabago mo lahat ng plano nya! At bakit nga ba ganon nalang ang pagprotekta mo sa babae na yun ha!? Wag mong sabihin na hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin sa kanya? Hahahaha! You're so pathetic, lil bro! Kung ako sayo, papatayin ko nalang yung babae---"

Hindi ko na sya pinatapos magsalita at mabilis ko nang hinawakan ng mahigpit ang mukha nya.

"Subukan mo. Hindi ako magdadalawang-isip na kalimutang kapamilya kita.."

"A-aray.. Nasasaktan ako.. S-sinasabi ko sayo.. Makakarating tong mga pinaggagagawa mo kay daddy.. Nagtatraydor ka na.."

"Hindi ako nagtatraydor sa angkan natin Jade.. Simple lang naman ang hiling ko diba?.. Wag nyong sasaktan si Crissa.. Mas maganda pa nga yung plano ko kesa sa inyo e.. "

"I-isusumbong talaga kita.. At s-siguradong pag nalaman ni daddy ang tungkol dito, sya na mismo ang papatay sa babae na yan.." hirap na hirap na sabi nya kaya mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanya.

"Kung magagawa mo pang makapagsumbong.. Nakikita mo tong baril na to?.. Uunahan ka na nyan.. Wag mo kong subukan Jade. Dahil kayang-kaya ko at gagawin ko talaga.. Magalusan lang kahit na yung dulo ng daliri ni Crissa at nalaman kong ikaw ang may gawa nun, buong braso mo puputulin ko.." itinulak ko sya at napaupo sya sa sahig.

Sakto namang dumating si Nate kasama si Chuck.

"Bantayan nyo yang babae na yan ha? pag may ginawa, barilin nyo agad."

Crissa Harris' POV

Day 18 of zombie apocalypse..

Wala akong tulog. Pati si Christian. Magdamag kaming gising para magbantay. Ayaw naming magpakasiguro na hindi aatake yung kabilang grupo. Wala pa kaming alam sa kanila kaya sa ngayon, nangangapa pa kami sa galaw nila.

At dahil nga sa hindi naman kami natulog, nagprepara nalang kami ni Christian para sa gagawin naming pagsearch kila Zinnia. Inayos namin lahat ng baril at weapons namin tapos napag-usapan na rin namin yung gagawin.

Mga bandang 5am, nag-umpisa na silang magsiging. Yung iba, naligo na at kumain ng almusal. Ako naman, inasikaso ko si Elvis at tinulungan ko ring makakain. Nakakaawa e. Pag sumalok ng pagkain sa kutsara, ilang butil nalang ang natitira pagdating sa bibig nya dahil nalaglag na yung iba. Kaliwete nga kasi sya diba..

"Wow.. Sweet talaga ni Crissa.. Pagtapos mo kay Elvis, ako naman subuan mo ng pagkain ah?.."

"Bakit, bestfriend? Baldado ka rin ba?.." tanong ko kay Renzo na nakapila na sa likod ni Elvis. May dala pa ngang pagkain e.

"E-eh, hindi.."

"Edi kumain ka mag-isa mo.."

Tumawa si Elvis sa tabi ko tapos si Renzo naman, sabay nag-walk out. Nakakatuwa yung itsura e. Parang pinagsakluban ng kawali at kaldero. Hahaha.. Joke lang naman yung sinabi ko e. Nagtampo agad.

"Kelan mo pa naging bestfriend yung isang yun?.." tanong ni Elvis.

"Nito lang. Bakit, selos ka?.."

"Oo we.. Diba kami lang ni Alex ang bestfriend mong lalaki? Huhuhuhu.. Selos talaga ko, Crissa.." nakapout na sabi nya. Kinurot ko nga sa pisngi. Ang pogi e.

"Wag kang magdrama. Syempre bestfriend ko pa rin kayo ni Alex no. Tsk. Bilisan mo na ngang kumain. Aalis na tayo e. Saka alam mo na, baka sundan pa tayo dito nung gustong pumatay sayo-- Ay! Napatay na nga pala ni Christian yun kahapon.. OMG. Baka magmulto yun. Huhuhu.." kinakabahang sabi ko habang lumilinga sa paligid.

Napansin ko namang napailing si Elvis at mahinang tumawa.

"Alam mo na pala yung tungkol dun.."

"Syempre naman, ako pa ba? Kung alam ni Christian, automatic na ring alam ko.."

"Kambal nga kayo.. Tss." sabi nya at nakipag-apir sakin.

Pagkatapos ko syang pakainin, pumunta ako dun sa personal hygiene section. Kumuha ako ng shampoo, conditioner, sabon at deo-spray. Alam kong bawal maligo ang puyat pero ayoko namang mangamoy mamaya. Puro takbuhan at labanan pa man din ang gagawin namin.

Kumuha rin ako ng toothbrush at toothpaste tapos nilagay ko sa basket. Buti nalang may tinda rin ditong mga damit kaya kumuha na rin ako ng pang gym na shirt at shorts para komportableng gumalaw. Saka ayoko ring aksayahin yung baon kong damit. Reserved yun kapag bumabyahe na uli kami.

Hinubad ko rin yung leather jacket at combat boots ko dahil wala rin akong planong isuot yun. Ang pangit naman siguro na i-partner yun sa gym attire diba? Mukhang tanga lang. Kaya magra-running shoes nalang muna ako tutal naman may nabaon akong ganon mula sa mansyon.

Ako nalang pala ang hindi naliligo kaya pagpunta ko dun sa banyo, wala nang nakapila. Dere-deretso naman akong pumasok doon at mabilis kong ginawa ang mga seremonyas ko. Lumabas din ako agad pagkatapos.

Pagkatapak na pagkatapak palang ng paa ko sa labas ng banyo, may narinig agad akong tunog ng nalaglag na kung anong babasagin na gamit sa sahig. Bote pala ng soya drink. Pagtingala ko naman, tumambad agad sakin ang pagmumukha nung pitong lalaki na parang nakakita ng multo. Gulat na gulat yung mga itsura nila. Sa sobrang takot ko naman, mabilis akong tumakbo papalapit kay Christian at pilit akong nagsumiksik sa katawan nya.

"C-christian, nagmumulto na ba yung napatay mo kahapon? Dali.. Magpatawas na tayo. Huhuhu.." bulong ko sa kanya.

Niyakap naman ng braso nya yung katawan ko at naramdaman ko nalang na dinadala nya ko dun sa may gilid. Nung bitawan nya ko, tinignan nya ko from head to foot tapos umiling sya.

"Bakit ganyan ang damit mo Crissa?" tanong nya na nakakunot ang noo. Tinignan ko naman yung suot ko. Wala namang mali. Hindi naman baliktad.

"Pangit ba?.."

"Hindi yun.. Tignan mo nga. May sleeves nga yung pantaas mo, ang iksi naman ng shorts mo."

"Hala. Natural lang na ganyan kambal. Gym attire to e. San ka naman nakakita nang nag gym paldang hanggang sakong ang haba ang suot? Tsk. Kahit kelan ka talaga." sabi ko na umiiling at nakapamewang sa harapan nya.

"Ang tanong, workout ba ang mission natin ngayon? Hindi diba. Tignan mo nga yung suot ng iba.." sabi nya at sabay itinulak yung ulo ko para masilip ko yung iba.

Sila Harriette, Alessa at Renzy, suot yung zombie apocalypse outfit nila na fitted long sleeves, jeans at combat boots. At yung mga lalaki naman, naka zombie apocalypse outfit din na katulad nung sa akin. Leather jacket na may pang-ilalim na shirt, jeans at combat boots. Ang aastig nilang tignan. Idagdag pa yung effect nung mga matataas na kalibre ng baril na nakasukbit sa kanila. Huhuhu..

"Ang fierce nila Christian.. Huhuhuu.." halos naiiyak na na sabi ko.

"Oh diba? Magpalit ka na dali. Para fierce ka na rin tignan.."

Marahas naman akong humarap sa kanya at binelatan ko sya.

"Bleh! Ayoko nga! Uutuin mo pa ako ha? FYI lang. Wala sa damit ang tunay na kaastigan. Nasa personality, skills at attitude yan! Hmp.."

Tuamlikod ako sa kanya pero hinaltak nya agad ako.

"Magpalit ka nga sabi e!" - sya

"E ayoko nga sabi e!" - ako

"Bakit ba ang kulit mo ha?" - sya

"E ang kulit mo rin e!" - ako

"Hindi ka talaga susunod ha!?" - sya

"Hinde!" - ako

"Gusto mong daanin kita talaga sa dahas?" - sya

Bago nya pa maexecute yung plano nyang pagpapasunod sakin sa pamamagitan ng dahas, inunahan ko na agad sya. Lumuhod ako sa harap nya at pinaghahalikan ko yung tuhod nya with matching iyak pa.

"Huhuhu.. Sige na, Christian.. Please?.. Ngayon lang naman e. Gusto ko talagang maging komportableng gumalaw mamaya.. Saka ayoko ring maaksaya yung mga zombie apocalypse outfit ko.. Huhuhu. Mahirap maglaba.."

Naramdaman ko naman na itinayo nya ko at pinunasan ang luha ko.

"Wag ka nang umiyak. Inaalala lang din kasi kita e. Saan mo ikakabit ngayon dyan yung gun holster mo? Edi wala ka ring pistol? Knife sheath lang ang pwedeng ikabit sa hita mo e. Tapos wala pang bulsa yang short mo.."

"E-eh meron naman akong shotgun e.. Pwede na yun. Saka yung pistol, pwedeng hawak-hawak ko lang naman yun.. Tapos pag di ko gagamitin, iipit ko nalang sa kili-kiki ko.." katwiran ko. Maya-maya pa, hinaltak na nya ako.

"Pffft.. Fine. Basta pag nabaril yang kili-kili mo, walang sisihan ah?.."

"Oo naman! Hehehe! Salamat kambal.. I love you. Pakiss nga." hahalikan ko na dapat sya nang itulak nya yung mukha ko gamit ang palad nya.

"Sobrang pang-uuto na yan kambal. Baka biglang magbago isip ko. Tara na." sabi nya at sabay hinaltak ako.

Nung makarating naman kami dun kasama yung iba pa, nagsalita agad sya.

"Walang titingin sa legs ni Crissa. Ang mahuli ko, babarilin ko agad ang mata." seryosong sabi nya. Natawa naman ako dun including Renzo, Elvis at Alex. Tumigil lang kami nung makarinig kami ng kasa ng shotgun.

"Seryoso ko. Wag kayong tumawa." sabi nya uli.

"E kami Christian? Pwede?" - Harriette

"Oo nga. Babae rin naman kami e." - Alessandra

"True! Saka di naman kami manyak tulad ni kuya." - Renzy

Kunwari pang nag-isip si Christian pero tumango rin naman agad sya. Naramdaman ko naman na lumapit si bestfriend Renzo sakin tas binulungan ako.

"Pag tingin, bawal. E pag hawak, pwede?"

Nagpigil agad ako ng tawa dahil doon. Mahina ko din syang siniko sa tyan.

"Pffftt.. Wag kang maingay bestfriend. Papatayin ka ni Christian pag narinig ka nun. Hahahaha.."

"Ako ka ba naman. Joke lang yun syempre. Kahit pa ikaw nalang ang natitirang babae sa mundo, hinding-hindi ko gagawing manyakin at bastusin ka. Itaga mo man yan sa mukha ni Harriette."

Teary-eyed akong tumingin ng deretso sa kanya.

"Talaga? Ganyan mo ko nirerespeto? Huhuhu.."

"Oo naman. Kita mo diba, pati si Harriette dinamay ko na. Tss."

Natouch nanaman ako dahil doon. Yayakapin ko na dapat sya nang makita ko sa sulok ng mata ko na nakabantay na yung nag-aapoy na tingin sakin ng kakambal ko. Mabilis ko namang inagaw yung shotgun ko sa kanya.

"Easy lang kambal. Baka makatatlo ka na nyan e. Hahahahaha.."

Nginisian nya lang ako tapos humarap na sya uli doon sa iba.

"Lahat na ba ng gamit nyo, nasa sasakyan na? Then let's go.." nanguna sya paglabas at sumunod kami sa kanya. Habang si Renzo naman yung nagdrive palabas nung pick-up at si Sedrick sa van.

Sasakay na dapat ako sa likod ng pick-up nang may humaltak sakin. Automatic namang kumabog ng malakas yung puso ko nung maramdaman ko yung sting/ spark sa katawan ko.

"Wala nang pwesto dyan. Puro na food supplies. Kaya doon na tayo sa loob.." sabi ni Tyron na nakaiwas ng tingin. Tumango na lang ako sa kanya tapos pumasok na sya dun sa passenger seat.

Pero ako, imbes na sa may backseat magpunta, dumeretso ako dun sa driver's seat. Pagkabukas ko nung pinto, hinaltak ko kaagad palabas si Renzo at inabot ko sa kanya yung leather jacket at combat boots ko. Pati na rin yung shotgun.

"Hehehe.. Lagay mo sa backseat bestfriend. Saka dun ka na rin maupo. Ako na magdadrive.."

"Teka, teka. Sanay ka ba?" gulat na tanong nya. Tinaasan ko naman agad sya ng kilay.

"Sa tingin mo ba bestfriend, magpepresinta akong magmaneho kung hindi ko kaya, ha? Aba, masyado mo naman ata akong minamaliit.. Huhuhuhu.." yumuko ako at nagkunwaring umiiyak.

"Oy, teka. Baka akalain ni Christian pinaiyak kita. Babarilin ako nun.. Teka. Magpaalam ka muna sa kanya." sabi nya at saka hinaltak ako papunta kay Christian.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C51
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login