Download App
33.91% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 39: Chapter 37

Chapter 39: Chapter 37

Crissa Harris' POV

"Crissa, nandito na tayo.."

Nagising nalang ako dahil sa marahan na tapik sa balikat ko. At pagdilat ko, tumambad agad sakin yung nakangiting mukha ni Lennon sa tabi ko. Although sya naman talaga yung inaasahan kong makikita ko, parang hindi ganun ka-genuine yung ngiti na isinukli ko sa kanya. Dama ko yung pagkapilit.

"Nasan na tayo?" tanong ko sa kanya habang tumitingin sa bintana. Papasok na yung sasakyan namin sa isang subdivision na medyo pamilyar sa akin. Nadadaanan namin to nila Christian.

"Sa bahay nila Renzo, Crissa.." sabi ni Sedrick habang tinitignan ako mula sa rear view mirror. Nginitian ko naman sya.

Nung mapatingin naman ako kay Tyron, tahimik lang syang nakatanaw sa labas. Hindi pa nga pala ako nakakapagsorry dito. Mamaya nalang siguro para may privacy. Ayokong may makarinig na iba e, nahihiya ako. Gusto ko kaming dalawa lang. Para intimate din..

Intimate!?.. What the! Ano ba tong naiisip ko bigla-bigla!? Jusko, mahabanging langit at lupa! Feeling ko inaalihan na ako ng demonyo! Huhuhu..

Huminto yung pick-up namin dahil nakahinto din yung van nila Christian na nasa harap namin. Nung tumingin ako sa labas ng bintana, nasa tapat kami ngayon ng isang malaking bahay na kung titignan, mukhang nakakaangat din talaga sa buhay ang nagmamay-ari nito.

Hindi pa ako nakakapunta sa bahay nila Renzy pero I bet, ito na nga yon. Syempre naman, hihinto ba kami dito kung hindi ito yung pakay namin na bahay? Ano lang to, sight seeing lang kami? Field trip? Lakas makapag-tour kahit na puro flesh eaters sa paligid? Tsk.

Bumaba si Christian at Renzo sa van nila kaya bumaba din ako.

"Oh, bakit nandito ka?" tanong agad ni Christian nang makita ako.

"Aba! Lakas makabobo ng tanong natin kambal ah? San mo ba ko gustong makita? Sa outer space at naglalaba? Tss!" sabi ko sabay irap. Nagpigil ng tawa si Renzo at tumigil lang nang samaan sya ng tingin ni Christian.

"Baliw ka. I mean, bakit ka bumaba? Ang daming nagkalat na undead oh.." saktong pagsabi nya nun, may nakita nga akong isa na naglalakad sa gawi namin. Mabilis ko syang sinugod at sinaksak sa noo. Nung matumba sya, bumalik agad ako sa kanila.

"Astig talaga ni Crissa.."

"Oy, oy teka!" umiwas ako kay Renzo dahil akma nang hahawakan nya ako sa pisngi.

"May talsik ka ng dugo oh." pinunasan nya yung gilid ng pisngi ko gamit ang likod ng kamay nya tapos ipinakita sakin sabay ngiti.

Nakakatouch naman. Ang bait pala talaga nito ni Renzo. Hindi lang halata. Huhuhu. Mas lamang kasi ang kabastusan e.

"Salamat hehe!" sabi ko. Si Christian naman, nakangisi lang samin.

Tss. Akala ata nitong kakambal ko, crush ko to si Renzo.. Sadyang natutuwa lang talaga ako sa nakatagong kabaitan nya no.

"Hehehe. Maiba tayo. Bahay niyo to diba?" pag-iiba ko nang usapan. Ngumiti naman sakin si Renzo pero halata namang pilit lang.

"Oo. Nung gabi na nagpunta kami sa inyo, nandito sila mommy at daddy. Ewan ko lang ngayon.." lumungkot lalo yung itsura nya pero pinilit pa ring panatilihin yung ngiti sa labi nya.

Tinapik ko sya sa balikat.

"Hindi masamang umasa. Yun nga lang, dapat tanggapin mo yung magiging resulta."

"Salamat Crissa.." ngumiti sya sakin at kay Christian naman ako humarap.

"Maghati tayo sa dalawang grupo. Yung isa, yun yung papasok dyan sa loob. Tapos yung isa pa, look out dito sa labas. And magvo-volunteer na ako dito para sa labas. Okay na lima lang kami."

"Aight. Kami ni Renzo sa loob. Isasama nalang namin si Renzy, Alex, Alessandra at Elvis."

Kinatok agad ni Christian yung iba sa van at nagsilabasan sila. Lumabas din mula sa pick-up si Lennon at Sedrick kaya nilapitan ko sila.

"Look out tayo dito sa labas. Hehe." ngumiti sila parehas at nalipat ang tingin ko dun kila Christian.

"Pasok na kami ah? Put your guards up. Maraming umaaligid na undead." sabi nya at pumasok na nga silang anim.

Kinakabahan ako. Hindi dahil sa baka may kung anong mangyari kila Christian sa loob. Kumpyansa naman akong kayang-kaya nila kung may pagpapakita sa kanilang undead doon. Kumpleto naman sila sa dala nilang armas. Pero ang iniisip ko kasi, paano na lang kung ang undead na nandoon ay yung parents at iba pang kasama nila Renzy sa bahay? Masakit mang isipin pero may possibility na ganon. At alam kong magiging masakit para sa kanila yun.

Lumabas si Harriette sa van at lumapit sya sakin. Si Lennon at Sedrick naman, bahagyang lumayo dahil may pinag-uusapan silang dalawa. Mukhang confidential e.

"Mind explaining to me what just happened between you and Tyron?.." bulong ni Harriette sakin. Lakas talagang makadama nito.

"Napagsalitaan ko ata sya nang masama." pag-amin ko. Wala na nga kasing silbi na magsinungaling pa sa kanya diba.

"Ata? Hindi ka sigurado?"

"Oo. Sa tingin ko naman kasi, hindi naman talaga ganun kasama e. Pero alam mo yun, ang lakas manampal ng konsensya ko. Pakiramdam ko masama talaga yung sinabi ko."

"Eh ano nga ba kasing sinabi mo sa kanya?"

"A-ah, masyadong mahaba! Nakalimutan ko na. But okay fine. Magso-sorry na ako sa kanya. Mukhang yun din naman ang sasabihin mo sakin e." sabi ko sabay talikod sa kanya.

"That's right. Wag mong antayin na mahuli na ang lahat.."

Takha akong lumingon sa kanya kasi parang may ibinulong sya.

"Ano yun?.. Di ko narinig."

"Wala. Ang sabi ko, puntahan ko na sila Sedrick." sabi nya sabay takbo papunta kila Sed.

Di ko nalang sya pinansin at pumunta na ako dun sa pick-up. Nandoon pa rin si Tyron sa loob at deretsong nakatingin sa labas. Ang seryos-seryoso ng itsura nya. Napaka cold. And I admit, parang medyo natatakot din ako minsan sa kanya. Huhuhu..

Pero di bale na. Kailangan ko talagang magsorry sa kanya. Saka gusto ko na ring makipagbati at makipagkaibigan sa kanya ng sincere talaga. Kami-kami na nga lang magkakasama dito, mag-aaway-away pa ba kami? Dapat matibay ang samahan namin. Kasi may chance na kami-kami nalang din talaga ang magkakasama hanggang sa huli.

Pumasok ako dun sa pick-up and as soon as makaupo ako at maisarado ko yung pinto, sabay namang binuksan ni Tyron yung pinto sa tabi nya.

"U-uy, wag ka munang umalis.." bulong ko. Napatigil naman sya at tumingin sakin mula sa rear view mirror.

"Bakit? May sasabihin ka ba?" cold na sabi nya. At mula sa pagkakayuko ko, dahan-dahan akong tumingala at hinanap agad yung mata nya.

Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. First time kong gagawin to para sa isang lalaki. Yung magso-sorry ako na tagos talaga sa puso ko. Kahit kay Christian at kila Alex at Elvis, hindi ko pa nagagawa to e.

"S-sorry sa sinabi ko kanina.. Maling-mali yon at hindi talaga totoo yon. Straight-forward talaga kong magsalita pero believe me, yung sinabi ko kanina, bunga lang yun ng emosyon ko. Ganon naman talaga pag naiinis, diba? Kung ano-ano nasasabi? Kaya sorry na talaga.."

Bumuntung-hininga sya tapos binuksan uli yung pintuan sa tabi nya.

"Okay lang. Wag mo nang isipin yun. Saka kung saka-sakali mang totoo yung sinabi mo, tanggap ko naman." tuluyan na syang lumabas at iniwan ako sa loob.

Tanggap na nya kung totoo talaga yung sinabi ko na si Lennon talaga ang mas gusto kong kasama kesa sa kanya? Pati na din yung dakilang epal sya?

Napahawak ako bigla sa tapat ng puso ko. Para kasing may kung anong pakiramdam na biglang sumabog doon. Parang puno ng lungkot at sakit.

Bakit ganito?..

Napatingin ako sa naglalakad na si Tyron at mabilis akong bumaba para sundan sya. Nung maabutan ko sya, hinaltak ko agad sya sa braso nya.

"S-san ka pupunta?.."

"Iihi. Bakit, sasama ka?" seryosong sabi nya kaya napayuko ako.

Okay. Parang kanina lang nangyari din to ah?

Pinigilan ko yung hiya at kaba na nararamdaman ko at tinignan ko sya nang deretso sa mata. Mas lalo akong nahiya at kinabahan pero pinigil ko para hindi nya mahalata.

"M-may sasabihin pa ako e.."

"Dali. Sabihin mo na agad kung ayaw mo pang sa harapan mo ako maihi."

Naramdaman ko ang pagpula at pag-init ng mukha ko dahil sa sinabi nya. Yumuko ako at huminga ng malalim.

"A-ah, ano kasi e.. Ano, bati na tayo from now on ah?.."

"Oo nga. Diba nga sabi ko sayo kanina okay na?"

"H-hindi.. Ang ibig ko kasing sabihin, pwedeng f-friends na tayo from now on? Y-yun bang buddy buddy. Solid na f-friendship goal. Hehehe.. O-okay lang ba?.." ngumiti ako sa kanya kahit na naka-poker face nanaman sya. Maya-maya pa, unti-unti nang nabago yung expression nya at matipid na syang ngumiti sa akin.

"Sure." matipid na sagot nya. Napasimangot ako dahil doon.

"Para ka namang napipilitan lang nyan e.. Ang tipid ng sagot mo.."

"Kailangan ba sobrang haba? Come on, bigyan mo ko ng mic at podium dito para makapag-speech ako.." sabi nya nang nakangisi. Napangiti ako dahil doon pero sumimangot din ako agad. Pinipilosopo ako neto e. Huhuhu.

"Fine. Kung ayaw mong magsalita ng mahaba, sabihin mo nalang 'FRIENDS' with matching shake hands pa sakin para formal.."

"O sige. 'FRIENDS'." hahawakan na sana nya yung kamay ko pero umiwas agad ako.

"Ano ba?.. Ngumiti ka naman nang maayos. Bulok ba lahat ng ipin mo kaya ayaw mong ngumiti ng full?"

Nakita ko syang nagpigil ng tawa pero sumeryoso din agad.

"Paano ba kasi gusto mo? Ituro mo sakin."

Tss. Ano ba naman tong taong to. Parang ngayon lang pinanganak at parang ngayon lang din unang ngingiti e.

Nag sigh ako. Inilahad ko yung kanang kamay sa harapan nya tapos ngumiti ako nang malapad.

"Friends.." pagkasabi ko nun, kinuha nya agad ung kamay ko at ngumiti din sya sakin ng malapad.

"Friends.."

Autumatic na nagwala yung kabayong nakatago sa loob ng dibdib ko dahil sa ginawa nyang iyon. Bakit naramdaman ko nanaman tong nakakalokong pakiramdam na to?

Hindi ko maipaliwanag. Ang ganda ng ngiti nya. Sobrang candid at genuine. Tapos yung kislap nung mapuputi at pantay-pantay nyang ngipin at pati na rin yung mata nyang bilugan at singkit, daig pa yung sandamakmak na stars sa langit. Yung ganitong klase ng ngiti, ang lakas makapagpagaan ng loob. Parang heaven sent. Parang pang-angel. Nakakatunaw ng puso. Inosenteng-inosente tulad nang isang bata.

Napabitaw agad ako kamay nya. Sobra-sobra na ata yung pagkaka-describe ko sa kanya.

"F-friends na tayo from now on. Hehehe. S-sige na. Umihi ka na doon. Baka ako pa maihian mo dito e. H-hehehe.."

"May sinabi ba akong iihi ako?"

"O-oo! Bilis mo namang makalimot. Kakasabi mo lang e. Hehehe.."

"Hahaha. Oo nga pala no? Sige. Teka lang." sabi nya sabay alis.

I can't believe it. Did he just laugh? First time yun ah?..

Napangiti ako. It's so overwhelming knowing that I'm now friends with a Tyron Matsumoto. Never kong naimagine to. Parang napakaimposible dahil contradicting yung personality at attitude namin. But look at now, it happened. I can't explain it pero parang sobrang sarap talaga sa feeling.

And ngayon lang talaga ako sumaya at napangiti ng ganito..


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C39
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login