Download App
29.56% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 34: Chapter 32

Chapter 34: Chapter 32

Crissa Harris' POV

Past 1pm na kami natapos kaya inabutan na rin kami ng lunch. Kumain kami nang sabay-sabay at nakita ko naman na talagang balik na kami sa dati. Nagkapuslitan nanaman kasi ng pagkain. At nung tignan ko naman yung stocks namin, nakita kong nangangalahati na yung supplies. But well okay lang yun, nagrun naman kami nila Harriette kahapon diba.

Ngayon, kasalukuyan kaming nag-iimpake nila Harriette, Alessandra at Renzy ng mga gamit. Sabi kasi ni Christian, lahat daw kami ay dapat mayroong survival kit. Isang bag na naglalaman ng mga kung anu-anong mga bagay na kakailanganin namin.

Binanggit din ni Christian na sila na nila Alexander, Renzo, Alessandra at Renzy ang bahalang maghanap sa family nila bukas. Tapos kami naman nila Elvis, Sedrick, Tyron at Harriette, maiiwan nalang daw dito sa mansyon. Nagpumilit pa nga ako na sumama sa kanila kaso ang tigas ng pagkakahindi ni Christian. Pero okay lang, kasama ko naman si Sedrick dito e. Hihihi. Edi mas masaya.

Teka. Asan na nga ba kami sa ginagawa namin?

First aid kit..

Hygiene kit..

Utility supplies..

Foods..

Ah, ayun! Mga damit pa!

"Oy, tig-tatlong pares ang ilagay natin dito. Kumuha nalang kayo dun ng damit kay Zinnia." sabi ko sa kanilang tatlo. Sabay-sabay naman silang umalis. Pagbalik nila, meron na silang mga dalang long sleeves at jeans.

"Ayaw nyo talagang magleather jacket? Mas maganda kapag ganun?" tanong ko sa kanila.

"Hindi na. Ikaw na lang. Mas bagay sayo kasi ikaw ang pinakamagaling samin." - Harriette

"Yep. Dapat outstanding outfit mo dahil ikaw ang leader namin." - Renzy

"Yeah right. Dapat ikaw ang pinakaastig." - Alessandra

Napailing nalang ako at pinitik silang tatlo sa noo.

"Wala sa pananamit ang tunay na magaling at astig no. Magagaling din kayo. At kung magpa-practice pa kayo lalo, mahihigitan nyo pa ko."

Nakita kong nag glow yung aura nila. Tamang-tama to para ma-motivate sila ng husto. At kapag nangyari ngang mahigitan nila yung nagagawa ko, ako na ata ang magiging pinakamasayang group leader sa buong galaxy. Mas malakas yung mga member, mas malakas din yung buong grupo.

Pagtapos naming maayos yung mga bag namin na naglalaman ng survival kit, iniwan ko na sila don at bumaba ako saglit.

5pm na. Masarap magpahangin at mag-unwind sa labas ng mansyon kapag ganitong oras. Naaalala ko pa nga dati, madalas naming pagtaguan ni Christian sila Yaya Nerry kapag kumagat na yung dilim at kailangan na naming pumasok sa loob ng mansyon. Inaabangan kasi namin yung mga lumalabas na libo-libong alitaptap na animo sumasayaw sa mga puno. At nagtutulungan kaming dalawa para makakuha ng ganon. Pinapasan nya ko sa likod nya tapos ako yung taga-kuha. Swertehan lang kung may lumilipad ng mababa. Yun yung nakukuha namin. At hindi talaga kami pumapasok hanggat hindi kami nakakakuha ng kahit isa man lang.

Ang sarap talagang alalahanin nung mga ganong memories namin. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Ngingiti-ngiti ka dyan mag-isa. Para kang baliw."

Marahas akong lumingon sa likod ko at doon sa may poste nitong entrance ng mansyon, may nakasandal na malignong nagkatawang gwapong tao. Tinaasan ko agad sya ng kilay.

"Eh ano naman sayo kung magmukhang baliw ako!?" sigaw ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin.

Nagulat naman ako nang bigla syang umupo sa tabi ko. Pokerface lang yung mukha nya habang pinapaikot pa sa kamay nya yung combat knife na hawak nya.

"Ano namang itinatabi-tabi mo sakin!? Crush mo ba ako ha!?" sigaw ko uli.

Mula sa pagkakatitig dun sa combat knife na nilalaro nya, unti-unti namang lumipat sa akin ang tingin nya. Unti-unti ring lumapit ang mukha nya sa mukha ko. Deretso lang din syang nakatitig sa mata ko.

Teka. Anong gagawin nito!? Hahalikan nya ba ako!? Napatingin ako sa labi nya. Pulang-pula. Parang pinaso ng mainit na sandok. Ang pouty pa.

Bigla naman akong natauhan nang lumihis yun at dumako sa tenga ko.

"Ikaw, crush ko? Asa ka.." bulong nya.

Ouch..

May pesteng lamok kasi na biglang dumapo sa braso ko at kinagat ako. Sa sobrang inis ko, hinampas ko yun ng malakas na malakas. Ang sakit, bumakat yung kamay ko. Ouch talaga.. Huhuhu.

Humarap ako kay Tyron at dun ko lang naalala yung sinabi nya. Asa daw ako!? Hahahaha! Kapal ng mukha neto ha!?

"Mabuti nang nagkakaalaman tayo dito. FYI lang ah, asa ka ring magkakagusto ako sayo. May nagugustuhan na ako at hindi ikaw yun!" sabi ko sabay layas. Feeling naman kasi neto e, may gusto ako sa kanya. Tss. Buti kung si Sedrick sya e.

Nagdere-deretso nalang akong nagkalad papunta sa may main gate. At kung bakit ako naglalakad papunta doon? Wala! Feel ko lang! Pakialam nyo ba ha? Masasaktan lang ako pag tumambay pa ako don! Kasi.. kasi madaming lamok na feeling alitaptap! Baka makagat pa uli ako! Masasaktan nanaman ako! Tsk.

Asa daw ba ko e no!? Aba, asa din sya!! Nakakainis talaga. At saan kaya sya nakahugot ng lakas ng loob para sabihin sakin yun!? Hugutin ko ngala-ngala nya e! Bwiset.

"Oh Crissa, san punta?"

Sa ilalim ng mga puno, may nakaupong isa pang maligno. Prenteng-prenteng nakaupo sa damuhan habang kumakain ng corned tuna.

"Sa puso mo, Renzo. Sama ka?" sagot ko.

"Sige, tara." tumayo sya at akmang yayakap sakin. Pero naunahan na sya agad ng kamao ko na binigyan sya ng isang mainam na sapak sa mukha.

Tumumba sya sa sahig. At ang baliw, nakuha pang tumawa.

"Whoa! Hahaha! I didn't see that coming!"

"Asa ka naman kasi! Joke lang yon no. Feeling neto we, nako! Bawal kang magkagusto sakin ah!? May gusto nakong iba!" sigaw ko sabay layas.

Okay, sabihin nyo nang mas makapal pa ang mukha ko sa sementadong pader pero mas mabuti na talaga yung nagkakalinawan. Saka ayokong isipin nila na may gusto ako sa kanila no. Isa lang naman ang nagugustuhan ko e..

Si Sedrick..

Ay teka. Si Sedrick nga ba?

Aba, malamang Crissa!! Sino pa ba gusto mo, si Tyron!? Pwe! Hindi na no!!

Someone's POV

"Oy, anong mukha yan? Para kang brokenhearted ah?" tinabihan ko sya sa pagkakaupo.

"Her words cut deeper than a knife.." mula sa pagkakatingin sa kawalan, unti-unting nalipat ang tingin nya sa akin. Nakangiti sya pero halata namang pinipilit nya lang.

It is true. Magagawang magsinungaling ng bibig. Pero ang mata, sasabihin at sasabihin nyan ang totoo. Tulad ng isang to. Todo ngiti yung bibig, yung mata naman malungkot. Mukhang tanga.

"Buti nalang, I'm really good at hiding emotions and feelings."

"Akala mo lang yun. Darating din yung time na kahit ano pang effort mo na itago yang nararamdaman mo, lalabas at lalabas pa rin." seryosong sabi ko sa kanya.

Kahit ako, hindi ko rin inaasahan na makakarinig ako ng mga ganung salita galing sa isang gaya nya. At hindi ko rin inaasahan na makakausap ko sya ng ganito katino. Lalo pa at feelings ang pinag-uusapan. Seriously speaking kasi, mukhang hindi marunong magmahal ang isang to e.

Pero teka. Sino ba yung tinutukoy nya?

Napatingin ako sa kanya nang bigla syang may hinugot na kung ano sa bulsa nya. Kwintas. Na may pendant na korteng paper plane. Matapos nyang pagmasdan yun, itinago nya uli sa bulsa nya.

Hindi ko maiwasang mapangisi.

"Sya pala ha? May karibal ka na dun."

"I know right. She told me. And before she even told me, I knew it. Whenever I look at her, she has her eyes already on him.."

Ouch.. Damang-dama ko sa boses nya yung itinatago nyang lungkot.

"Alam mo na pala e. Ano nang balak mo ngayon?"

"Wala."

Marahas akong napatayo.

"Bakit wala!? Ang tanga mo naman!"

"Wala nakong magagawa kung gusto din sya ng gusto nya."

"Tanga! Hindi pa sila! Kaya hindi illegal na gumawa ka ng paraan para magustuhan ka rin nya!" tumayo ako at nagpagpag ng jeans ko. "Hindi mo pa sinusubukan, suko ka na agad? Tumayo ka dyan. Lumaban ka."

Crissa Harris' POV

"Akin na tong sniper na to! Hihihi." nagningning ang mata ko habang itinataas ko sa ere yung hawak kong sniper. Pagkarating ko kasi dito sa guardhouse sa may main gate, napag-isipan kong maghalungkat sa mga drawer. At eto nga, nakita ko tong sniper na to.

Lumabas ako sa gate tapos sumilip ako dun sa scope na nasa taas ng sniper. Hmm. Mas maganda pa rin yung mga nasa basement kesa dito. Pero okay na rin to, mapapakinabangan pa rin.

Ibababa ko na sana yung sniper nang parang may nahagip ang mata ko mula sa scope. Nung sumilip ako, may nakita akong lalaki mula sa malayo. Tumatakbo sya at mukhang may tinatakbuhan talaga sya.

Isinukbit ko yung sniper sakin tapos binunot ko yung baril sa bewang ko.

"Where are you going?" nagulat ako sa biglang humawak sa braso ko.

"Ano ba!? Bitawan mo ko Tyron! May nakita akong lalaki! Baka hinahabol ng undead yun!" sabi ko habang pumipiglas. Binitawan nya agad ang braso ko at tumakbo sya papunta sa direksyon na tinitignan ko kanina. Kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Naabutan namin yung lalaki na umaakyat ng puno habang may mahigit sa sampung undead ang pilit na umaabot sa kanya. Pinaputukan namin ni Tyron isa-isa yung mga undead at nung maubos sila, bumaba yung lalaki sa puno at tumakbo sya papunta sa amin.

"S-salamat.. Akala ko talaga, katapusan---"

Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil nung makita ko kung ano yung hawak nya, mabilis ko na syang tinutukan ng baril.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C34
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login