Download App
27.82% UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog) / Chapter 32: Chapter 30

Chapter 32: Chapter 30

Crissa Harris' POV

"Girls, come here!" tawag ko sa kanilang tatlo. Agad naman silang sumunod at kagaya ko, pagkakita din nila doon ay napangisi na sila.

Sa loob ng walang tubig na swimming pool ay may mga na-stock na undead. Nahulog siguro sila rito. At kung tatantyahin, mukhang hindi sila bababa ng 50. At base din sa itsura ng karamihan sa kanila, mukhang mga teenager lang sila gaya namin. Naka-swimsuit kasi din kasi yung iba e. Siguro, nagparty sila dito nung gabi bago yung nangyari.

Pero teka, bakit walang tubig to? Tapos yung undead ay hindi rin bloated? Nagswimming ba sila dito nang walang tubig? Hahahahaha. Funny. Di ko maimagine.

Kinalimutan ko muna saglit yung iniisip ko at humarap ako dun sa tatlo.

"Ano, game na? Ang daming target nyan. Magsasawa kayo for sure."

"Game." sabay-sabay silang nagsalita at sabay-sabay din silang ngumisi sakin.

"Then let's begin. Watch me." ikinasa ko yung baril ko at pinaputukan ko yung mga undead na pilit umaabot samin.

Hindi ko alam pero confident na confident talaga akong gumamit ng baril. Mayabang man kung iisipin pero, parang ang dali-dali talaga para sakin na humawak nito. Parang ang dami ko ring alam.

Nung nakapagtumba ako ng mahigit sa sampung undead, tumigil ako saglit tapos gumilid nako. I think that's enough at kailangan ko nang ipaubaya sa kanila yung iba para matuto na rin sila.

"It's your turn. Gawin nyo yung itinuro ko na handling at position. But wag nyo munang gagayahin yung ginawa ko na isang kamay lang ang hawak ko sa baril. Kailangang maging komportable muna kayo nang may nakasapong isang kamay."

Naghiwa-hiwalay sila ng pwesto at ginawa nila yung tinuro ko kanina.

"Now, load the gun. Mahirap at matigas talagang ikasa yan pero sanayan lang yan. Pero dahil semiautomatic naman yang pistol na gamit natin, isang beses nyo lang ikakasa yan. Now, aim at your target. Align the front sight with the rear sight. I-focus nyo yung tingin nyo sa target and make sure na naka-align at nakatutok talaga yung baril sa target."

Ginawa nila yung sinabi ko at tumutok nga sila sa magkakaibang target. Medyo nadi-distract pa sila dahil ang lilikot nung mga undead. Pero kitang-kita naman na tyinatyaga pa rin talaga nila. Nakakatuwa tuloy silang tignan. Seryosong-seryoso.

Itinaas ko uli yung baril ko at itinutok ko sa isang undead.

"You're doing good. Now, control your breathing. Take a deep and calm your body.. And ito na. Ensure that your gun is perfectly aimed at the target and.. pull the trigger!" pagkasabi ko nun sabay-sabay kaming nagpaputok. At dahil may silencer, hindi na kami nawindang sa nakakabinging tunog nun.

Tumba yung target ko. This is great. Sa mata ko sya tinamaan. Nung mapatingin naman ako dun sa binaril nung tatlo, sa magkakaibang parte tinamaan yung mga undead na target nila. Although tinamaan nga, hindi naman sa ulo at other fatal area.

"Game, isa pa. Aim for the head and any other fatal area! Have a good shot!"

Inulit uli nila yung ginawa nila kanina. Sunud-sunod na putok ang pinakawalan nila. Isa-isang nagtumbahan yung mga undead. May ilan silang na-headshot pero yung iba, daplis lang. Hindi ko na sila pinakialaman pa at hinayaan ko nalang na sila na ang tumapos nun. At nung mapatumba nila lahat, nakangiti silang naglakad papunta sa akin.

"That is too much for a day. Ang dami nyo nang alam." isinuksok ko sa holster yung baril ko at isa-isa ko silang tinapik sa balikat.

"And ikaw ang dahilan kung bakit namin nagawa to. Leader na leader ka Crissa. Sino namang mag-aakala na ang isang mahinhin na nursing student na tulad mo ay ganito kaastig? Ang galing humawak ng baril?" - Renzy

"Yung totoo, assassin ka no? Hahahaha!" - Alessandra

"Exactly! Mamamatay tao talaga yan si Crissa. Sya kaya pumatay kay Lapu-Lapu." - Harriette

"Mga loko kayo! Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ako may alam sa mga ganitong bagay. Saka, hindi naman talaga ako ang dahilan kung bakit kayo natuto. May mga potential kayo at ginising ko lang yung mga kaluluwa nyo. Kaya sa huli, yang mga sarili nyo pa din ang may dahilan. Magagaling talaga kayo." sabi ko at pinagpipitik ko sila sa noo.

"Aww, oo na oo na! Pero ang galing mo talagang leader!" - Harriette

"Psh. Oo na rin! Hahaha." inirapan ko sila at tumingin ako sa wristwatch ko. "4pm na, uwi na tayo? Baka nag-aalala na si Sed satin."

"Ay, oo nga! Baka nag-aalala na nga talaga si Sed satin." sabi ni Harriette sabay ngisi pa sakin. Kapansin-pansin din yung pag-emphasize nya sa word na satin.

Binigyan ko nalang sya ng meaningful na tingin tapos hinaltak ko na sila. Delikado pa pag inabutan kami ng dilim dito. Baka mamaya e, may multo pang lumitaw. Di naman yun tatablan ng baril. Buti kung undead lang e. Huhuhu.

And speaking of undead, may ilan kaming nakasalubong habang naglalakad kami. Nung babarilin na sana nila yun, pinigil ko sila agad.

"Wag kayong babaril kung hindi kailangan. Back up lang yang mga baril natin in case ma-overrun tayo." sabi ko sa kanila. Nag-agree naman sila at yung mga weapons nalang nila ang ginamit nila.

Napapangiti ako lalo na kay Renzy at Alessandra. Totoo nga yung sinabi ni Yaya Nerry na hindi masasayang yung mga combat knife na yun kung sila ang gagamit. Para kasing destined sa kanila yung mga yun e. Bagay na bagay sa kanila. At ito namang si Harriette, mukhang nagkatotoo nga yung sinabi nya nung una nyang mahawakan yung spear na yon. Na magkakasundo sila. Just look at her, ang astig nyang tignan habang pinapaikot nya sa kamay nya yon.

Pagliko namin sa may street namin, agad kaming napahinto na apat. Sa tapat ng isang bahay, nandun sila Christian kasama si Alex, Renzo, Elvis at Tyron. At base sa ginagawa nila, mukhang nagha-hand to hand combat sila. Pumapatay sila ng undead na walang gamit na kahit anong armas. Sinenyasan ko agad yung tatlong babae na maglakad na uli ng dere-deretso at wag silang pansinin.

Pero laking gulat ko nalang nang may humaltak sa braso ko. At pagharap ko, sinalubong na agad ako ng seryosong tingin ng kakambal ko.

"Anong ginagawa nyo dito sa labas?" ginantihan ko yung seryosong tingin na ipinupukol nya sakin.

"Common, Christian. We aren't questioning you kung bakit kayo nasa labas ngayon. Kaya pwede ba, wala na lang pakialamanan?" sabi ko at tumalikod na kami nila Harriette.

Yun ang huling pag-uusap namin ni Christian (kung maituturing nga talagang pag-uusap yon). Dahil lumipas samin ang dalawa pang araw na wala talagang nagbalak ni isa man samin na mag-usap. Nagkakasalubong kami paminsan-minsan pero ayun nga, mas malamig pa sa north pole yung pakikitungo namin sa kanila at ganun din sila sa amin. At kung hindi nga lang namin din kinakausap to si Sedrick, pwede na talagang isipin na there's a clash between the girls and the boys.

But buti nalang talaga dahil kasundo pa din namin si Sedrick despite what's going on. Sa loob din kasi ng dalawang araw na yon, napakarami pa naming natutunan nila Harriette with the help of him. On day 8, tinuruan nya kaming gumamit nung mas mataas na kalibre ng baril. Yung SMG, assault rifle, sniper rifle, at shotgun na nandoon sa may basement. And nung day 9, which is kahapon lang, tinuruan nya naman kaming mag drive. Hindi kami nahirapang intindihin yung tinuturo nya dahil ang bait bait nya samin. Gusto ko na ngang atakihin sa sobrang saya pero pinigil ko yung sarili ko at itinuon ko nalang mabuti yung isip ko sa mga tinuturo nya.

And now, 10 days na simula nung nangyari yung apocalypse, outbreak or whatsoever na pwede pang itawag dun. Dapat ngayon na kami magsisimula na hanapin yung family nila Alessandra at Renzy, pero dahil nga sa nangyari postponed muna.

Earlier this morning, napagkaisahan naming apat na magrun ng supplies dito lang sa loob ng village. At ang sama mang pakinggan pero, nag-barge in kaming apat sa kung kani-kaninong mga bahay. Pero don't judge us! Hindi lang naman supplies ang sinadya namin dun! Naghanap din kami ng mga survivors na gaya namin. But unfortunately, puro undead nalang ang nadatnan namin. So at the end, supplies nalang talaga nakuha namin. Hindi kami interesado sa ibang gamit. Canned goods, flashlight, batteries lang masaya na kami. At bago kumagat ang dilim, umuwi na rin kami.

"Oh, what's bothering you both? Bakit di pa kayo matulog?" sinilip ko kasi sila Alessandra at Renzy saglit pero eto, dilat pa rin sila kahit na dis-oras na ng gabi.

"Crissa, paano na yung plano natin na hanapin yung family namin? Matutuloy pa ba?"

"Oo nga. Ayokong umasa talaga na buhay pa sila. Pero hindi naman masamang magbakasakali diba?"

Umupo ako sa kama nila at inakbayan ko sila parehas.

"Gusto nyo talaga silang hanapin?" tumango sila bilang pagsagot sa akin. Nginitian ko silang dalawa.

"Then better go to sleep now. Pag-uusapan nating mabuti bukas kung ano yung gagawin natin. We will search for your families even without the help of others. The four of us, we'll go on our own."

Nakangiti silang dalawa ng matipid nang iwanan ko sila. Matipid pero nagpapakita ng pag-asa. Wala nga namang masama na magbakasakali. Kung mabigo ka, e ano naman? At least sinubukan mo pa rin diba?

Humiga na rin ako. Pero mga ilang minuto lang pagkatapos kong pumikit ay narinig kong bumukas ng marahas yung pinto. Pagdilat ko, tumambad na agad sakin ang isang undead na handang-handa na akong atakihin.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C32
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login