Crissa Harris' POV
Almost 11 pm na, hindi pa rin ako makatulog. Nakaka 700 na ikot na ata ako sa higaan e. Dahil maaga ngang natapos yung mission namin sa araw na to, nagpahinga na nga lang kami dito sa may living room. Yung iba naligo, kumain, pero yung iba naman, nag-practice gamit yung mga weapons nila hanggang mag gabi.
Tumayo ako. Baka madurog lang tong mattress na hinihigaan ko kakaikot e. Umupo nalang ako dun sa harapan ng table at pinagmasdan kong mabuti yung mga weapons namin.
Naramdaman ko naman na may bumangon din at nagpunta sa kinauupuan ko.
"Di ka makatulog?"
"Obvious ba?" pamimilosopo ko. Umupo naman si Christian sa tabi ko.
"What's bothering you?"
"Your existence."
"Barilin kaya kita?" pantatapat nya sa pangbabara ko. Natawa nalang ako sa matinong usapan naming dalawa.
"So, what's bothering you nga?" tanong nya uli.
"Your existence nga."
"Gusto mong kalimutan kong kakambal kita at barilin kita ngayon?"
"Just do it."
Nagtitigan kaming dalawa ng masama. At maya-maya pa, nagsabunutan nalang kami ng buhok habang tumatawa. Nung maramdaman naming kalbo na kami parehas, tumigil na kami. Umupo ako ng maayos.
"Eto, seryoso na talaga Christian. It's been two days. But, have you ever think of Marion and Zinnia? Pati si Scott? I mean, where are they now? Do they survived too? Simula kasi nung malaman natin na nangyayari na tong apocalypse na to, ang nasa isip nalang natin ay, yung survival nating sampu na nandito sa mansyon. Hindi na tayo naging aware sa iba. Sa nangyayari sa labas."
"Natural lang naman yun kapag nalagay ka sa isang sitwasyon na buhay mo ang nakataya. Natural lang na yung own safety and survival mo ang una mong iisipin. Una mong ipa-prioritize. Just like what happened to us yesterday. Naipit tayo sa loob ng lugar na to na ang mga kasama lang natin ay sila. Wala yung pamilya natin. And then this unexpected thing happened na kung saan anumang oras, pwede tayong mamatay. So that's a natural thing na wala na muna tayong ibang iisipin kundi makaligtas at mabuhay tayo pati na rin ang mga kasama natin dito. Mawawala muna yung attention natin sa ibang bagay o tao dahil ang priority nga lang natin ay yung mga bagay at tao na nandito at kasama natin physically. Do you get my point?"
Nagkamot ako ng ulo.
"Wow naman. Parang nagle-lecture lang. Hehe. Opo. Gets ko naman po yung logic at pinaka thought ng sinasabi nyo Prof. Christian Harris."
"Mabuti naman. But ito lang, hindi porke hindi muna natin sila iniisip, ang ibig sabihin na nun ay wala na tayong pakialam sa kanila. Hindi ganun yon. Nagkataon lang talaga na magiging ganon ang mindset mo kapag naipit ka na sa sitwasyon na kung saan nga, buhay mo ang nakataya. But about Marion and Zinnia, don't worry. Kung tayo ngang dalawa nakaligtas, sila pa kaya? E alam na alam naman natin ang kakayahan nila. Let's just don't underestimate them."
Tumango ako. Totoo yun. Kung malalaman lang siguro ni Zinnia at Marion na nag-aalala ako kung buhay pa ba silang dalawa, malamang gulpihin pa nila ako. Nakaka-insulto yun para sa ganong klaseng tao na tulad nila. Matatapang, madidiskarte at matatalino. Sila pa ba ang hindi makaka-survive? E kami ngang dalawa ni Christian na tatanga-tanga, nakaligtas at buhay pa rin hanggang ngayon?
Yes. I do know Marion and Zinnia very well. Magkakaiba man kami ng personality, there's still this strong bond which connects us. We understand each other, we feel each other. Kaya nalalalaman din namin ang strengths and weaknesses ng bawat isa. Pati na rin ibang mga lihim. And kahit hindi man nila inamin, alam kong pagpatak palang nila Marion at Zinnia sa legal age, they're already trained to use weapons and guns. Pati na rin ang iba't-ibang isitilo ng self-defense.
Napatingin ako sa labas at nakita ko yung bike ni Scott na nakasandig sa isang puno na nasa may hindi kalayuan dito sa mansyon. Naaninag ko yun sa pamamagitan ng ilaw na nanggagaling sa buwan.
"Christian?.."
"Hmm?.." lumingon sya sakin.
"What about Scott? He's just a 6th grader kid. And majority ng kasama nya sa retreat ay kaedad nya lang din. Do you think he survived too?"
Natahimik kami parehas dahil sa tinanong ko. Naglakas na ko ng loob na itanong to kaya kailangan, tanggapin ko yung maririnig kong sagot. Kahit ano man yun. Maganda man o hindi.
Narinig ko ang pag buntung-hininga ni Christian.
"I can't assure you, Crissa. But let us just be positive. Nasa bundok ang retreat site nila kaya pwedeng hindi pa nakakarating dun yun nangyayari dito sa siyudad. And one more thing, knowing the personality of that stubborn kiddo, he's the male and younger version of Zinnia. He may be a kid. But he has his own strengths and abilities." sagot nya pero hindi naman deretsahang nasagot yung tanong ko.
Nagkibit-balikat nalang ako.
"Yeah, I know right. May time pa nga na itinulak nya ko at tumilapon ako sa pader nang minsang asarin ko syang crush nya si Olga. He's strong indeed."
"Yeah. And there's this one time na bagong gising sya tas nag-prank ako. Binato nya ko ng lamp shade. Buti nakailag ako." tumatawa namang saad nya kaya nakitawa na rin ako.
Nagtawanan kami dun na parang baliw habang inaalala yung mga nakakatuwa naming memories kasama yung mga kapatid namin. Hindi na tuloy kami fully naging aware na may nagising pala dahil sa ingay namin.
"Wow. Nagba-bonding ang kambal. Sali ako ha. Ano pinag-uusapan nyo?"
"Kung paano ka namin papatayin." sabay naming sabi ni Christian with matching hawak pa ng baril para convincing.
"Mga kambal talaga oh. Kambal din sa kalokohan." tumawa nalang sya at nakiupo na din samin.
Tinignan ko sya ng seryoso dahil may gusto rin akong itanong na seryosong bagay.
"Elvis, yun bang itinanong mo sakin nung isang gabi na kung nararamdaman ko na, ang tinutukoy mo ba ay yung nangyayari ngayon?"
"Actually yes. Ikaw lang naman tong nag-isip na may gusto ako sayo. Tsk. Di na no."
Babatukan ko na dapat sya pero di ko nalang itinuloy. Marami pa akong gustong itanong sa kanya.
"Kung ito nga yung naramdaman mo nun, so alam mo na palang mangyayari to. E bakit hindi mo agad sinabi samin? We could've save lives. Sila Yaya Nerry.. Si Olga.."
"You've mistaken it, Crissa. Yes, I did feel something. But I am not fully aware what is this I felt particularly. I just feel weird that night. And even before that night. Pero hindi ko alam na yun na pala yun. I've seen signs and premonitions, pero hindi ko talaga alam na yung apocalyse na pala ang ipinapahiwatig nun sakin."
Natigilan ako sa sinabi nya.
Signs and premonitions.. So ibig sabihin, yung mga ginawa kong pagbili ng mga canned goods, pala, gas, posporo pati yung mga damit at bag the night before that happened, signs and premonitions din? Kasi isa yun sa mga bagay na kakailanganin namin?
At yung mga paglalambing na ginawa ko kay Yaya Nerry, Olga, Jackson at Bud, isa ring pahiwatig? Kasi yun na yung huling beses na makikita ko sila?
No. That can't be. Maaaring si Yaya Nerry at Olga patay na, but si Jackson at Bud, hindi. Nandito lang sila sa mansyon. Buhay pa sila at hahanapin namin sila bukas.
"Hey, Crissa. It's getting late. Marami pa tayong gagawin bukas." naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Christian sa balikat ko.
"Tulog na ko ah? Wag na kayong maingay." sabi ni Elvis at humiga na sya.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Christian.
"Pagkatapos ng gagawin natin bukas, ano nang susunod?"
"Tss. Matulog ka muna. Mukha ka na ring undead oh. Kung iniisip mo kung ano, wag kang mag-alala dahil meron na kong idea. Planuhin nalang nating mabuti dahil it's not that easy. Masyadong delikado. But yeah, matulog muna tayo."
Naghihikab syang naglakad papunta sa higaan nya. Pero bago pa sya makahiga, tumingin uli sya sa akin.
"Wag kang lalabas ha? Kung gusto mong mamatay, wag ka nang mahiyang magsabi samin dahil kami na ang gagawa."
"Baliw!" sigaw ko.
"Ssshh. Wag nga kayongsh maingayshhh.."
"Oo na, oo na!" sagot ko dun sa kung sinong nagsalita. Si Renzo ata e.
Nagdadabog akong nagmartsa papuntang higaan ko. Ipipikit ko na sana yung mata ko nang parang may narinig akong mahinang kalabog sa taas. Kung hindi ako nagkakamali, ang katapat nitong living room na nasa taas ay yung quarters ni Bud.
Pero nakalock yun nang puntahan namin kaninang umaga ah? Paano namang mangyayaring may kakalabog dun?
Haaayyy. Oo. Sa sobrang pagod ko siguro, nababangag nako. Makatulog na talaga. For sure mapapagod kami ng wagas sa gagawin namin bukas.
Ipinikit ko na yung mata ko. Pero ilang minuto lang siguro ang nakalipas, may narinig na naman ako. Pinakiramdaman ko yung paligid. Mukhang tulog na silang lahat. Tinalasan ko pa lalo yung pandinig ko. Meron nga talaga. Parang tunog ng gumugulong na kung ano sa sahig. Parang gulong ng swivel chair.
Dahan-dahan akong tumayo. Pigil ang paghinga ko habang dahan-dahang naglalakad papunta sa may table. Kinuha ko yung club ko at dumampot din ako ng pocket knife. Nung masiguro kong wala na talagang makakahuli sakin, dahan-dahan na rin akong naglakad papunta sa pinto.
Oo nakalock yung quarters ni Bud. Pero sigurado ako na merong tao sa loob nun. At pupunta ako ngayon dun para tignan.
Someone's POV
Napakautak talaga ng babae na to inaamin ko. Pero kung inaakala nyang lahat kami ay maiisahan at matatakasan nya, pwes akala nya lang yun. Basang-basa ko na galaw nya.
Dali-dali akong tumayo at kinuha ko yung weapon ko na nasa table. Nung makita kong nakalabas na sya, mabilis akong tumakbo at iniharang ko yung paa ko para hindi nya maisara yung pinto.