Criss Harris' POV
"Ha? Bakit naman? Okay naman dito sa basement ah?" tanong ko.
"Just do it. Babalik uli ako."
Tuluyan na syang umalis at iniwan kami. Hindi na rin kami umalma pa at inayos nalang namin yung mga gamit namin. Andun naman na yung mga damit nila sa maleta kaya okay na. Ako naman, okay na rin dahil may mga damit naman ako dun sa kwarto ko sa third floor. Kinuha ko nalang din yung club ko pati yung mga flashlight na nasa cabinet. Kailangan namin to.
"We're all set." napatingin ako kay Harriette. Nakasukbit na sa likod nya yung bag nya habang hawak nya naman sa kanang kamay nya yung spear nya.
Ganun din si Alessa at Renzy. Haltak-haltak nila yung maleta nila sa kaliwang kamay at hawak-hawak naman nila yung combat knife nila sa kanan.
"Then let's go." lumabas na kami ng kwarto namin at kumatok na kami kila Christian. Bumukas naman agad yung pinto.
"Hey Lil sis! Missed me already?" open arms na lumapit si Renzo sa kapatid nya pero madali namang nakaiwas yun kaya si Harriette ang nayakap nya.
Pare-parehas naman kaming nagutom dahil sa sumunod na nangyari. Malutong pa sa bagong pritong chicharon yung binitiwang sampal ni Harriette sa pisngi ni Renzo.
"Pasalamat ka at ayaw kong mabahiran ng dugo tong spear ko." Dere-deretsong naglakad si Harriette papasok habang si Renzo naman ay naiwanang nakangisi doon.
"Sarap bro?" - Alex
"Yan tuloy. Buti nga sayo." - Renzy
"Pffft.." - kami
Sakto namang lumabas si Christian galing sa banyo.
"Oh, sinong may dalang chicharon dito? May narinig akong malutong e." sabi nya. Sumagot naman agad si Harriette.
"Wala. Galing lang yun sa makapal na balat sa mukha ng isang bastos na lalaking tikoy."
Nagtawanan uli kami. At mukhang baliw naman tong si Renzo dahil nakitawa rin sya samin.
"Tama na. Ligayang-ligaya naman kayo. Ito oh. Isuot nyo." sabi ni Christian sabay abot samin ng mga knife sheaths na kinakabit sa may legs.
"Harriette ako na magkakabit ng iyo." - Renzo
"Sige! Nang saksakin kita." - Harriette
Kinabit ko yung akin at tinulungan ko rin sila Alessandra at Renzy. Yung kila Alex at Elvis, nakakabit na rin. Napatingin naman ako kay Sedrick at nakangiti sya sakin. Umiwas ako bigla ng tingin kaya pagbaling ko sa ibang direksyon, tumama naman ang mukha ko sa balikat ni Tyron na saktong dumaan.
"Aray ko ah!? Wag mong dinadaan sa tangkad!" sigaw ko.
"Kung san-san ka kasi nakatingin. Tss." sabi nya sabay alis.
Sarap tagain nitong lalaki na to. Sakit sa mukha. Tsk. Silang tatlo kasi nila Christian at Sedrick ang pinakamatangkad although hindi naman sila nagkakalayong lahat.
"Done? Tara na. Almost 5pm na oh." sabi ni Christian habang naglalakad na palabas.
"Eh yung mga guns and weapons sa pangatlong kwarto?" tanong ko.
"Don't worry. Babalik pa naman tayo dyan bukas. Sapat na tong pistols na hawak natin. "
"Oh, ok. Pero yung mga corned tuna pala nandun pa sa kwarto namin." sabi ko. Tinignan ko naman ng makahulugan si Alex, Elvis, Renzo at Tyron dahil iniwan na kami nila Sedrick.
"Alright kami na." - Alex at Elvis
"Sige! Good luck!" - Renzo. Sinapak naman sya ni Tyron sa balikat.
"Kasama ka no." - Tyron
"Tss. Pogi pogi ko e, pinagbubuhat nyo ko!" - Renzo
"Pwe! Umalis na tayo dito. Nagkakalokohan na lang!" - Harriette
"Magpapanggap nalang ako na hindi ko kilala yan." - Renzy
At yun, hinatak na nila kami ni Alessandra paalis.
*****
Harriette Kobayashi's POV
** 10:35 pm
Naalimpungatan nalang ako dahil parang narinig kong bumukas yung pinto.
Dis-oras na ng gabi at dito nga kami sa living room na para sa mga guest natulog. Nandito kami sa sahig nila Crissa, Alessandra at Renzy. Inakyat nalang namin dito yung mga mattress ng kama namin sa basement para may mahigaan kami. Ganun din ang ginawa nung mga lalaki. Pero dun sila sa may bandang dulo nahiga.
Sinilip ko sila Crissa pero agad akong napabangon nang makita kong wala sya sa higaan nya.
Shit! So totoo palang may lumabas at si Crissa yun! San sya nagpunta?
Kinuha ko agad yung spear ko na nakapatong sa may table. Akmang lalabas na rin ako nang bigla akong mapaisip.
Ang galing ko namang magtapang-tapangan. E sa totoo lang, numero unang matatakutin din ako. Paano kapag may undead pala doon? Hindi ko nga kayang maipagtanggol yung sarili ko e. Ibang tao pa kaya? Baka maipahamak ko pa nito si Crissa. Mabuti pang gumising nalang ako ng lalaki.
Pumunta ako sa mga lalaki at kinalabit ko yung una kong nalapitan. Dahil madilim, hindi ko alam kung sino ba yun. Nakatalikod din kasi sya at nakatalukbong ng kumot.
"Huy, gising.. Lumabas si Crissa. Dali.." bulong ko na kinakabahan na. Nagising naman agad sya at napabangon.
Si Tyron pala.
"W-what? Where did she go?.."
"Hindi ko alam. Basta lumabas sya.."
Tumayo na agad si Tyron at kinuha yung katana nya.
"Dyan ka nalang. Pag 10 minutes hindi kami nakabalik, gisingin mo na si Christian at Elvis. Pasunurin mo samin."
Yun nalang ang sinabi nya at tumakbo na sya palabas. Naiwan nalang ako dun na maiyak-iyak na.
Shit lang. Alam kong cleared na tong first floor kaya wala nang mga undead dito. Pero shit lang talaga. Kinakabahan pa rin ako..
Napatingin ako sa may center table at naramdaman ko nalang tuluyan na kong napaluha.
Andun yung baril at club ni Crissa. At wala syang dala ngayon na armas..
Crissa Harris' POV
Dahil sa matinding uhaw, napilitan akong lumabas nung living room na tinutulugan namin. Actually nga, hindi naman talaga ako makatulog kaya na rin lumabas ako. Pero cleared naman na tong first floor so why worry? Saka isa pa, dala ko naman yung mga armas ko.
Kinapa ko yung holster at sheath ko tapos..
"Hehehe. Nandun nga pala sa table yung mga gamit ko."
Dumeretso nalang ako sa may kitchen at kumuha ng tubig sa gripo para inumin. May purifier naman kaya safe to. Kumuha na rin ako ng container at nilagyan ko para if ever na mauhaw uli ako o isa man samin nila Harriette, di na kami pupunta dito.
Ihahakbang ko na sana ang paa ko para bumalik sa living room nang biglang may sumulpot na undead security namin sa may entrance ng kitchen. Dali-dali akong yumuko at nagtago sa may gilid pero dahil sa pagmamadali ko, natabig ko yung isang malaking vase na nakatayo. Nakuha nun ang atensyon nung undead kaya nakita nya ako.
"Oy, oy! Wag kang lalapit! Buto ng sampalok ang ipapasahod ko sayo, sige!" mukhang tangang sigaw ko sa kanya. Umungol naman sya at parang lasing na naglakad papalapit sa akin.
Oh my! Wala akong weapon!
Dinampot ko yung blender na nasa gilid at ibinato ko sa kanya. Ang tanga ko naman dahil sa balikat na nga lang sya tinamaan, hindi pa naputol. Dumampot na lang ako ng dumampot ng kung anu-ano at pinagbabato ko sa kanya. Naubos na lahat pero hindi ko pa rin sya ma-head shot.
Ilang dipa nalang ang layo nya sakin!
Tae naman oh! Asan na yung mga kutsilyo dito? Kinakabahan na ko!
Mabilis akong tumakbo sa mga baso at platong nakadisplay at pinagbabato sya. Nagkalat na yung mga basag na gamit sa sahig kaya sa sobrang pag-iwas ko, natalisod naman ako at napaupo sa sahig.
Cornered nako at wala nakong mahablot para maibato.
Naramdaman ko na ang luha ko dahil wala nakong magawa. Nasa harapan ko na sya. Napapikit nalang ako at inintay ko nalang na magkagulanit-gulanit ako dahil sa kagat nya.
"H-hey, Crissa? Okay ka lang ba?"
Napadilat ako bigla nang marinig ko yung boses ni Tyron. Pagtingin ko sa harapan ko, pugot na ulo nalang ng undead ang nakita ko. Tumingala naman ako at nakatayo na doon si Tyron at Sedrick.
Dali-dali akong tumayo at umiiyak na tumakbo papunta kay Sedrick.
"T-thank you ha? Akala ko, magiging undead na rin ako."
"E-eh teka, si Tyron---"
Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil bigla nang sumulpot si Christian out of nowhere. Lumapit si Christian sakin at agad akong pinasadahan ng tingin. Puno ng takot yung mata nya.
"Okay ka lang ba, ha? Wag mo nang uulitin yun. Kabang-kaba ko."
"S-sorry. Nauhaw kasi ako kaya lumabas ako. Buti nalang talaga, dumating si Sedrick.." bulong ko hahang pinupunasan ang mata ko.
"E-eh Crissa, hindi nga ak--"
"Salamat Sed." sabi ni Christian sabay tapik ng balikat ni Sedrick. Nagkamot nalang ng ulo si Sedrick.
Nagulat naman ako nang mabangga ni Tyron yung balikat ko nang dumaan sya sa tabi ko.
Anong problema nun? Ang sama ng ugali. Hindi na nga nagsorry tapos dere-deretso pang naglakad na akala mo walang nabangga. Tss.
Bumalik na rin kami sa may living room pagkatapos. At pagkarating namin doon, gising silang lahat at halata sa itsura nila na nag-alala sila.
Niyakap ako agad ni Harriette, Alessa at Renzy. Sobra raw silang nag-alala sakin. Si Alex at Elvis naman, binatukan nila ko parehas nang lapitan nila ako.
"Pasaway ka ha? Pinapain mo ba sarili mo?" - Alex
"Lesson for the day: Don't forget your weapons. Carry it every time." - Elvis
Huminga naman ako ng malalim at nagpilit ng ngiti sa kanila.
"Oo. Magsitulog na kayo. Mas mag-iingat na talaga ko sa susunod.."
"Dapat lang. Kung ikaw na leader hindi mo kayang protektahan yang sarili mo, pano mo pa kaya mapoprotektahan yang buong grupo mo? Take note of that, Crissa." panenermon sakin ng magaling kong kakambal bago kami magsipunta sa mga higaan namin.
Kunwari pang alalang-alala sakin kanina, yun pala babanatan din ako ng sermon. Tss. E sya kaya tong nagmamagaling na iprinisintang maging leader din ako. Samantalang wala naman akong alam.
Hmp. Saksakin ko kaya to habang tulog?
Hahaha. Joke lang. We're twins. Pag nasaktan sya, nasasaktan din ako. Kung ano yung nararamdaman nya, nararamdaman ko rin.
Pipikit na sana ako nang makita kong umupo si Tyron sa harap ng table. Tumayo ako para tignan yung ginagawa nya. Pinupunasan nya pala yung katana nya.
"Oh, lalabas ka nanaman at ipapahamak ang sarili mo?" bulong nya. Nilapitan ko naman sya at nakita kong may bahid ng dugo yung katana nya. Maliwanag ang buwan kaya napansin ko yun.
"Anong nangyari dyan? Bakit may dugo?" tanong ko. Pero para namang napahiya ako nang hindi sya sumagot. Pinagpatuloy nya lang yung pagpupunas nya. Nung matapos sya, ipinatong nya nalang yun dun at bumalik na sya sa higaan nya.
Naiwan nalang akong nakanganga doon. Pero humiga na rin ako. Baka hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko at hatawin ko ang isang to.
Haaayy.. Ang sama talaga ng ugali..