Download App
59.25% Erzeclein Duology (Tagalog) / Chapter 16: Ikalabing-tatlong Kabanata

Chapter 16: Ikalabing-tatlong Kabanata

Ang Bubuo sa Class Picture

Ikalabing-tatlong Kabanata

Becca's POV

"Ano na'ng sunod nating gagawin?" tanong ni Jerome saakin. Hindi 'din ako mapakali at kanina pa ako naglalakad-lakad sa loob ng clinic. Nag-aalala 'din ako para kina Nathaniel, kahit na ganoon pa ang turing niya saakin. "Hayaan niyo sila. Choice nila 'yon. Hindi sila nagtiwala saatin." sabi ni Mikee atsaka nalang humiga sa kama.

Binulabog kami ng malakas na kalabog sa pintuan. Ang aming atensyon ay napadpad sa harap ng pintuan. Marahan na nagtungo si Lyneth sa harapan nito atsaka binuksan. "Ayoko na. Ayoko na. Dito nalang ako. Sasama nalang ako sainyo palagi." bigkas ng hinigingal ngayong si Ashley.

"Bakit? Ano ba'ng nangyari? Nasaan si Nath at Rine?" alalang tanong ko sakanya. "N-Naiwan sila. S-Si Ma'am C-Carmelita." bigkas niya. Hindi na ako nag-iwan ng salita atsaka akmang aalis na sana nang may manghila sa braso ko. "Saan ka pupunta?" tanong ni Jack.

"Kailangan ko silang iligtas, baka anong gawin sakanila ni Ma'am Carmelita." Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko atsaka ako hinarapan. "Sasama ako." sagot niya. Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya. "Kaya ko 'to. Isa pa't ayokong mapahamak ka."

Natahimik kaming lahat. Pinaupo nila ang natatarantang si Ashley. "Guys! Buksan niyo ang pinto!" sigaw ng nangangalampag. Tinignan muna ni Lyneth kung sino ang kumakatok. "Buksan niyo. Si Rinnah ang kumakatok." sabi ni Lyneth. Binuksan ni Jack ang pinto.

"G-Guys, guys." Naiiyak na bigkas niya. "Anong nangyari? Si Nathaniel nasaan?" tanong ko. "P-Patay na s-siya. P-Pinatay siya ni Liza. M-Maniwala kayo sakin sinubukan ko siyang i-iligtas pero h-huli na nang dumating si M-Ma'am Carmelita."

Lumapit ako sakanya atsaka siya pinaupo sa tabi ni Ashley. "Kumalma ka, Rine. Ayus lang. Hindi mo kasalanan ang nangyari." bigkas ko sakanya. Napayakap siya saakin. "Ano bang nangyari talaga, Ashley. Rinnah?" tanong ni Jack sakanila.

"Umalis kami dito. N-Nang p-palapit na kami sa gate, binuksan iyon ni Liza. Sumunod sakanya si Nathaniel. P-Pero nung lumabas siya, nabigla kami nang saksakin siya ni Liza." Paliwanag ni Ashley. "Nung iniwan ako ni Ashley, para bang nasaniban si Liza. Gusto niya kaming patayin. Aksidente ko siyang nasaksak." Tumulo ang mga luha sakanyang pisngi.

"'Yung bangkay ni Liza? Diba malinaw naman na nakita natin 'yung katawan ni Liza? Nandoon ba?" tanong ni Jerome. "W-Wala. Walang katawan. Ang ibig sabihin nito ay napatay ko si L-Liza. Napatay ko siya, Becca? A-Anong gagawin ko?" tanong niya saakin, patuloy parin ang pagpatak ng mga luha.

Lumitaw ang class picture sa likuran ko. Mabilis ko iyong pinakita sakanila. "Nandito si Nath." sabi ko matapos ipakita sakanila ang class picture. "Paanong nangyari? Hindi ba ang mga pangalan ng mga estudyante na pinatay ni Ma'am Carmelita ay sina Lyza, Markie, Lyneth, at Becca? Bakit si Nathaniel ang nasa class picture?"

"Baka siguro wala na siyang time na isa-isahin pa tayo? Siguro desperado na siyang mapuno ang class picture?" sagot ni Rinnah. "Paano mo naman nasabi? Ikaw ba ang pumapatay?" Nabigla ako sa tanong ni Lyneth kay Rinnah. "How dare you accuse me. Ikaw ngang nanglason kay Mikee, eh!" sumbat ni Rinnah.

"Guys, 'wag na kayong mag-away please? Pwede bang magkaisa nalang tayo? Tatlo na ang nalagas saatin. Gugustuhin niyo pa bang madagdagan pa ang mga susunod na mamamatay?" sabi ko. Napahawi ako sa aking buhok atsaka nalang napahawak saaking ulo. "Tigilan niyo na ang pag-aaway niyo, Rinnah, Lyneth."

"Ang mabuti pa, mag-isip na tayo ng plano kung paano makakalabas dito. Hindi ba't sabi niyo bukas na nga ang gate?" Tumango lamang si Ashley at Rinnah. Umupo kami sa mga kama. "Pero bago ang lahat, paliguan muna natin ang ating mga sarili." saad ni Jack atsaka ngumiti saakin. Napangiti naman ako pabalik sakanya.

--**--

Tatlumpung minuto na ang nakakalipas at hindi parin lumalabas si Becca sa kwarto. Lahat sila'y abala sa pag-iisip. Hindi naman mapagharap si Rinnah at Lyneth dahil may galit parin ang mga ito sa isa't isa. Nagsimula ang lahat nang magkaroon ng lason ang baso ni Mikee.

Pero nabawasan 'din ang tiwala nila kay Rinnah. Kapansin-pansin ang pagbabago nito ng ugali. Napakatahimik noon nito, ngunit ngayon ay unti-unti ng lumilitaw ang tunay na kulay nito. "Ilang minuto ba ang kailangan mo, Becca para lang matapos ka diyan?" tanong ni Jack na kanina pa naghihintay sa labas ng pintuan.

"Uhm, patapos na ako." Sagot ni Becca. Napabuntong-hininga si Jack. Mga babae nga naman. Napakakomplikado. Simpleng pagligo lang ay tumatagal sakanila ng isang oras. "Matagal ka pa ba? Mag-uusa-" Natigilan si Jack nang buksan ni Becca ang pintuan at halos maghalikan na sila sa sobrang lapit nila ngayon sa isa't isa. Napaatras ng bahagya si Jack.

"Ano 'yon?" tanong ni Becca. Hindi nakasagot si Jack. Napakabango ni Becca. Mabuti nalang talaga at hygienic itong si Rinnah. May dala-dala siyang hygiene kit. "Wala. Sabi ko mag-start na tayo." sagot naman ng binata. Napangiti lamang si Becca sakanya atsaka na nila sinamahan sina Jerome.

"Ano 'yang ngiti nayan, Becca?" sumbat ni Jerome. Napatakip ng mukha si Becca dahil hindi niya maitago ang pamumula ng mga pisngi niya. "Wala. Pumasok ka na sa banyo Jerome at dalian mo. May pag-uusapan pa tayo." paalala ni Becca. Umiling si Jerome. "Mag-usap na kayo. Wala tayong dapat sayangin na oras. Lubusin na natin." sagot ni Jerome atsaka na niya binitbit ang kanyang damit at tuwalya. Paalis na siya nang pigilan siya ni Becca.

"Saan mo galing ang mga damit mo, pati 'yang tuwalya?" tanong ng dalaga. "Ah, ito ba? Dala ko 'to. Mabuti nalang pinasok ni Nath sa bag..." Natigilan si Jerome sa kanyang napagtanto. "Hays, nakakapanibago. Ang bilis ng mga pangyayari." bigkas ni Jerome at ngumiti ng mapait. Naalala na niya na naman si Nathaniel. Namuo ang mga luha sa gilid ng kanyang mata pero pinigilan niya ang mga ito.

"Anyways, kailangan ko na talagang maligo. Haha!" Nagtungo na siya sa banyo atsaka ito mahinang isinara. Ilang segundo silang natahimik matapos ang nangyaring iyon. "Bago ang lahat, ba't hindi muna natin uli ipagdasal ang mga namatay nating mga kaibigan?" suhetsyon ni Mikee. Napangiti si Becca sakanya. Umupo sila nang nakapalibot sa bawat isa.

Naghawak kamay silang lahat. "Panginoon, pinupuri ka namin at sinasamba. Nagpapasalamat pu kami sa mga biyayang aming natatanggap. Nagpapasalamat po kami dahil pinatili niyo po ang aming kaligtasan. Humihingi po kami ng tawad sa lahat ng kasalanang aming nagawa. Sinadya man po namin o hindi. Sana'y makasama po kayo ng aming mga kaibigang namayapa na. Gabayan niyo po kami. Makalabas po sana kami rito nang wala ng nalalagasan pa ni isa saamin. Hinihiling 'din po namin ang kaligtasan ng aming mga pamilya. Sana po'y makauwi kami ng ligtas at makasama pa po namin sila. Ito ang aming samot dalangin sa matamis na pangalan ni Hesus, Amen."

"Paano ang plano natin?" tanong ni Lyneth. "Ashley, Rinnah," tawag ni Becca sa mga pangalan nila. "Nakasisiguro ba kayong bukas talaga ang gate?" tanong niya. Mariin na tumango si Ashley sakanya.

"Ganito ang plano natin." Inilabas ni Becca ang isang boteng may lamang likido. "Holy water." bigkas ni Jack. "Gagamitin natin ito kung magpakita man si Ma'am Carmelita. Alam kong, kung magtitiwala tayo Sakanya, maliligtas tayo. Walang mas hihigit pa sa kapangyarihan Niya." panatag na bigkas ng dalaga.

"Ano na bang oras?" tanong ni Lyneth. "It's already 7pm in the evening." sagot ni Ashley. "Aalis tayo ng mas maaga. MagpapaIipas muna tayo ng gabi. Gigising tayo ng maaga. Mga bandang alas-kwatro. Alam naman nating lahat na pagtungtong ng alas-singko, wala ng gagambala saatin." bigkas ni Becca.

"Pero paano natin gagawin iyon, Becca? Makasisigurado ba tayo na magigising tayo ng eksaktong alas-kwatro?" tanong ni Rinnah. May hinigit si Becca mula sa bag na dinala ni Nath. "Cellphone? Kanino-" "Kay Liza ang isang ito," Pinakita niya ang lockscreen. "Mabuti nalang at wala siyang pin."

"Binitbit ni Nathaniel ang mga kakailanganin natin." tuglong ni Becca. "Paano?" May inilabas siyang isang papel. Iniabot niya ito kay Jack upang mabasa niya.

Dear Charo,

HAHA! Puro kalokohan, Nathaniel. Ano bang ginagawa mo at sinusulat mo ito. Ah, dahil alas-dos na ng madaling araw at nag-aalala ka sa kaligtasan ng mga kaibigan mo. Kung sino mang nakakabasa nito, edi wow! Sinulat ko ito dahil hindi ako sigurado kung maging ako'y makakaligtas. Haha, hindi ganito ang ugali ko. Isa akong makasarili, alam ko iyon. Pero pagdating sainyo, napalambot niyo ako. Pinapahalagahan kolang ang mga taong malapit saakin. Pero nang makilala ko kayo ng lubusan, ewan ko. May naramdaman lang ako bigla. Ayoko ng may mawala pa sainyo, hindi ko man nagawang mailigtas si Liza, magawa ko man lang ito sainyo. Puro importanteng bagay lang ang inilagay ko dito ha! Nandiyan 'yung first aid kit, mga extrang damit, mga delata na kinuha nila Isma. Ang tapang tapang ng barkada ko, Haha. 'Di ko aakalaing lalabas siya mismo sa lugar na ito at babalik 'dun sa camp. Ito nalang ang magagawa ko. 'Di ko na babanggitin ang ibang bagay na nilagay ko dito. See for yourself guys, or let us see. Kung andito pa ako haha. Labyuol guys, kahit walang lab back.

-Nathy Pogi

Naiyak silang lahat habang binabasa nila ang sulat na nagmula kay Nathaniel. Hindi nila ito inakala. Napakabuting tao ni Nathaniel. Lahat sila'y naantig sa isinulat niya. Pero kung meron man silang nararamdamang kakaiba ngayon, iyon ang guilt. Hindi nila nailigtas si Nathaniel.

Pero sa lahat ng taong nandodoon, isang tao ang nakaramdam ng pagsisisi. Huminga ito ng malalim at naramdaman ang pagpatak ng mga luha sakanyang pisngi. Napangiti siyang mapait. "Sana hindi ko inisip ang sarili kong kapakanan. Sana nailigtas kita, Nath." bigkas ni Rinnah sa ikalalimam ng kanyang hininga.

--**--

Bea's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may nangangalabit saakin. Pagkamulat ko, nakita ko ang mukha ni Jack sa harapan ko. "Kailangan nating hanapin si Jerome at Lyneth. Nawawala sila." sabi niya. Ikinagulat ko naman ito dahilan ng mabilis na pagtayo ko.

Binitbit ko ang mga bag atsaka na sumunod. Nag-alok ng kamay si Jack. Nahihiya man pero tinaggap ko ito. Magkahawak kaming tumakbo kasama ang iba pa. Sa daan, hindi ko maiwasang pagmasdan ang napakagwapo niyang mukha.

Binura ko ang lahat ng iyon sa isip ko. Inisip ko muna ang problema namin. Si Jerome at Lyneth ay nawawala. Tumakbo kami sa mga corridors. Hanggang sa madulas ako nang may maapakan ako. Ang class picture. Pinulot ko ito, nakita kong malapit ng malagay sa class picture si Lyneth kaya sinabihan ko silang magmadali.

Nasa restricted section na kami, isa uli iyong library, pero this time, napakalaki nito. Maaari kang mawala sa dilim pagpasok mo. Inihanda namin ang mga flashlight, kung sakali man. Tumakbo kami at pinasok ang kailaliman ng dilim. Magkahawak parin kami ni Jack. Ilang saglit pa, may naapakan ako. Isa iyong kamay na puno ng dugo. Nang ilawan ni Jack ang kamay, naaninag niya ang mukha ng may-ari ng kamay.

Si Lyneth.

"Oh my god!" napasigaw si Ashley. "Lyneth." bulong ko sa kailaliman ng aking hininga. Hinawakan ko ang kanyang braso at dinamdam ang kanyang pulso. Buhay pa siya. May nararamdaman parin ako. Hindi maiwasang mapansin ni Rinnah na may kakaiba sa class picture. Tinignan niya ito ng mabuti.

"Something's wrong." sabi ni Rinnah atsaka iniabot ang class picture saakin. Kumabog ang dibdib ko. Hindi ako mapakali sa nakita ko. Instead na si Lyneth ang nakalagay doon,

Si Jerome.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C16
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login