Download App

Ikapitong Kabanata

Pagkawala ng Midya

Ikapitong Kabanata

Pagsapit ng alas-dyes ng umaga, nagising ang lahat. Hindi nila alam ang mga kaganapan noong gabing iyon. Matapos kasi nilang kumain ay bigla na lamang silang nakaramdam ng kakaiba at nakatulog sila. Wala paring nagbago sa kinahihigaan ni Becca. Wala parin siyang malay at nakaharap sa maduming lupa.

Unti-unting tumama ang liwanag sa mga mata ni Rinnah noong mga oras na iyon. Tumingin siya sa kanyang tabi upang batiin sana niya si Becca ng magandang umaga ngunit wala siyang nakitang bakas nito. Wala ibang naramdaman si Rinnah kung hindi gutom. Tinulungan niya ang kanyang sarili upang umupo. Nang makatayo siya ay nagmasid siya sa buong paligid. "Ang aga naman yata niyang nagising?" tanong niya sakanyang sarili.

Napatingin siya sakanyag orasan at halos malaglag ang mga panga niya sa nakita. Alas diyes kinse na ng umaga. Dali-dali siyang nagtungo sa labas at baka may hindi siya nagawang activity nila sa encampment, at doon niya nakita ang nakahandusay na si Becca. Dinidilaan siya ng pusa na para bang ginising ito ngunit sa oras na nakita siya nito ay mabilis siyang tumakbo papaalis.

Linapitan ni Rinnah ang nakahigang si Becca. Tinapik nito ang kanyang mukha upang magising. Marahan na minulat nito ang kanyang mga mata at unang bumungad sakanya ang mukha ni Rinnah. "Anong ginagawa mo diyan?" tanong sakanya nito. Mabilis na napatayo si Becca at tumingin sa paligid. "Si Mr. Bang, pati ang mga cameraman. Nakita ko sila kagabi! Nag-iimpake sila!" sigaw niya.

"Kaya pala kakaiba ang kutob ko sakanila." bigkas naman ni Rinnah at napahawak sakanyang baba. Nagsilabasan ang iba pa sa kanilang nga tent at nag-unat-unat. Naglakad papalapit sakanila ang hinihikab pang si Jerome. "Becca, ayos ka lang?" tanong niya, ang tunog ng kanyang boses ay garalgal. Hindi pa tuluyang gising ang kanyang diwa. Tumango lang ang dalaga sakanya.

"Good morning!" bati naman ng kalalabas lang sa tent na si Nathaniel. Kasama niyang lumabas si Jack. "Ano? Alas-diyes na ng umaga?" tanong nito. "Hindi pa ako nakakapag-exercise. Tara, Mael. Jogging tayo kahit 25 minutes lang!" aya sakanya nito. Sumunod lang sakanya si Jack o ang tinatawag ni Nath na 'Mael' atsaka na sila umalis.

Lumabas naman sa kabilang tent si Liza, Mikee, Lyneth, at Ashley. Hindi pa lumalabas si Markie mula sa tent nila ni Jerome. Mukhang himbing na himbing pa sa tulog at hindi alam ang mga nangyayari. Naglakad ang iba upang nagtungo sa banyo ng university. Si Becca naman ay inalalayan ni Rinnah at Jerome upang umupo sa isang malaking bato. "Sigurado kang ayos ka lang? Ba't ka ba nakahandusay 'don?" alalang tanong ng binata.

"Nakaramdam ako ng kakaiba kagabi. Bigla akong dinalaw ng antok at 'di ko inaasahan ay nakatulog na lang ako. Hindi ko alam kung bakit." paliwanag ni Becca. "Kakaiba nga ang mga pangyayari. Bago ka ba nakatulog ay naramdaman mo na parang walang laman ang tiyan mo?" tanong niya. "Oo." Hindi sinagot ni Becca ang tanong ngunit sinagot ito ni Rinnah.

"Pagkatapos kong maubos 'yung iniabot mong pagkain saamin kagabi, naramdaman ko na parang hangin lang ang laman ng tiyan ko. Unti-unting nanlabo ang paningin ko at pakiramdam ko ay gusto kong matulog." pahayag ni Rinnah. "Hindi kaya... May kinalaman ito sa pinakain nila saatin kagabi?" tanong ni Becca sakanila. Nagkibit-balikat lamang si Jerome at nanatiling tahimik si Rinnah.

Nagulat ang tatlo nang bigla nalang may sumigaw. "Good morning, Nature! Good morning, plants, trees, and rocks!" parang baliw na bigkas ni Markie na lumabos na may piring pa sa mata. Hindi 'yung piring talaga na panyo, kundi 'yung pantakip sa mata sa tuwing 'di ka makatulog. Tinanggal ito ni Markie at nagtama ang mga mata namin. "Hello, Jerome baby. Nakatulog ka ba ng maayos?" malaswa niyang bigkas sa harapan ni Jerome.

Napatingin ang dalawa kay Jerome. "Itago niyo nga akong sa vaklang 'yan." bigkas ni Jerome at nagtago sa likuran ng dalawa. "Ouch. Nahurt naman ako. Che! Tumigil ka nga, 'di naman gwapo eh!" saad ni Markie atsaka na nag-marcha paalis ngunit tumigil 'din nang may mapansin siya sa bulletin board na nakatayo malapit sa punong nagbibigay lilim sa mga tent namin. Linapit nito ang kanyang mukha upang basahin dahil mukhang hindi niya ito mabasa ng malayo.

"Camp, I'm sorry to tell you this. But the media had a minor problem. We will fix the problem soon and we'll come back tonight. But you have to do the task one. You are being watched. Read the next page for the details of the activity one. - Mr. Bang" Narinig nilang binasa ito ni Markie. Mabilis na lumapit ang tatlo at binasa 'din ang note na naiwan sakanila. "So, we have to the activity?" tanong ni Markie.

"Malamang. Kasasabi nga lang, diba?" asar na bigkas ni Jerome. "Yiee, ganyan nagkatuluyan si Mama't Papa." ani ni Rinnah. Nag-inarteng nasusuka si Jerome at nagmala-dalagang pilipina si Markie. "Patintero ang sunod na laro? At sino ang tinutukoy ni Mr. Bang na magbabantay saatin?" tanong ni Becca. Hindi nakasagot ang iba pa.

"Guys, walang tubig ang mga gripo ng university." sabi ng paparating ngayong sina Lyneth. Napalingon kaming apat. "What? Paano na ang aking daily routine? I can't live my life without water! Do something!" sigaw ni Markie. "Hoy, echosera ka, mag-igib ka kung gusto mo ng tubig, no!" sabi naman Mikee.

"O to the M to the G. Tama si Markie, how can we live without water?" pag-iinarte 'din ni Liza. "First, water, a compound with a chemical name dihydrogen oxide or also known as the H2O which came from two elements, Hydrogen and Oxygen. Body needs enough hydrogen and oxygen, so basically, Markie and Liza's opinions are right. Water is essential to our body." bigkas naman ni Ashley na pawang nagbibigay yata ng trivia.

"Sige, aalis na ko, hehe. Ako na mag-aadjust. Baka dumugo na naman ilong ko sa mga pinagsasabi ni Ash." biro ni Jerome. "This isn't a joke, y'all-" naputol ang sinasabi ni Liza nang magsalita si Lyneth. "May poso sa likod ng clinic. Kesa sa maginarte kayong tatlo, ba't 'di nalang kaya kayo mag-igib, ano?" iritang bigkas ni Lyneth atsaka padabog na pumasok muli sakanyang tent.

"I don't do igib!" bigkas ni Liza. Sinamaan siya ng tingin ni Mikee. "Edi 'wag kang gagamit ng tubig namin." bigkas naman ni Mikee. Pumasok 'din siya sa tent nila ni Lyneth. Saglit na natahimik ang dalaga. "Why is it so hot here?" saad niya habang pinapaypayan ang kanyang sarili. Nagkanya-kanya na ang lahat at ang iba ay naghanda na para sa unang activity.

Nagtungo sina Becca sa mesa at doon inilatag ang mga dala-dala nilang bag. "Kailangan natin kumilos. Kundi tayo 'din ang kawawa." paalala ni Becca. "Hindi mo ba alam na gagawin natin 'to?" tanong ni Jerome kay Liza. Umiling lang ito sakanya. "Gusto mo ba ng kape, Jerome?" alok ni Becca. Napangiti ang binata sakanya.

Inilabas ni Becca ang dala-dala niyang lalagyang ng tatlong sangkap. Naglabas siya ng tatlong mug. "Gusto mo 'din ba, Rinnah?" Nagthumbs-up lamang ito sakanya. Nilagyan na niya ng asukal, kape, at creamer ang mga tasa. Hinintay nilang uminit ang pinakulo nilang tubig. Pagkatapos ay gumamit ng pot holder si Jerome at hinawak ang takure at ibinuhos ang mga ito sa tasa. Nakapagtatakang nakalabas ang mga utensils ng school cookery. 'Yun 'din ata ang ginamit nila kagabi.

Hinalo na ni Becca ang mga kape gamit ang kutsara. Iniabot ang isang mug kay Jerome at ang isa naman kay Rinnah. "Drink it well." sabi ni Becca. Napangiti lang sakanya si Rinnah. "Oishī." "Buti nalang at naintindihan ko iyon. Masarap ba?" Tumango siya bilang tugon.

"Ah! Alam ko na ang itatawag mo sakin, Becca. Jem nalang! Short for Jerome." sabi ng binata. "You can call me 'Rine' too." sabi naman ni Rinnah. Napangiti lang si Becca sakanila. Matapos nilang maubos ang kanilang mga kape ay nagtipon na sila upang gawin ang unang activity. Pinagmasdan nilang maigi ang paligid dahil ang sabi ng note ay may nakamasid sakanila.

Naghanap ng mga sanga sina Nathaniel at Jack. Iyon ang gagamitin nilang pangguhit sa lupa ng bahay. Patintero ang laro na kailangan nilang gawin, kaya 'yun ang susundan nila. Kahit na wala silang nakitang nakamasid sa mga ginagawa nila ay naglaro padin sila, at wala 'din naman silang gagawin. Nag-alis-taya silang lahat, lima laban sa lima.

"Lahat ng puti, sila ang unang maglalaro at lahat ng itim ay sila ang taya. Handa na kayo?" bigkas ni Nathaniel. Mukhang ganado ang lahat para sa laro. Isa-isa nilang ipinatong ang kanilang mga kamay sa itaas ng kay Nathaniel. Sabay-sabay na binigkas nila ang 'Alis-Taya' at ibinagsak ang mga kamay sa ere.

Napatingin ang lahat sa kani-kanilang mga kamay. Ang mga naka-'puti' ay sina Liza, Jerome, Ashley, Jack, at Rinnah. Samantalang ang mga naka-'itim' naman ay sina Becca, Mikee, Markie, Nathaniel at Lyneth. Lahat sila'y masaya para sa mga kagrupo nila. "Oh, kami ang puti kaya kami ang mauuna!" sabi ni Jerome. Nagpwesto na ang bawat isa saamin at nagtungo sa mga istasyon.

"Alam niyo na ang mechanics ng game, diba?" tanong ni Jack. Ang iba ay hindi sigurado. "Una, tatapikin ng leader ng grupo ang bantay ng pintuan ng bahay. Pagkatapos makapasok, kailangan makapasok ang iba pa ng hindi nahahawakan ng mga bantay. Maliwanag ba?" tanong ni Jack. Sumang-ayon ang lahat. Ilang segundo ang nakalipas at inumpisahan na nila ang laro.

Tinapik ni Jerome ang kamay ni Markie na nasa unahan atsaka niya ito hinayaang pumasok. Nilito si Markie ng dalawa pa kaya mabilis silang nakapasok. "Brad, ayusin mo namang maglaro!" biro sakanya ng nakapasok na si Jack. "I'm not a brad, isn't obvious, like duh?" tanong ni Markie na dahilan kaya nakasapok si Liza. "Belats!" asar ni Liza at dinelatan pa si Markie.

Mabilis na naglakad lang si Liza na parang walang bantay. Napakamot-ulo na lamang sina Becca at Nathaniel. Nasa huling pintuan si Lyneth, at maigi niyang binantayan si Liza. Nang madistract si Lyneth ay nakalabas na ng bahay si Liza. "Shoot! One point for Jerome's team!" bigkas ni Jack. Napabuntong-hininga nalang ang lahat.

Nagpalit ng pwesto sina Mikee at Markie dahil hindi marunong magbantay si Markie sa harap. Unang tinapik ni Liza ang kamay ni Mikee, dahil siya ang naka-point kanina. Matalas na binantayan ni Mikee sina Becca, at as usual, nalusutan na naman siya ni Jack. Sinubukang pumasok ni Rinnah pero na-out siya nang mahawakan siya ni Mikee. "Out!" sigaw ni Lyneth. Nagdiwang ang grupo nina Lyneth dahil natalo sila sa ikalawang pagkakataon.

"It's our turn." bigkas ni Nathaniel at nagtungo sa harap. Ang bantay ng grupo nina Jerome ay si Jerome mismo. Unang tinapik ni Nathaniel si Jerome, mabilis lang niyang nalagpasan si Liza dahil nag-iinarte ito na kesyo ayaw daw niyang maging taya. Nalagpasan pa ni Nathaniel si Rinnag at Ashley hanggang sa mapadpad siya sa goal. "Shoot! One point for Lyneth's team!" sigaw ni Nathaniel.

"I won't do this anymore. Ayoko ng taya." bigkas ni Liza at naglakad papalayo. "Ang arte talaga ng babaeng 'to kahit kailan. Pigilan niyo ko at baka masampal ko 'yan." bigkas ni Mikee. Pinigilan siya ni Ashley. "Chillax, sister. You don't need to fight." pigil sakanya nito. Humingang malalim si Mikee. Pikon pa naman ito kaya mabilis siyang pumatol sa mga taong naghahanap ng gulo. Ilang saglit ay narinig nilang sumigaw si Liza.

Lumapit ang lahat kay Liza na nakatayo sa harap ng bulletin board. "Sino naglagay nito dito!?" sigaw niya saamin. Lumapit si Jerome sakanya atsaka binasa ang nakasulat sa papel. "Ang unang makakalabas ng bahay, ang siya rin ang unang mamamatay." basa ni Jerome at mukhang ito pa'y nasa anyong patula. Inis na hinigpitan ni Liza ang kanyang kamao.

"B*tch! Ikaw ang may gawa nito, no!?" sigaw ni Liza kay Mikee. Napaharap si Mikee sakanya. "Anong tinawag mo sakin?" sagot naman ni Mikee sakanya. "Gawain lang naman ng isang b*tch ma katulad mo ang manakot ng tao!" sigaw pabalik ni Liza. Tinulak siya ni Mikee.

"Nakita mo bang ako ang gumawa niyan, ha! Nandon kaming lahat, ikaw lang ang nagpunta dito! 'Wag mo kong sisisihin!" sabi naman ni Mikee at ngumisi sakanya. "Sabagay, deserve mo namang unang mamatay. Masyado kang nag-iinarte!" sigaw ni Mikee. "What did you say!?" Nainis na si Liza sakanya kaya hinila niya ang buhok ni Mikee.

"Kung sa tingin mo, papatalo ako sa kaartehan mo, diyan ka nagkakamali!" saad ni Mikee habang hinihila ang buhok ni Liza. Gumanti naman ng hila si Liza. "Tama na! Tama na 'yan sabi!" sigaw ni Lyneth. Natakot si Rinnah sa mga susunod na mangyayari kaya nagtago siya sa loob ng kanyang tent. Sumunod lang si Becca sakanya. "Girls, will you please stop it!" sigaw ni Nathaniel sakanila.

Hindi na natiis ni Lyneth ang kanyang nakikita kaya lumapit na siya sa dalawa. Pinigilan niya si Mikee na maghiganti pero hindi niya magawa. "You also! You hate me so much that's why you want me to die! You witches!" sigaw ni Liza at sinabunutan 'din si Lyneth. "Get off my hair, you dimwit!" Ngayon naman ay si Mikee na ang nagpipigil kay Lyneth at mukhang nahimasmasan na yata.

"Will you all stop or I'll throw these to you!" sigaw ni Jack na nagpatigil sakanilang tatlo. Binitawan nila ang buhok ng bawat isa at tumayo ng maayos. Inayos ni Mikee at Lyneth ang nagulo nilang buhok. Inis na sumigaw si Liza bago siya nagmartya paalis at pumasok sa kanyang tent. Lyneth and Mikee didn't stopped with their death glares. "She ruined us! Pathetic, dimwit, retarded brat!" sigaw ni Mikee. Pinakalma sila ni Ashley.

--**--

Becca's POV

Kinagabihan...

"Everything will be fixed, alright? Sampung araw tayong magsasama dito. Sampo nalang tayo, tayo pa ang hindi magkakasundo?" bitaw ni Nathaniel ng kanyang saloobin. Nakaupo ngayon ang lahat at pinagharap nila ang tatlo upang pagbatiin. "As a starter, the three of you, say sorry to each other." sabi ni Nathaniel. Napasinghal ang isa sa kanila.

"Sorry." Mabilis na bigkas ni Mikee. Liza just rolled her eyes. "I'm sorry." Nag-alok ng pakikipagkamay si Lyneth pero tinapik lang ito ni Liza. Tinignan siya ng masama ni Nathaniel. Kunwari'y tinanggap niya ito atsaka bumulong sakanyang sarili na hindi ko naman gaanong narinig. "Now, everyone. Whoever posted that note on the bulletin board, please raise your hand." bigkas ni Nathaniel. Wala ni isa sa kanila ang nagtaas ng kamay.

"Nagsasabi kaming lahat ng totoo. Magkakasama tayong siyam kanina at si Liza ang nagtungo sa mga tent. Sino naman ang posibleng gagawa nito?" tanong saamin ni Jack. Nanatili kaming clueless kung paano naganap ang lahat ng ito. "You can't suspect anyone without evidence, Liza. Just remember that." bigkas ni Ashley sakanya. Kunyari'y sumasang-ayon siya dito pero wala parin siyang pakialam.

"You can go to sleep now." bigkas ni Nathaniel. Naghanda siya upang tumayo ngunit mukhang walang nakarinig sa mga sinabi niya. "Ano? Hindi pa kayo matutulog?" tanong ni Nathaniel. "Ang aga pa, Nath. Alas-otso palang, oh!" sabi naman ni Jack. "Whatever, I'm going to sleep." sabi ni Liza at nagtungo sa tent niya. Hinayaan lang siya ng mga ito.

"I'll take care of her." sabi ni Markie na ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon upang magsalita. Natahimik ang buong paligid. "Who wants to buy soda!" sigaw ni Jerome. Walang sumagot saamin. "Bakit? Naduduwag ka 'pag wala kang kasama?" tanong sakanya ni Lyneth. "H-hindi no!" bawi niya. Hindi nga siya takot.

"Ako na." bigkas ko naman. Hindi naman ako natatakot sa mga multo. Sabi nga nila, huwag kang matakot sa patay, kundi sa buhay. "Soda lang ba ang ipapabili mo, Jerome?" tanong ko. "Pabili nadin ako ng chips." sabi ni Ashley.

"Samahan na kita." bigkas ni Jack saakin. Ngumiti lang ako sakanya. "Huwag na. Kaya ko ng mag-isa." sabi ko naman. Wala na siyang ibang sinabi. Kinuha ko ang ibinigay na card saakin ni Ashley at ni Jerome. "At dahil mabait si Jerome, ililibre niya ako ng coffee drink gamit ang kanyang card!" sabi ko naman. Palusot kolang iyon upang makalibre sakanya.

"Sige, kung may balance pang natira. Hehe." sabi naman ni Jerome. Kuripot na lalaking 'to. "Kung wala ng balance ang card ni Jerome, you can swipe mine. Ako na nga 'tong humingi ng favor, eh." bigkas naman ni Ashley. Napangiti ako. "Thank you, Ash." sabi ko. Ngumiti siya pabalik. Dumaan muna ako sa tent at kinuha ang aking shoulder bag atsaka na nagtungo sa building kung nasaan nakalocate ang mga vending machines.

Naglalakad lamang ako sa corridor upang hanapin kung nasaan ang mga iyon. Hindi ko gaanong nakikita dahil medyo madilim nadin. Hindi pa naman ako nagdala ng flashlight at tanging ilaw ng buwan at mga bituwin sa langit ang nagpapaliwanag sa areang ito ng building. Ito kasing si Jerome, kalalaking tao, takot sa multo. Bilang kaibigan niya, at hindi ko naman weakness 'yon kaya pinagbigyan ko na siya.

Linibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Kung idedescribe itong school medyo luma, marumi, at nagmistulang inabanduna ang mga classroom, especially itong lugar na ito. Mostly sa mga classrooms dito ay naparenovate na, since ang iba ay itinayo pa dalawampu't pitong taon na ang nakalipas. Mabuti nalang at inuumpisahan na nila ang pagpapaayos nito.

Napahinga akong malalim. Dahil tuloy sa mga iniisip ko, tumaas ang mga balahibo ko. Bibilisan ko nalang ang pagkuha ng pagkain at inumin at aalis na kaagad. Asan kaya 'yung vending machine?

Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa marating ko ang dulo. Sa wakas, nakita ko 'din ang vending machine. Kinapkap ko ang wallet ng bulsa ko upang kunin ang card nina Ashley at Jerome para sa vending machine. Nang hugutin ko ito, isang papel ang nahulog kasama ang isang litrato. Hindi ko muna iyon pinansin at nagpress ng number sa vending machine. Swinipe ko 'din ang card nila.

Lumuhod ako sa harap ng machine atsaka inabangang malaglag ang tatlong drinks at isang chips na hiningi nila Ashley. Doon ko lang naalala ang tungkol sa nahulog na papel kanina. Pinulot ko ito at doon napansin na nakatupi pala ito. Nang buksan ko ito, isang mukha ng guro ang nakabura gamit ang bolpen. Sa palibot nito ay ang kanyang mga estudyante.

Isa iyong class picture.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C10
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login